ARALIN 2-PANITIKAN- SI PELE, ANG DIYOSA NG APOY AT BULKAN - Copy.pptx
ndumdum
247 views
94 slides
Sep 01, 2025
Slide 1 of 94
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
About This Presentation
ARALIN 2-PANITIKAN- SI PELE, ANG DIYOSA NG APOY AT BULKAN - Copy.pptx
Size: 17.9 MB
Language: none
Added: Sep 01, 2025
Slides: 94 pages
Slide Content
Si Pele, ang diyosa ng apoy at bulkan ( Mitolohiya mula sa hawaii ) ARALIN 2-PANITIKAN
Hawaii
ALAM MO BA? Ang Hawaii ang ika-50 at pinakahuling estado ng Amerika na naitatag lamang noong Agosto 21, 1959. Ito ay binubuo ng walong malalaking islang tinitirhan ng mga tao at 124 na mas maliliit na islang walang naninirahan .
ALAM MO BA? Ang bansang Hawaii ay nahahati sa apat na lungsod : Honululu Kauai Maui Isla ng Hawaii na tinatawag ding “The Big Island”.
ALAM MO BA? Ang isla ng Hawaii ay pinaniniwalaang nabuo dahil sa pagsabog ng bulkang Mauna Loa nang dahil sa pag-aaway ng magkapatid na diyosang sina Namaka at Pele, mga pangunahing tauhan sa tatalakaying mitolohiya .
Ito ang kaisa-isang estado ng Amerika na may tropikal na kagubatan . Ito rin ang kaisa-isa nilang estadong nagtatanim ng kape , cacao, at vanilla beans. Ang isla ng Hawaii na kilala ring The Big Island na sinasabing tahanan ni Diyosang Pele ay nadadagdagan ng 16 na ektaryang lupa taon-taon , dahil sa patuloy na pagsabog ng Bulkang Kilauea/Mauna Loa . Ang bulkang ito ay 30 taon nang patuloy na sumasabog .
Walang makikitang billboard sa Hawaii dahil may batas silang nagbabawal nito . Ang tatlo pang estado sa Amerika na nagbabawal din ng billboard ay ang Alaska, Maine , at Vermont.
Ang tunog ng busina ay ipinagbabawal din sa Hawaii. Karaniwang mabagal ang takbo ng buhay sa isla na tinatawag na “Aloha Lifestyle” kaya’t hindi na kailangang magmadali sa pagmamaneho . Dahil dito’y hindi na nila kailangang bumusina . At dahil nga isang isla sa gitna ng malawak na karagatan , wala ring mga dayuhang sasakyang makikita rito kaya napapanatili nila ang nakagawiang paraan ng pagmamaneho .
Huwag na huwag kang susubok na tumawid sa maling tawiran o tumawid kung nakaberde pa ang ilaw-trapiko kapag ikaw ay nasa Hawaii. Kung hindi maghanda ka na ng $130 na multa dahil mahigpit nilang ipinatutupad ang “No Jaywalking” sa islang ito .
Ang isa pang wala sa isla ng Hawaii ay ang AHAS kaya’t ligtas maglakad-lakad maging sa kanilang kagubatan . Ang dahilan nito ayon sa Discover.com ay ang kinalalagyan ng Hawaii na nasa kalagitnaan ng Karagatang Pasipiko kaya’t ang tanging paraan para maabot ito ng mga hayop ay kung lalangoy o lilipad sila patungo rito .
Si Pele, ang diyosa ng apoy at bulkan ( Mitolohiya mula sa hawaii )
“ Ang magkakapatid ay dapat magtulungan at magkaisa dahil ang hindi mabuting relasyon nila’y makasisira sa pamilya .”
Paano maaaring mapanatili ang pagkakasundo at magandang samahan ng magkakapatid ? Bakit mahalagang maging maayos ang relasyon ng magkakapatid ?
