Aralin_7_Ang_Instrumental_Regulatori_at_Heuristikong_Tungkulin_ng_Wika.pptx

virgiereyvalenzuela 1 views 11 slides Sep 17, 2025
Slide 1
Slide 1 of 11
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11

About This Presentation

komunikasyon


Slide Content

Aralin 7 Ang Instrumental, Regulatori , at Heuristikong Tungkulin ng Wika

Layunin ng Talakayan mabigyang -kahulugan ang mga komunikatibong tungkulin ng wika na nakatuon sa instrumental, regulatori , at heuristiko ; maisa -isa ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tungkulin ng wika na instrumental , regulatori , at heuristiko ; makabuo ng maikling talata at pahayag na gumagamit ng mga komunikatibong tungkulin ng wika na nakatuon sa instrumental, regulatori , at heuristiko ; at masuri ang mga komunikatibong tungkulin ng wika sa mga napanood na dokumentaryo .

Daloy ng Talakayan Pag-aaral sa wika ; Ang Instrumental na tungkulin ng wika ; Ang Regulatori na tungkulin ng wika ; at Ang Heuristikong tungkulin ng wika .

Pag-aaral sa Wika Malowski – Ipinapalagay niya na ang wika ay repleksiyon ng panlipunang pangangailangan at konteksto ( sa Haslett 2008). A ng silbi at tungkulin ng wika ay nalilikha alinsunod sa papel na ginagampanan nito sa isang partikular na kultura . Firth – Makikita naman sa prinsipyo ng sitwasyonal na konteksto ni Firth (1957) ang paglalarawan sa kahulugan na nakabatay sa paggamit ng wika sa tiyak na konteksto . Halliday – Nabuo niya ang pitong tungkulin ng wika batay sa iba’t ibang yugto ng pagkakagamit ng isang bata .

Ang Instrumental na Tungkulin ng Wika May instrumental na tungkulin ang wika kung layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita . Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga preperensiya , kagustuhan , at pagpapasiya ng tagapagsalita . Sa aktuwal na karanasan , karaniwang instrumental ang gamit ng wika para sa paglutas ng problema , pangangalap ng materyales , pagsasadula , at panghihikayat .

Halimbawa Sa palagay ko , kailangan na nating magpahinga muna . B . Sa akin, gusto ko munang makipaghiwalay . Alin sa dalawang pahayag ang naglilinaw ng mensahe ng ninanais na pakikipaghiwalay ? Ang Instrumental na Tungkulin ng Wika

Ang Regulatori na Tungkulin ng Wika May regulatori na tungkulin ang wika na may kakayahang makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng iba . Magagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat , mag- utos , at humiling sa kaniyang kausap o sinoman sa kaniyang paligid . Maaaring gamitin ang regulatori na tungkulin ng wika sa mga aktuwal na karanasan ng pagbibigay ng panuto , batas , at pagtuturo .

Halimbawa Ano ang epekto sa iyo ng mga patalastas na ito ? Paano ka kinokontrol ng mga ginagamit na tagline nito ? Ang Regulatori na Tungkulin ng Wika

Ang Heuristiko na Tungkulin ng Wika Kapag ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran , nagiging heuristiko ang tungkulin ng wika . Sa aktuwal na karanasan , maaaring makita ang tungkulin ng wikang heuristiko sa mga gawain ng imbestigasyon , pagtatanong , at pananaliksik .

Halimbawa “ Ano’ng nangyari ? ” “ Para saan ? ” “ Bakit mo ginawa iyon ? ” “ Sabihin mo sa akin kung bakit ? ” “ Ano ang ginagawa ng mga taong gobyerno ?” Ang Heuristiko na Tungkulin ng Wika
Tags