Aralin 4-Flyers,Leaflets at Promo Materials.pptx

ticmanalondra745 2 views 25 slides Sep 11, 2025
Slide 1
Slide 1 of 25
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25

About This Presentation

none


Slide Content

Teknikal-Bokasyunal na sulatin Promo Materials Flyers Leaflets Aralin 4 Bb. Alondra C. Ticman

PR OM O MA TE RI AL S

Layunin Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan , kalikasan at katangian ng ibat ’ ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal na promo materials, flyers, at leaflets.

Ang Promo Material ay mga materyales na ginagamit sa mga promo ng produkto . Ginagamit ito upang itanyag at ipakilala ang ibinebentang produkto at serbisyo at mas lalong tangkilikin ng mga mamimili . Sa paraang ito , mas lalong nagiging sikat ang kanilang ibinebenta at gayundin napatataas ang kita sa pamamagitan ng pagkuha ng interes ng mga mamimili .

Ang mga layunin ng Promo Material ay upang : • Manghikayat ng mga bagong kostumer • Bumuo ng magandang relasyon sa mga dating kostumer • Magpakilala ng dating produkto • Lumikha ng pangalan na kinikilala • Manghikayat ng mga empleyado • Maipagdiwang ang tagal ng kumpanya sa larangan .

Huwag kalimutan na ang inyong promo material ang kumakatawan sa brand ng kumpanya . Kaya paglaanan ng sapat na panahon ang paghahanda ng kagamitan para may pokus , malinaw , at maayos ang mga ito

Mga Batayang Impormasyong Kalimitang Makikita sa isang Promotional Material: ▪ Pangalan ng produkto ▪ Paglalarawan sa produkto ▪ Tagline ng nasabing produkto ▪ Larawan o ilustrasyon ▪ Impormasyon o akses sa produktong nakalagay sa materyal .

Katangian kung Paano Isinusulat / Isinagasawa ang Promo Material ❖ Detalyado ang pagkakabuo ng nilalaman mga katanungan at tiyak na kasagutan sa produkto ❖ Madaling basahin at unawain ang nilalaman para sa target na mambabasa ❖ Impormatibo at sadyang makatutulong ang mga ito sa kung sinoman ang nais makaalam tungkol sa paksang inilalahad ng materyales ❖ May mga larawan , kulay at estilo ng font sa pagsulat upang malinaw at madaling basahin

F L Y E R S

Ang flyers ay sulating teknikal na ginagamit para sa diseminasyon o pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa isang personal na gawain o sa isang negosyo . Karaniwang ginagamit ito bilang promosyonal na materyal .

Maraming aplikasyon ang maaaring magturo o makatulong kaugnay sa paggawa ng isang flyer. Nararapat din na isaalang-alang ang mga detalye na isusulat sa loob o nilalaman ng isang flyers. Mahalagang maging mabisa ang layout o pagdidisenyo sa flyer sapagkat nagtataglay ito ng mahalagang impormasyong nais ipabatid

Maaaring gumamit ng aplikasyong Microsoft Publisher o Adobe Photoshop sa pagbuo nito . Doon ay mayroon ng mga gabay sa bubuoing layout. Kailangan na lamang maging maingat at matalino sa isusulat sa nilalaman .

Madalas na nalilito ang karamihan sa flyers at leaflet. Ang leaflet ay madalas na mas maganda ang disenyo kaysa flyer. Ito ay printed, makulay , at higit na may mabuting kalidad .

Ang mga layunin ng leaflet ay ang sumusunod : -Mag-promote ng produkto , serbisyo o organisasyon - Mailagay sa pahayagan - Maipamigay sa mataong lugar - Makatawag ng pansin at makapahayag ng ibig na mensahe

Hakbang sa Pagbuo ng FLYERS

1. Sumulat ng pamagat . Gawing simple ang mensahe . 2. Magdagdag ng larawan o grapikong presentasyon . 3. Maglagay ng deskripsyon sa ibaba ng larawan . 4. Huwag kalimutang ilagay ang numerong dapat tawagan ng mga taong nais tumugon o interesado sa nilalaman ng flyer. 5. Pagsasapubliko ng impormasyon ang pinakamahalagang bahagi sa pagbuo ng flyer

LE AF LE TS

Ang Leaflet ay madalas na mas maganda ang disenyo kaysa flyer. Ito ay printed, makulay at higit na may mabuting kalidad . Ang mga layunin ng leaflet ay ang sumusunod : ✓ Magpromote ng produkto , serbisyo o organisasyon ✓ Mailagay sa pahayagan ✓ Maipamigay sa mataong lugar ✓ Makatawag ng pansin at makapahayag ng ibig na mensahe

Promo Materials Ginagamit sa panghihikayat at nagpapakilala ng produkto .

Isang patalastas at malikhaing sulatin na may mga detalye ng maaaring prudukto , polisiya , o konsepto . F lyers

Leaflets May disenyo , may kulay at printed. Kadalasan ay marami itong lamang impormasyon .

Ano ang pagkakaiba ng Leaflets at flyers? Natutupi A4/A5 na papel Naglalaman ng maraming impormasyon Hindi natutupi Madalas inilalagay sa A6 na papel Kaunti lang nag laman nito

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

Individual P-task Panuto : Gumawa at bumuo (mag-edit) ng sariling flyer (printed) gamit ang iba’t ibang apps online (Canva, Adobe, Publisher, PPT at Word).

Pamantayan Puntos Kompleto at malinaw ang impormasyong inilahad 10 Mahusay ang paggamit ng wika 10 Malikhain at kakikitaan ng uniqueness o pagkakaiba . 15 Malinis at maayos ang kabuoang gawa 15 Kabuoan 50
Tags