Mga Kawikaan 16 Mga Kawikaan tungkol sa Buhay at Pag- uugali 16 Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula , ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila . 2 Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos, ngunit sa tunay niyang layon , si Yahweh ang nakatatalos . 3 Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin , at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin . 4 Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan , at ang masasama , kaparusahan ang kahihinatnan . 5 Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang , at sila'y tiyak na paparusahan . 6 Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran , ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod , malayo sa kasamaan . 7 Kung ang buhay ng tao ay kalugud-lugod kay Yahweh, maging ang mga kalaban , sa kanya'y makikipagbati . 8 Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan .
9.Ang tao ang nagbabalak , ngunit si Yahweh ang nagpapatupad . 10 Ang bibig ng hari ay bukal ng mga pasyang kinasihan , hindi siya namamali sa lahat niyang kahatulan . 11 Ang nais ni Yahweh ay tamang timbangan , at sa negosyo ay katapatan . 12 Di dapat tulutan ng isang hari ang gawang kasamaan , pagkat ang katatagan ng pamamahala ay nasa katarungan . 13 Ang nais pakinggan ng hari ay ang katotohanan , at ang nagsasabi nito ay kanyang kinalulugdan . 14 Sinisikap ng matalino na masiyahan ang kanyang hari ; kapag nagalit ang hari , may buhay na masasawi . 15 Ang kagandahang-loob ng hari ay parang ulap na makapal , may dalang ulan , may taglay na buhay .
16 Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan , at higit kaysa pilak ang magtaglay ng pang- unawa . 17 Ang landas ng matuwid ay palayo sa kasamaan ; ang maingat sa paglakad ay nag- iingat sa kanyang buhay . 18 Ang kapalalua'y humahantong sa pagkawasak , at ang mapagmataas na isipan ay ibabagsak . 19 Higit na mabuti ang mapagpakumbaba kahit na mahirap , kaysa makihati sa yaman ng mapagmataas . 20 Ang sumusunod sa payo ay mananagana , at mapalad ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala . 21 Ang matalinong tao ay nakikilala sa kanyang pang- unawa , ang matamis niyang pangungusap ay panghikayat sa iba . 22 Ang karunungan ay bukal ng buhay para sa matalino , ngunit mahirap maturuan ang mangmang na tao . 23 Iniisip ng matalino ang kanyang sasabihin , kaya naman ang kausap ay madali niyang akitin . 24 Kaaya- ayang salita ay parang pulot-pukyutan , matamis sa panlasa , pampalusog ng katawan . 25 May daang matuwid sa tingin ng tao , ngunit kamatayan ang dulo nito .
26 Dahil sa pagkain ang tao'y nagsisikap ; upang ang gutom ay bigyan ng lunas . 27 Ang laman ng isip ng tampalasan ay puro kasamaan , ang kanyang mga labi ay parang nakakapasong apoy . 28 Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan , at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan . 29 Tinutukso ng taong liko ang kanyang kapwa , at ibinubuyo sa landas na masama . 30 Mag- ingat ka sa taong pangiti-ngiti at kikindat-kindat ; pagkat tiyak na mayroon siyang masamang binabalak . 31 Ang mga uban ay putong ng karangalan , ito ay natamo sa matuwid na pamumuhay . 32 Higit na mabuti ang tiyaga kaysa kapangyarihan , at ang pagsupil sa sarili kaysa pagsakop sa mga bayan. 33 Isinasagawa ng tao ang palabunutan , ngunit si Yahweh lang ang huling kapasyahan .
Proverbs 17 Kahit tinapay ang kinakain ngunit may kapayapaan , mabuting di hamak kaysa malaki ngunit magulong handaan . 2 Ang tusong alipin ay makakahati pa sa mamanahin , ng anak ng kanyang amo kung ito'y inutil . 3 Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak , ngunit sa puso ng tao'y si Yahweh ang sumisiyasat . 4 Ang taong masama ay nakikinig sa payo ng masama , at ang sinungaling ay sumusunod sa baluktot na dila . 5 Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal , at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan .
