Aralin 4- Maikling Kuwento (Aginaldo ng mga Mago).pptx

arbenvincentordaniel 0 views 60 slides Oct 08, 2025
Slide 1
Slide 1 of 60
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60

About This Presentation

maikling kuwento


Slide Content

Kuwarter 2 Maikling Kuwento Teksto : “ Aginaldo ng mga Mago” ( Maikling Kuwento mula sa Estados Unidos) Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro Mula sa “Gift of the Magi” ni O. Henry

Panalangin

Pagkuha ng

Balik -Aral

Kasanyang Pampagkatuto Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaidig .

Tanong : a. Ilahad ang pinapaksa ng napanood na videoclip. b. Batay sa pinanood, ano ang pinakamahalagang regalo na natanggap ng pangunahing tauhan?

Batay sa napanood na mga video , ilahad ang pagkakatulad ng Pilipinas at ibang bansa sa tradisyon ng pagbibigayan ng regalo. A N A L I S I S

Pagbuo ng sariling konsepto batay sa napakinggang awitin . CONCEPT ORGANIZER

A P L I K A S Y O N Magsalaysay ng mga pangyayari mula sa napanood na palabas , nabasa o nabatid na kuwento na may kinalaman sa kulturang umiiral sa pagbibigayan ng regalo.

Kasanayang Pampagkatuto Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan . Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda .

Anong mensahe ang ipinababatid ng video? b. Masasabi bang ito ay makatotohanan o hindi ? Patunayan .

Ano ang kaya mong isakripisyo alang-alang sa ngalan ng Pag- ibig ?

MAIKLING KUWENTO

Aginaldo ng mga Mago (The Gift of the Magi) - Isinulat ni William Sydney Porter o may bansag na O. Henry. - isinulat nito sa Pete's Tavern Irving Place sa Lungsod ng New York sa Estados Unidos. - Nalathala ito noong 1906 - Itinuturing ito bilang isa sa mga pinakamamahal na maikling kuwentong may hindi inaasahang pagwawakas ni O. Henry.

Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa kuwento . b. Bakit pinamagatang Aginaldo ng mga Mago ang akda ? c. Paano nila ipinamalas ang masidhing pagmamahal nila sa isa’t isa ?

Magkakaugnay at Magkakatulad na kahulugan na ginagamit.

Ang paggamit ng mga salitang magkakatulad o magkakaugnay na kahulugan sa maikling kwento ay makatutulong sa madali na pagkaunawa ng mambabasa sa daloy ng pangyayari ng kwento .

ANO ANG PAGKAKAIBA NG MAGKATULAD SA MAGKAUGNAY NA MGA SALITA?

Suriin ang mga salita sa ibaba . > mabango – mahalimuyak – masamyo > maganda – kaakit-akit – maayos May mga salita na akala nati’y magkakaparehas lamang ang gamit dahil halos magkaparehas ito ng nais ipakahulugan . Ngunit mali , ang bawat salita ay may inaangkupang pangungusap depende sa diwa o mensaheng nais ihayag nito .

Halimbawa :

Halimbawa : Mabango ang bulaklak ng sampagita . Masamyo ang pabangong iyong ginamit . Mahalimuyak ang iyong buhok . Kung susuriin ay ginamit sa iba’t ibang antas ang mga halimbawang salita . “ Mabango ” pangkalahatang termino sa mabangong amoy . “ Masamyo ” para sa panandaliang pagkakamoy sa bango . At “ Mahalimuyak ” para sa pangmatagalan at nanunuot na bango .

suwail – pasaway – masama “ Suwail ” para sa taong hindi sumusunod sa mga utos at panuntunan . “ Pasaway ” para sa taong matigas ang ulo at hindi nasasaway . “ Masama ” para sa pangkalahatang kahulugan ng paggawa ng masama . Ibig sabihin ang mga salitang ito ay MAGKATULAD

Isa rin sa paraan ng madaling pag-unawa sa talasalitaan kung hahanapin natin ang kaugnay nitong salita . Hindi nangangahulugan na kailangan parehas ng kahulugan ngunit nararapat na magkaangkla o magkaugnay sa isa’t isa. Suriin ang mga salita sa ibaba masama – mabuti liwanag – dilim malakas – mahina bida – kontrabida

