Aralin sa Ikasampung Baitang ng Asignaturang Filipino

glendaponan 121 views 24 slides Feb 23, 2025
Slide 1
Slide 1 of 24
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24

About This Presentation

Paksa sa Unang Markahan ng Ikasampung Baitang


Slide Content

Unang Markahan| 21

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
GRADO 10

UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.2
Panitikan : Sanaysay
Teksto : “Ang Alegorya ng Yungib” (Sanaysay mula sa Greece)
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Wika : Mga Ekspresiyon sa Pagpapahayag sa Konsepto
ng Pananaw
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon






















MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN -Ic-d-64)
 Naipaliliwanag ang pangunahig paksa at pantulong na mga ideya sa
napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-Ic-d-64)
 Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na
akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) ( F10PT-Ic-d-63)
 Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan.

PANONOOD (PD) (F10PD-Ic-d-63)
 Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga
isyung pandaigdig.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-Ic-d-66)
 Naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang
nakapaloob sa binasang akda sa pamamagitan ng brain storming.

PAGSULAT (PU) (F10PU-Ic-d-66)
 Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong
isyung pandaigdig.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-Ic-d-59)
 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling
pananaw.

ESTRATEHIYA SA PAG -AARAL (EP) (F10EP-Ia-b-28)
 Nasasaliksik ang mahahalagang impormasyon gamit ang silid -
aklatan, internet, at iba pang batis ng mga impormasyon.

Unang Markahan| 22

T U K L A S I N
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F10PD-Ic-d-63)
 Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga
isyung pandaigdig.

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN -Ic-d-64)
 Naipaliliwanag ang pangunahig paksa at pantulong na mga ideya sa
napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media.

II. PAKSA

Panitikan : Ang Alegorya ng Yungib
(Sanaysay mula sa Greece)
Mula sa Allegory of the Cave ni Plato
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

A K T I B I T I

1. Motibasyon

Pagpapanood ng isang videoclip.
https://youtu.be/bV_5HNF-qsY

Unang Markahan| 23

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: WHEEL OF QUESTION
a. Tukuyin ang paksa ng napanood na video.
b. Ano ang suliraning kinakaharap ng lipunan ayon sa video?
c. Sa sariling pananaw, ano ang nararapat gawin upang maiwasan ang
suliraning ito? Ipaliwanag.

2. Pokus na Tanong







3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: BROADCASTING
Pagpapabasa ng isang maikling sanaysay.

.










Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: ROUND ROBIN
a. Ano ang paksa ng narinig na sanaysay?
b. Isa-isahin ang mga mahahalagang ideyang inilahad sa narinig na pag-
uulat.

A N A L I S I S

1. Sumasang-ayon ka ba sa inilahad na ideya sa napakinggan?
Ipaliwanag.
2. Paano nakaapekto sa iyo bilang isang kabataan ang narinig na
impormasyon sa pag-uulat?
3. Magtala ng mga sitwasyon na kung saan ang karapatang pantao ay
nasikil o nahadlangan. Bigyang patunay.

a. Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng kamalayan sa
kultura at kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling
pananaw?
b. Paano mabisang magagamit ang mga ekspresiyong nagpapahayag
sa pagbibigay ng pananaw?
Ang karapatang pantao ay karapatang nagbibigay kaganapan sa ating
pagkatao. Ang karapatang mabuhay ay pangunahing karapatan ng tao
sapagkat kung wala ito, wala na rin ang pagkakataon upang matamasa niya
ang iba pang karapatan ng tao sapagkat kung wala ito, wala na rin ang
pagkakataon upang matamasa niya ang iba pang karapatan. May karapatan
din siyang maging mahalaga. At tratuhin bilang isang indibidwal na may
dignidad. Karapatan din ng tao ang maging maunlad. Patuloy na sinisikap ng
tao na maigapang ang kanyang sarili at pamilya sa mabilis na pag-unlad
tungo sa kaginhawaan.
http://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-pag-uuri-ng-mga-ideya-o.html

