MGA LAYUNIN Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito ( e timolohiya ) Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong -bayan sa napakinggang usapan ng mga tauhan Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa sa daigdig
“ Ang labis na paghahangad sa kapangyarihan , n akapagtutulak sa taong gumawa ng kasamaan .”
Mahalagang Tanong : Bakit nakasasama ang labis na paghahangad ng kapangyarihan ? Ano ang maaaring mangyari kung mapunta ang kapangyarihan sa isang taong gahaman ?
Paunang Gawain Filipino 10: Pinagyamang Pluma
Simulan Natin “MABUTI AT MASAMA” Ang pagkakaroon ng mataas na ambisyon sa buhay ay maaaring nakabuti o nakasama . Sa paanong paraan ito makabubuti at sa paanong paraan naman ito nakasasama ? Punan ang mga kahon sa ibaba ng iyong mga sagot .
Batay sa isinulat mo sa mga kahon sa itaas , ano ang dapat gawin ng isang tao upang makabuti sa kanyang sarili at sa iba sa halip na makasama at magdulot ng kapahamakan ang isang matayog na ambisyon ?
Pagganyak : “AMBISYON” Panuto : Mag- isip ng mga salitang may kaugnayan at kinalaman sa salitang AMBISYON. Isusulat ang sagot sa isang graphic organizer.
Ang dula o drama ay isang nakakaaliw na kategorya sa panitikan . Ito ay ginagawa ng iba’t ibang aktor sa entablado sa harap ng madla o di kaya’y sa paraan ng pagiging isang pelikula . Mayroon silang dialogue at kasuotan na nakatutulong para ilarawan ang kanilang karakter . Ang mga pangunahing elemento ng dula na hindi maaaring mawala ay tema , tagpuan (setting), karakter , balangkas o plot, at musika , Maaari rin itong tawaging stage play o role play sa wikang Ingles.
MACBETH ni : William Shakespeare
Walang makapagpapatunay ng kanyang kaarawan ngunit ang isang lumang tala mula sa HOLY TRINITY CHRUCH ang nasasabing isinilang siya noong ABRIL 26, 1564. Umibig si Shakespeare at ikinasal kay Anne Hathaway noong siya ay 18 gulang pa lamang . Si Hathaway ay sinasabing nasa 26 gulang noon . William Shakespeare
Noong Abril 23, 1616, sa edad na 51 ay pumanaw si Shakespeare na isa pa ring misteryo kung anong sanhi magpasahanggang ngayon . William Shakespeare
Impormasyon tungkol sa akdang “Macbeth”
Ito'y isang dulang naganap sa bansang SCOTLAND. Ang dulang ito ay nagpapakita ng pinsalang pisikal at pangkaisipan dahil sa hangaring politikal na gustong makamit ang kapangyarihan para lamang sa sariling kagustuhan . Ang M acbeth ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na trahedya at isa rin sa pinakapopular sa mga dulang isinulat ni W illiam S hakespeare kung ang dalas o bilang ng pagtatanghal ang pag-uusapan . I to rin ang pinakamaikli sa mga dulang sinulat niya na halos kalahati lang ang haba ng isa pa niyang dulang “Hamlet.”
May mga pamahiing iniuugnay sa dula na kilala ng mga artista sa teatro bilang “The Curse of M acbeth .“ Maraming kwento ng kababalaghan ang iniuugnay rito . Isa sa mga kwento ang tungkol daw sa biglang pagkamatay ng batang lalaking gumaganap bilang Lady Macbeth sa araw ng unang pagtatanghal ng dula .
Marami pang ibang kwento tulad ng pagkakagamit daw ng totoong patalim sa halip na ‘di totoong patalim na nagiging sanhi ng pagkamatay ng tauhan . May mga ginagawa ang mga artista upang makaiwas sa kamalasang dala raw ng dula sa mga pagtatanghal nito . Isa na rito ang hindi nila pagbanggit nang malakas sa pamagat ng dula kapag sila'y nasa loob ng tanghalan maliban nalang sa aktuwal na pagsasadula . S a halip , tinatawag nila itong “The S cottish Play ” o “That P lay.”
Ang remedyo raw kapag aksidenteng nabanggit ang pamagat ng dula ay ang paglabas muna ng taong nakagawa nito , pag-ikot ng tatlong beses , pagdura , at pagmumura ng malakas . Gayunpaman , ang isang paliwanag kung bakit may mga nasasaktan sa pagsasadula nito ay dahil sa napakaraming eksenang may pisikal na labanan sa M acbeth. Hindi tuloy maiwasang may masaktan at kapag ang mga kuwentong ito ay nagpasalin-salin na sa bibig ng mga tao , nagiging bahagi ito ng “Curse of M acbeth.”
