Ang brain drain ay ang paglipat ng mga eksperto
at propesyonal sa ibang bansa dahil sa mas
magandang oportunidad. Ito ay nakakasira sa
ekonomiya ng Pilipinas dahil sa kakulangan ng
mga manggagawa. Dapat bigyan ng magandang
sahod at incentives ang mga Pilipino upang
maiwasan ito. ANO SNG BRAIN DRAIN?
Ang dokumento ay tungkol sa
brain drain o pagkaubos ng mga
mahuhusay na propesyunal sa
isang bansa dahil lumilipat sila sa
ibang bansa dahil sa mas mataas
na sahod at mas maraming
oportunidad roon. Ito ay
nakakaimpluwensya sa pag-unlad
ng bansang kanilang pinagmulan.
Ano ang epekto ng brain drain sa
migrasyon? Ang brain drain ay may malaking epekto sa migrasyon dahil ito
ang nagiging dahilan kung bakit maraming propesyonal ang
lumilipat o nagmi-migrate sa ibang bansa. Dahil sa paghahanap
ng mas mataas na sahod at mas magagandang oportunidad,
nababawasan ang mga mahuhusay na manggagawa sa sariling
bansa. Nagdudulot ito ng kakulangan ng skilled workers at
humahadlang sa pag-unlad ng ekonomiya. Sa kabilang banda,
nakikinabang naman ang bansang pinupuntahan nila dahil
nadaragdagan ito ng mga bihasang propesyonal
MAGBIGAY NG LIMANG EPEKTO NG
MIGRASYON (POSITIBO)(5 Positibong Epekto)
1 . Nababawasan ang ' unemployment ' o kawalan ng trabaho at ang
mga tao ay nakakakuha ng mas magandang oportunidad sa
pagtatrabaho .
2 . Ang migrasyon ay nakatutulong sa pagpapabuti ng kalidad ng
buhay ng mga tao .
3 . Nakakatulong ito sa pagpapahusay ng buhay panlipunan ng mga
tao habang natututo sila ng mga bagong kultura , kaugalian , at wika
na makakatulong upang mapabuti ang kapatiran o relasyon nila sa
iba .
4 . Ang migrasyon ng mga bihasang manggagawa
at talentadong propesyunal ay nagbubunga ng
paglago ng ekonomiya ng isang rehiyon .
5 . Ang mga kabataan ay nakakakuha ng mas
magandang oportunidad para sa mataas o
magandang edukasyon .
4 NA NEGEATIBONG EPEKTO 1 . Ang pagkawala ng mga tao sa isang lugar ay may
epekto sa pag-unlad sa dakong iyon . Nagkakaroon ng '
brain drain ' o pagkaubos ng kapaki - pakinabang na '
human resources ' sa isang bansa sapagkat ang
kanilang mahuhusay na propesyunal ay sa ibang
bansa naghahanapbuhay .
2 . Ang pagdagsa ng mga manggagawa sa mga lungsod
o bayan ay nagdaragdag ng kumpetisyon sa trabaho ,
matitirhan , mapapasukang paaralan , at iba pa .
Nagbubunga rin ng overcrowding at heavy traffic sa
mga kalsada .
3 . Ang pagkakaroon ng malaking populasyon ay nagbubunga
ng kakapusan sa mga likas na yaman , serbisyo , at amenities .
Pinalalawak ng migrasyon ang mga slum o squatter area sa
mga lungsod na nakapagdadagdag sa mga suliranin tulad ng
polusyon , krimen , at iba pa .
4 . Mahirap para sa mga galing sa liblib na probinsiya na
mabuhay sa mga lungsod o bayan dahil walang malinis na
hangin . Kailangan din nilang magbayad