Unang Markahan| 24

 Pagbibigay ng Input ng Guro













































D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang isang teksto ay binubuo ng mga ideya, pangungusap, at detalye.
Ito ay binubuo ng pangunahing ideya at mga pansuportang ideya o
detalye. Nagagawang malinaw ang isang masalimuot na paksa sa
pamamagitan ng mga pangungusap na tiyakang sumusuporta sa
pangunahing ideya.
Ang pangunahing ideya ay paksang pangungusap na batayan ng
mga detalyeng inilahad sa teksto. Ito ay maaaring matagpuan sa
introduksyon, katawan o kongklusyong bahagi ng teksto. May mga
pagkakataon naman na ang pangunahing ideya ay hindi tuwirang binangggit
sa teksto.
Samantala, ang pansuportang ideya ay mga detalyeng may
kaugnayan sa paksang pangungusap upang lubusang maunawaan ang
kaisipan ng teksto. Ang pagtukoy sa mga pansuportang detalye ay malaking
tulong upang matukoy ang paksa at pangunahing ideya ng teksto.

Halimbawang Teksto:

Ang karapatang pantao ay karapatang nagbibigay kaganapan sa ating
pagkatao. Ang karapatang mabuhay ay pangunahing karapatan ng tao
sapagkat kung wala ito, wala na rin ang pagkakataon upang matamasa niya
ang iba pang karapatan ng tao sapagkat kung wala ito, wala na rin ang
pagkakataon upang matamasa niya ang iba pang karapatan. May karapatan
din siyang maging mahalaga. At tratuhin bilang isang indibidwal na may
dignidad. Karapatan din ng tao ang maging maunlad. Patuloy na sinisikap ng
tao na maigapang ang kanyang sarili at pamilya sa mabilis na pag-unlad
tungo sa kaginhawaan.

Pangunahing Ideya:

- Ang karapatang pantao

Mga Pansuportang Ideya:

- Karapatang mabuhay
- Karapatang maging mahalaga
- Karapatang maging maunlad

http://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-pag-uuri-ng-mga-ideya-o.html

Unang Markahan| 25

A B S T R A K S Y O N

Mungkahing Estratehiya: JUMBLED WORDS
Pagsama-samahin ang mga ginulong salita upang makabuo ng
isang ideya batay sa pinagtalakayan.













Sagot:







A P L I K A S Y O N

Mungkahing Estratehiya: TALA-KAALAMAN
Basahin ang bahagi ng sanaysay. Tukuyin ang pangunahing paksa
at mga pantulong na ideya.
















mabigyang
linaw
pagsulat ng
pananaw
Pangunahing
paksa
masalimuot
na paksa
pantulong na
ideya
Ang pangunahing paksa at mga pantulong na ideya ay mahalaga sa
pagsulat ng isang pananaw upang mabigyang linaw ang isang masalimuot
na paksa.
Musika...Musika...Musika...
Mary Dimple S. Dolatoa

Musika...musika...musika... isang himig na napakasarap sa
pandinig. Alam ba ninyo na bukod sa nagpapagaan ito ng ating
damdamin ay may malaking naiaambag din sa larangan ng medisina?
Napag-alaman ng mga siyentipiko na ang kapangyarihan ng
musika ay kayang magpaalis ng stress sa isang tao. Dahil sa
pamamagitan nito naipapahinga ng indibidwal ang kanyang katawan at
maging ang pag-iisip kaya naman ito ay nakababawas sa kanyang mga
alalahanin.
Ayon sa propesor na si Richard Fratianne, ang musika ay
nakababawas din sa sakit at kirot na nararamdaman ng isang pasyente

Unang Markahan| 26






















IV. Kasunduan

1. Magsaliksik ng isang larawan na nagpapakita ng isyung panlipunan..
Gawan ito ng limang pangungusap na pagpapaliwanag. Gumamit ng
pangunahing paksa at mga pantulong na ideya.
2. Basahin at unawain ang “Ang Alegorya ng Yungib’’ pp. 32-35.
a. Isa-isahin ang mga pangunahing kaisipan na matatagpuan dito.


