Nakikita naman natin ang ugnayang nais ipahiwatig ng mga salita . Kahit na ang mga salitang ito ay kabaligtaran ng bawat isa , pinalulutang naman nito ang katuturan ng isa pang salita . Halimbawa , tumitingkad lamang ang karakter ng “ bida ” kung magagampanan nang maayos ang karakter ng “ kontrabida ”. Kung mayroong “ masama ” dapat mayroong “ mabuti ” upang maging balanse . Ugnayan pa rin namang matatawag kung ang dalawang salita ay magkaiba sa konteksto ngunit parehas ng pinupuntong mensahe

Panuto : Hanapin sa loob ng kahon ang mga salitang Magkakatulad o Magkakaugnay . Sa unang kolum isulat ang mga salitang magkaugnay at sa ikalawang kolum naman ang mga salitang magkakatulad . SALITANG MAGKATULAD SALITANG MAGKAUGNAY 1. 5. 2. 6. 3. 7. 4. 8. humagibis dumulog ibinigay inihandog napahagulgol kumaripas naglakad umalis sumangguni napaiyak inangkin napatawa

Paglinang ng Talasalitaan Panuto : Gumawa nang katulad na kahon sa sagutang papel at sipiin ang mga pangungusap . Piliin sa loob ng parihaba ang kahulugan ng mga salitang nagamit sa pangungusap . Itala sa loob ng kahon ang kasingkahulugan nang mga salitang may salungguhit .

GAWAIN:

A N A L I S I S Paano nakatulong ang dayalogo ng tauhan sa pag-unawa sa tema ng isang akda ? 2. Sang- ayon ka ba sa paraang naisip ng mag- asawa sa pagbibigay ng regalo? Pangatwiranan . 3. Paano nagkahawig ang kultura ng Amerika at Pilipinas sa pagbibigay ng regalo?

Paglalahat : Bilang mag- aaral , paano mo magagamit ang natutunan mo sa pagsusuri ng kasiningan ng diyalogo ng tauhan sa maikling kwento ?

Ang tauhan ay isang elemento ng maikling kuwento na nagbibigay buhay o nagpapagalaw sa kuwento at gumaganap sa mga pangyayari . Alam mo bang… Maikling Kuwento ng Tauhan ang tawag sa isang uri ng kuwentong ang higit na binibigyang-halaga o diin ay ang kilos o galaw , ang pananalita at pangungusap at kaisipan ng isang tauhan .

Sa anomang napukaw na damdamin mula sa diyalogo ng tauhan , unti-unting lumilinaw ang tunggalian sa akda sapagkat kung walang tunggalian , walang kuwento . Apat ang uri ng tunggalian :

Tao laban sa sarili Ang tunggalian ng tao laban sa kaniyang sarili bunga ng magkasalungat na hangarin o kalagayan na nais niyang matamo lalo na sa punto ng alin ang dapat mangibabaw o alin ang dapat piliin .

2. Tao laban sa kaniyang kapwa Ang tunggalian ng tao laban sa kaniyang kapwa , sa punto ng pananaig ng lakas , disposisyon , kalagayan ng buhay o anunang sitwasyong may salungatan ng ideya .

3. Tao laban sa lipunan Tunggalian ito ng tao laban sa kinabibilangang lipunan , bunga ng kalagayan sa buhay , diskriminasyon o lahing pinagmulan .

4. Tao laban sa kalikasan Pakikipagtungggali ng tao laban sa puwersa ng kalikasan tulad ng ulan , hangin , init , bagyo , baha , panganib o anumang pangyayari na dulot ng kalikasan .

Ebalwasyon Panuto : Piliin ang letra ng wastong sagot . (1-2) Tukuyin ang mga salitang magkaugnay ang kahulugan sa bawat pangungusap . 1. Kumikislap na parang buhos ng tubig sa isang talon ang buhok ng babae kaya nagniningning ang kaniyang mata sa paghanga dito . a. kumikislap - nagniningning c. buhos ng tubig - talon b. kumikislap - makintab d. buhok ng babae - mga mata 2. Tanging malakas na pag-iyak ang naitugon nito sa kaniyang paghagulhol , naawa ang lalaki . a. naitugon - paghagulhol c. malakas na pag-iyak - hagulhol b. malakas na iyak - palahaw d. hagulhol - yahimik na pag-iyak

3. At pagkatapos ay maliksing ipinusod niyang muli na nangangatog pa ang kaniyang mga kamay . Minsan siyang natigilan samantalang dalawang patak na luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa sahig . Anong uri ng tunggalian ang naganap sa bahaging binasa ? a. tao laban sa kaniyang kapwa b. tao laban sakaniyang sarili c. tao laban sa lipunan d. tao laban sa kalikasan

_____ 4. Isang akdang pampanitikan na naglalaman ng isang kuwentong may mahalagang pangyayari at may iisang kakintalan lamang . A. Alamat B. tula C. Maikling Kuwento D. Dula _____ 5. Ito’y ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kuwento . A. Tema B. Kariktan C. Tauhan D. Tagpuan

Sagot: 1.A 2. C 3. B 4. C 5. C

Pagtataya II. Panuto : Balikan mo ang akdang Aginaldo ng mga Mago. Suriin ang diyalogo ng mga tauhan batay sa kasiningan ng pagpapahayag . 1. Paano inipresenta ang paraan ng pagpapahayag ng bawat diyalogo ? 2. Masining ba ang paraan ng pagpapahayag ng bawat diyalogo ? Patunayan . 3. Bakit kinakailangang masining ang bawat diyalogo ng tauhan sa maikling kuwento ?

Kasanayang Pampagkatuto Naisasalaysay nang Masining at May damdamin ang Maikling Kuwento

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa bansa ay likas na mahilig na ang ating mga ninuno sa pagsasalaysay ng kuwento dahil noon pasalita at hindi pasulat ang pagpapalaganap ng mga ito . Isa sa mga kinagigiliwang pakinggan ng mga tao noon ay ang iba’t ibang uri ng salaysay at isa mga ito ay ang maikling kuwento . Ang mga mga kuwentong ito ay hango sa kanilang sariling karanasan , napakinggang kuwento ng iba , bungang-isip at maging kanilang panaginip .

3 uri ng Pagkukuwento 1. Pasalin dila 2. Pasalinsulat 3. Pasalintroniko

ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO Tauhan - (Character)- nagpapagalaw sa loob ng m. kuwento Tagpuan - (Settings)- ang pinangyayarihan ng isang kuwento Banghay- (Plot) – ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari Banghay ng Maikling Kuwento a. Simula b. Suliranin - (Conflict) c. Tunggalian - (Tao vs. Tao, Tao Vs. Hayop , Tao vs. Lipunan, Tao vs. Kalikasan , Tao vs. Sarili , Tao vs. Teknolohiya ) d. Pagtaas ng Aksyon e. Kasukdulan - (Climax) f. Pagbaba ng Aksyon g. Kakalasan h. Wakas 4. Kakintalan - Naiiwang impresyon

Sino ang tinaguriang ama ng Maikling Kuwento ? EDGAR ALLAN POE

Maging libangan ng mga kabataan noon ay ang pakikinig ng kuwento ng kanilang mga magulang o mga nakatatanda sa kanilang lugar . Ang kaugaliang ito mula sa ating mga ninuno ay naipasa hanggang sa makabagong henerasyon ang pagiging likas na mahiligin nating mga Pilipino sa pagsasalaysay ng mga kuwento .

MELC 18 Sa pang- araw - araw na buhay natin , kadalasan tayo ay nagsasalaysay . Isa sa mga layunin natin sa pagsasalaysay ay upang bigyang-buhay ang karakter ng tauhan at maisalaysay nang madamdamin ang pagkakasunod-sunod ng mga madulang pangyayari sa kuwento . Bukod dito , mahalagang may sapat tayong kakayahan sa pagsasalaysay upang maibahagi , maipadama , at mapukaw ang guni-guni ng ating mga tagapagbasa .

MELC 18 Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Maikling Kuwento 1. Isang mahusay na paksa o ideya para sa iyong kuwento 2. Makatotohanang mga tauhan para sa kuwento 3. Angkop na tagpuan para sa iyong kuwento 4. Uri ng Pananaw 5. Ang epektibong banghay ng iyong susulatin

Pagtataya : Panuto : Gawin ang GRASP sa pagsasalaysay ng maikling kuwento sa pasulat na paraan . Gamiting batayan ang mga natutunan at isinagawa tungkol sa mga dapat tandaan sa paggawa ng maikling kuwento . Gawing gabay ang pamantayang makikita sa ibaba para sa pagsulat ng sariling maikling kuwento . Tatayahin ito batay sa Rubrik sa susunod na pahina

Takdang Aralin : Paano mo magagamit ang pagsusulat nang masining at madamdaming maikling kuwento sa isang makabuluhang paglalahad ng mga kaganapan sa pang- araw - araw na buhay ?