ARALIN 2 Monolingwalismo at Bilingwalismo.pptx

jojodevera1 7 views 20 slides Sep 09, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

Aralin sa Komunikasyon


Slide Content

ARALIN 2: MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO AT MULTILINGGUWALISMO

Alam mo Ba? Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipagusap sa kapwa ay isang katangiang unique o natatangi sa tao .

Alam mo Ba? Chomsky (1965)- pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao at wala sa ibang nilalang tulad ng hayop .

Alam mo Ba? Nagagamit ng tao ang wika upang makapagpahayag ng kanyang karanasan , kaisipan , damdamin , hangarin , at iba pang batay sa pangagailangan at sa angkop na sitwasyon o pagkakataon kaya naman masasabing ang wika ay natatangi sa tao at hindi sa ibang nilalang .

UNANG WIKA Unang wika ang ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao . Tinatawag din itong katutubong wika , mother tongue, arterial na wika , at kinakatawan din ng L1. Sa wikang ito pinakamataas o pinakamahusay na naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya , kaisipan , at damdamin .

PANGALAWANG WIKA Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure o pagkalantad sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-alaga , mga kalaro , mga kaklase , guro , at iba pa. Madalas ay sa mga magulang din mismo nagmumula ang exposure o pagkalantad sa isa pang wika dahil bibihirang Pilipino ang nagsasalita lang ng iisang wika . Ito na ngayon ang kanyang pangalawang wika o L2.

PANGATLONG WIKA Dito’y may ibang bagong wika pa sa uli siyang naririnig o nakikilala na kalauna’y natututuhan niya at nagagamit na sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa paligid niyang nagsasalita rin ng wikang ito . Ikatlong wika o L3 Sa Pilipinas , kung saan may mahigit 150 na wika at wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa , ay pangkaraniwan na lang ang pagkakaroon ng mga mamamayan ng ikatlong wika .

MONOLINGGUWALISMO Ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya , South Korea at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura . Sa dahilang napakaraming umiiral na mga wika at wikain sa ating bansa , ang Pilipinas ay maituturing na multilingguwal kaya’t mahihirapang umiral sa ating Sistema ang pagiging monolingguwal .

MONOLINGGUWALISMO Tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa . Iisang wika ang ginagamit sa wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura . May iisang wika ding umiiral bilang wika ng edukasyon , wika ng komersyo , wika ng negosyo , at wika ng pakikipagtalastasan sa pang- araw - araw na buhay .

BILINGGUWALISMO Ang patakarang bilingguwal ayon sa KWF ay pagtupad sa Artikulo XV, Seksiyon 2-3 ng 1973 Konstitusyon hinggil sa Filipino at Ingles bilang mga opisyal na wika ng komunikasyon at pagtuturo . Ang pangyayaring ito ay ipinagpatuloy sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng 1987 Konstitusyon . “ Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga’t hindi binabago ang batas , ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas ”.

BILINGGUWALISMO Leonard Bloomfield (1935)- isang amerikanong lingguwista . Paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang kanyang katutubong wika . John Macnamara (1967)- isa pa ring lingguwista . May sapat na kakayahan sa isa sa limang makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig , pagsasalita , pagbabasa , pagsulat at panonood sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika .

BILINGGUWALISMO Uriel Weinreich (1953)- isang lingguwistang polish- American Paggamit ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na bilinggwalismo at ang taong gagamit ng mga wikang ito ay bilinggwal . Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang unang wika nang mataas sa lahat ng pagkakataon .

Balanced Bilingual Nagagamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika ng halos hindi na matukoy kung alin sa dalwa ang una at ang pangalawang wika . Mahirap mahanap ang mga taong nakagagawa nito dahil karaniwang nagagamit ang bilingguwal ang wikang mas naaangkop sa siwasyon at sa taong kausap .

MULTILINGGUWALISMO Ang pagkakaroon ng natural na kasanayan at kahusayan sa paggamit ng higit pa sa dalawang wika . Kinikilala rin sa larangan ng edukasyon sa ating bansa ang multilingguwalismo bilang patakarang pang- edukasyon dahil sa ating karanasang pangkasaysayan at sa likas na pagiging mayaman ng ating bansa sa iba-ibang wika at kultura . Ito ang patakarang pangwika kung saan nakasalig sa paggamit ng pambansang wika at wikang katutubo bilang pangunahing midyum sa pakikipagkomunikasyon at pagtuturo bagama’t hindi kinalilimutan ang wikang global bilang mahalagang wikang panlahat .

MULTILINGGUWALISMO Ang Pilipinas ay maituturing na isang bansang multilingguwal at kailanmay hindi maituturing na monolinguwal . Karamihan sa ating mga Pilipino ay nakapagsalita at nakaunawa ng Filipino, Ingles at isa o higit pang wikang katutubo o wikang kinagisnan

Mother Tongue Based- Multilinggual Education (MTB-MLE) Ipinatupad ng Deped ng K to 12 Curriculum ang paggamit ng unang wika bilang panturo particular sa kindergarten at Grade 1, 2, at 3. Mas epektibo ang pagkatuto ng bata kung unang wika ang gagamitin sa kanilang pag-aaral . Base sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1970 ) napatunayan nila ang bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral .

Mother Tongue Based- Multilinggual Education (MTB-MLE) Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa , sa pag-unawa ng paksang aralin , at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika . Gagamiting wikang panturo ang Filipino at Ingles sa mas mataas na antas ng elementarya , gayundin sa high school at kolehiyo

Pangulong Benigno “P- Noy ” Aquino We should become tri-lingual as a country. Learn englis well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and connect to your heritage.

Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal . Mayroon tayong mahigit 150 wika at wikain kaya naman bibihirang ang Pilipinas ay maging monolingguwal . Karamihan sa atin , lalo na sa mga nakatira sa labas ng Katagalugan , ay nakapagsasalita at nakauunawa ng Filipino, Ingles, at isa o higit pang wikang katutubo na karaniwang ang wika o mga wikang kinagisnan .

GAWAIN 5 Sagutin ang sumusunod na mga tanong . 1. Ano ang monolingguwalismo ? 2. Ang bilingguwalismo ? 3. Ang multilingguwalismo ? 4. Sa paanong paraan nagkakaiba-iba ang mga ito ? 5. Kung ikaw na ang magiging magulang , papayag ka bang ang anak mong tuturuan agad ng unang wika ? Bakit ?
Tags