Aralin 4- Week 4.pptx Tekstong Ekspositori

ShainaMarieGarcia 21 views 31 slides Sep 07, 2025
Slide 1
Slide 1 of 31
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31

About This Presentation

Malinaw na Paglalarawan, Daan Pabalik sa Kinagisnan


Slide Content

Aralin 4: Malinaw na Paglalarawan, Daan Pabalik sa Kinagisnan (Tekstong Ekspositori)

Mungkahing Estratehiya: TANONG-SAGOT   Kapag may nakita kayong post sa social media na nagsasabing, ‘Ang kape raw ay nakakasama sa katawan kapag iniinom araw-araw’   Agad ba kayong naniniwala? Paano ninyo malalaman kung totoo ito?

Mungkahing Estratehiya: REAL-LIFE SCENARIO Isang araw, may naligaw na turista sa inyong lugar. Tinanong ka niya kung ano ang kasaysayan ng inyong bayan. Anong klase ng teksto ang dapat mong ibigay sa kanya upang lubos niyang maintindihan ito? Hindi kwento, kundi impormasyon- klaro at direkta.

Mga Gabay na Tanong: 1. Sa inyong karanasan, kailan kayo huling nagbasa ng isang impormasyon sa internet o aklat? Anong uri ng impormasyon ang binasa ninyo? 2. Bakit kaya mahalagang maunawaan kung ano ang sanhi at bunga ng isang pangyayari? 3. Kapag may dalawang bagay kang ikinukumpara, anong impormasyon ang mahalagang ipakita? 4. Paano kung may problema kang kinakaharap- anong klaseng teksto kaya ang makatutulong sa iyo para hanapan ito ng solusyon?

5. Kapag gumagawa tayo ng recipe , sinusunod natin ang mga hakbang. Anong uri kaya ng ekspositori ang ginagamit dito? 6. Kung magpapakilala ka ng isang bagay o tao sa paraang malinaw at detalyado, anong istilo ng ekspositori ang iyong gagamitin?

BASA-UNAWA: Basahin at unawain ang akda. Sagutan ang pamatnubay na tanong. Polangui Ni Alden Peter Manrique p. 36-37

Panuto: Sagutin ang mga tanong ukol sa binasang teksto. 1. Ano ang paksa ng teksto? 2. Ano ang layunin ng may-akda sa pag-iisa-isa ng mga detalye ukol sa munisipalidad ng Polangui? 3. Naranasan mo na rin bang maglakbay sa malalayong lugar? Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng mga lugar na ito? Isa-isahin. 4. Kung ikaw ay papipiliin ng lugar na nais mong puntahan, saan ito at bakit? 5. Sa iyong palagay, ano ang naitutulong ng paglalahad ng impormasyon?

Tekstong ekspositori ito ay kadalasang sumasagot sa mga tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.

Sa pagtiyak na magiging mabisa ang pagsulat nito, inaasahang taglay nito ang sumusunod na katangian: 1. Obhektibo o tiyak ang ang pagtalakay sa paksa 2. Sapat ang mga kaalamang inilahad 3. Malinaw ang pagkakahanay ng mga kaisipan 4. Analitikal ang pagsusuri ng mga kaisipan Dagadag pa rito, may sinusunod itong hulwaran o pattern. Ilan sa mga ito ay nasa talahanayan.

Hulwarang Ekspositori Estruktura 1. Deskripsyon Mga halimbawa: a. Memoirs b. Personal na sanaysay c. Journals d. Deskripsyon ng nilalaman Layunin nito na mailarawan ang paksa gaya ng tao, hayop, bagay, at lugar sa paraan ng paglalarawan ng mga nakuhang halimbawa gaya ng dami, bahagi, at katangian. Halimbawa: Ang mga alagang aso ay sampung ulit ang lakas ng pang-amoy kaysa sa tao. Ang mga ito ay may 300 milyong receptors kung ikukumpara sa tao na may 3 milyong receptors lamang.

Hulwarang Ekspositori Estruktura Sinusunod nito ang sumusunod na estruktura: Pagtukoy - Unang nagkakaroon ng pagpapakilala sa paksa. B. Deskripsyon o Paglalarawan- Nagkakaroon ng detalyadong impormasyon sa paksa na makatutulong upang maging malinaw sa isipan ng mga mambabasa ang bagay na inilalarawan. C. Kongklusyon- Mula sa naisagawang paglalarawan, nagkakaroon ng pinal na pahayag na nagsisilbing kongklusyon sa paksa.

