LAYUNIN Natatalakay ang kahulugan ng Heograpiyang Pantao; Nasusuri ang iba’t ibang pangkat ng etnolingguwistiko sa Pilipinas; at Naiipapaliwanag ang impluwensiya ng heograpiya ng Pilipinas sa mga kultura ng ating bansa.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang ibig sabihin ng Heograpiyang pantao? Ano ang pinagkaiba nito sa pisikal na heograpiya?
Heograpiyang Pantao Ang heograpiyang pantao ay isang agham panli p unan na pinag-aralan ang paraan ng interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran, kung paano nito binabago at kung paano din naapektuhan ang kalikasan. Sangay ng heograpiya na nagbibigay-tuon sa ugnayan mga tao, pamayanan ng mga tao, at ng kapaligiran.
Populasyon Ang tawag sa kabuuang dami o bilang ng mga taong sama-samang naninirahan sa isang bansa o lugar.
Populasyon Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa taong 2020, ang populasyon ng Plipinas ay nasa 109,035,343 katao. Sa taong 2023 census ng National Statistics Office , nasa 117,337,368 katao ang populasyon ng bansang Pilipinas.
Populasyon At ang kasalukuyang populasyon ngayon ng Pilipinas ay may 119,064,199 noong Lunes, Hunyo 24, 2024, batay sa Worldometer elaboration ng pinakabagong data ng United Nations.
Mga Pangkat Etnolingguwistiko Ang Pilipinas ay binubuo ng 200 pangkat etnolingguwistiko . Higit sa kalahati nito ay itinuturing na mga minoryang pangkat dahil maliit lamang ang populasyon ng mga taong nabibilang dito.
Mga Pangkat Etnolingguwistiko Ang mga Indigenous people ay mga pangkat na napapanatili ang kanilang natatanging pagkakakilanlan, kultura, pamumuhay, paniniwala, at mga tradisyon hanggang sa kasalukuyan. Ang wika , tradisyon at kanilang pamumuhay ay bahagi ng kultura ng isang pangkat.
dalawang uri ng kultura:
dalawang uri ng kultura:
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon Tagalog -Ang mga tagalog ay pinaniniwalaan pinakaamalaking bahagdan ng mga Pilipino na mula sa kamaynilaan ( National Capital Region), Gitnang Luzon, Rehiyon 4A (Calabarzon) at Rehiyon 4B (Mimaropa) . Marami sa kaugalian Tagalog ay kinakatawan ng ibang kultura sa Pilipinas itinuturing na huwarang pag uugali ng mga Pilipino.
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon Ang paggalang sa matatanda, madasalin, pagmamano, at paggamit ng “po” at “opo” sa pakikipag usap. Lubos nilang pinahahalagahan ang edukasyon, pamhalaan, at pagbubuklod ng pamilya.
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon Ilokano -Ang ilokano ay pangatlo sa pinakamalaking pangkat etnolinguwistiko ng Pilipinas. Matatagpuan sila sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, La Union, Cagayan, Isabela, at sa ilang bahagi ng Nueva Ecija, Mountain Province,Pangasinan, at Tarlac.
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon Kilala rin sila sa paggawa ng mga masasarap pagkain kagaya ng pinakbet, empanada, longanisa , patupat at iba pa. Karamihan sa kanila ay miyembro ng simbahang Aglipay at Iglesia ni Cristo.
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon Pangasinense - Kagaya ng mga Ilokano ang uri ng kanilang paghahanapbuhay ay p agsasaka, pagtatanim, at pangingisda. Kilala ang kanilang produkto tulad ng tabako, produkto nilang mais, bangus, puto, bagoong at tupig .
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon Dinarayo ang Pangasinan ng mga katoliko ang Birhen ng Manaog dahil ito ay nakapaghihimala.
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon Mangyan - Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. "kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad.
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan . " kumukuhasilang ikinabubuhay sa kagubatan , pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan . " kumukuhasilang ikinabubuhay sa kagubatan , pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon Ifugao - Ang pangkat etniko na ito ay naninirahan sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon. Ang “ Ifugao ” ay nangangahulugang “mula sa lupa.”
