ARALING PANLIPUNAN 4 - PANGANGALAGA SA MGA PINAGKUKUNANG – YAMAN NG BANSA.pptx

Shairalyn1 7 views 24 slides Nov 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 24
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24

About This Presentation

Pangangalga sa Pinagkukunang Yaman


Slide Content

PANGANGALAGA SA MGA PINAGKUKUNANG – YAMAN NG BANSA

MGA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN NG AKING BANSA PANGANGALAGA SA YAMANG LUPA Layunin ng bawat magsasaka ang magkaroon ng malaking ani sa kanilang kanilang lupang sakahan . Gumagamit sila ng artipisyal na pataba na nakasasama sa lupa . Bilang resulta , natutuyo at nawawalan ng mineral ang lupa na siyang nagpapabunga sa mga pananim .

Ang paulit – ulit na pagtatanim ng iisang uri ng iisang uri ng halaman ay nakasasama rin dahil sa nawawala ang katabaan ng lupa . Sistemang kaingin – ito ay ang tradisyonal na paraan ng pagsasaka kung saan nililinis at sinusunog ang kagubatan upang gawing sakahan . Ito ay may hindi Magandang epekto sa lupa dahil bukod sa nawawalan din ito ng mineral, madali itong nadadala ng hangin o inaagos ng tubig . Ang ganitong mga maling pamamaraan ay dapat iwasan upang dumaming muli ang produksyon ng lupang sakahan .

PANGANGALAGA SA YAMANG GUBAT Ang illegal na pagtotroso (illegal logging) ang pangunahing nakasisira ng mga kagubatan sa ating bansa . Taon – taon ay tinatayang 47 000 ektaryang kagubatan ang nakakalbo dahil sa maling gawaing ito . Noong 1975, naitala na ang Pilipinas ay may 28 milyong ektaryang kagubatan . Subalit ngayon , tinatayang 7 226 394 na lamang ang natitira .

Global warming – patuloy na pag – init ng temperature na nararanasan sa daigdig , ay iniuugnay sa pagkaubos ng mga puno . Nakadaragdag din sa suliranin ang pagsunog sa mga kagubatan , at paggamit ng sistemang kaingin. Unti – unting naglalaho ang mga natatanging hayop at halaman sa mga kagubatan . Ilan sa mga ito ay ang Haribon o Philippine Eagle, tarsier, pilandok o mouse deer, at tamaraw . Kasama na rin dito ang mga ilang uri ng orkidyas at mga halamang ginagamit na alternatibong gamot sa mga malulubhang sakit .

Mga Hakbang na isinagawa ng pamahalaan upang matigil ang illegal na pagputol sa mga puno : Luntiang Pilipinas – isang programa para sa kagubatan na naglalayon na itaguyod ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan . Selective o Total Log Ban – Ipinatupad upang matigil ang illegal na gawain para maprotektahan ang ating kagubatan .

Dahil sa pagkaubos ng kagubatan , tumitindi ang polusyon sa hangin na nagdudulot ng sakit tulad ng: Asthma o hika Iba pang sakit sa bata, mata , lalamunan at ilong Nagiging sanhi ng global warming ang usok na nagmumula sa mga malalaking pabrika at sasakyan na nagiging smog. Maaaring magdulot ng pagbuhos ng acid rain na maaaring makaapekto sa mga tubig .

PANGANGALAGA SA YAMANG TUBIG Mga suliranin sa yamang tubig : Paggamit ng dinamita Paggamit ng kemikal na cyanide Paggamit ng pino – pinong lambat Pagkasira ng coral reef sa paraang muro - ami

Bukod sa pinsala sa dagat , malaking panganib din sa buhay ng tao ang paggamit ng dinamita . Nilalason naming ng cyanide ang ilang isda at nasisira ang pasibol pa lamang na coral reefs. Hindi rin maganda ang paggamit ng pinong lambat dahil napapasama ang mga isdang maliliit pa at ilang hayop sa karagatan . Ang muro – ami ay isang paraan ng pangingisda sa pamamagitan ng pagpukpok sa mga coral reef upang mabulabog ang mga isda .

Nakasisira din sa mga katubigan ang hindi maayos na pagtatapon ng mga basura . Marapat na iwasan natin ang mga gawaing ito upang mapangalagaan ang ating yamang tubig .

PANGANGALAGA SA YAMANG MINERAL Recycling – pinakamainam na paraan upang mapangalagaan ang nauubos na yamang mineral ng bansa . Ang mga lumang sasakyan at iba pang yari sa bakal ay maaaring ipagbili at ipatunaw upang magamit muli . Ang ilang latang gawa sa aluminum ay iniipon upang gawing mga wheelchair. Ang mga ganitong paraan ay ginagamit sa bansa upang mapakinabangan pa ng husto ang mga yamang mineral.

Sa pagmimina , maaari ring masira ang ating kapaligiran dahil sa paggamit ng mga nakalalasong kemikal na itinatapon sa mga ilog at lumalason sa lupa . Sa darating na panahon , mababawasan ang mga yamang mineral na pinagkukunan ng ating bansa kaya marapat na magsaliksik , humanap ng alternatibo o ibang paraan ng mapagkukunan ng mga yamang mineral.