Hulwarang Ekspositori Estruktura 2. Pagtutulad at Pagkakaiba Mga halimbawa: a. Personal na sanaysay b. Heograpiya c. Ensayklopidya d. Siyentipikong teksto Isa itong paraan ng pagbibigay-diin sa dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya, at pangyayari. Mga halimbawa ng pagkakaiba: Sa kabilang banda, hindi tulad ng tao na nakapagsasalita, ginagamit naman ng aso ang kanyang buntot upang ipakita ang kanyang nararamadaman.

Hulwarang Ekspositori Estruktura Pagdating sa ilang bagay ay nakalalamang din ang aso sa tao tulad ng lakas ng pang-amoy. Mga halimbawa na nakatuon sa katangian ng A: Ang tao ay malayang naipahahayag ang sarili hindi lamang sa pagsasalita at pagsusulat kundi maging sa di-berbal na paraan gaya ng kilos. Dagdag pa, malawak din ang pag-iisip ng tao kung bakit patuloy ang inobasyon ng mundo at tao.

Hulwarang Ekspositori Estruktura Pagdating sa ilang bagay ay nakalalamang din ang aso sa tao tulad ng lakas ng pang-amoy. Mga halimbawa na nakatuon sa katangian ng A: Ang tao ay malayang naipahahayag ang sarili hindi lamang sa pagsasalita at pagsusulat kundi maging sa di-berbal na paraan gaya ng kilos. Dagdag pa, malawak din ang pag-iisip ng tao kung bakit patuloy ang inobasyon ng mundo at tao.

Hulwarang Ekspositori Estruktura Mga halimbawa na nakatuon sa katangian ng B: Samatala, ang mga hayop gaya ng aso ay naipararamdam ang sarili gamit ang pagkawag ng kanilang buntot, pagkahol, at pakikipaglaro sa tao. Bilang karagdagan, maliliksi at matatalas kanilang sensor higit sa tao pagdating sa pang-amoy, pandinig, at pakiramdam.

Hulwarang Ekspositori Estruktura Sinusunod nito ang sumusunod na estruktura: A. Introduksyon- Nagsisimula sa pagpapakilala ng paksang paghahambing. B. Katawan- Sa katawan ng estrukturang paghahambing, mauuri ito sa dalawa: a. Para sa paksa-sa-paksa, unang inilalarawan ang unang paksa, saka sunod na ilalarawan ang ikalawang paksa. Pagkatapos, magkakaroon ng paghahambing sa pagkakatulad at pagkakaiba.

Hulwarang Ekspositori Estruktura b. Para naman sa punto-sa-punto, unang inihahambing ang unang aspekto ng parehas na paksa, at susundan ng paghahambing sa ikalawang aspekto ng parehas na paksa. C. Kongklusyon- Nagkakaroon ng pagbubuod sa mga inihambing na katangian at saka magbibigay ng huling pahayag ukol sa paksa.

Panuto: Basahin muli ang Talata 2 at 3 sa teksto. Suriin ang pagkakabuo nito gamit ang mga gabay na tanong. Pagsusuri sa Estruktura ng Deskripsyon Pagsusuri sa Estruktura ng Pagkakatulad at Pagkakaiba 1. Ano ang inilarawan sa Talata 2? 2. Paano nagsagawa ng paglalarawan sa talata? Ano-ano ang salitang ginamit upang ilarawan ang paksa nito? 1. Ano ang mga pinaghahambing sa Talata 3? 2. Paano naghambing sa talata? Ano-ano ang mga salitang ginamit sa talata upang ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng paksa nito?

Pagsusuri sa Estruktura ng Deskripsyon Pagsusuri sa Estruktura ng Pagkakatulad at Pagkakaiba 3. Paano nakatulong ang deskripsyon sa paglalahad ng kaisipan sa talata? Naging mabisa ba ang paggamit ng estruktura ng deskripsyon sa talata upang ipaunawa ang pangunahing ideya nito? 3. Sa iyong pananaw, naging mabisa ba ang paggamit ng estruktura ng pagkakatulad at pagkakaiba sa pagpapaunawa ng kaisipan ng talata?

PANGKATANG-GAWAIN

Pangkat I: “Balita Ko, Alam Ko!” Layunin: Masuri ang sanhi at bunga sa isang tekstong ekspositori. Hakbang sa Gawain:   1. Babasahin ng grupo ang ibibigay na teksto, ( Teksto: “Ang Epekto ng Pagka-adik sa Gadget ng Kabataan”) . 2. Tukuyin ang mga pangunahing sanhi at bunga. 3. Gumawa ng Sanhi at Bunga Tsart.