Sina Diyosang Pele at Diyosang Namaka ay magkapatid subalit naging mortal na magkaaway . Dahil sa hindi nila pagkakasundo’y naapektuhan na rin maging ang kanilang magulang at mga kapatid . Saan kaya hahantong ang hindi pagkakasundo ng magkapatid ?
Paunang gawain : SIMULAN NATIN ( Pahina 131) May kapatid o mga kapatid ka ba ? Isulat ang pangalan nila sa kahong nasa ibaba at saka gumuhit ng emoticon na maglalarawan sa nararamdaman mo para sa bawat pangalang isusulat mo. Kung wala kang kapatid ay isulat ang pangalan ng tao o mga taong itinuturing mong parang kapatid .
Paunang gawain : PAYABUNGIN NATIN A at B ( Pahina 132-133)
PELE - Ang diyosa ng APOY.
NAMAKA - Ang diyosa ng TUBIG.
HAUMEA -Siya ang diyosa ng MAKALUMANG KALUPAAN, ang ina nina Pele at Namaka at ang asawa ni Kane Milohai .
KANE MILOHAI - Siya ang diyos ng KALANGITAN at asawa ni Haumea.
HI’IAKA - Siya ang diyosa ng HULA at ng mga MANANAYAW. Siya ang bunsong kapatid ( na nasa itlog pa lamang ) na ipinagkatiwala nina Haumea at Kane Milohai kay Pele.
LOHI’AU - Siya ang kasintahan ni Pele na tinulungan ni Hi’iaka , ngunit ayon sa kuwento , minahal naman siya nito .
OHI’A -Si Ohi’a ay isang lalaki na nagustuhan ni Pele, pero tinanggihan siya nito dahil siya’y may asawa na. LEHUA -Si Lehua naman ang asawa ni Ohi’a .
Ohi’a Lehua Tree
HOPOE Siya ay matalik na kaibigan ni Hi’iaka . Siya’y namatay at nagmistulang bato dahil natabunan siya ng lava.
KANE-MILO - Panganay na kapatid na lalaki nina diyosang Pele at Namaka .
TAGPUAN Hawaii Tahiti- Tirahan ng pamilya ni Haumea at Kane Milohai Mauna Loa- Bundok kung saan naninirahan si Pele.
PAGBASA SA MITOLOHIYANG “SI PELE, ANG DIYOSA NG APOY AT BULKAN”
Halina’t sama-sama nating panoorin ang mitolohiyang nagmula sa bansaang Hawaii.
PAGTALAKAY SA ARALIN
Tahimik na namumuhay sa maganda at masaganang lupain ng Tahiti ang mag- asawang si Haumea, ang diyosa ng makalumang kalupaan at si Kane Milohai , ang diyos ng kalangitan kasama ang kanilang anim na anak na babae at pitong anak na lalaki .
Subalit habang lumalaki ang kanilang mga anak ay unti-unting nawawala ang kapayapaan at katahimikan sa kanilang tahanan dahil sa matinding alitang namamagitan sa mga anak nilang sina Pele, ang diyosa ng apoy at si Namaka , ang diyosa ng tubig .
Nag- ugat ang matinding awayan ng magkapatid sa paniniwala ni Namaka na inagaw ng kapatid na si Pele ang kaniyang kabiyak . Noong una’y pilit inaayos ng magulang ang alitang ito . Katunayan , ninais nilang maging isa ring diyosa ng tubig si Pele tulad ng kapatid na si Namaka .
Inaakala nilang makatutulong ito upang magkasundo ang magkapatid subalit hindi ito natupad sapagkat nang madiskubre ni Pele ang apoy sa kailaliman ng lupa , labis siyang naakit at wala nang sinumang magkapaglalayo sa kaniya at sa apoy .