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon Ang mga ninuno ng mga Ifugao ang umukit ng Hagdan-hagdang Palayan sa bayan ng Banaue sa lalawigan ng Ifugao. Tradisyonal na kasuotan ng mga lalaking Ifugao ang bahag. Ang mga kababaihan naman ay nagsusuot ng makukulay na tapis.
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon • Bikolano - Nakatira sa lalawigan ng Catanduanes Norte, Masbate, Albay,Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon sa Rehiyon ng Bicol. Ang iba naman ay nabubuhay sa paggawa ng banig at basket gamit ang sinamay (abaka), Karaniwang sa kanilang niluluto ay maaanghang kagaya ng bicol express.
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon D ahil karamihan sa kanila ay Katoliko, ipinagdiriwang taon-taon sa lungsod ng Naga ang kapistahan ng Birhen ng Peñafrancia na kanilang patron.
Ang mga pangkat Etnolingguwistiko sa Luzon Kapangpangan - Sila ay Pampango na nakatira sa lungsod ng Pampanga, Nueva Ecija, Zambales, at Tarlac . Wikang pakikipagtalastasan ang kanilang ginagamit, mahuhusay gumawa ng tocino, tapa, at longanisa. Kilala rin sila sa magagandang gumawa ng parol o “Christmas Lantern” at karamihan din sa kanila ang mga Romano Katoliko.
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Visayas Cebuano/Bisaya - Ang pangkat na ito ay nakatira sa lalawigan ng Cebu, Negros, Bohol, Siquijor, at Leyte. Pagsasaka, pagmimina, at pangingisda at kanilang kanilang paghahanap buhay
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Visayas Karamihan sa Cebuano ay Katoliko. Dinarayo ang Cebu dahil sa Sinulog Festival matindi ang pananalig nila sa Santo Ni ñ o , Sinasayawan nila ito at pinaparada sa kalsada.
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Visayas Ilonggo/Hiligaynon - Naninirahan sa ng Iloilo, Capiz, Aklan, Guimaras, at Negros Occidental . Kilala rin sila sa kanilang husay sa paghahabi ng jusi, piña, at sinamay, ang patok sa kanilang produkto ayy ang Barong tagalog.
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Visayas Dinarayo ang lungsdod ng Iloilo dahil sa Maskara Festivals ng Negros Occidental.
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Visayas Waray - Karamihan sa kanila ay matatagpuan sa Samar, Leyte at Sorsogon . Ang pangunahing hanapbuhay nila ay pagsasaka, pangingisda, paggawa ng banig , at iba’t ibang kagamitan yari sa abaka, kahoy, at niyog .
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Visayas Ang sayaw na “ Curacha” ay tanyag sa kanila, madalas sila din ay kumakanta ng ballad, p inakatanyag nito ay “Dandansoy”.
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Mindanao • Manobo - Ang manobo ay isa sa Indigenous people sa Mindanao, ang salitang “Minuve” (tao) o “manuvu” na nangangahulugang “to grow" o"laking katutubo."
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Mindanao Matatagpuan ang kanilang pangkat sa Agusan Manobo,Obu Manobo (Davao), Cotabato Manobo, Saranggani Manobo, Dibabawon Manobo, Manobo ng Western Bukidnon,at Tagabawa Manobo . Karaniwang hanapbuhay nila ay pang-agrikultura. Nag-aalay muna sila ng dasal sa mga ispirito kung sila ba'y papayagang magtanim.
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Mindanao
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Mindanao Badjao - Ang mga Badjao ay tinatawag na “taong nasa dagat”. Tinagurian din silang “sea gypsies ” dahil karamihan sakanila ay nakatira sa dagat, Ang pangunahing hanapbuhay nila ay ang pangingisda at paninisid ng perlas. Makikilala mo sila dahil sa dilaw ang kanilang buhok.
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Mindanao
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Mindanao • Muslim - Naninirahan ang karamihan ng mga Pilipinong Muslim sa mga lalawigang sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) simula pa noong ika-15 dantaon. Ang mga batas sa BARMM ay naaayon sa Shariah at Adat. Kinikilala ng mga Pilipinong Muslim ang kanilang sarili bilang Bangsamoro.