MGA TAUHAN
Thane ng Glamis Thane ng Cawdor Siya ang naging bagong hari ng Scotland at pumatay kay Haring Duncan sa kagustuhan ng kanyang asawa . MACBETH
Isang heneral at kaibigan ni Macbeth. Sa bandang huli , siya’y ipinapatay lang naman ni Macbeth. BANQUO
Sila’y may nakatatakot na itsurang tila mga bruhang hindi nagmula sa daigdig ng mga tao ; ayon sa kanila : Si Macbeth ay magiging Thane ng Cawdor at magiging hari balang araw at sa lahi naman ni Banquo magmumula ang tagapagmana ng korona . 3 MANGHUHULA
Kasalukuyang hari ng Scotland at nagsabing gusto niyang maghapunan at magpalipas ng gabi sa kastilyo ni Macbeth. HARING DUNCAN
Asawa ni Macbeth at tumukso rito na patayin si Haring Duncan, siya rin ang nagplano ng lahat para maging malinis ang pagpatay sa hari . LADY MACBETH
Isang kabalyerong pinagkakatiwalaan ng hari na nakadiskubre sa bangkay ni Haring Duncan at nagsuspetsa sa totoong pagkamatay nito . MACDUFF
Asawa ni Macduff na plano ring ipapatay ni Macbeth dahil sa pag panig ni Macduff kay Malcolm. LADY MACDUFF
Anak ni Haring Duncan at tagapagmana ng kaharian . Nakatatandang kapatid ni Donalbain . MALCOLM
Anak ni Haring Duncan at isa ring tagapagmana ng kaharian . Nakababatang kapatid ni Malcolm. DONALBAIN
Nagluklok kay Macbeth sa trono ; pero sa huli ay sinuportahan sina Macduff at Malcolm sa pagpatay kay Macbeth. MAHAHARLIKANG SCOTTISH
Sila ang mga inutusan ni Macbeth para patayin sina Banquo at ang anak nitong si Fleance . 3 MAMAMATAY-TAO
Anak ni Banquo na nakatakas mula sa balak na pagpatay sa kanilang mag- ama . FLEANCE
MACBETH ni William Shakespeare
Isang araw may dalawang matipuno at magigiting na sundalo na nagngangalang Macbeth at Banquo . Sila ay nagmula sa kaharian ng Scotland na matatagpuan sa kontinente ng Europa. Sila ay nakipagdigmaan laban sa mga rebelde at nagwagi r in sa huli . Pagkatapos ay nagtungo sila sa kanilang kaharian at sa kanilang paglalakbay ay may nakasalubong silang tatlong mangkukulam at binanggit nito ang kapalaran ng dalawang magigiting na sundalo . Ang kapalaran ni Macbeth ayon sa mga mangkukulam ay ang magiging hari siya balang araw at ang kay Banquo naman ay sa kanyang lahi magmumula ang magiging tagapagmana ng korona. S ila ay labis na nabigla sa mga nasambit at sinabi ng mga mangkukulam .
Hindi naglaon , dumating ang mga tauhan na ipinadala ni Haring Duncan upang pasalamatan at bigyan g- pugay ang kanilang pagkapanalo sa lumipas na digmaan . Kaya naman hinirang na “Thane of Cawdor” si Macbeth na kanyang ikinatuwa . Naging totoo ang sinabi ng mga mangkukulam . Pagkatapos nito ay sumulat si Macbeth sa kanyang asawa na si Lady Macbeth para ipaalam ang kanyang nakuhang posisyon at ang mga hula ng mga mangkukulam sa kanyang kapalaran . Nang makita ni Lady Macbeth ang liham , siya ay natuwa at naging sobrang sabik na makuha ang kaharian ni Haring Duncan. Dito niya napagtanto na ang tanging paraan lang upang maging hari ang kanyang asawa ay kinakailangan mawala ni Haring Duncan o kailangan nila siyang patayin . Subalit naguluhan ang isipan ni Macbeth kung dapat ba niyang sundin ang kanyang asawa dahil alam niyang mabuting hari si Haring Duncan.
Pero sa huli ay nakumbinsi siya ni Lady Macbeth upang patayin si Haring Duncan. Ang kanyang naging plano ay paiinumin ng alak ang dalawa ng bantay ng hari at pagkatapos ay saksakin ang natutulog na Hari at ang dugo’y ipapahid sa dalawa para sila ang sisihin sa pagpatay . Kinabukasan , nadiskubre ni Macduff ang nangyari sa hari . Napatay ni Macbeth ang dalawang kawal dahil sa sobrang galit nito sa pagpaslang sa hari . Dahil siya ay kilala bilang mapagkaka-tiwalaang heneral , siya ang hinirang na bagong hari . Samantala , ang anak ni Haring Duncan na si Malcolm ay nagpunta sa England at ang kapatid nito na si Donalbain patungo sa Ireland. Kahit na si Macbeth ay isa ng hari , hindi pa rin nawala sa kanyang isipan ang mga nasabi ng mangkukulam na sa lahi daw ni Banquo manggagaling ang susunod na uupo sa trono . Kaya naman binalikan niya ang mga manghuhula at nagbigay muli ng mga bagong pangitain .
