PPT para sa iklawang quarter sa Grade 10 araling panlipunan week 1
Size: 18.35 MB
Language: none
Added: Sep 10, 2025
Slides: 38 pages
Slide Content
MAPANATILING PAG-UNLAD: Pagharap sa kinabukasan Aralin 3
Ang kaisipan na mapananatiling kaunlaran o sustainable development ay umusbong dahil sa pangamba ng pagkaubos ng likas na yaman. Ito ay tumatalakay sa tungkulin ng tao na tumugon sa hamon ng kaunlaran nang hindi nalalagay sa alanganin ang pangangailangan ng mga susunod na henerasyon. Pagkilala sa Mapananatiling Kaunlaran
Pagkilala sa Mapananatiling Kaunlaran Ang mapananatiling kaunlaran ay isang mahalagang hakbang upang maipagpatuloy ang mga adhikain ng Millennium Development Goals (MDGs) na nagsimulang talakayin noong 1992.
Mapanatiling Kaunlaran: Maikling Pinagmulan Ang konsepto ng mapananatiling kaunlaran ay nabuo sa pagtitipon ng mga bansa sa Brazil noong 1992 sa United Nations Conference on Environment and Development.
Mapanatiling Kaunlaran: Maikling Pinagmulan Sa pagtitipong ito ay nabuo ang Brundtland Report na siyang nagbigay-kahulugan sa mapananatiling kaunlaran bilang pag-unlad ng mga bansa na hindi naisasakripisyo ang pangangailangan ng susunod na henerasyon (Sustainable Development Commission 1992).
Mapanatiling Kaunlaran: Maikling Pinagmulan Itinataguyod nito ang tungkulin ng mga bansa na pangalagaan ang mga likas-yaman nang hindi mawalan ng mapagkukunan ng pangangailangan ang mga susunod na salinhali.
Mapanatiling Kaunlaran: Maikling Pinagmulan Ang pagtataguyod sa mapananatiling kaunlaran ay nangangailangan ng pagkilala ng iba’t ibang aspekto at dimensyon nito.
Mapanatiling Kaunlaran: Maikling Pinagmulan Ikalawa, ang mapananatiling kaunlaran ay kumikilala sa kahalagahan ng teknolohiya at makabagong pamamaraan sa pangangalaga ng likas na yaman ng kasalukuyan at sa pagtugon ng pangangailangan ng susunod na henerasyon sa buong mundo.
Mapanatiling Kaunlaran: Maikling Pinagmulan Ikatlo, ang kaunlaran ng isang pamayanan ay nakabatay sa pagiging produktibo, sa kasanayan, at sa kondisyon nito.
Paglalarawan sa Mapananatiling Kaunlaran Ang prinsipyo ng mapananatiling kaunlaran ay maaaring ilarawan batay sa iba’t ibang pananaw ukol dito.
Paglalarawan sa Mapananatiling Kaunlaran Ang ilan sa paglalarawan sa kaisipang ito ay ang mga sumusunod:
Paglalarawan sa Mapananatiling Kaunlaran a. Ang pagtatalakay sa prinsipyo ng mapananatiling kaunlaran ay dapat magsimula sa mithiin na matugunan ng tao ang kanyang mga pangangailangan, interes, kagustuhan, at kasiyahan nang hindi naisasaakripisyo ang kabuuan ng likas na yaman.
Paglalarawan sa Mapananatiling Kaunlaran b. Ang mapananatiling kaunlaran ay kumikilala sa paglago ng ekonomiya. Ito ay nangangailangan ng yaman at kagamitan na maaaring matamo sa pagyabong ng ekonomiya ng isang bansa.
Paglalarawan sa Mapananatiling Kaunlaran c. Ang pagtataguyod ng mapananatiling kaunlaran ay nangangailangan ng pagkakaisa ng buong pamayanan.