matapos ang isang operasyon. Nakatutulong din ito na mapabilis ang
paggaling ng taong maysakit. Kaugnay nito, ang mga manggagamot
noong unang panahon ay gumagamit ng musika upang gamutin ang
ilang problema sa puso, maialis ang depression at maging ang insomia o
hindi pagkatulog ay nagagamot din nito.
Samantala, naniniwala naman ang mga babaeng nagdadalang-
tao na ang sanggol ay dapat na pinakikinig ng musika habang nasa
sinapupunan pa lamang upang ito ay lumaking aktibo at matalino. Mas
makabubuti sa mga sanggol kung inyong iparirinig ay musikang
instrumental tulad ng mga likha nila Mozart at Beethoven. Sa
kasalukuyan, may mga katibayang nagpapatunay na ang musika rin ay
tumutulong sa pagpapagana ng ilang bahagi ng utak tulad
ng memorya, emosyon at iba pa.
Sadyang makapangyarihan ang musika hindi lamang sa puso
kundi maging sa pag-iisip ng isang tao. O, kayo, buksan na ang inyong
mga radyo upang mapatunayan ang tunay na galing ng musika!
https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-9.pdf

Unang Markahan| 27

L I N A N G I N

I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-Ic-d-64)
 Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na
akda.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) ( F10PT-Ic-d-63)
 Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-Ic-d-66)
 Naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang
nakapaloob sa binasang akda sa pamamagitan ng brain storming.

II. PAKSA

Panitikan : Ang Alegorya ng Yungib
(Sanaysay mula sa Greece)
Mula sa Allegory of the Cave ni Plato
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon


III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

A K T I B I T I

1. Motibasyon

Pagpapanood ng isang videoclip.
https://youtu.be/QkuV_0EBMAE

Unang Markahan| 28

a.
b.
c.
a.
b.
c.
a.
b.
c.
Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: DRAWLOTS
a. Isalaysay ang nilalaman ng videong napanood.
b. Magbigay ng reaksiyon hinggil sa nilalaman ng video.
c. Sumasang-ayon ka ba sa naging opinyon ng gumawa ng video?
Ipaliwanag.

2. Presentasyon

Pagpapanood ng videoclip mula sa youtube ng aralin.





Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE BALL
a. Ibigay ang paksa ng sanaysay.
b. Ipaliwanag ang mahahalagang natutunan ng mga bilanggo mula sa
pagtingin sa liwanag na nasa labas ng yungib.
c. Bakit daw masasabing ang anino lamang ng katotohanan ang mga
imaheng makikita sa mundo? Ipaliwanag ang tunay na katotohanan.

3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: POOL OF WORDS
Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang magkakasingkahulugan.
Pagsama-samahin sa kahon sa ibaba. Pagkatapos, pumili ng isang salita
sa pangkat at gamitin ito sa pangungusap.






1. ___________________________________
___________________________________
___________________________________

2. ___________________________________
___________________________________
___________________________________

3. ___________________________________
___________________________________
___________________________________
Ang Alegorya ng Yungib ni Plato
Salin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
https://youtu.be/FNuv4ah785s

ipagsanib pagbubulay-bulay pagmumuni-muni
pagninilay-nilay ipagsama ipag-ugnay
naanino nabanaagan naaninag
idugtong pagdarasal natanaw

Unang Markahan| 29

Pangkat II: Mungkahing Istratehiya: BRAIN STORMING
Magbigay ng reaksiyon sa ideya ng bawat pahayag sa loob ng
kahon.
















Pangkat III: Mungkahing Istratehiya: SOCIODRAMA
Magsagawa ng isang pagsasadula batay sa paksang ibinigay.




Pangkat IV: Mungkahing Istratehiya: DEBATE
Magbigay ng sariling reaksiyon hinggil sa paksa.

Paksa: Sumasang-ayon ka ba sa argumentong inilatag ni Plato sa
kaniyang sanaysay tungkol sa “katotohanan” at “edukasyon”?






Mga Kategorya
Napakahusay
10-9
Mahusay
8-7
Katamtamang
Husay
6-5
Kailangan
pang
Paghusayin
4-1
Kaangkupan sa
Task/Layunin
Ang mga
datos/gawain ay
inilahad ay
nagpapakikita ng
kaangkupan .
Angkop ang
datos /gawaing
inilahad.
May mga datos
/gawain na hindi
gaanong
nagpapakita ng
kaangkupan.
Lahat ng
inilahad ay
higit na
nangangaila-
ngan ng
kaangkupan
sa gawain.
Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw.
Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.
Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala.
Ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang
may pagpupunyagi.

Sinuman ang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay,
kailangan ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon.