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Mindanao
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Mindanao Blaan - Ang pangkat ng mga Blaan ay matatagpuan sa Davao del Sur, Timog Cotabato, at Sultan Kudarat. Mahusay ang mga Blaan sa paghahabi ng tabih na gawa sa abaka. Ang Fulong ang pinakamatanda at maalam sa kanilang baryo, at ikatulad ng muslim maaari silang mag asawa ng higit sa isa. Piinagkikitaan nila ang pagkakaingin at inigo.
Ang mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Mindanao
Pacific ring of fire Ang Pacific ring of Fire ay isang lugar kung saan ang isang malaking bilang ng lindol at pagsabog ng bulkan mangyari sa basin ng Karagatang Pasipiko. Sa isang horseshoe hugis 40,000 km (25,000 mi), ito ay nauugnay sa isang halos tuloy-tuloy na serye ng mga oceanic trenches, arc bulkan, o paggalaw na plato. Minsan ay tinatawag itong circum-Pacific belt.
Pacific ring of fire Ang tectonic plates o lithospheric plates ay malaking piraso ng matigas na bato na bumubuo sa crust ng daigdig. May 21 aktibong bulkan din ang nakapalibot sa Pilipinas kabilang na dito ang mayon, Pinatubo, at Taal.
PAGSUSULIT 1. Ano ang pangunahing ahensiya ng Pilipinas na kumukuha ng estatestika patungkol sa populasyon. A. Philippine Census Commission B. Komisyon ng Populasyon C. Philippine Statistics Authority
PAGSUSULIT 2. Kilala sila sa magagandang gumawa ng parol o “Christmas Lantern” at karamihan din sa kanila ang mga Romano Katoliko. A. Bicol B. Kapangpangan C. Ifugao
PAGSUSULIT 3. Sikat sa lugar na ito ang Bicol express. A. Bicol B. Kapangpangan C. Ifugao
PAGSUSULIT 4. Nangangahulugang “ mula sa lupa .” Ang mga ninuno ng umukit ng Hagdan-hagdang Palayan sa bayan ng Banaue. A. Bicol B. Kapangpangan C. Ifugao
PAGSUSULIT 5. Kinikilala ang kanilang sarili bilang Bangsamoro. A. manobo B. Blaan C. Muslim
PAGSUSULIT 6. Sila ay tinatawag na “taong nasa dagat”. Tinagurian din silang “sea gypsies” dahil karamihan sakanila ay nakatira sa dagat . A. manobo B. Badjao C. Muslim
PAGSUSULIT 7. Kilala rin sila sa paggawa ng mga masasarap pagkain kagaya ng pinakbet, empanada at tocino . Karamihan sa kanila ay miyembro ng simbahang Aglipay at Iglesia ni Cristo. A.Ilocano B. Badjao C. Muslim
PAGSUSULIT 8. Ano ang festival ang dinarayo sa Cebu city? A.Maskara festival B.Sinulog festival C. Kadayawan festival
PAGSUSULIT 9. Ano ang festival ang dinarayo sa Davao City? A.Maskara festival B.Sinulog festival C. Kadayawan festival
PAGSUSULIT 10. Ano ang festival ang dinarayo sa Negros? A.Maskara festival B.Sinulog festival C. Kadayawan festival
TAMA o MALI 11. Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming pangkat etnolinggwistiko na may kani-kaniyang wika at kultura.
TAMA o MALI 1 2. Iisa lamang ang wikang ginagamit ng lahat ng tao sa Pilipinas.
TAMA o MALI 1 3. Ang lahat ng pangkat etnolinggwistiko sa bansa ay pare-pareho ang tradisyon at paniniwala.
TAMA o MALI 1 4. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko ay hindi nakaaapekto sa kultura ng bansa.
TAMA o MALI 1 5. Ang mga pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas ay nag-aambag sa mayamang kultura at pagkakakilanlan ng bansa.
Materyal o Di Materyal ________16. wika ________17. estruktura ________18. paniniwala
Materyal o Di Materyal ________19. sining ________20. kasuotan
Tama o Mali ___6. Ang Sinulog festival ay tanyag sa lugar ng Mindanao. ____7. Mahilig sa mga maaanghang na pagkain ang mga taga Bicol. ____8. Ang mga Tagalog ay mahilig sa pagkain na pinakbet.
Tama o Mali ____9. Ang mga Badjao ay tinatawag na “taong nasa dagat”. ____10. Ang ibig sabihin ng Hanunuo ay nagmula sa lupa.
