ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 8 week 3.pptx
catherinewayagwag
1 views
18 slides
Sep 10, 2025
Slide 1 of 18
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
About This Presentation
ITO AYVARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO SA BAITANG IKA WALO IKATLONG LINGGO
Size: 1.25 MB
Language: none
Added: Sep 10, 2025
Slides: 18 pages
Slide Content
Pakikipagkaibigan
Ipinakikilala ko si / sina ….. Pangalan Siya ay aking …. Tinulungan niya ako sa …
Pakikipagkaibigan Webster’s Dictionary - ang pagkakaibigan ay pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal (affection) o pagpapahalaga (esteem)
Aristotle ( Griyegong pilosopo ,) “ Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba . Ito’y isang natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga sa isang ordinaryong kakilala lamang . Hindi ito pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa. Naiaangat nito ang antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng isang lipunan .”
Aristotle (de Torre, 1980) - natural na hangarin ng isang tao na makipagkaibigan sa kaniyang kapwa
Emerson . - “ Ang biyaya ng mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng 7 magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila . Kundi , ito’y mararamdaman sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa atin .”
William James - “ Ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon .”
Tatlong Uri ng Pagkakaibigan Ayon kay Aristotle
1. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan . to ay pagkakaibigang inilalaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao rito . ito ay napakababaw na uri ng pagkakaibigan , kulang ng kabutihan , katarungan , pagmamahal at pagpapahalaga .
2. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan . Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan mo at ng isa o mahigit pang tao na masaya kang kasama o kausap .
3. Pagkakaibiganna nakabatay sa kabutihan. nabubuo batay sa pagkagusto (admiration) at paggalang (respect) sa isa’t isa. Hindi ito madaling mabuo , nangangailangan ito ng mas mahabang panahon kung ikukumpara sa dalawang naunang natalakay na uri . Ito ay mas tumatagal at mas may kabuluhan .
. Ang paghahangad ng mabuti para sa isang kaibigan at para sa kanyang kapakanan ang pinakamataas na antas ng pagkakaibigan . Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay tumatagal , katulad ng pagiging pangmatagalan na birtud at pagpapahalaga . Sa ganitong pagkakataon , dahil ang magkaibigan ay kapwa mabuti , ang kanilang pagkakaibigan ay kapwa makatutulong sa paglago ng bawat isa. Bihira ang ganitong uri ng pagkakaibigan lalo na sa maagang yugto ng tao dahil hindi pa sapat ang kakayahan ng mga kabataan para makamit ito
PAGTATAYA : Tukuyin ang bawat pangungusap kung ito ay tama o mali . Isulat ang titik T kung ito ay wasto at M kung ito ay di- wasto .
Ang pakikipagkaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagpapahalaga lamang . Ang pakikipagkaibigan ay binubuo ng ugnayan ng dalawa o mahigit pang tao .
3. Ang pakikipagkaibigan ay nararamdaman na paghanga hindi inspirasyon . 4. Ang pagkikipagkaibigan ay nakabatay sa pansariling kasiyahan ng isang tao
5. Ang pakikipagkaibigan ay nakabatay sa pangangailangan ng isang tao . 6. Ang pakikipagkaibigan ay isang pangangailangan panlipunan lamang .
7. Ang pakikipagkaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisay at matatag na ugnayan sa pangmatagalang panahon . 8. Ang pagkakaibigan ay malalim at pangmatagalang ugnayan ng isa o mahigit pang tao na may iisang layunin .
9.Ang pakikipagkaibigan ay parating may kapalit ang bawat kabutihan na ibinabahagi at ipinakikita . 10 . Ang isang tao ay hindi kailangan ng isang kaibigan sa kanyang buhay .