“ Napakaganda ng apoy , Ina. Bakit ba ninyo ako pilit inilalayo rito ?” ang madalas niyang sabihin sa ina kapag nahuhuli siyang nakikipaglaro sa apoy . “ Mapanganib iyan sa iyo at sa iyong mga kapatid ,” ang paalala naman ng kanilang ina subalit hindi nito nabago ang pagkaakit ni Pele sa apoy .
Hindi nga nagkamali si diyosang Haumea sa pagpapaalala sa anak . Isang araw , sa muling pakikipaglaro ni Pele sa apoy ay aksidenteng nasunog ang kanilang tirahan , ang buong isla ng Tahiti.
Galit na galit si Namaka nang malaman ang ginawa ni Pele at nagbantang paahunin ang tubig sa buong isla upang lumubog ito sa baha .
Sa takot ng mag- asawang Haumea at Kane Milohai para sa kaligtasan nilang lahat ay agad-agad nilang isinakay ang kanilang buong pamilya sa isang bangka . Si Pele ang naatasang gumaod at magdala sa kanila sa isang isla upang makatakas sa poot ni Namaka .
“ Ahhhhhh , hindi kayo makakalayo ! Susundan kita , Pele, kahit saan ka magpunta !” ang galit na galit na pagbabanta ni Namaka . Subalit naging napakabilis ng paggaod ni Pele kaya’t hindi na sila inabutan ng nagngingitngit na kapatid . Bukod sa layuning mailayo ang pamilya sa galit ni Namaka ay mayroon pa siyang isang mahalagang misyon .
Sa kaniya ipinagkatiwala ng magulang ang kaniyang bunsong kapatid na noo’y nasa loob pa ng isang itlog at hindi pa napipisa . Habang mabilis siyang gumagaod ay buong ingat niyang inilagay sa kaniyang kandungan ang itlog upang maiwasang mabasag at upang ito ri’y mainitan .
Pagkatapos ng mahaba at nakapapagod na paglalakbay ay sumapit na rin ang mag- anak sa isang isla . “ Dito muna tayo titigil , ama , ina ,” ang sabi ni Pele. “ Mainam tirhan ang lugar na ito dahil kakaunti pa lang ang nakatira . Magiging ligtas tayo rito ,” dugtong pa niya . At sa islang iyon nga pansamantalang nanirahan ang mag- anak .
Sa islang ito napisa mula sa itlog at lumaking isang napakagandang dalagita na may likas na hilig sa pag-awit at pagsayaw ang bunsong kapatid na pinag-ingatan nang labis ni Pele. Pinangalanan siyang HI’IAKA. Dahil sa kaniya nagmula ang hula na isang sagradong sayaw , si Hi’iaka ay itinuring na diyosa ng hula at ng mga mananayaw .
Ang mga tao sa isla ay labis na humanga sa kagandahan nina Pele at Hi’iaka gayundin sa husay ni Hi’iaka sa pagsasayaw ng hula. Subalit hindi lahat ay natuwa sapagkat may apat na diyosa ng niyebeng naninirahan din sa isla ang naiinis sa magkapatid dahil sila na lang ang nabibigyang-atensiyon at paghanga ng mga tao . “Hindi sila dapat narito .”
Ginugulo nila ang isip ng mga tao sapagkat sa kanila na lang nauukol ang kanilang paghanga . “ Kailangang mapaalis natin sila ,” ang sabi ng pinakapangulo ng apat na diyosa .
Kaya naman , sa tuwing makapagpapatayo ng tahanan si Pele para sa kaniyang pamilya ay binubugahan nila ng niyebe ang tahanan . Napilitan tuloy ang pamilyang magpalipat-lipat ng tirahan sa mga kalapit na isla .
Subalit sa pagpapalipat-lipat nila’y hindi rin naman sila nakaligtas sa matataas na along ipinadadala ni Namaka na nag- aabang lang pala sa dagat . Sa huli’y nakahanap din si Pele ng isang ligtas na lugar para sa kaniyang pamilya .
