“Grabe, si Ano, inano niya si Ano!” “Saan pa- ano ang jeep na ito ?” “ Tumigil ka na kundi maaano ka!” “Kung anohin mo kaya iyang inaano mo ?” Pansinin ang mga sumusunod :
PWEDE BANG MAGTANONG?
Ano ba talaga ang itinatanong ng “ Pwede bang magtanong ? ” Dalawa ang matutunan dito na maaaring ihambing sa pilsopiya .
1. Hindi humihingi ng pahintulot o permiso ang nagtatanong .
Sa halip ay hinihiningi sa kausap na tumulong o maging gabay sa taong nawawala. Ganito sa pilosopiya. Ang pilosopiya ay tanong at ang tanging paraan upang makapamilosopiya ay sa pamamagitan ng pagtatanong.
Tanging tanong ang makapagbibigkas nang sabay sa kalagayang ng tao bilang walang alam at sa nais niyang marating: ang makaalam. Humihingi ito ng kasagutan na siyang nagtatawid sa tao sa mamaya at bukas.
Ano-ano ang mga pangyayari sa loob ng tanong?
2. Hindi maiiwasang gawin ang pagtatanong .
Ipinapakita ng tanong ang atitud ng pag-iisip . Itinuturo ng tanong ang meron. Sinasabi ng tanong na meron pa. Tumingin ka lang.
Ayon sa kasabihan : “Ang mangmang daw , sa halip na tumingin sa buwan , ang daliri ang tinitingnan .”
P anturo at itinuturo
panturo Ang mga salitang bumubuo sa tanong ang nagsisilbing panturo
itinuturo Ito ang ang kalagayan ng nagtatanong
Kung ang titingnan lamang ay ang PANTURO, hindi makikita ang meron at ang kontesktong ginagalawan nito . Kaya marapat lamang na ang pagtuunan ng pansin ay ang ITINUTURO dahil iyon ang mas makabuluhan .
Ayon sa sinabi sa Munting Prinsipe ni St Exupery , “Ang mga magagandang bagay ay di nakikita , kundi nadadama lamang ng puso.” HALIMBAWA:
dice and stories
Mabuhay ka sa talagang nagyayari at hindi sa mga panturo lamang. Sagutin ang tanong na “ Puwede bang magtanong ?” ng “ Ano iyon ?” Dalhin ang nagtatanong sa alam mong ito – nang maging mabunga pa ang inyong pag-uusap .
Sa pilosopiya , mahalaga ang pagtatanong at ang angkop na pamamaraan ng pagtatanong sa paghahanap sa katotohanan. Mahalagang makita ang konteksto o kalagayan ng tanong — bakit nagtatanong , ano ang kalagayan ng nagtatanong — upang maunawaan ang bagay-bagay na makatutulong para makita ang katotohanan .
Hindi Pinag-isipang Tanong at Matinong Tanong
“ Iaakyat ko ba ito sa taas ?” “ Ipapasok ko ba ito sa loob ?” PANSININ ANG MGA SUMUSUNOD:
“Ma’am , ¼ po ?” PANSININ ANG MGA SUMUSUNOD:
Ang mga tanong na nabanggit ay halimbawa ng hindi pinag-isipang tanong . Hindi ito ang nais sa pamimilosopiya . Sa halip ay matinong tanong ang nais mabuo upang umusad ang pag-uusap .
Dahil sa sa katamarang tumingin at mag-isip, madalas padalus-dalos sa pagbigkas ng meron. Kung sumakto man sa meron, madalas tsamba.Madalas na bukambibig: “Alam ko na ‘yan!” o “Been there, done that." Kaya naman madalas ay nagkakamali o di kaya’y gumagawa ng paghusga kahit hindi sapat ang datos.
Mula sa Much Ado About Nothing ni Shakespeare, sinasabing ang pagiging mausisa ng pusa ang papatay sa kanya (“Curisosity killed the cat.”). Subalit sa pilosopiya, dapat maging mausisa, magtaka, magtanong. Dapat dumanas. Ito ay upang makita ang meron. Sa pagtatanong, may malalaman, may matutunan.