Aralin 4.1 Anapora at Katapora.pptxiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii
ShainaMarieGarcia
7 views
15 slides
Nov 01, 2025
Slide 1 of 15
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
About This Presentation
iiiiiiiiiiiiiiiiii
Size: 1.7 MB
Language: none
Added: Nov 01, 2025
Slides: 15 pages
Slide Content
KOHESYONG GRAMATIKAL: A N APORA AT KATAPORA
Sa pagpapahayag , mahalaga ang pagkakaugnay ng mga ideya . Ginagamit natin ang panghalip upang hindi paulit-ulit ang mga pangalan sa pangungusap . Dalawa sa mga paraan ng paggamit nito ay Anapora at Katapora .
MGA PANGHALIP Panghalip Panao Mga halimbawa : siya , sila , ito , iyan / iyon , kami/ tayo Panghalip Pamatlig Mga halimbawa : ito , iyan , iyon
ANAPORA Ang Anapora ay paggamit ng panghalip na tumutukoy pabalik sa pangngalang ginamit na una sa pangungusap o talata . Ang panghalip ay nasa hulihan ; ang tinutukoy ay nasa unahan .
Halimbawa:A Si Maria at Jose ay mag- asawa . Sila ay may dalawang anak . Si Ana ay masipag . Siya ay laging tumutulong sa gawaing bahay . ➡️ “Siya” ay tumutukoy kay Ana. Ang bulaklak ay namumukadkad . Ito ay kulay rosas .
KATAPORA O SULYAP NA PASULONG Ang Katapora ay paggamit ng panghalip na tumutukoy pasulong sa pangngalang susunod na babanggitin . 🔁 Ang panghalip ay nasa unahan ; ang tinutukoy ay nasa hulihan .
Halimbawa : Ito ang pinakamasarap na pagkain sa lahat . Kung kaya’t araw-araw akong bumibili ng Leche Plan. Sila ay mga mag- aaral na masisipag — sina Marco at Liza . ➡️ “Sila” ay tumutukoy kina Marco at Liza. Siya ay isang mabuting pinuno – si Kapitan Jose.
Gawain: Panuto : Basahin ang bawat pangungusap . Tukuyin kung ang paggamit ng panghalip ay Anapora o Katapora . Isulat ang tamang sagot .
Si Liza ay mahilig magbasa . Siya ay araw-araw nasa aklatan . Sila ay nagtulungan sa proyekto — sina Marco at Ana . Ang aso ni Mang Tomas ay mabait . Ito ay palaging tahimik . Siya ay mahusay na lider — si Ginoong Reyes . Si Rico ay naglinis ng silid-aralan . Kaya naman siya ay pinuri ng guro . Ito ang aking paboritong lugar — ang Baguio City . Ang mga bata ay nagtanim ng puno . Sila ay tuwang-tuwa sa ginawa nila . Siya ang nagligtas sa pusa — si Mang Tonyo . Ang bulaklak ay sariwa pa. Ito ay kakapitas lamang . Sila ang nagtanghal kahapon — sina Rina, Joel, at Carlo .
Gawain 2: Tukuyin Natin! Panuto : Tukuyin ang mga panghalip sa pahayag at isulat sa patlang kung ito ay Anaporik o Kataporik . Isulat sa patlang sa sagutang papel ang sagot . ________________ 1. Ang Senior Citizens Act ay mas pinabubuti pa. Ito ay malaking tulong lalo na sa matatandang mahihirap ang buhay . Ito ang magbibigay proteksiyon sa kanila upang masiguro ang kanilang kaligtasan pagsapit ng edad 60 pataas . ________________ 2. Siya ay may malaking malasakit sa matatanda . Ang namayapang dating senador na si Miriam Defensor Santiago ang nagsulong ng bagong batas para sa mga Senior Citizens. ________________ 3. May mga ahensiya na handang mangalaga sa matatanda sa bansa . Sila ang gagawa ng tungkulin ng pamilyang hindi nila magagampanan . ________________ 4. Tayo ay dapat na maging magandang halimbawa para sa ating mga apo. Alagaan ang magulang hanggang sa kanilang pagtanda . Tayong mga anak ang magsimula nito . ________________ 5. Ang matatanda ay may maraming pangangailangan . Ibinibigay natin sa kanila ang mga pangangailangan nila .