Ito’y sa isang napakataas na bundok na tinatawag na MAUNA LOA. MAUNA LOA- Ito ang pinakamataas na bundok sa buong mundo kung susukatin ang taas nito mula sa bahaging nakalubog sa karagatan . Subalit kahit nasa mataas na lugar na sina Pele ay hindi basta sumuko si Namaka .
Pilit niyang pinaabot sa tuktok ng bundok ang mga along kaniyang pinakakawalan . Hindi naman nagpatalo si Pele. Sa wakas, nagamit niya ang apoy upang makaganti kay Namaka . Sa kagustuhan na rin niyang mailigtas ang kaniyang pamilya ay pinagliyab niya ang apoy sa pusod ng bundok .
Ang init ng apoy mula sa kailaliman ng bundok ay naging dahilan ng pagputok nito . Ang lumabas na laba sa tuktok ng bundok ay gumulong pababa at tumabon sa malaking bahagi ng dagat na nasa ibaba nito .
Nang matuyo ang makapal na lava ay naging kalupaan ang paligid ng sumabog na bundok at tinawag na ngayong isla ng Hawaii o “The Big Island.”
Bagama’t nanalo siya sa matinding labanan nila ni Namaka , labis na nanghina ang katawang lupa ni Pele at siya’y namatay . Subalit ang kaniyang espiritu ay nanatili at nagagawa nitong baguhin ang kaniyang anyo sa anumang itsurang nais niya .
Minsa’y nakikita siya bilang isang magandang babaeng may mahaba at nakalugay na buhok , minsa’y isang matandang sumusubok sa kabutihan ng mga mamamayan , minsa’y isang maliit na asong puti , at iba pa.
Minsan sa kaniyang pamamasyal sa paligid ng bulkan , siya’y nagbalatkayo bilang isang magandang dalaga . Doon niya nakita ang isang makisig na lalaking nagngangalang OHI’A.
Agad inakit ni Pele ang lalaki subalit buong galang siya nitong tinanggihan sapagkat siya’y may asawa nang mahal na mahal niya . Nakita nga ni Pele si LEHUA , dumating ito upang dalhan ng tanghalian ang asawang si Ohi’a .
Kitang-kita ni Pele kung paanong niyakap at hinagkan nang buong pagmamahal ni Ohi’a ang kaniyang asawa . Dala ng matinding galit at paninibugho ay kumawala kay Pele ang matinding apoy na tumama kay Ohi’a kaya’t ito’y naging isang sunog na puno .
Nang makita ni Lehua ang nangyari sa asawa ay buong pait na niyakap niya ang puno habang lumuluha at nagmamakaawa kay Pele. “ Maawa ka diyosang Pele,” ang pakiusap niya . “ Buhayin mo po ang asawa ko o gawin mo na rin akong isang halaman upang magkasama na kami habambuhay . Hindi ko kakayaning mapawalay sa kaniya , mahal na mahal ko po siya ,” ang pagmamakaawa nito habang patuloy ang walang katapusang pagluha .
Sa walang tigil na pagluha at pakikiusap ng babae ay lumambot ang puso ni Pele at pinagsisihan ang kaniyang nagawa . Ginawa niyang isang halamang may pino at magagandang bulaklak si Lehua na ikinapit niya sa puno ng Ohi’a . Naging espesyal sa kaniya ang puno ng Ohi’a Lehua kaya’t ang mga ito ang unang-unang sumisibol sa nabubuong lupa mula sa lava ng pumuputok na bulkan .
Mula noon hanggang ngayon , lagi nang magkadikit ang puno ng ohi’a at ang mga bulaklak ng lehua . Katunayan , may paniniwala sa Hawaii na habang magkadikit ang ohi’a at lehua ay maganda ang panahon . Subalit kapag biglang umulan nang malakas ay naniniwala silang may pumitas sa bulaklak ng lehua .