“Ang kabutihan ang siyang pangunahing pinagmumulan ng katuwiran at
katotohanan.”
Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Unang Markahan| 30

Kalinawan ng
Presentasyon
Napakahusay ng
ginawang
pagpapaliwanag/
pagkakabuo ng
mensaheng
ipinababatid.
Mahusay ang
ginawang
pagpapaliwanag
/ pagkakabuo ng
mensaheng
ipinababatid
Maliwanag ang
ginawang
pagpapaliwanag
/ pagkakabuo
ng mensaheng
ipinababatid.
Hindi malinaw
ang ginawang
pagpapakita
ng mensaheng
nais ipabatid.
Kooperasyon
Ang lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
nagkakaisa at may
respeto sa isa’t isa.
Napakaayos ng
kanilang ipinakitang
presentasyon dahil
lahat ng miyembro
ay kumikilos sa
gawaing nakaatang
sa bawat isa.
May pagkakaisa
at pagtutulungan
ang bawat
miyembro.
Maayos ang
ipinakitang
presentasyon ng
bawat isa.
Dalawa sa
miyembro ng
pangkat ay hindi
maayos na
nakikilahok sa
gawain.Maayos
ang ipinakita
nilang
presentasyon at
may respesto
sa bawat isa.
Halos lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
walang
disiplina. Hindi
maayos ang
presentasyon.
Nangangaila-
ngan ng
disiplina at
respeto sa
bawat
isa.Kailangan
lahat ng
miyembro ay
nakikipagtulu-
ngan sa
gawain.
Pagkamalikhain
/ Kasiningan
Napakamalikhain at
napakahusay ng
pagpapalutang sa
nais ipabatid na
mensahe/
impormasyon
Malikhain at
mahusay ang
pagpapalutang
sa nais ipabatid
na mensahe/
impormasyon.
Maayos na
napalutang ang
ideya na nais
ipabatid.
Walang buhay
ang ipinakitang
pagpapalutang
ng mensahe /
ideya.
 Pagtatanghal ng pangkatang gawain
 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

A N A L I S I S

1. Kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan, bakit
sila tinawag na mga “bilanggo” ni Plato? Pangatuwiranan ang sagot.
2. Naging makahulugan ba ang ideyang ipinahihiwatig sa wakas ng
sanaysay? Patunayan.
3. Masasalamin ba sa binasang sanaysay ang kultura at kaugalian ng
bansang Gresya? Sa paanong paraan inilahad ito ng may-akda?
4. Anong uri ng akdang pampanitikan ang binasa? Patunayan.

Unang Markahan| 31

 Pagbibigay ng Input ng Guro













































D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Makikita
sa salitang “sanaysay” ang mga salitang “sanay” at “salaysay”. Kung
pagdurugtungin ang dalawa, pwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay”
o masasabi ng isang “sanay” o eksperto sa isang paksa. Karaniwang ang
paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan na maaaring kapulutan
ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw.
Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong mahahalagang bahagi o
balangkas:

1. PANIMULA - Sa bahaging ito inilalahad ang pangunahing kaisipan o
pananaw ng may akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.
2. GITNA O KATAWAN - Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang
karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang
patunayan o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.
3. WAKAS - Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang
pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan
at mga katuwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

MGA ELEMENTO NG SANAYSAY
Tema - Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang tema ay ang
sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat bahagi ng akda ay
nagpapalinaw ng temang ito.

Halimbawa:

Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi. Ang
lahat ng kinikita ng asawa ay ibinibigay sa kanya upang ingatan at gugulin sa
wastong paraan.

Anyo at Estruktura - Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang
mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga
mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay
makatutulong sa mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.

Halimbawa:

Panimula
Sadyang isang hamon ang buhay ngayo. Kailangang harapin ito nang
buong tatag.

Katawan
Ngayong bata ka pa dapat ay mulat ka sa nagaganap sa kapaligiran mo.

Unang Markahan| 32















































Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali.
Kuntento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos
sa mga nagdaraan. Pero may magagawa ka pa upang hindi sila maging
pabigat sa lipunan. Ang isang mungkahi ay ang pagbibigay ng kaalaman sa
kanila kung paano tutuklasin ang kanilang natatagong galing na maaaring
maging puhunan nila ng pagkakaroon ng munting negosyo.