Inimbita ng mag- asawang Macbeth si Banquo sa pagtitipong gagawin sa kanilang palasyo kinagabihan . Ang hindi alam ni Banquo ay kumausap na pala si Macbeth ng dalawang mamamatay-tao upang ipapatay siya at ang anak niyang si Fleance . Kinagabihan , may ikatlong mamamatay-taong ipinadala upang makatulong sa dalawa . At nang patungo na sa palasyo ang mag-ama ay inabangan at sinugod sila ng mga mamamtay - tao subalit si Banquo lang ang napatay at nakatakas si Fleance. Sa pagtitipong ihinanda ni Macbeth para sa lahat ng Maharlika sa Scotland ay nagpakita sa kanya ang multo ni Banquo. Labis na natakot at nataranta si Macbeth na ikinagulat ng kanyang mga panauhin .
Muling binalikan ni Macbeth ang tatlong manghuhula at inilahad ang mga sumusunod na mga hula sa kanya . Kailangang mag- ingat siya kay Macduff, isa sa mga ito ay hindi siya kailanman mapapaslang ng sinumang iniluwal sa isang babae ; at magiging ligtas siya hangga’t hindi niya nakikita ang gubat ng Birnam Wood na papalapit sa kastilyo ng Dunsinane . Kaya naging maluwag ang kanyang dibdib at naging kampante . Subalit hindi niya alam na tumakas na pala si Macduff upang samahan si Malcolm. Nang ito’y malaman ni Macbeth, ipinag-utos niyang patayin ang asawa nitong si Lady Macduff at kanilang mga anak . Nang magtagpo , agad silang bumalik sa kaharian upang labanan ang kawal ni Macbeth. Bumalik sila dala ang sampung libong sundalong ipinahiram ni Haring Edward.
IBA PANG SINABI NG 3 BRUHANG MANGHUHULA KAY MACBETH: K ailangan niyang mag- ingat kay Macduff; H indi siya kailanman mapapatay ng sinumang “ iniluwal ng isang babae ”; At magiging ligtas siya hangga’t hindi niya nakikita ang gubat ng Birnam Woods na papalapit sa kastilyo ng Dunsinane .
Samantala , habang sila ay naglalakbay , hindi na kinaya ng konsensya ni Lady Macbeth kaya napagdesisyonan niyang magpakamatay . Siya ay tumalon sa bintana mula sa kanyang palasyo . Nang makita ni Macbeth na paparating na sina Malcolm, Macduff at ang mga mandirigma nito , nagulat siya dahil sinabi ng mga mangkukulam na hindi siya basta-basta mapapaslang ng sinuman at sila ay may dalang pinutol na mga sanga sa kagubatan ng Birnam Wood upang maikubli ang tunay na bilang . Subalit nang magkaharap , nagulat siya nang umamin si Macduff na hindi siya iniluwal ng kanyang ina datapwat siya ay isinilang na sa pamamagitan ng CS o cesarean. Sa huli , nagwagi ang panig nina Malcolm at Macduff. Napaslang nila si Macbeth at ang buong kawal nito . Dahil napatay si Macbeth, hinirang na bagong hari ang anak ni Haring Duncan na si Malcolm.
