Bawatwika ay nakaugatsakulturang mga
taonglikasna gumagamitnito.
Mahalagangmaunawaanng isangtagapagsalinna hindi
siyadapatdumulogsaliteral na pagsasalin, lalona
kung ang isinasalinay may kulturalna kahulugan. Hindi
sapatang paglalapatng salita-sa-salita; sahalip, dapat
niyangbigyang-halagaang tunayna layuninat
mensahengnaisiparatingng orihinalna may-akda.
Bawatwika ay may kanya-kanyang
natatangingkakanyahan.
Bawatwika ay may natatangingestrukturasapagbuong mga salitaat sapag-aayosng mga itoupangmakabuo
ng pariralao pangungusap. Halimbawa, salaranganng paglalapi, may gitlapiang Filipino na walasaIngles.
Bukoddito, saFilipino, maaaringgawingpandiwaang halos lahat ng pangngalan—tuladng salitang“tsinelas”
na nagiging“tsitsinelasin.” Sa Ingles, hindiitoposible; hindimomaaaringgamitinang “slipper” bilangpandiwa
gayang “slipperize. Sa Ingles, ang simunong pangungusapay laginangnauunasapanaguri. Hindi maaarisa
Ingles ang ayosna panaguri+ simuno. SamantalangsaFilipino ay karaniwang-karaniwanang dalawangayosng
pangungusap.
Halimbawa:
Diniligni Jose ang mga halaman. (Panaguri+ Simuno)
Ang mga halamanay diniligni Jose. (Simuno+ Panaguri)
Jose watered the plants. (Subject + Predicate)
The plants were watered by Jose. (Subject + Predicate)
Ang isangsalinupangmaituringna mabuting
salinay kailangangtanggapinng pinag-
uukulangpangkatna gagamitnito.
Ipinapakitasapahayagang isa samga mahahalagangkatangianng isangmahusayna
salin. Mainamna palagiangitanongng tagapagsalinsasarili, lalona kapagnagsasalin
mulaIngles tungosaFilipino: Maiintindihankaya itong mambabasangnaiskong
pag-ukulan? Akma baitosakanilangkaalaman, antasng pag-unawa, at
pangangailangan?
Ang isangmabutingsalinay hindilamangtungkolsapagigingtamasakahulugan
kundihigitsalahat, itoay naiintindihanat angkopsatagatanggap. Ang tagasalinay
dapatmagingsensitibosakonteksto, kakayahan, at pangangailanganng kanyang
mambabasa.
Bigyan ng pagpapahalagaang uring
filipinona kasalukuyangsinasalitang
bayan.
Maynila –Filipino
Maraming palaaral(researchers)
at dalubwika(linguists) na ang
uring Filipino na ginagamitsa
Maynila—o saMetro Manila sa
pangkalahatan—ang dapat
magingpamantayanganyong
wikangFilipino. Ito raw kasi ang
pinakamalapitna representasyon
o salaminng kung anoang
itinuturingna "tunay" na Filipino.
NSDB Filipino
Ang National Science
Development Board ay
lumikhang isangLuponsa
Agham upangbumuong
mga kinakailangang
talasalitaansaaghamsalahat
ng antasng karunungan.
Halimbawa:
Sipnayan-mathematics
Agimatan-economics
Agsikapan-engineering
U.P. Filipino
Nagkaroon ng liberal na
paghahalo ng mga salitang
Ingles sa kanilang paggamit ng
wikang Pambansa.
Halimbawa
iprinopos
pagdebelop
madiskas
inaprubahan
Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga
pormula na masasabing establisado o unibersal na
ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang
umayon sa baybay ng katumbas sa filipino.
Ang simulain na ito ay nagsasabi na hindi na kailangang isalin o baguhin sa Filipino ang
mga daglat (abbreviations), akronim (acronyms), at mga pormula na establisado na o
kinikilala sa buong mundo. Ang mga ganitong termino ay standard na sa pandaigdigang
diskurso, kaya’t kung pipilitin pa itong isalin ay maaaring magdulot ito ng kalituhan, di-
pagkakaunawaan, o pagkawala ng orihinal na kahulugan.
Halimbawa:
PTA (sa halip na SGM sa Samahan ng mga Guro at Magulang.
cm (sa halip na sm sa centimeter)
Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na
panumbas sa isang salita ng isinasaling teksto, gamitin
ang alinman sa mga ito at pagkatapos ay ilagay sa
talababa ang ibang bilang mga kahulugan.