Tama o Mali TAMA6 . Ang mga Badjao ay tinatawag na “taong nasa dagat”. MALI 7. Ang ibig sabihin ng Hanunuo ay nagmula sa lupa.
Tama o Mali MALI8 . Ang Sinulog festival ay tanyag sa lugar ng Mindanao. TAMA 9 . Mahilig sa mga maaanghang na pagkain ang mga taga Bicol. MALI 10 . Ang mga Tagalog ay mahilig sa pagkain na pinakbet.
TAKDANG ARALIN: Pag-aralan ang aralin sa pahina 19-22 sa Aralpan Module. May pagsusulit sa Setyembre 4, 2025
GAWAIN TAMA o MALI ______1. Ang mga korales, posit at kabibe ay mga halimbawa ng yamang lupa. ______2. Isa sa mga halimbawa ng yamang enerhiya ay an fossil fuel.
GAWAIN TAMA o MALI ______3. Ang mga likas yamang ng bansa ay nakakatulong sa pagppapaunlad ng bansa. ______4. Ang likas na pag-unlad ay ang paggamit ng likas na yaman sa paraang mapapakinabangan lamang ng kasalukuyang henerasyon.
GAWAIN TAMA o MALI ______5. Ang pagsunog ng kagubatan para sa malawakang pagsasaka ay isang halimbawa ng likas na pag-unlad. ______6. Bahagi ng likas na pag-unlad ang pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga mamamayan.
GAWAIN TAMA o MALI ______7. Ang tamang paggamit ng likas na yaman ay mahalaga sa kaunlaran ng bansa. ______8.Maaaring mapakinabangan ang likas na yaman kung ito ay mapapangalagaan.
GAWAIN TAMA o MALI ______9. Ang pagsusunog ng kagubatan ay nakatutulong sa kalikasan. ______10. Ang pag-abuso sa likas na yaman ay maaaring magdulot ng pagbagal sa pag-unlad ng bansa.
REVIEW QUIZ
Tukuyin kung ang mga sumusunod ay Anyong Lupa - AL, Anyong Tubig , AT _______1. golpo _______2. burol _______3. Mt. Mayon _______4. Talampas _______5. lawa
Tukuyin kung ang mga sumusunod ay Anyong Lupa - AL, Anyong Tubig , AT _______ 6. bulubundukin _______ 7. Pasipiko _______ 8. Lambak _______ 9. Samal _______ 10. Taal
______11. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng anyong lupa? A.Dagat B. Ilog C. Bulkan D. Karagatan
______12. Alin sa mga sumusunod ang tinaguriang "Perfect Cone" sa Pilipinas na naglalabas ng lava? A. Bundok Apo B. Bundok Pulag C. Bulkang Mayon D. Bulkang Taal
______13. Ano ang tawag sa mataas na anyong lupa na may patag na ibabaw? A.Kapatagan B. Talampas C. Lambak D. Burol
______14. Ano ang tawag sa malaking anyong tubig na mas maliit kaysa karagatan? A. Lawa B. Golpo C. Ilog D. Dagat
_____15. Ito ay parang maliit na bundok ngunit higit na mas mahaba ito at pabilog tanyag ito sa Bohol. A.Kapatagan B. Talampas C. Lambak D. Burol
_____16. Ano ang festival ang dinarayo sa Davao City? A.Maskara festival B.Sinulog festival C. Kadayawan festival
____17. Nangangahulugang “ mula sa lupa .” Ang mga ninuno ng umukit ng Hagdan-hagdang Palayan sa bayan ng Banaue. A. Bicol B. Kapangpangan C. Ifugao
____18. Ano ang festival ang dinarayo sa Cebu City? A.Maskara festival B.Sinulog festival C. Kadayawan festival
____19. Kilala sila sa magagandang gumawa ng parol o “Christmas Lantern” at karamihan din sa kanila ang mga Romano Katoliko. A. Bicol B. Kapangpangan C. Ifugao
____ 20. Kilala rin sila sa paggawa ng mga masasarap pagkain kagaya ng pinakbet, empanada at tocino . Karamihan sa kanila ay miyembro ng simbahang Aglipay at Iglesia ni Cristo. A.Ilocano B. Badjao C. Muslim