Pangkat II: “Ihambing Mo!” Layunin: Maisaayos ang impormasyon sa pamamagitan ng Venn Diagram . Hakbang sa Gawain:   1. Paksa: Online Class vs. Face-to-Face Class 2. Tukuyin ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba. 3. Gumamit ng Venn Diagram

Pangkat III: “Ayusin Natin!” Layunin: Maayos ang mga talata ayon sa lohikal na pagkakasunod-sunod. Hakbang sa Gawain:   1. bibigay ng guro ang tekstong hinati-hati sa talata, ( Teksto: “Hakbang Tungo sa Matagumpay na Pagtatanim ng Gulay sa Bakuran”). 2. Ayusin at isulat ang talata sa tamang pagkakasunod-sunod.

Pangkat IV: “Solusyong Hanap!” Layunin: Matukoy ang suliranin at mga mungkahing solusyon sa isang isyu. Hakbang sa Gawain:   1. Basahin ang ibinigay na ekspositori tungkol sa isang isyu, ( Teksto: Lumalalang Problema sa Basura sa mga Pamayanan”). 2. Tukuyin ang suliranin at solusyon ayon sa teksto. 3. Magbigay ng sariling mungkahing solusyon bilang grupo. 4. Gumawa ng tsart na nagpapakita ng problema at solusyon.

Batayan   Bahagdan Nilalaman at Organisasyon ng mga Kaisipan o Mensahe Naipahahatid ang nilalaman at organisasyon ng mga kaisipan o mensahe. 40 Istilo/ Pagkamalikhain Kakikitaan ng kasiningan ang pamamaraang ginamit ng pangkat sa presentasyon. 30 Kaisahan ng Pangkat o Kooperasyon Naipamamalas ang pagkakaisa ng bawat miyembro ng pangkat sa kanilang gawain. 30 Kabuuan: 100 puntos

Mungkahing Estratehiya: ISHARE MO, SAGOT MO! 1. Paano makatutulong sa iyo ang pagsusuri ng tekstong ekspositori upang mas maintindihan ang iyong mga tungkulin at karapatan bilang mamamayan, at upang makagawa ng tamang desisyon sa loob ng tahanan, paaralan, o komunidad? 2. Bakit mahalagang matutong magsuri ng tekstong ekspositori bilang isang mag-aaral at mamamayan sa makabagong panahon?

2. Bakit mahalagang matutong magsuri ng tekstong ekspositori bilang isang mag-aaral at mamamayan sa makabagong panahon?

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap tungkol sa pagsusuri ng tekstong ekspositori. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.   ____1. Ang tekstong ekspositori ay nagpapaliwanag ng impormasyon sa malinaw at lohikal na paraan. ____2. Layunin ng tekstong ekspositori na magbigay ng malinaw na impormasyon o paliwanag. ____3. Ang pagsusuri ng tekstong ekspositori ay nangangahulugang pagtukoy lamang ng pamagat. ____4. Mahalaga ang kaalaman sa sanhi at bunga sa pagsusuri ng tekstong ekspositori.

____5. Hindi na kailangan ng lohikal na pag-iisip sa pagsusuri ng ganitong uri ng teksto. ____6. Ang mga tekstong ekspositori ay karaniwang ginagamit sa agham, kasaysayan, at mga araling panlipunan. ____7. Ang pagsusuri ng ekspositori ay tumutulong upang maunawaan ang isang isyu batay sa ebidensya at datos. ____8. Maaaring gamitin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari bilang estratehiya sa pagsusuri ng teksto. ____9. Ang tekstong ekspositori ay laging gumagamit ng mga tauhan at dayalogo. ____10. Mahalaga ang pagsusuri ng tekstong ekspositori upang makagawa ng matalinong pasya sa tunay na buhay.

Takdang-Aralin Panuto: Maghanap ng isang halimbawa ng tekstong ekspositori mula sa alinmang artikulo, babasahin sa paaralan, aklat, diyaryo, o online source (hal: edukasyonal na blog o news site). Sagutan ito sa isang malinis na papel.   Gamit ang nahanap na teksto, sagutin ang sumusunod: 1. Pamagat ng Teksto: 2. Pinagmulan/ Sanggunian ng Teksto: 3. Ano ang pangunahing layunin ng teksto? 4. Ilista ang 3 mahahalagang impormasyon mula sa teksto. 5. Anong estruktura ang ginamit sa teksto? (Hal: sanhi at bunga, paghahambing, depinisyon, problema at solusyon, pagsusunod-sunod) 6. Ano ang natutunan mo mula sa pagbasa at pagsusuri ng tekstong ito?
Tags