Paraan ng Pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas - Ang Espada
Napakahalagang kasangkapan ng mga Espanyol sa pagpapasunod at pananakop sa mga katutubo ang Kristiyanismo . Bilang likas na mapanampalataya , hindi naging mahirap para sa mga Espanyol na hikayatin ang mga katutubo na magpabinyag sa Kristiyanismo bunsod ng pagsisikap ng mga prayle na may pagkakatulad ang kanilang dinalang relihiyon at ang sinaunang pananampalataya ng mga Pilipino.
Liban sa paraan ng krus , ginamit din ng mga Espanyol na paraan upang sakupin ang Pilipinas - ang espada o ang paggamit ng puwersa at lakas-militar . Nabanggit sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagsupil ng mga Espanyol sa pangkat ng mga rajah sa Maynila noong 1571. Bukod dito ay nagkaroon din ng iba pang pag-atake at pananakop na militar sa ibang lugar . Bahagi rin ng paggamit ng puwersa bilang pananakop ay ang pagpapatupad ng pamahalaang Espanyol ng iba’t-ibang patakaran sa Pilipinas kabilang ang sistemang tributo , sistemang encomienda , at sapilitang paggawa .
Reales - ito ay ang yunit ng pananalapi na ginamit ng Spain mula sa ika-14 na siglo hanggang kalagitnaan ng 1800s. Ang salitang real ay nangangahulugang “ marangal ” sa wikang Espanyol .
Sistemang Tributo Naging malawakan ang pagpapalaganap ng mga Espanyol ng Kristiyanismo sa Pilipinas . Ngunit kasabay ng pagbibinyag sa mga katutubo at pagtatatag ng mga pamayanan ay ang matinding pangangailangan sa salapi na tutugon sa mga pangangailangan ng bagong-tatag na kolonya .
Upang matustusan ang gastusin ng pamahalaan , nagpatupad ang mga pinunong Espanyol ng mga patakaran na liban sa tuluyang nagpasailalim sa mga katutubo ay hindi nakatulong upang paunlarin ang yaman ng Pilipinas . Dahil tanging ang mga pinunong Espanyol lamang ang nakikinabang sa kinikita ng bansa , umaasa din sila sa tulong-salapi o real situado (royal subsidy) mula sa Mexico na isa ring kolonya ng Spain.
Isa sa mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang pagpapataw ng tributo o buwis sa mga katutubo . Para sa mga Espanyol , ang pagbabayad sa kanila ng buwis ng mga katutubo ay isang simbolo ng pagpapasailalim ng mga ito sa hari ng Spain bilang kolonya .
Mula 1571 hanggang 1884 ay nagbabayad ng buwis ang mga katutubo sa pamahalaan na maaaring bayaran sa anyong salapi o sa katumbas na halaga nito sa ani tulad ng manok , palay , ginto , tela , at iba pa. Sa simula ay 8 reales ang kanilang binabayaran . Tumaas ito sa 10 reales noong 1589 hanggang 12 reales noong 1851. Sapilitang pinagbabayad ang mga mamamayang may edad 16 hanggang 60 taong gulang . Polo y Servicio
Cedula personal Noong 1884, sa bisa ng isang kautusan ay itinigil ang paniningil ng tributo at sa halip ay pinasimulan ng pamahalaan ang cedula personal. Ito ay isang uri ng buwis na ipinapataw sa mga mamamayang may edad na 18 pataas . Ang katumbas na halaga ay batay sa kabuoang kinikita ng isang indibidwal . Nagsisilbi itong tarheta ng pagkakakilanlan o identification card ng isang residente ng pamayanan na kailangan niyang dalhin saan man siya magtungo .
Ang sinomang mamamayan na mahuli na walang dalang cedula ay maaaring mapagbintangan bilang tulisan na may kaakibat na multa at pagkakakulong .
Iba pang uri ng Buwis Maliban sa tributo , may iba pang uri ng buwis na ipinataw ng mga Espanyol sa mga katutubo . Diezmos prediales - ay nagkakahalaga ng 1/10 ng kabuuang ani ng isang tao sa kaniyang lupang sinasaka . Mula 1635 hanggang kalagitnaan ng ika-19 na siglo ay ipinataw sa mga katutubo ang donativo de zamboanga . Donativo de zamboanga - ay isang uri ng “ donasyon ” na inilalaan sa pananakop sa Jolo . Nagkakahalaga ito ng ½ reales o katumbas nitong palay . Ginamit ito para sa layuning masupil ang mga Moro.
Noong 1781, ang lalawigan ng Bulacan ay nanghingi ng tulong sa pamahalaan upang pondohan ang mga bangkang vinta na nakapalibot sa mga baybayin ng Luzon na siyang nangangalaga at nagtatanggol sa pananalakay ng mga Moro. Tinawag ang buwis na ito na vinta . Gobernador- Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera (1635-1644 )- Sa ilalim ng pamumuno niya ay malawakang ipinatupad naman ang sistemang bandala . Sistemang bandala - Sa sistemang ito , nagtakda ang mga Espanyol sa bawat lalawigan ng kota (quota) ng dami ng ani na sapilitang ipagbibili ng mga katutubo sa pamahalaan sa mababang halaga .
Dahil sa marangyang pamumuhay ng mga opisyal at prayle , kadalasan ay walang sapat na pondo ang pamahalaan upang bayaran ang mga katutubo at sa halip ay nagbibigay lamang ng promissory note sa mga magsasaka .