Wakas
“Ang bawat tao ay may natatagong kakayahan na dapat paunlarin.”

Kaisipan - mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema

Halimbawa:

Dapat mulat ka sa nagaganap sa iyong kapaligiran.

Wika at Estilo - ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay
nakaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng
simple, natural at matapat na mga pahayag.

Halimbawa:

Sadyang mahirap ang buhay ngayon.
 Paggamit ng mga simple o payak na salita sa sanaysay na impormal o
di maanyo samantalang sa pormal o maanyo ay ang paggamit ng
piling mga salita.

Larawan ng Buhay - nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang
salaysay, masining na paglalahad gumagamit ng sariling himig ang may
akda.

Halimbawa:

Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali.
Kuntento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga
nagdaraan.

Damdamin - naipapahayag ng isang magaling na may akda ang kanyang
damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan
at kaganapan.

Himig - nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring
masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.
Filipino-Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015

Unang Markahan| 33

A B S T R A K S Y O N

Mungkahing Estratehiya: JIGSAW
Sa tulong ng cue words na nasa pira-pirasong jigsaw puzzle,
sagutin ang sumusunod na katanungan.
“Paano makatutulong ang sanaysay na magkaroon ng kamalayan
sa kultura at kaugalian ng isang bansa upang makabuo ng sariling
pananaw?”













http://media.istockphoto.com/vectors/puzzle-vector-id505818690

A P L I K A S Y O N

Mungkahing Estratehiya: LARAWAN NG PAGKATUTO






4. Ebalwasyon

Panuto: Tukuyin ang titik ng angkop na kasagutan sa bawat bilang.
A. Tukuyin ang salitang kasingkahulugan ng mga salitang
nakahilig.
1. Hindi nilubayan ni Fermin ang kanyang kalabaw sa
paghahakot ng palay sa buong panahon ng tag-araw.
a. hinawakan c. hinampas
b. tinigilan d. pinakain

2. Isang mabuting patakaran ng mga mamamayang tunay na
nagmamahal sa bayan ang gunitain ang mabubuting binhi,
aral at simulain ng ating mga bayani.
a. pangarap c. layunin
Gumupit o gumuhit ng larawan kaugnay sa isa sa mga isyung tinalakay sa
sanaysay na “Ang Alegorya ng Yungib”. Bumuo ng maikling talata na
nagpapaliwanag tungkol dito.
Sanaysay pananaw
sariling
kaugalian
kamalayan kultura

Unang Markahan| 34

b. kabayanihan d. katapangan
B. Bigyang reaksyon ang mga sumusunod na ideya.
3. “Ang katamaran ng mga Pilipino ay isang sakit na malubha
ngunit hindi minana.”
a. Ang katamaran ay hindi minamana ito ay kusang
dumarating
b. Ang katamaran ay nakukuha sa pag-inom ng maraming
tubig
c. Ang katamaran ng mga anak ay minana sa mga
magulang
d. Ang katamaran ng isang tao ay maaaring makahawa sa
kanyang kapwa

4. “Nilikha ang mga mamamayan hindi upang paligayahin ang
sarili, kundi upang maging kasangkapan ng pinuno sa
pagbuklod ng Estado.”
a. Tayo ay nilikha upang magsilbi sa bayan
b. Ang mga tao ay nilikha na may tungkulin sa kanyang
kapwa
c. Ang mga tao ay nilikha upang maging modelo sa kanyang
kapwa
d. Tao ay nabuhay upang magsilbing daan tungo sa
tagumpay

5. “Ang katamaran ay kapatid ng kahirapan,
Ang kasipagan ay ina ng kasaganaan”
a. Matutong magsipag kung gustong guminhawa ang buhay
b. Ang katamaran ay hindi magbubunga ng kaginhawaan
c. Wala sa nabanggit
d. Parehong tama

Susi sa Pagwawasto:

1. B 2. A 3. D 4. B 5. A

Index of Mastery



SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

Unang Markahan| 35


IV. Kasunduan

1. Maghanap o kumuha ng isang napapanahong isyu sa alinmang bansa
sa Mediterranean buhat sa mga balita, dokumentaryong pantelebisyon
o video sa youtube na maaaring iugnay sa mga ideyang nakapaloob sa
akda.
2. Ano-ano ang mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng sariling
pananaw? nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
3. Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng bawat ekspresiyon.