SUBUKIN NATIN 1. Maganda si Kathryn Bernardo, kaya marami __________ tagahanga . a. nila b. kanya c. sila d. siya 2. Masipag at maalalahanin si Rita kaya marami ang nanghihinayang sa _________ pagkawala . a. nila b. kanya c. sila d. siya 3. Ang Maynila ay may makulay na kasaysayan . _______ ay kilalang lungsod . a. Dito b. Roon c. Ito d. Nito 4. Patuloy na dinarayo ang Boracay dahil ang mga turista’y totoong nagagandahan ______. a. dito b. roon c. ito d. nito 5. Ang local na gobyerno ng Zambonga ay nagdeklara ng Enhance Community Quarantine upang maagapan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod . ______ ay nakapagtala ng mataas na bilang ng nagpositibo sa nasabing sakit . a. Siya b. Nila c. Ito d. Nito
6. Maraming salamat sa pagtanggap ________ sa amin. Napakabuti nina Mang Ben at Aling Tina. a. inyo b. ninyo c. sila d. siya 7. ______ ay puno ng mga halaman at mga magagandang bulaklak . Napakalaki ng gubat . a. Doon b. Roon c. Ito d. Nito 8. Ang Departamento ng Edukasyon ay naghahanda sa pagpasok ng mga mag- aaral sa paaralan sa kabila ng banta ng COVID-19. Ginagawa _____ ang lahat upang masigurong ligtas ang mga mag- aaral sa sakit . a. nito b. ito c. sila d. siya 9. Si Angel Locsin ay isa sa mga artistang Filipino na tumulong sa mga mahihirap sa panahon ng pandemya laban sa COVID-19. _______ ay maraming napasayang pamilyang mahihirap . a. Nila b. Kanya c. Sila d. Siya 10. Ayon sa estatistika ang bansang Brazil ay isa sa may pinakamaraming naitalang namatay dahil sa COVID-19. _______ ay pumangalawa sa United State of America. a. Doon b. Ito c. Sila d. Siya
PAGTATAYA _____1. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera sa kaban ng bansa . _____2. Sa panahon ng kanyang panunungkulan , pinatunayan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na kaya niyang paunlarin ang turismo sa Pilipinas . _____3. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng negosyo sa bansa , bumagsak daw ang turismo sa administrasyong Estrada dahil mahina raw siyang pangulo . _____4. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo kung paano muling sisigla ang turismo sa Pilipinas . _____5. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang terorismo ay patuloy na sinusugpo ng Administrasyong Arroyo
______________6. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko noon. _______________7. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan . Puspusan ang pagkalinga niya sa mga nangangailangan at kapuspalad . _______________8. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya Quezon ay pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong siya sa American Red Cross at patuloy na nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan. _______________ 9. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas.Gayunpaman , tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel A. Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng Pambasang Krus na Pula. _______________ 10. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian . Ito ay taglay niya hanggang kamatayan .
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Paraan ng Pagkukuwento – Interaktibong Pagkukuwento (Casual, relaxed, conversational) Gumamit ng kakaiba at napakamalikhaing pamamaraan sa pagbuo ng iskrip / kwento . 40% Pagbigkas , damdamin , kumpas at ekspresyon sa mukha Ang bawat kasapi ng pangkat ay nagpamalas ng kakaibang galing pakikilahok . 20% Tinig at Kilos Nagpakita at nagpamalas ng tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari 20% Pagkamalikhain at kasuotan May kaangkupan at malikhaing paraan sa paglalpat ng musika. 20% Kabuuang puntos 100% PAMANTAYAN: MASINING NA PAGBASA