Liban sa mga Espanyol na naninirahan sa Pilipinas , may ilang katutubong mamamayan din ang hindi kabilang sa mga kailangang magbayad ng buwis . Sila ang : mga lokal na pinuno tulad ng gobernadorcillo , at cabeza de barangay na siyang naatasan na mangolekta ng buwis sa kanilang sakop ; mga sundalo at hukbo ( kapwa aktibo at retirado ), kabilang ang kanilang mga asawa at mga anak ; mga kasapi ng iba’t ibang sangay ng guardia civil; at mga pulubi at may kapansanan na nakatatanggap ng kawanggawa .
Pahirap para sa mga katutubo ang pagpapataw sa kanila ng buwis ng mga Espanyol . Nagsilbi itong simbolo ng kanilang pagpapasailalim sa kapangyarihan ng hari ng Spain at kawalan ng kalayaan at karapatan sa sariling lupang sinilangan . Naging ugat din ito ng katiwalian sa mga opisyal at prayle na nangamkam ng pera upang magpayaman .
Sistemang Encomienda Encomienda - tumutukoy ito sa lupa o teritoryo na ipinagkatiwala ng hari ng Spain sa mga conquistador. Ito ay nagsisilbing pabuya o gantimpala na iginagawad sa mga Espanyol para sa kanilang pagpupunyagi sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas . Si Miguel Lopez de Legazpi , ang kauna-unahang gobernador-heneral ng Pilipinas ang siya ring unang nagawaran ng encomienda .
Encomendero Ang sinomang magagawaran ng encomienda ay kinikilala bilang encomendero . Bilang encomendero , siya ay may karapatan at kapangyarihang maningil ng buwis sa mga mamamayang naninirahan sa sakop niyang encomienda . Ang gawain na ito ay kaniyang ipinasa sa mga cabeza de barangay na karaniwan ay pawang mga katutubo . Lahat ng kalalakihan na may edad 19 hanggang 60 ay kinakailangang magbayad ng 8 reales sa loob ng isang taon , o katumbas na ani , o sapilitang paggawa .
Sang- ayon sa kautusang nilagdaan ni Haring Felipe II noong 1558, kapalit ng pagbabayad ng buwis ng kanilang mga nasasakupan , ang isang encomendero ay may sumusunod na tungkuling kailangan gampanan : p angalagaan at bigyang-proteksiyon ang mga katutubong kaniyang nasasakop ; t ulungan ang mga misyonero sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo ; at i taguyod ang edukasyon sa kaniyang encomienda .
Ngunit hindi naging matapat sa kanilang mga sinumpaang tungkulin ang mga encomendero . Ang sistemang encomienda ay nagbigay-daan lamang sa labis na pang- aabuso sa mga katutubo tulad ng mga nakasaad : Karagdagang pasakit sa mga katutubo ang buwis na kanilang dapat bayaran sa mga encomendero habang may iba pang uri ng buwis na ipinapataw sa kanila ng pamahalaan . May ilang pagkakataon na higit sa nakatakdang halaga ng buwis ang sapilitang sinisingil ng mga encomendero sa kanilang nasasakupan .
3. Ang pagtatalaga sa mga katutubong cabeza de barangay bilang mga taga-singil ng buwis ay nagdulot ng pagkakawatak-watak sa mga katutubo sapagkat sila ang direktang humaharap sa mga mamamayan sa halip na ang encomendero na Espanyol . 4. Ang mga hindi nakapagbabayad ng hustong buwis ay sapilitang pinagtatrabaho sa malayong lugar o sapilitang kinukumpiska ang mga alagang hayop o ani .
Sapilitang Paggawa o ang Polo y servicios . Ito ay nagtatakda sa lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong gulang na magtrabaho sa loob ng 40 araw kada taon ( ibinaba ito ng 15 araw sa bisa ng kautusan noong 1884). Sila ay sapilitang ipinadadala sa iba’t-ibang malayong pamayanan upang makibahagi sa pagpapagawa ng mga kalsada at tulay , simabahan , iba pang mga gusali , bahay na bato , at galyon .
Sang- ayon sa Laws of the Indies, kapalit ng serbisyong isasagawa ng mga polista ( manggagawa ) ay halagang ¼ reales . Hindi rin sila maaaring ipadala sa malalayong nayon upang magtrabaho . Tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani ay hindi rin sila dapat makilahok sa sapilitang paggawa . Dapat ding isaalang-alang ang kanilang kalagayang-pisikal bago sila ipadala para isagawa ang polo y servicios . Maaari din silang malibre sa polo kung magbabayad sila ng karampatang multa na tinatawag na falla .
Ngunit katulad ng mga unang nabanggit na patakarang ipinatupad ng mga Espanyol , nagbigay-daan din ang polo y servicios upang higit na pagmalabisan ang mga katutubo . Ang pangakong ¼ reales ay hindi natanggap ng mga polista kaya naman ang inaakalang karagdagang kita sa pamilya ay nagdulot ng lalong paghihirap . Marami rin sa kalalakihan - mga ama , anak , at asawa - ang ipinadala sa malalayong lugar upang magtrabaho . Hindi rin inalintana kung ito ay panahon ng pagtatanim o pag-aani .
Dulot nito ay ang pagkaranas ng ibang pamayanan ng taggutom dahil sa hindi sapat ang inaaning pananim sapagkat walang nag- aasikaso ng kanilang mga lupang sakahan dahil sa polo y servicios .