Ohi’a Lehua Tree
Pinaniniwalaang ang ulan ay dala ng mga luha ni Lehua na ayaw mawalay sa kaniyang pinakamamahal na si Ohi’a . Subalit hindi pa rito nagtatapos ang kuwento sa pagiging sobrang selosa ni Pele at hindi inaasahang ang magiging kasunod pa niyang biktima ay ang pinakapaborito niyang kapatid na si Hi’iaka .
Isang araw , habang tahimik at masayang naglalaro sa hardin at nag- aalaga sa mga tanim na Ohi’a Lehua sina Hi’iaka at ang matalik niyang kaibigang si Hopoe ay tinawag siya ni Pele. “ Hi’iaka , sunduin mo ang bago kong kasintahang si Lohi’au . Isa siyang makisig na lalaki . Binabalaan kita , dalhin mo siya rito at huwag mong aakitin ,” ang habilin ni Pele sa kapatid . “ Masusunod po , Ate Pele,” ang sagot naman ni Hi’iaka .
“ Dadalhin ko rito si Lohi’au para sa iyo pero alagaan mo sana ang aking hardin habang wala ako .” Pumayag si Pele at si Hi’iaka ay nagsimula na sa isang mahaba at mapanganib na paglalakbay .
Napakarami palang halimaw at mga panganib sa kaniyang daraanan . Naging matagal ang kaniyang paglalakbay dahil nakipaglaban pa siya sa mga halimaw na ito bago marating ang pupuntahan .
Sa tagal ng paglalakbay ay nadatnan niya si Lohi’au na noo’y halos patay na dahil sa pagkakasakit at sa pag-aakalang nalimutan na ni Pele ang pangakong babalikan siya .
“ Kailangan mong gumaling , Lohi’au ,” ang sabi ni Hi’iaka sa binata . “ Hinihintay ka ni Ate Pele,” ang dugtong pa niya habang ginagawa ang lahat ng makakaya at ginagamit ang kung anumang mumunting kapangyarihang mayroon siya upang mabuhay ang binata .
Habang hinihintay na gumaling nang lubusan si Lohi’au ay unti-unting nagkakalapit ang kalooban ng dalawa subalit malaki ang paggalang ni Hi’iaka sa kaniyang ate at hindi siya gagawa ng bagay na makasasakit dito kahit pa nakadarama na siya ng pag-ibig sa binata .
Subalit hindi na mapakali si Pele sa tagal nang hindi pagbabalik ni Hi’iaka . Umabot na nang apatnapung araw ay hindi pa bumabalik ang bunsong kapatid . Kung ano-ano na ang kaniyang naiisip . Inakala niyang inakit na ni Hi’iaka ang kaniyang kasintahan .
Sa tindi ng selos at galit ay muling sumabog ang lava mula sa bulkan at nasunog nito ang harding ipinagbilin ng kapatid na alagaan niya . Sa kasamaang palad ay natabunan din ng lava at nasunog ang kaibigang matalik ni Hi’iaka na si Hopoe .
Sa kaniyang pagbabalik , malayo pa’y nakita na ni Hi’iaka ang ginawa ni Pele sa kaniyang hardin at nakita rin niyang patay na si Hopoe na nagmistulang taong bato dahil natabunan ng lava.
Labis niya itong ipinagdamdam at ikinagalit . At upang makaganti , nang malaman niyang natatanaw na sila ni Pele ay hinagkan at niyapos niya si Lohi’au na siyang muling nagpasabog sa galit ng kaniyang selosa at mainitin ang ulong kapatid .
Namatay si Lohi’au na isang mortal dahil sa dumaloy na lava mula sa sumabog na bulkan subalit si Hi’iaka na isang diyosa ay hindi nasaktan . Nang mamatay si Lohi’au ay napagtanto ni Hi’iaka na mahal na mahal pala niya ang binata .
“ Kuya , tulungan mo akong makuha ang kaluluwa ni Lohi’au sa kailaliman ng lupa ,” ang pakiusap niya sa panganay na lalaki , ang diyos na si Kane-milo. “ Sige , tutulungan kita . Napakarami nang nadadamay sa init ng ulo at wala sa lugar na pagseselos ni Pele,” ang sagot naman ng kaniyang kuya .
