aralin2 PPT.pptx para sa mga mag-aaral mmab

MelodyAyong 4 views 44 slides Sep 14, 2025
Slide 1
Slide 1 of 44
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44

About This Presentation

iiiiiiiiiiiiiiiiiihaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaooooooooooooooooooooooooooo...


Slide Content

KAKAPUSAN

Ang Kakapusan ay ang hindi kasapatan ng ating mga pinagkukunang-yaman upang tugonan ang ating mga pangangailangan at Kagustuhan .

Kakapusan at Pang- araw-araw na Pamumuhay

Nararansan ba natin ito sa araw-araw na pamumuhay ? Magbigay ng halimbawa .

Group Activity : Badyet Ko, Desisyon Ko

Panuto : Bawat grupo ay bibigyan ng halagang ₱200 ( gamit lang sa papel bilang simulasyong badyet ). Pag- usapan ninyo sa grupo kung paano ninyo hahatiin o gagamitin ang ₱200 base sa mga mahahalagang gastusin o pangangailangan . Halimbawa : pagkain , tubig , basura , pagtatanim , paghahanda sa sakuna , at iba pa. Ipakita sa isang papel o chart kung paano ninyo hinati ang pera . Isulat o ipaliwanag kung bakit ganoon ang naging desisyon ng inyong grupo .

Palatandaan ng Kakapusan sa Araw- araw na Pamumuhay

Hindi magkatumbas ng Kakapusan ang Kahirapan Ang kahirapan ay malinaw na palatandaan ng kakapusan . Maaaring may kakapusan kahit sa isang mayamang bansa , at ang kahirapan ay isa lamang sa mga bunga ng kakapusan .

Kakapusan sa mga Pangunahing Pinagkukunang-yaman Tatlong Pangunahing Pinagkukunang -Yaman Yamang Likas Yamang Tao Yamang Kapital

Yamang Likas Galing sa kalikasan tulad ng: Tubig, hangin , lupa Gubat, ilog , karagatan Sikat ng araw at iba pa. Halimbawa ng kakapusan : Pagkaubos ng kagubatan dahil sa labis na pagputol ng puno Pagdumi ng tubig at hangin sanhi ng polusyon .

2. Yamang Tao Tumutukoy sa : Lakas, talino , at abilidad ng tao Mga manggagawa , propesyonal , at iba pa. Halimbawa ng kakapusan Kakulangan ng mga kwalipikadong guro , doktor , inhinyero , atbp .

3. Yamang Kapital Mga gawang-taong kagamitan para sa produksyon : Makinarya , gusali , teknolohiya Halimbawa ng kakapusan : Limitadong makina sa isang pabrika Luma at hindi sapat na kagamitan sa paaralan

Kakapusan ng Iba Pang Pinagkukunang-yaman

Espasyo - Tumutukoy sa pisikal na lugar na ginagamit para sa tirahan , negosyo , sakahan , at iba pa. Kakapusan : Tumataas ang populasyon ngunit limitado ang lupa . Sa mga lungsod , lumalala ang problema sa pabahay at trapiko . 1.

2. Impormasyon - Tumutukoy sa kaalaman at datos na ginagamit sa paggawa ng desisyon . Kakapusan : Hindi lahat ay may access sa tamang impormasyon . Maaari itong magdulot ng maling desisyon , disimpormasyon , at kawalan ng oportunidad .

3. Oras - Isa sa pinakamahalagang yaman ng tao — pantay ang oras para sa lahat, ngunit limitado ito . Kakapusan : Hindi maaaring dagdagan . Kailangan itong gamitin nang maayos upang maging produktibo .

Ang espasyo , impormasyon , at oras ay mahahalagang pinagkukunang-yaman na madalas hindi napapansin . Dahil may kakapusan sa mga ito , kailangan ang matalino at wastong paggamit upang matugunan ang pangangailangan ng tao .

Oras : Maging disiplinado sa paggamit ng oras . Espasyo : Gamitin ang espasyo nang episyente (urban planning, vertical housing). Impormasyon : Magkaroon ng tamang access sa impormasyon (fact-checking, edukasyon ).

Tandaan : Ang kakapusan ay hindi lang tungkol sa likas na yaman — ito rin ay nararanasan sa espasyo , impormasyon , at oras . Lahat ng ito ay may hangganan , kaya’t dapat gamitin nang responsable at may kaalaman .

D. Punan ang patlang ng wastong sagot . 1-3 Maaari ding isama ang ____________, ______________, at ____________ bilang iba pang mga pinagkukunang-yaman , maliban sa yamang likas , tao , at kapital .

4. May ______________ sapagkat hindi nakasasapat ang mga pinagkukunang - yaman upang punan ang ating mga pangangailangan at kagustuhan . 5. Upang masagot ang suliraning ekonomikong dulot ng kakapusan , kinakailangan ng tamang ________________ ng mga pinagkukunang-yaman ayon sa pinakasulit na paggamit nito .

