Pagtalakay sa Baryasyon ng Wika: Dimensiyong Heograpiko
Size: 929.89 KB
Language: none
Added: Oct 13, 2025
Slides: 14 pages
Slide Content
Baryasyon ng Wika: Dimensyong Heograpiko
Ang pisikal na lugar na kinaroroonan ng mga tao at ang uri ng pamayanang nabuo nila ay mga dambuhalang impuwensiya ng wika.
Kapag pinag-aralan ang mga puwersang nakaapekto sa wika na nagbubunsod ng pagkakaiba-iba nito, may dalawang aspektong maaaring tignan:
1. Aspektong Heograpiko- Tumutukoy sa impluwensiya ng pisikal na kapaligiran. Ayon kay Fishman (1971), ang wikang nabubuo sa aspektong ito ay Diyalekto
2. Aspektong Sosyal- Tumutukoy sa personal na pinagmulan (background) ng tao. Ayon kay Fishman (1971), ang wikang nabubuo sa aspektong ito ay Sosyolek.
Sa pagiging arkipelago ng Pilipinas na ang mga isla ay pinaghihiwalay ng katubigan at ang bawat isla ay hinahati pa ng kabundukan, nagkakaroon ang bansa ng napakaraming wika.
Ayon nga sa 2000 Census, may mahigpit 150 buhay na katutubong wika sa Pilipinas. Sinusuportahan ito ng Summer Institute of Lingguistics International Ethnologue (14th Edition, 2000) sa pagsasabing may 152 wika at diyalekto sa bansa.
Sa kanyang aklat na Study of language (2010), masusing tinatalakay ni George Yule ang mga baryasyon ng wika dahil sa impluwensiyang heograpiko. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
Ito ang ideyal na barayti ng wikang itinuturo upang magamit nang uniporme. Sinasabing kahit kasi ang wika, halimbawa ay Filipino, maaaring mag-iba-iba ang paggamit nito, depende sa nagsasalita. Estandardisadong Wika
Maaaring maiba ang bigkas, depende sa paraan ng pagsasalita ng tao; maaaring maiba ang paraan ng pagbuo ng salita o pangungusap, depende sa kung ano ang alam o di alam ng tao; o maaaring maiba ang pagpapakahulugan, depende sa kamalayan na tao. Estandardisadong Wika
Sa Estandardisadong Wika, itinuturo ang pare-parehong pagbigkas, pagbuo ng salita, pagbuo ng pangungusap, at pagpapakahulugan sa isang wika upang maging uniporme ang paggamit nito at mas madaling magkaintindihan. Estandardisadong Wika
. Ang estandisadong wika ang gamit sa pamamahala, pagtuturo, pagbabalita, pagnenegosyo, at iba pang mapalaganap na gawaing pinagsasaluhan ng mga taong nagmula sa iba't ibang rehiyon. Dahil sa estandisadong wika, nababawasan ang mga kaibahan sa paggamit ng wika na maaaring makaabala sa tulo-tuloy na pagkakaunawaan. Estandardisadong Wika
Ang punto ay ang natatanging paraan ng pagbigkas ng isang tao. Sa katunayan, Bawat tao ay may punto (Yule, 2010). Mas napapansin lamang ang punto ng iba dahil Hindi sanay ang isang tao na marinig ito, gaya ng isang tipikal na Batanguejo na Napapansin agad ng tipikal na Manileño ang matigas na pagbigkas at ang pagsisingit ng "ala e" sa pagsasalita. O, ang Amerikano na pansin agad ang twang sa pag-i-ingles. Punto
Barayti ng wika na nagdudulot ng bahagyang kaibahan sa wika, hindi lamang sa paraan ng pagbigkas, kundi maging sa gramatika at bokabularyo nito. Diyalekto