Fil: Ugnayang Wika at Kultura MAGANDANG ARAW KLASE!
Mga Barayti ng Wika
Paunang Pagsusuri PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga sitwasyong pangwika . Tukuyin kung sino , paano , kailan, saan , AT BAKIT NANGYARI ANG SITWASYONG PANGKOMUNIKATIBO.
Sa isang shopping center sa Cebu sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng Sinulog, may dalawang turistang tila naliligaw . Magalang na nagtanong ang dalawang turista sa isang mamimili kung saan sila makakakuha ng taxi papuntang Basilica Del Santo Nino.
May magkasintahang nagbabalak na magpakasal at nais nilang malaman ang mga dapat nilang ihanda kung saka-sakaling sila ay lalagay na sa tahimik . Nagpunta sila sa isang wedding planner na nakilala nila sa isang online site ng mga event organizer. Napagkasunduan nilang magkita sa isang restoran .
Bago pa lamang si Rajid at ang kanyang asawa sa Iloilo. Nadestino siya rito dahil sa kanyang trabaho bilang medical representative. Kahit ilang buwan pa lamang siya rito ay napagtanto na niyang dito niya nais palakihin ang kanyang mga anak .
Sinisikap niyang unawain ang kanyang mga kapitbahay at nakikita naman niyang buong tiyaga rin siyang kinakausap ng mga ito upang matutuhan niya ang kanilang wika
ALAM MO BA??? Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap pag-aralan ang pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika . Mababanggit dito ang tungkol sa Tore ng Babel mula sa bibliya sa Genesis: 11: 1-9
kung saan sinasabing naging labis na mapagmataas at mapagmalaki ang mga tao at sa paghahangad ng lakas at kapangyarihan .
sila ay nagkaisang magtayo ng toreng aabot hanggang langit . Pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba’t ibang wika .
Dahil hindi na sila magkaintindihan , natigil ang pagpapatayo ng tore na tinaw ag na Babel at dito naganap ang pagkakaiba-iba ng wika ng mga tao .
Ano ang Kakayahang Varayti ng Wika Ito ay ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa . Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas , tono , uri at anyo ng salita . Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika .
Ano ang Kakayahang Varayti ng Wika Una ay permanente para sa mga tagapagsalita / tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag .
Walang buhay na wika ang maituturing na homogenous dahil ang bawat wika ay binubuo nang mahigit sa isang barayti . Masasabi lang kasing homogenous ang wika kung pare- parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang wika . Mayroon bang Heterogeneous at Homogeneous na Wika?
Subalit hindi ganito ang wika sapagkat nagkakaroon ito ng pagkakaiba-iba sanhi ng iba’t ibang salik panlipunan . Mayroon bang Heterogeneous at Homogeneous na Wika?
Tulad ng edad , hanapbuhay o trabaho , antas ng pinag-aralan , kasarian , kalagayang panlipunan , rehiyon o lugar , pangkat-etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad kung saan tayo’y nabibilang . Mayroon bang Heterogeneous at Homogeneous na Wika?
MGA BARAYTI NG WIKA AT HALIMBAWA NITO
1. Wika Isang sistematikong sistema ng komunikasyon na gumagamit ng simbolo ( salita , tunog , o galaw ) para makapagbahagi ng kahulugan , ideya , damdamin o impormasyon
1. Mga Elemeto ng Wika Bokabularyo Balarila Sintaks
Teorya at Kahalagahan Ayon kay Ferdinand de Saussure, ang wika ay binubuo ng signifier ( tunog / salita ) at signified o ( konsepto )
Teorya at Kahalagahan 2. Para kay Noam Chomsky, ang lahat ng tao ay may likas na kakayahang matuto ng wika (universal grammar).