6. Ang mga mineral, tubig , at kahoy ay mga halimbawa ng yamang ____________. 7. Lahat ng ating gagawin ay may kapalit na halaga , na tinatawag na ______________.

Kakapusan Bilang Pangunahing Suliranin sa Pang- araw - araw na Pamumuhay

Ang kakapusan ay ang pangunahing suliranin ng ekonomiks . Isa rin itong suliranin sa ating pang- araw - araw na pamumuhay . Dahil limitado ang pinagkukunang-yaman , kailangang mamili at magpasya kung paano ito gagamitin . Dito pumapasok ang konsepto ng opportunity cost : kapag may pinili tayong gamit ng yaman , may isinusuko tayong ibang alternatibo .

Tatlong Pangunahing Tanong ng Ekonomiks

Ano ang Gagawin ? Lahat ng pinagkukunang-yaman ay may maraming alternatibong gamit . Halimbawa : Tubig – maaaring inumin , panligo , panlinis . Oras – maaaring gamitin sa pag-aaral , paglalaro , pagtatrabaho . Lupa – maaaring pagtayuan ng bahay o negosyo .

Dahil sa kakapusan , dapat piliin ang produkto o serbisyong higit na kailangan ng lipunan .

2. Paano Ito Gagawin ? Dapat pagdesisyunan anong input ( tao , makinarya , teknolohiya ) ang gagamitin . May iba't ibang paraan sa paggawa ng isang produkto : Gamit ang yamang tao o yamang kapital Gamit ang tradisyonal o makabagong teknolohiya

Dapat isaalang-alang ang pinaka-angkop at episyenteng paraan , batay sa kakapusan ng mga input.

3. Sino ang Makatatanggap ? Hindi lahat ay pantay-pantay ang matatanggap na produkto o serbisyo . Dahil sa kakapusan , kailangan ng mabisang alokasyon . Ang sagot sa tanong na ito ay nakabatay sa sistemang ekonomiko ng isang bansa . Sa ngayon , ang tamang alokasyon ang pinakamabisang paraan upang matugunan ang suliraning ito .

Gawain: Sagutin ang Tatlong Tanong ng Ekonomiks sa Gitna ng Kakapusan Panuto : Basahin ang sitwasyon . Sagutin ang mga tanong na : Ano ang gagawin ? Paano ito gagawin ? Sino ang makakatanggap ?

Ang isang pamilyang may tatlong anak ay kailangang magdesisyon kung paano pagkakasyahin ang kaunting budget para sa pagkain , pamasahe , at school supplies.

Tamang Alokasyon Bilang Tugon sa Kakapusan

Trade Off Opportunity Cost Lahat ng bagay na isinuko Pinakamahalagang bagay na isinuko Marami ito Isa lang ito Bahagi ng Pagdedesisyon Nasa loob ng trade off

Mahalaga ang tamang alokasyon upang mapagaan ang epekto ng kakapusan . Ang paggamit ng marginal thinking at pagkilala sa opportunity cost ay susi sa matalinong pagdedesisyon .

Bilang isang mag- aaral , paano mo maipapakita ang matalinong paggamit ng mga limitadong yaman sa inyong tahanan , paaralan , at komunidad upang makatulong sa pagharap sa kakapusan ? Ipaliwanag .

GAWAIN: TALENTO MO, SHOW MO! Panuto : Ang klase ay hahatiin sa mga pangkat . Bawat pangkat ay pipili ng isang paraan ng pagpapahayag mula sa sumusunod : Slogan Poster Tula Kanta Role Play

Gamit ang napiling anyo ng pagpapahayag , ipakita ang wastong paraan ng paggamit ng limitadong yaman at ang tamang hakbang sa pagharap sa kakapusan sa tahanan , paaralan , o komunidad .

Pamantayan 5 (Napakahusay) 4 (Mahusay) 3 (Katamtaman) 2 (Di gaanong maayos) Nilalaman / Mensahe Malinaw at tumatalakay nang wasto sa kakapusan at matalinong paggamit ng yaman Tumatalakay sa paksa ngunit may kaunting kakulangan Bahagyang malinaw ang ugnayan sa paksa Malabo o kulang ang ugnayan sa paksa Kreatibidad / Orihinalidad Napaka-malikhaing ideya; orihinal ang konsepto Malikhaing ideya; may bahagyang impluwensya Karaniwang ideya; may ilang orihinal na bahagi Walang orihinalidad; paulit-ulit ang konsepto Kaayusan at Presentasyon Maayos, organisado, at propesyonal ang pagkakagawa Maayos ngunit may ilang bahagi na pwedeng ayusin Medyo magulo o hindi pantay ang presentasyon Magulo at mahirap unawain Kooperasyon ng Bawat Kasapi Lahat ng miyembro ay aktibong lumahok at nagtulungan Halos lahat ay lumahok; may kaunting di nagpakita May ilang lumahok ngunit hindi pantay ang ambag Isang miyembro lang ang halos gumawa