Unang Markahan| 36


P A G N I L A Y A N A T U N A W A I N

I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-Ic-d-59)
 Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling
pananaw.

II. PAKSA

Wika : Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Sariling
Pananaw
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

A K T I B I T I

1. Motibasyon

Pagpaparinig ng isang awitin.




Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PASS THE QUESTION
a. Tukuyin ang pinaksa ng awitin.
b. Batay sa narinig, isa-isahin ang kalamangan ng mga taong may sapat
na edukasyon. Patunayan.

2. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya: MASINING NA PAGBASA
Edukasyon - Lamang ang may Alam
https://youtu.be/nBcWfqNHhuI

Unang Markahan| 37

Babasahin ng piling mag-aaral ang akda sa natatanging
paraan na kanyang nais.







Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: UR TURN
a. Ano ang pangunahing kaisipan ng binasang sanaysay?
b. Isa-isahin ang pagkakaiba ng ningning at liwanag ayon sa sanaysay.

A N A L I S I S

1. Tukuyin ang mga pangyayaring binanggit ng may-akda tungkol sa
kalagayang panlipunan noong panahong naisulat ito.
2. Batay sa nilalaman ng sanaysay, ano ang layunin ni Emilio Jacinto sa
pagsulat nito?
3. Suriin ang sanaysay batay sa mga tiyak na bahagi nito.
4. Isa-isahin ang mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng
pananaw.

 Pagbibigay ng Input ng Guro





















D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

may mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw?
1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang:
ayon/ batay/ para/ sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/
pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresiyong
ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.

Halimbawa :
a. Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa
 Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20 : Series of 2013 ng
Commision On Higher Education na pinagtitibay ang
pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim
ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.
 Batay sa Konstitusyon 1987 : Artikulo XIV, Seksyon 6 na
nagsasabing “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
 Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.”


Ang Ningning at Ang Liwanag
(Mula sa Liwanag at Dilim)
Ni Emilio Jacinto
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
pahina 38

Unang Markahan| 38















































 Ayon sa tauhang si Simoun sa El Fili, “Habang may sariling wika
ang isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”

b. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng
 Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay
na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng
isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya.
 Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating mga
kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay
sa kanilang kinabukasan.
 Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral
ay hindi lamang nakasalalay sa kanilang mga kamay bagkus
dapat nakaagapay din ang mga magulang sa pagbibigay
patnubay at suporta.

c. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip
 Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang
isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
 Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang
DENR kaya patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.

d. Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko
 Sa ganang akin , kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal
ang pagbabantay sa mga kabataang nasa lansangan tuwing
hatinggabi dahil sa lumalalang krimen.

 Palagay ko, kailangan nang malawig na programa ng DSWD para sa
mga batang nasa lansangan na karaniwang sangkot sa maraming
krimen sa kalsada.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa
at/o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman, mapapansing
di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang
pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang
pananaw ang sumusunod na halimbawa:

a. Sa isang banda/ Sa kabilang dako

 Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang
mga anomalya sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri
nila kung sino ang karapat-dapat na ihalal para mamuno sa kanilang
lungsod.

Unang Markahan| 39
















A B S T R A K S Y O N

Mungkahing Estratehiya: QUESTION AND ANSWER
Pipili ang guro ng tatlong mag-aaral na siyang sasagot ng
katanungan.






A P L I K A S Y O N

Mungkahing Estratehiya: GRAPIKONG PRESENTASYON
Sa tulong ng takdang aralin na ibinigay ng guro, ang mga mag-
aaral ay magsusulat ng isang talatang obserbasyon tungkol sa isyung
panlipunan na kanilang napanood. Gamitin ang tsart sa obserbasyon.
Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng pananaw sa pagsulat.






Obserbasyon Pananaw/Pangangatwiran






Paano mabisang magagamit ang mga ekspresiyong
nagpapahayag sa pagbibigay ng pananaw?

 Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika
hindi tuloy malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng
bansa sa kamay ng mga politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.

b. Samantala

 Samantala mamamayan mismo ang maka pagpapasya kung paano
nila nais makita ang kanilang bansa sa susunod na mga taon.
Matalinong pagpapasya ang kailangan kung sino ang karapat-dapat
pagkatiwalaan ng kanilang boto.
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.