1 . Ano ang naging reaksiyon ni Macbeth sa sinabi ng mga bruhang manghuhula ? Ano naman ang naging reaksiyon ni Banquo? Paano nagkaiba ang reaksiyon ng dalawa ? Ano ang ipinakikita ng naging reaksiyon ni Macbeth sa kanyang pagkatao ? Pamprosesong Tanong
2 . Paano mo ilalarawan si Lady Macbeth bilang isang asawa ? Masasabi bang siya ang pang- apat na bruha sa buhay ni Macbeth? Ipaliwanag . Pamprosesong Tanong
3. Anong karumal-dumal na krimen ang nagawa ni Macbeth kay Haring Duncan, ang taong nagtiwala nang lubos sa kanya ? Bakit kaya niya nagawa ang ganitong kasamaan ? Pamprosesong Tanong
4. Bakit naging madali na sa kanya ang pumatay ng sinuman , maging babae o mga batang walang kamuwang-muwang na tingin niya’y hadlang sa kanyang ambisyon pagkatapos nito ? Ano ang nawala o nabago sa kanyang pagkatao ? Pamprosesong Tanong
5. Paano pinagbayaran ni Lady Macbeth ang kanyang mga kasalanan ? Ano kaya ang ipinahihiwatig ng sinasabi niyang dugo sa kanyang mga kamay na hindi kayang hugasan ng tubig ? Pamprosesong Tanong
6. Paano natalo ni Macduff si Macbeth gayong sa pagkakaalam niya’y walang sinumang iniluwal ng isang babae ang makatatalo sa kanya ? Pamprosesong Tanong
Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi . Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo , sapagkat sinabi ng Diyos , “ Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man .” - Hebreo 13:5
Mahalaga ang isang dula dahil inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng bayan. Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin . Gaya ng ibang panitikan , karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay . Mahalagang KAisipan
Pagsulat ng Isang Sanaysay (Mini PT)
Panoorin ang video clip na maaaring i - scan gamit ang QR Code scanner ( pahina 164) kaugnay ng bansang naging tagpuan ng dulang Macbeth , ang Scotland. Sundin ang mga panuto pagkatapos mapanood . PANUTO
Isang maikling dokumentaryo ng 601 Production LTD upang maipakita ang kagandahan ng Scotland sa mundo . Makikita ang dokumentaryo sa pag -scan sa QR code na nasa aklat . 1. Travel series- scotland
Ang isa pang alternatibong video na puwedeng panoorin . Ito ay isang maikling video clip (4 minutes, 16 seconds) na ginawa ng visitScotland . Makikita rito ang magagandang tanawin at mga bagay na nagbibigay-halina sa Scotland. Makikita ang video sa pag -scan ng QR code. 2. This is scotland , you are welcome
M aikling-maikling dokumentaryo (1 min, 52 seconds) tungkol sa naggagandahang lugar partikular sa matataas na bahagi ng Scotland. Makikita ang video sa pag -scan sa QR code. 3 . The highlands
Pagkatapos mong mapanood ang alinman sa tatlong video ay SUMULAT ka ng SANAYSAY na HINDI BABABA SA TATLONG TALATA ( PARAGRAPH) at naglalahad ng mga bagay tungkol sa bansang Scotland at ang mga katangian ng mga taong naninirahan dito . PANUTO
Ang bubuoin mo’y inaasahang makapang-aakit sa mga turista upang bisitahin ang bansang naging tagpuan ng Macbeth. Gawing gabay ang mga pamantayang makikita sa susunod na slide para sa iyong bubuoing sanaysay . PANUTO
MARKA PAMANTAYAN 50 Ang talata ay nakapagpapaliwanang nang napakalinaw sa mga katangian ng mga taong mula sa Scotland at inaasahang lubos na makapang-aakit sa mga turista upang bisitahin ang bansang naging tagpuan ng dula . 40 Ang talata ay nakapagpapaliwanag sa mga katangian ng mga taong mula sa Scotland at inaasahang makapang-aakit sa mga turista upang bisitahin ang bansang naging tagpuan ng dula . 30 Hindi gaanong mahusay ang pagpapaliwanag tungkol sa katangian ng mga taong mula sa Scotland kaya’t hindi ito lubhang makapang-aakit sa iba upang basahin ang akdang naging tagpuan ng dula . 20 Hindi mahusay ang pagpapaliwanag tungkol sa katangian ng mga taong mula sa Scotland kaya’t inaasahang hindi ito makapang-aakit sa iba upang bisitahin ang bansang naging tagpuan ng dula .
Isusulat ang sanaysay sa isang malinis na long bond paper. Ang ginawang sanaysay ay ipapasa sa darating na ika-11 ng Disyembre , 2024. PANUTO
Sa likod ng long bond paper kung saan nakasulat ang iyong binuong sanaysay ay gawin ang Palawakin Pa Natin B at C PANUTO
Baon ang kaalaman mula sa napanood , paghambingin ang bansang tagpuan ng dula (Scotland) at ang ating bansang Pilipinas . Gamiting pamantayan sa paghahambing ang mga gabay sa unang hanay na makikita sa pahina 165. Palawakin pa natin b
Paghahambing batay sa : Bansang Tagpuan ng Dula (Scotland) Bansang Pilipinas Pinuno ng Estado Uri ng Pamahalaan Tawag sa mga Mamamayan Kalagayan sa Buhay ng Nakararami sa Mamamayan Tirahan ng mga Pinuno Iba Pang Kultura at Kaugalian ng Dalawang Bansang Nabanggit
Pagkatapos mong maihambing ang ilang bahagi ng kultura ng bansang Scotland sa ating sariling kultura , anong damdamin o saloobin ang umiral sa iyo ? Ilahad ito at isulat din ang mga bagay na gagawin mo upang tulad ng mga mamamayan ng Scotland ay maging mabuti at maunlad din ang buhay mo at maging ng iba pang mamamayang Pilipino sa hinaharap . Palawakin pa natin c