ALOKASYON AT MGA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY: 1 Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang- ekonomiya TARGET SA PAGKATUTO: Nakabubuo ng comparative chart.
Ang kakulangan sa pinagkukunang-yaman ang pangunahing problema ng sinuman . Dahil dito , mahalaga na malaman ng bawat tao kung alin sa mga bagay ang dapat unahing tugunan at kung ito ay isang pangangailangan o kagustuhan lamang . 2
3 TALAKAYIN NATIN! Ang suliranin ng lipunan ay nag- uugat sa walang hanggang naisin ng tao sa harap ng kakapusan ng pinagkukunang-yaman . Kung ang mga bagay na nagdudulot ng kakapusan ay hindi mabibigyan ng pansin , maraming mga katanungan ang maaaring harapin ng pamahalaan at ng lipunan
MAHALAGANG KATANUNGANG PANG-EKONOMIYA Ano ang gagawin ? Paano gagawin ? Gaano karami ang gagawin ? Para kanino gagawin ? 4
ANO ang gagawin? Ang bawat sektor ng ekonomiya ay dapat may kamalayan sa kung ano ang pangangailangan at kagustuhan ng tao upang makapagpasya kung anong produkto at serbisyo ang lilikhain . 5 Dapat bang magtanim at gumawa ng maraming bigas ang Pilipinas?
PAANO gagawin? Mahalagang malaman kung paano lilikhain o gagawin ang isang produkto at serbisyo upang mahusay itong magawa at mapakinabangan . 6 Anong mga bagong makinarya o teknolohiya ang dapat gamitin sa pagbuo ng isang bagay?
GAANO karami ang gagawin? Kilalanin ang bilang at bagay upang matugunan ang pangangailangan ng bawat sektor ng lipunan at maiwasan ang kakapusan at kalabisan . 7 Ang isang bansa ba ay dapat na gumawa ng mas maraming tubo kaysa gulay o mas maraming gulay kaysa tubo ?
PARA kanino gagawin? Naglalayong alamin kung sino ang kokonsumo o paggagawan at anong ang produkto at serbisyong gagawin ? 8 Lahat ba ng produkto at serbisyo ay dapat ibigay sa lahat ng Pilipino o sa may kakayahan lamang ?
Nasasaklaw ng apat na katanungang pang- ekonomiya ang pagpapasya kung paano mapagkakasya ang pinagkukunang-yaman sa bawat sektor ng ekonomiya .
Ano ba ang ALOKASYON? 10
ALOKASYON 11 mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yamang pang- ekonomiya
Paano makakamit ang mabisang ALOKASYON ? 12
MABISANG ALOKASYON 13 m akakamit ito kung ang nakalaang pinagkukunang-yaman ay nakapagdudulot ng kasiyahan at benepisyo sa nakararami
Paano maabot ang pinakamabisang paraan ng ALOKASYON ? 14
MABISANG PARAAN NG ALOKASYON 15 Bigyang-pansin ang iba pang pakinabang sa paggamit ng pinagkukunang-yaman
Ang ALOKASYON at Iba’t Ibang SISTEMANG PANG-EKONOMIYA 16
SITEMANG PANG-EKONOMIYA istruktura , institusyon , at mekanismo na maaaring batayan ng lipunan upang sagutin ang apat na katanungangpang-ekonomiya 17
TRADISYUNAL 18
TRADISYUNAL Paraan ng Paglutas sa mga Suliraning Pang- alokasyon at Pang- ekonomiya Estado ( Katayuan ) ng Tao sa Lipunan Maaaring ang basehan ng pagpapasya ng tao rito ay ang kanilang kinalakihan na gawain , nababatay na dami , o kayamanan na matatagpuan sa kanilang lugar o bansa. Ang pangangailangan ay umaasa sa kung ano ang ibibigay ng kalikasan mula sa kanilang kaugalian . Karaniwan ang mga produkto at serbisyo na ginagawa ng mga ito ay para sa kanilang pamilya.
COMMAND 20
COMMAND Paraan ng Paglutas sa mga Suliraning Pang- alokasyon at Pang- ekonomiya Estado ( Katayuan ) ng Tao sa Lipunan Ang tagaplano ( pamahalaan o ang may pinakamataas na posisyon ) sa sistemang ito ang nagpapasya ng alokasyon ng pinagkukunang-yaman para makalikha ng iba’t ibang produkto at serbisyo . Ang pamahalaan din ang nagpapasya ng presyo , kita , at sweldo . Ang benepisyo sa command economy ay nakalaan para matugunan ang mga pangangailangan ng tao. Karamihan ng plano ay pabor sa mga namumuno kaysa lipunan. Ang mga tao rin ay walang kalayaang pumili kung ano ang kanilang gustuhin .
FREE MARKET 22 LAISSEZ-FAIRE
FREE MARKET/ LAISSEZ-FAIRE Paraan ng Paglutas sa mga Suliraning Pang- alokasyon at Pang- ekonomiya Estado ( Katayuan ) ng Tao sa Lipunan A ng pamahalaan ay hindi masyadong naghihimasok sa pagdedesisyon ng dami o konti ng bilihin . Ang bahay-kalakal ay may kalayaan sa kung ano ang lilikhaing produkto samantalang ang sambahayan ay may kalayaang magpasya ng bibilhin . Ang may mas malaking kayamanan ang nakabibili ng mas maraming produkto at serbisyo kumpara sa may kakaunting yaman .
MIXED 24
MIXED Paraan ng Paglutas sa mga Suliraning Pang- alokasyon at Pang- ekonomiya Estado ( Katayuan ) ng Tao sa Lipunan Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay maaaring magpasya sa kanilang mga nais gawin . May mga pagkakataon na pinapatnubayan ng pamahalaan ang ibang gawaing kalakal na namumuhunan sa napiling kapamuhayan . Ang pamahalaan din ay may tungkuling magpanatili ng katatagan ng presyo ng mga bilihin . Ang mamamayan ay may malayang pagpili sa kanilang pangangailangan at kagustuhan. May mga mamamayan ding maaaring malimitahan ang pagpapasya at paggamit ng pinagkukunang-yaman dahil sa mga batas , kondiyon , at sitwasyon na maaaring ipataw ng ibang sektor ng bahay-kalakal at pamahalaan .