Ibig sabihin, hindi lang iisa ang maaaring isalin, at bawat isa ay may bahagyang
pagkakaiba sa gamit, konteksto, o antas ng pormalidad.
Halimbawa: Light
Salin sa teksto: Dumaan ang isang liwanag⁷ sa madilim na silid
Talababa: ⁷Depende sa gamit, maaari rin itong isalin bilang sindi, ilaw,
o siklab kung tumutukoy sa klase ng pinagmumulan ng
liwanag.
Ang kawalan ng paniniwala sa likas na kakayahan
ng wikang filipino ay nauuwi sa panggagaya o
panghihiram hindi lang ng mga salita kundi pati
mga idyoma, paraan ng pagpapahayag at balangkas
ng mga pangungusap sa wikang ingles.
Ingles Karaniwang
Gaya
Mas Angkop na
Filipino
"We implemented the
program."
Inimplement namin ang
programa.
Ipinatupad namin ang
palatuntunan.
"She is under
medication."
Siya ay nasa ilalim
nmedikasyon.
Umiinom siya ng gamot.
Nangyayari ang ganito sapagkat ang Ingles ay wika ng ating dating mananakop. Sa ating
mga Pilipino, ang Ingles ay prestige language. Napakalakas ng nagiging impluwensiya nito
sa wikang Filipino, lalo pa’t iisiping hanggang sa kasalukuyan ay Ingles pa rin ang prinsipal
na wikang ginagamit sa pamahalaan at sa edukasyon.
Halimbawa:
Malaki ang pagkakaiba ng ‘Filipinong pasalita’ at
‘Filipinong pasulat’. Maraming pagkakataon na ang
tinanggap nating mga uri ng pahayag na pasalita ay
hindi natin tatanggapin kapag isinulat.
Ang Filipinong pasalita ay mas malaya, madalas halo-halo ang wika, at umaasa sa
konteksto, habang ang Filipinong pasulat ay mas istriktong sinusunod ang gramatika,
tamang baybay, at pormalidad. Kaya sa pagsasalin, mahalagang matukoy kung ano ang
angkop para sa target na mambabasa — impormal bang pag-uusap o pormal na
babasahing teksto. Sa wikang pasalita ay natural na natural sa ngayon ang “code-
switching” oang paglilipat-lipat sa Ingles at sa Filipino na kilala sa tawag na Taglish o
Enggalog.
Halimbawa:
Absent si Nora noong Friday. Na-notice ito ng professor. Nagbigay ng test ang
professor para sa mga lessons na-natake-up ng class for the whole week.
Hindi ganito ang uri ng Filipinong bibigyan natin ng higit na
pagpapahalaga sa ating pagsasalin. Higit na magiging maayos para sa
wika na hanggat maaari ay iwasan ang labis-labis na panghihiram sa
Ingles kung mayroon naman tayong mga salitang magagamit.
Halimbawa:
Liban si Nora noong Biyernes. Napansin ito ng propesor. Nagbigay ng
pagsusulit ang guro para sa mga aralin na nagpag-aralan ng klase sa loob
ng isang lingo.
Isaalang-alang ang kaisahan ng mga
magkakaugnay na salitang hiniram sa
ingles.
Kung isasalin, halimbawa, ang mga salitang ‘solid’ at
‘liquid’. Kapag tinumbasan ng ‘solido’ ang solid,
magandang itumbas naman sa ‘liquid’ ay ‘likido’. Hindi
maganda ang pormang ‘solid’ at ‘likido’ o kaya’y
‘solido’ at ‘likwid’.
Mahalaga ang diksyunaryo sa
pagsasaling-wika ngunit huwag kang
paalapin dito.
Ang pahayag na ito ay paalala sa mga tagapagsalin na bagama’t malaking tulong ang
diksyunaryo sa pagsasalin, hindi ito dapat ang maging tanging batayan o sandigan
sa pagbibigay ng salin.
Halimbawa:
Orihinal (Ingles):
“He kicked the bucket.”
Gamit ng diksyunaryo:
kicked = sinipa bucket = timba
Kung paalipin sa diksyunaryo:
“Sinipa niya ang timba.” (literal, pero mali ang diwa)
Mas angkop:
“Pumanaw siya.” (tamang kahulugan batay sa idyomatikong pahayag)