Mga Gawain upang Masagip ang mga Pinagkukunang - Yaman

Nakakalungkot isipin na patuloy na nasisira ang ating kapaligiran at unti – unting nauubos ang ating likas na yaman . Subalit dumarami na rin ang mga taong nagkakaroon ng kamalayan at unti – unting kumikilos upang masagip ang ating nauubos na yaman . May mga pribadong grupo na naglilikom ng tulong upang masagip ang ilang bahagi ng bansa tulad ng Ilog Pasig, La Mesa Watershed, at iba pa. Gayundin ang ilang samahang pampubliko na may layuning sagipin ang kapaligiran .

Magkaiba man ng grupo o pangkat , iisa lamang ang kanilang layunin , ito ay ang sumusunod : 1. Paglikha at pagdeklara ng ilang piling lugar bilang mga protected areas. Nagpatupad ang pamahalaan ng batas at mga programa na tutugon sa usapin ukol sa pagkaubos ng ating likas na yaman at pangkonserba sa mga nanganganib na maubos na halaman at hayop . Ipinagbawal ang pagluluwas ng mga torso. Itinatag ang mga Pambansang parke upang mabigyang proteksyon ang mga halaman at hayop sa Pilipinas .

Mga Pambansang Parke at Protected Areas ng Pilipinas 1. Mt. Isarog (Camarines Sur, Bicol) Ikalawang pinakamataas na bulkan sa rehiyon ng Bicol (1 966 metro) Natutulog (dormant) na bulkan at tahanan ng ilang natatanging hayop at halaman sa bansa May ilang komunidad ng mga tribong Agta na naninirahan sa paligid ng bundok . Ang Agta ay pinaniniwalaang isa sa mga unang nanirahan sa Pilipinas .

2. Mt. Iglit – Baco (Mindoro) Dito matatagpuan ang mga nanganganib nang maubos na Tamaraw – isang mailap na uri ng maliit na kalabaw (water buffalo). Dahil sa malakihan at malawakang pagkasira ng mga taniman , pagkaubos ng mga damuhan ang siyang dahilan kung bakit nawawalan ng tirahan ang mga hayop . Kasama rito ang mga tribong Mangyan – Isang pangkat – etnikong Minorya sa Mindoro.

3. Palanan Wilderness (Northeast Luzon) Binubuo ng 200 00 ektarya ng kagubatan at tinatayang ito ay 10 % ng kabuoan ng protektadong kagubatan sa bansa . Kanlungan ng mahigit na 200 na uri ng ibon kasama ang ilang pangkat ng Philippine Eagle. Sa baybayin ng Sierra Madre, naninirahan ang isang maliit na komunidad ng mga tribong Dumagat at ang kanilang pangunahing kabuhayan ay pagtotroso . Isa pang grupong naninirahan sa lugar ay ang mga Negrito .

4. Mount Guiting – Guiting (Romblon) Tago sa karamihan kaya’t naging tahanan ito ng ilan sa mga natatanging uri ng puno at mailap na hayop tulad ng fruit bats, malalaking unggoy at halos 100 uri ng ibon . 5. El Nido Marine Reserve (Palawan) Tanyag na puntahan ng mga turista Makikita dito ang matatarik na dalisdis na limestone at pinong buhangin sa dalampasigan .

6. Coron Palawan (Palawan) Binubuo ng mga kagubatan na hindi pa napapasok ng tao , nakamamanghang dalisdis at tagong lawa . Mayaman din sa maiilap na hayop at iba’t ibang klaseng hayop na naninirahan sa tubig . Ang pangkat – etnikong Tagbanua ang naninirahan sa kaloob – looban ng kabundukan ng Coron.

7. Mt. Pulag (Mountain Province) Napapalibutan ng mga lalawigan ng Ifugao, Benguet at Nueva Vizcaya. Isa sa kilalang puntahan ng mga mountaineers dahil sa maayos na daanan at mga gilid na nababalutan ng damo . Itinuturing na ikalawang pinakamataas na bundok sa bansa . Tahanan ng mga nanganganib nang maubos na halaman tulad ng dwarf bamboo at Benguet pine, at mga natatanging ibon , long-haired fruit bats, Philippine deer, at giant bushy tailed cloud rats.

8. Mt. Mayon (Albay) Kilala sa kanyang angking kagandahan at pagkakaroon ng halos perpektong kono . Kilala dahil sa pagiging isa sa pinakaaktibing bulkan sa Pilipinas . 9. Mt. Bulusan (Sorsogon) Isang natutulog na bulkan at tahanan ng ilan sa mga natatanging hayop at halaman ng bansa .

10. Turtle Islands (Tawi – Tawi) Gitnang Palawan, Tawi – Tawi, at Hilagang – Silangang Sabah, Malaysia Binubuo ng maliliit na pulo ng Boan, Lihiman , Langaan , Great Bakkungan , Taganak , at Baguan . Kilala bilang pangunahing pangitlugan ng mga Sea Turtles. May ilang bayawak o monitor lizards na naninirahan sa nasabing pulo .

11. Twin Lakes (Southern Negros) Lake Balinsasayao at Lake Danao Dalawang malalim na lawa na pinaghihiwalay ng isang makipot na Tagaytay (ridge) ng bundok . Maganda ang tanawin dito . Ang pagsasagwan sa lawa at pangingisda ang ilan lamang sa mga gawain na dapat maranasan dito .
Tags