Namangka si Kane-milo patungo sa kailaliman ng lupa subalit hindi pa siya nakalalayo ay nakita na niya ang lumulutang na kaluluwa ni Lohi’au sa tabi ng kaniyang bangka . Muling ibinalik ni Kane-milo ang kaluluwa ni Lohi’au sa tabi ng kaniyang bangka .
Muling ibinalik ni Kane-milo ang kaluluwa ni Lohi’au sa kaniyang katawang-lupa kaya’t labis na naging masaya ang magsing-irog na si Lohi’au at si Hi’iaka nang sila’y muling makita .
Nagpasiya silang lumayo sa isla ng Hawaii at lumipat na lang sa isla ng KAUA’I at doon na manirahan upang makaiwas sa galit si Pele. At si Pele, pinagsisihan niya ang ginawa sa pinakamamahal niyang kapatid at kay Lohi’au .
Hinayaan na niya silang mamuhay nang tahimik at payapa . Hindi alam ni Hi’iaka na ang masaganang pagsibol ng anumang itanim sa kanilang mga lupain ay kagagawan ni Pele bilang pagpapakita ng pagsisisi at patuloy na pagmamahal sa kaniyang bunsong kapatid .
Sa kasalukuyan , patuloy pa ring nakaririnig ng mga kuwentong kaugnay ng diyosang si Pele. May mga nagsasabing nakapagsasakay sila ng matandang babaeng nakaputi na may dalang aso sa Kilauea National Park subalit paglingon nila ay wala na silang pasahero . Sa ilang nakunang larawan ng pagsabog ng bulkan ay nakikita raw ang mukha ni diyosang Pele.
Ang lahat ng naninirahan sa isla anuman ang relihiyon ay nagbibigay-galang sa diyosa . At bakit hindi kung nalalaman nilang may mahigit 200 gusali o estruktura na ang nasira ng pagsabog ng bulkan mula noong 1983 at higit pa rito , ang malalakas na pagputok ng bulkan ay nakapagdagdag na nang mahigit 30 hektaryang lupain sa timog silangang bahagi ng isla ng Hawaii.
MGA KATANUNGAN
1. Paano mailalarawan ang pamilya nina diyosang Haumea at diyos Kane Milohai noong una ? Ano ang naging kaugnayan nina Pele at Namaka sa pagbabago ng kalagayan ng kanilang pamilya ?
2. Bakit kinailangang lisanin ni Pele at ng kanilang buong pamilya ang kinagisnang tahanan ?
3. Maliban sa paggaod sa bangka , anong mahalagang bagay pa ang ipinagkatiwala ng mga magulang kay Pele? Ano ang pinatunayan ng pagtitiwalang ito sa pagkatao ni Pele?
4. Saan napadpad ang pamilya ni Pele? Ano- anong mga pinagdaanan nila bago narating ang tirahan sa bundok ng Mauna Loa?
5. Paano ipinakita ni Pele ang labis na pagmamahal at pagtatanggol sa kaniyang pamilya ?
6. Paano nabuo ang kalupaan sa palibot ng Mauna Loa na kalauna’y naging Isla ng Hawaii o tinatawag na ding “The Big Island”?
7. Saan nagmula ang halamang ohi’a lehua? Ano ang kinalaman ni Pele sa pangyayaring ito ?
8. Sa paanong paraan pa nakaapekto sa iba ang labis na pagiging mainitin ng ulo at pagiging selosa ni Pele?
9. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng magulang nina Pele at Namaka sa nangyari sa relasyon nilang magkapatid na nakaapekto na rin sa buong pamilya ? Kung ikaw ang magulang nila , ano ang gagawin mo sa una pa lang upang hindi na umabot sa ganito ang mga pangyayari ?