Kontekstong Filipino Ang wikang Filipino ( batay sa Tagalog) ang pambansang wika , ngunit may 180+ na katutubong wika sa bansa ( hal ., Ilokano, Kapampangan, Tausug)
2. Etnolingguwestikong Grupo Isang komunidad o pangkat ng mga tao na nagkakaisa sa parehong wika at etnisidad . Ang kanilang pagkakakilanlan ay nabubuo hindi lamang sa kanilang lahi o kultura
2. Etnolingguwestikong Grupo kundi pati sa kanilang natatanging wikang ginagamit . Halimbawa : Pangkat ng mga Tagalog, Cebuano, Ilokano, Bikolano at iba pa kung saan may sariling wika at kultural na tradisyon .
3. Lingua Franca Isang pangkaraniwang wika na ginagamit ng mga taong magkakaibang katutubong wika para makapag-usap at makapagtulungan . Ito ay nagsisilbing tulay sa komunikasyon lalo na
3. Lingua Franca sa larangan ng kalakalan , pulitika , edukasyon o kultura . Halimbawa : Filipino ( batay sa Tagalog) ang pambansang lingua franca
3. Lingua Franca Halimbawa : Ingles ang pangalawang opisyal na wika , ginagamit sa gobyerno , edukasyon , at korporasyon . Cebuano naman ang lingua franca sa rehiyon ng Visayas at Mindanao
4. Multilingguwalismo ay kakayahan ng isang indibidwal o kumunidad na gumamit ng higit sa isang wika nang may katanggap-tanggap na antas ng kasanayan . Sa Pilipinas , ito ay laganap dahil sa pagkakaroon ng 180+ katutubong wika at ang paggamit ng Filipino at Ingles bilang opisyal na wika .
4. Multilingguwalismo Halimbawa : 1. Bilingguwal na Edukasyon - Pagtuturo gamit ang Filipino at Ingles. 2. Kombinasyon ng Wika Taglish Hiligaynon+Filipino ” Gutom na , pauli na ta!
2. Idyolek Nakagawiang pamamaraan o estilo sa pagsasalita ng isang indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao . Ang wikang tipikal / pangkaraniwang ginagamit ng isang tao ; ang personal na “ wika ” ng isang tao .
Ang mga wikang kinikilala at ginagamit ng isang bansa sa opisyal na transaksyon , tulad ng gobyerno , edukasyon , batas at pangmadlang komunikasyon . 5. Opisyal na Wika
Artikulo XIV, Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon 1. Filipino- Batay sa Tagalog, ginawang pambansang wika at isa sa opisyal na wika . 5. Opisyal na Wika
Ay ang wikang simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at nag- uugnay sa mga mamamayan ng isang bansa . Sa Pilipinas , ang Filipino ang tinakdang pambansang wika . 6. Pambansang Wika
Ayon sa Saligang Batas ng 1987 ( Artikulo XIV, Seksyon 6). Ito ay batay sa Tagalog ngunit patuloy na pinauunlad sa pamamagitan ng pagsasama ng mga elemento mula sa iba pang katutubo at dayuhang wika . 6. Pambansang Wika
1935- Konstitusyon Itinatag ang pangangailangan ng isang pambansang wika batay sa isang katutubong wika . 6. Kasaysayan ng Pambansang Wika
1937 Pinili ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg . 134 ni Pangulong Manuel L. Quezon 6. Kasaysayan ng Pambansang Wika
1959 Pinalitan ang tawag na Pambansang Wika tungo sa Pilipino upang maging mas inklusibo 6. Kasaysayan ng Pambansang Wika
1987 Konstitusyon Itinatag ang Filipino bilang pambansang wika , na dapat “ payabungin at pagyamanin pa batay sa mga wikang umiiral sa Pilipinas . 6. Kasaysayan ng Pambansang Wika
Ang wikang panturo ay ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga paaralan , unibersidad , o intstitusyong pang- edukasyon . Sa Pilipinas , ito ay isang komplikadong usapin dahil sa 180+ katutubong wika at dominasyon ng Filipino at Ingles sa edukasyon . 7. Wikang Panturo
Ang wikang panturo ay hindi lamang usapin ng pedagohiya kundi usapin din ng kulturang lokal , pambansang identidad , at global na kompetisyon . 7. Wikang Panturo
MARAMING SALAMAT! PAALAM! KITAKITS SA SUSUNOD KLASE!