Isyung Pandaigdig

Unang Markahan| 40



3. Ebalwasyon

Panuto: Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag
upang mabuo ang konsepto ng pananaw sabawat bilang.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.






1. _____ Counsels on Diet and Food ay binaggit na ang mga tinapay na
tatlong araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung
ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
2. _____ maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa
sunud-sunod niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy
pa niya ang kaniyang karera sa pagboboksing.
3. _____ ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga
proyekto ng pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsyon
ng mga politiko.
4. _____ Department of Social Welfare and Development, mapanganib
din sa mga bata ang paglalaro ng mga mararahas na internet games
lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.
5. _____ mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang
pinakabatang miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng
climate change sa sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan sa
tamang pangangalaga ng mundo.

Susi sa Pagwawasto

1. Batay sa 2. Sa tingin ng 3. Sa ganang akin
4. Ayon sa 5. Sa palagay ng

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX



Sa ganang akin Batay sa Sa tingin ng

Sa palagay ng Ayon sa Pinaniniwalaan ko

Unang Markahan| 41


IV.
Kasunduan

1. Sa tulong ng mga salitang naglalahad ng pananaw, bumuo ng isang
talatang obserbasyon tungkol sa nagaganap na isyu sa droga sa ating
bansa.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 1.2.

Unang Markahan| 42



I L I P A T

I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F10PU-Ic-d-66)
 Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong
isyung pandaigdig.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.2
Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

A K T I B I T I

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya: WHAT’S THE MEANING
Pagpapakita ng isang editorial cartoon.








https://i.ytimg.com/vi/Fks95EX_skI/0.jpg

Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: GRAB THE QUESTION AND ANSWER
a. Ano-ano ang mga napansin sa nakitang larawan?

Unang Markahan| 43

b. Matapos makita ang larawan, ano ang pumasok sa iyong isipan?

A N A L I S I S

1. Anong suliraning panlipunan ang tinukoy ng larawan?
2. Sa iyong palagay, ano ang nararapat gawin ng Pilipinas sa nagaganap
na pagbabago ng klima ng ating bansa?
3. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pamahalaan upang
maipaunawa sa mga kapwa mamamayan ang suliraning ito?

A B S T R A K S Y O N

Mungkahing Estratehiya: I SHARE NA YAN!
Sagutin ang sumusunod na katanungan ayon sa kung ano
natamong kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa tinalakay.







A P L I K A S Y O N























GOAL - Nakabubuo ng isang photo essay na tumatalakay tungkol sa isang
napapanahong isyung pandaigdig.

ROLE - Isa kang journalist na tumatalakay sa mga napapanahong isyu para
sa kabatiran ng lahat.
AUDIENCE - Mga mamamayang mahilig magbasa ng pahayagan.
SITUATION - Ang pahayagang Pilipinas Ngayon ay nangangailangan ng
mga mamamahayag na naglalayong ipabatid sa mga
mamamayan ang mga suliraning panlipunan na nagaganap
sa bansa sa tulong ng mga larawan.
PRODUCT - Photo Essay ng isa sa mga suliraning kinakaharap ng bansa o
ng daigdig.
Matapos mabatid ang kaalaman tinalakay, ano ang magagawa mo
upang makatulong sa pamahalaan na masulusyunan ang mga problemang
ito? Maaaring magbigay ng halimbawang sitwasyon.

Unang Markahan| 44



















 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.
 Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Lumikha isang talatang repleksyon hinggil sa isang linggo
pinagtalakayan.
2. Basahin at unawain ang akdang “Ang Tusong Katiwala.”
3. Paano nakaimpluwensya ang parabula sa nakaraan at kasalukuyang
pamumuhay ng mga tao?

STANDARD- Pamantayan sa Pagmamarka:
A. Tumatalakay sa isang isyung panlipunan
B. Lalim ng mga pananaw
C. Lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan
D. Kalinawan ng pagkakalahad
E. Orihinalidad

Tayain ito ayon sa sumusunod:
10 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
9-8 puntos - apat na pamantayan ang naisakatuparan
7-6 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
5-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan