ARALIN 4.pptx Tekstong Ekspositori,- Pagbuo ng Komiks
ShainaMarieGarcia
7 views
14 slides
Sep 08, 2025
Slide 1 of 14
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
About This Presentation
Malinaw na Paglalarawan
Size: 177.71 KB
Language: none
Added: Sep 08, 2025
Slides: 14 pages
Slide Content
Aralin 4: Malinaw na Paglalarawan, Daan Pabalik sa Kinagisnan (Tekstong Ekspositori)
Tekstong ekspositori ito ay kadalasang sumasagot sa mga tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.
Sa pagtiyak na magiging mabisa ang pagsulat nito, inaasahang taglay nito ang sumusunod na katangian: 1. Obhektibo o tiyak ang ang pagtalakay sa paksa 2. Sapat ang mga kaalamang inilahad 3. Malinaw ang pagkakahanay ng mga kaisipan 4. Analitikal ang pagsusuri ng mga kaisipan Dagadag pa rito, may sinusunod itong hulwaran o pattern. Ilan sa mga ito ay nasa talahanayan.
Hulwarang Ekspositori Estruktura 1. Deskripsyon Mga halimbawa: a. Memoirs b. Personal na sanaysay c. Journals d. Deskripsyon ng nilalaman Layunin nito na mailarawan ang paksa gaya ng tao, hayop, bagay, at lugar sa paraan ng paglalarawan ng mga nakuhang halimbawa gaya ng dami, bahagi, at katangian. Halimbawa: Ang mga alagang aso ay sampung ulit ang lakas ng pang-amoy kaysa sa tao. Ang mga ito ay may 300 milyong receptors kung ikukumpara sa tao na may 3 milyong receptors lamang.
Hulwarang Ekspositori Estruktura Sinusunod nito ang sumusunod na estruktura: Pagtukoy - Unang nagkakaroon ng pagpapakilala sa paksa. B. Deskripsyon o Paglalarawan- Nagkakaroon ng detalyadong impormasyon sa paksa na makatutulong upang maging malinaw sa isipan ng mga mambabasa ang bagay na inilalarawan. C. Kongklusyon- Mula sa naisagawang paglalarawan, nagkakaroon ng pinal na pahayag na nagsisilbing kongklusyon sa paksa.
Hulwarang Ekspositori Estruktura 2. Pagtutulad at Pagkakaiba Mga halimbawa: a. Personal na sanaysay b. Heograpiya c. Ensayklopidya d. Siyentipikong teksto Isa itong paraan ng pagbibigay-diin sa dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya, at pangyayari. Mga halimbawa ng pagkakaiba: Sa kabilang banda, hindi tulad ng tao na nakapagsasalita, ginagamit naman ng aso ang kanyang buntot upang ipakita ang kanyang nararamadaman.
Hulwarang Ekspositori Estruktura Pagdating sa ilang bagay ay nakalalamang din ang aso sa tao tulad ng lakas ng pang-amoy. Mga halimbawa na nakatuon sa katangian ng A: Ang tao ay malayang naipahahayag ang sarili hindi lamang sa pagsasalita at pagsusulat kundi maging sa di-berbal na paraan gaya ng kilos. Dagdag pa, malawak din ang pag-iisip ng tao kung bakit patuloy ang inobasyon ng mundo at tao.
Hulwarang Ekspositori Estruktura Pagdating sa ilang bagay ay nakalalamang din ang aso sa tao tulad ng lakas ng pang-amoy. Mga halimbawa na nakatuon sa katangian ng A: Ang tao ay malayang naipahahayag ang sarili hindi lamang sa pagsasalita at pagsusulat kundi maging sa di-berbal na paraan gaya ng kilos. Dagdag pa, malawak din ang pag-iisip ng tao kung bakit patuloy ang inobasyon ng mundo at tao.
Hulwarang Ekspositori Estruktura Mga halimbawa na nakatuon sa katangian ng B: Samatala, ang mga hayop gaya ng aso ay naipararamdam ang sarili gamit ang pagkawag ng kanilang buntot, pagkahol, at pakikipaglaro sa tao. Bilang karagdagan, maliliksi at matatalas kanilang sensor higit sa tao pagdating sa pang-amoy, pandinig, at pakiramdam.
Hulwarang Ekspositori Estruktura Sinusunod nito ang sumusunod na estruktura: A. Introduksyon- Nagsisimula sa pagpapakilala ng paksang paghahambing. B. Katawan- Sa katawan ng estrukturang paghahambing, mauuri ito sa dalawa: a. Para sa paksa-sa-paksa, unang inilalarawan ang unang paksa, saka sunod na ilalarawan ang ikalawang paksa. Pagkatapos, magkakaroon ng paghahambing sa pagkakatulad at pagkakaiba.
Hulwarang Ekspositori Estruktura b. Para naman sa punto-sa-punto, unang inihahambing ang unang aspekto ng parehas na paksa, at susundan ng paghahambing sa ikalawang aspekto ng parehas na paksa. C. Kongklusyon- Nagkakaroon ng pagbubuod sa mga inihambing na katangian at saka magbibigay ng huling pahayag ukol sa paksa.
Panuto: Basahin muli ang Talata 2 at 3 sa teksto. Suriin ang pagkakabuo nito gamit ang mga gabay na tanong. Pagsusuri sa Estruktura ng Deskripsyon Pagsusuri sa Estruktura ng Pagkakatulad at Pagkakaiba 1. Ano ang inilarawan sa Talata 2? 2. Paano nagsagawa ng paglalarawan sa talata? Ano-ano ang salitang ginamit upang ilarawan ang paksa nito? 1. Ano ang mga pinaghahambing sa Talata 3? 2. Paano naghambing sa talata? Ano-ano ang mga salitang ginamit sa talata upang ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng paksa nito?
Pagsusuri sa Estruktura ng Deskripsyon Pagsusuri sa Estruktura ng Pagkakatulad at Pagkakaiba 3. Paano nakatulong ang deskripsyon sa paglalahad ng kaisipan sa talata? Naging mabisa ba ang paggamit ng estruktura ng deskripsyon sa talata upang ipaunawa ang pangunahing ideya nito? 3. Sa iyong pananaw, naging mabisa ba ang paggamit ng estruktura ng pagkakatulad at pagkakaiba sa pagpapaunawa ng kaisipan ng talata?