Paglalarawan sa Mapananatiling Kaunlaran d. Ang mga layunin ng mapananatiling kaunlaran ay makakamit lamang sa maayos at mabisang pamamahala, mga aksiyon para sa urbanisasyon, modernisasyon, at pagbabago ng isang komunidad.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran Ang mapananatiling kaunlaran ay makakamit kung ang mga sumusunod na mithiin ay mabibigyan ng pansin ng iba’t ibang sektor ng lipunan ng bawat bansa sa daigdig.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 1. Walang Kahirapan – Wakasan ang kahirapan sa lahat ng anyo nito saan man.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 2. Walang nagugutom – Wakasan ang kagutuman, makamit ang seguridad sa pagkain at pinagbuting nutrisyon, at pag-ibayuhin ang mapananatiling agrikultura.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 3. Mabuting Kalusugan at Kagalingan – Wakasan ang kagutuman, makamit ang seguridad sa pagkain at pinagbuting nutrisyon, at pag-ibayuhin ang mapananatiling agrikultura.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 4. May Kalidad na Edukasyon – Wakasan ang kagutuman, makamit ang seguridad sa pagkain at pinagbuting nutrisyon, at pag-ibayuhin ang mapananatiling agrikultura.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 5. Pagkakapantay-pantay ng Kasarian – Makamit ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at bigyang-kapangyarihan ang kababaihan.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 6. Malinis na Tubig at Sanitasyon – Tiyakin ang pagkakaroon at mapananatiling pangangasiwa ng tubig at sanistasyon sa lahat.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 7. Abot-kaya at Malinis na Enerhiya – Tiyakin ang pagkakaroon ng abot-kaya, maaasahan, mapananatili, at makabagong enerhiya para sa lahat.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 8. Disenteng Trabaho at Paglago ng Ekonomiya – Tiyakin ang tuloy-tuloy, ingklusibo, at mapananatiling kaunlarang pang-ekonomiya, at ganap at produktibong hanapbuhay at gawain para sa lahat.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 9. Industriya, Inobasyon, at Impraestruktura – Magtatag ng matibay na impraestruktura, itaguyod ang ingklusibo at mapananatiling industriyalisasyon, at pagyamanin ang inobasyon.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 10. Bawasan ang Hindi Pagkakapantay-pantay – Bawasan ang hindi pagkakapantay-pantay sa loob at sa pagitan ng mga bansa.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 11. Mga lungsod at pamayanang tuloy-tuloy ang pag-unlad – Gawing inglusibo, ligtas, matatag, at mapananatili ang mga lungsod at pamayanan.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 12. Responsableng Pagkonsumo at Produksiyon – Tiyakin ang mapananatiling patern ng pagkonsumo at produksiyon.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 13. Aksiyong Pangklima – Gumawa ng agarang aksiyon para labanan ang pagbabago ng klima at mga epekto nito.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 14. Buhay sa Ilalim ng Dagat – Konserbahin at sostenibleng gamitin ang karagatan at yamang-dagat para sa mapananatiling kaunlaran.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 15. Buhay sa Lupa – Protektahan, ibangon, at itaguyod ang sostenibleng paggamit ng ekosistemang panlupa, pangasiwaan ang mga kagubatan, pigilan ang desertipikasyon, patigilin at baligtarin ang epekto ng degradasyon ng lupa, at patigilin ang pagkabawas ng saribuhay.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 16. Kapayapaan, Katarungan, at Matatag na mga Institusyon – Itaguyod ang mapayapa at ingklusibong mga lipunan para sa mapananatiling kaunlaran, maipagkaloob ang katarungan sa lahat, at itatag ang mga epektibo, napananagutan, at ingklusibong institusyon sa lahat ng antas.
Mithiin at Alituntunin ng Mapananatiling Kaunlaran 17. Pagtutulungan para sa Adhikain – Palakasin ang mga paraan ng pagsasakatuparan at pasiglahin ang pandaigdigang pagtutulungan para sa mapananatiling kaunlaran.
Hamon ng Mapananatiling Kaunlaran Ang pagharap sa usapin ng mapananatiling kaunlaran ay may dalang hamon sa bawat tao, pamayanan, lipunan, bansa, at daigdig. Ang mga hamong ito ay dapat bigyan ng pansin upang makagawa ng alituntunin at mga polisiyang angkop para sa mga ito.
Hamon ng Mapananatiling Kaunlaran a. Ang populasyon ng tao sa mundo ay patuloy na tumataas.
Hamon ng Mapananatiling Kaunlaran b. Ang gobyerno ay may mahalagang tungkulin upang makatulong sa pagkamit ng layunin ng mapananatiling kaunlaran.
Hamon ng Mapananatiling Kaunlaran c. Ang mapananatiling kaunlaran ay dapat gawing mas kaugnay at angkop sa kalagayan ng mga komunidad.