Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Tanka at Haiku Aralin 2.1 (Unang Linggo ng Ikalawang Markahan )
Tanka Ang tanka ay may limang taludtod na tatlumpu’t isa (31) ang kabuuang bilang ng mga pantig . May hating 5-7-5-7-7 (ang ibang tanka ay may hating 7-7-7-5-5 ), pero puwede ring magkapalit-palit basta’t tatlumpu’t isa (31) pa rin ang kabuuang bilang ng pantig . Karaniwang katangian ng tanka ay magsaad ng damdamin tulad ng pagbabago , pag-iisa , o pag-ibig .
Haiku Ang haiku ay mas maikli kaysa sa tanka . May labimpitong ( 17 ) pantig lamang at may hati ng taludtod na 5-7-5 . Pero puwede ring magkapalit-palit ang kabuoang pantig basta labimpito (17) pa rin ang kabuoan . Gaya ng tanka , puno rin ng emosyon ang haiku. Karaniwang paksa ng haiku ang kalikasan at pag-ibig .
Kabilang sa pananalinghaga ang tayutay o figures of speech: Dahil tula , kailangang magtaglay ang tanka at haiku ng talinghaga , ang paggamit ng maririkit pero may tagong kahulugang mga salita .
Tayutay o Figure of Speech Pagwawangis o metapora (metaphor) ang madalas na ginagawang kasangkapan . Halimbawa : kapag sinabing ang isang tao ay tinik sa dibdib , nangangahulugang itinuturing ang taong yaon na may malaking problema . Pagtutulad o simile kapag nilagyan ang salita ng panuring na gaya ng parang , animo (ka) gaya , (ka) tulad . Halimbawa : gaya ng tinik sa dibdib , o parang mabangong bulaklak .
Pagsasatao o personipikasyon naman ang isang talinghaga kapag ikinakabit ang katangian , galaw o kilos ng tao sa isang bagay , halaman , o elemento . Halimbawa : Paghihip ng hangin ay inihahayag na “ nilalandi ako ng hangin ” o sa halip na pag-ulan , ang gagamitin ay “ pagluha ng langit ” Pagmamalabis o exaggeration o hyperbole naman ang tawag kapag sobra ang paglalarawan at mahirap maganap sa tunay na buhay . Halimbawa : “ Walang hanggang lumbay ” dahil ang paghihirap ay hindi naman gayong tuloy-tuloy .
Apostrophe o panawagan naman ang talinghalaga kapag wala ang bagay o bahagi ng kalikasan na siyang kinakausap ng persona o nagsasalita sa tula . Halimbawa : Ang pagsasabing “ Halika , ulan , pasayahin mo ako .”
Panuto : Pag- aralan ang tanka at haiku. Punan ng wastong sagot ang mga kahon sa ibaba . Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel . Kalikasan at pag-ibig 17 5 3 5-7-5-7-7 5-7-5 Pagbabago , Pag- iisa , at Pag- ibig 31
Panuto : Punuin ang talahanayan . 7-5-7-7 7-5 Pag- asa at paghihintay Pait at pagkalungkot Araw at buwan Hangin Puno ng emosyon at madamdamin Nakikiusap at madamdamin
Output 2.1 Panuto : Isulat ang mga parirala sa paraang tanka at haiku, salungguhitan ang mga salita o pariralang maaaring baguhin upang tumugma sa sukat ng pantig ng tula . Gawin ito sa iyong sagutang papel .
Output 2.1 Panuto : Sumulat ng isang payak na tanka at haiku gamit ang mga sumusunod na paksa o tema : Tanka: pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig Haiku: kalikasan o pag-ibig . (Tanka) _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ . (Haiku) _____________________ _____________________ _____________________
Punan ang patlang . Kung susulat ako ng sariling tanka dapat ay tandaan ko na ito ay may ________________ taludtod na ________________ ang kabuoang bilang ng mga pantig . May hating 5-7-5-7-7 (ang ibang tanka ay may hating 7-7-7-5-5).