Proverbs 17 Kahit tinapay ang kinakain ngunit may kapayapaan , mabuting di hamak kaysa malaki ngunit magulong handaan . 2 Ang tusong alipin ay makakahati pa sa mamanahin , ng anak ng kanyang amo kung ito'y inutil . 3 Dinadalisay sa apoy ang ginto at pilak , ngunit sa puso ng tao'y si Yahweh ang sumisiyasat . 4 Ang taong masama ay nakikinig sa payo ng masama , at ang sinungaling ay sumusunod sa baluktot na dila . 5 Ang nanlalait sa mahirap ay humahamak sa Maykapal , at ang nagagalak sa kapahamakan ng iba'y mayroon ding pananagutan .
Proverbs 17 11.Ang nais ng masama'y paghihimagsik , kaya ipadadala sa kanya'y isang sugong malupit . 12 Mabuti pang harapin ang inahing osong inagawan ng anak kaysa kausapin ang isang mangmang na lublob sa kahangalan . 13 Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa , ang kapahamakan sa buhay ay di mawawala . 14 Ang simula ng kaguluha'y parang butas sa isang dike; na dapat ay sarhan bago ito lumaki . 15 Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan , kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam .
Proverbs 17 16.Walang katuturan ang gumugol para sa pag-aaral , ng isang taong pumili na siya'y maging mangmang . 17 Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon , at sa oras ng kagipita'y kapatid na tumutulong . 18 Ang mangangakong magbayad para sa utang ng iba , kamangmangang maituturing ang kanyang ginagawa . 19 Ang umiibig sa kaguluhan ay umiibig sa kasalanan ; at ang mayayabang ay naghahanap ng kapahamakan . 20 Ang masamang isipan ay hindi uunlad , ang sinungaling ay aabot sa kasawiang-palad .
Proverbs 17 21 Ang mga magulang ng anak na mangmang , sakit sa damdamin ang nararanasan . 22 Ang pagkamasayahin ay mabuti sa katawan , at ang malungkuti'y unti-unting namamatay . 23 Ang katarungan ay hindi nakakamtan , kung itong masama , suhol ay patulan . 24 Karunungan ang pangarap ng taong may unawa , ngunit ang isip ng mangmang ay pagala -gala. 25 Ang hangal na anak ay problema ng kanyang ama at pabigat sa damdamin ng kanyang ina
Proverbs 17 26Ang pagpaparusa sa matuwid ay hindi makatuwiran , maging ang pagpapahirap sa taong buhay marangal . 27 Nagtataglay ng kaalaman ang maingat magsalita , ang mahinahon ay taong may pagkaunawa . 28 Ang mangmang na hindi madaldal ay iisiping marunong ; kung hindi siya masalita at ang bibig ay laging tikom .
Proverbs 18:1-5 1.Ang taong makasarili ay humihiwalay sa karamihan , at salungat sa lahat ng tamang isipan . 2 Walang saysay sa mangmang ang lahat ng bagay, ang nais lang niya'y ipakitang siya'y may alam . 3 Pagsipot ng kasamaan , kasunod ay kahihiyan ; kapag nawala ang karangalan , kapalit ay kadustaan . 4 Ang wika ng tao ay bukal ng karunungan , parang dagat na malalim at malamig na batisan . 5 Ang pagkiling sa may sala ay isang kamalian ; gayundin naman kung ipagkakait ang katarungan .
Proverbs 18:6-10 6 Ang labi ng mangmang , bunga ay alitan , at ang kanyang bibig , hatid ay kaguluhan . 7 Kanyang bibig , maghahatid sa sariling kasiraan ; kanyang labi nama'y isang bitag na kahuhulugan . 8 Ang tsismis ay masarap pakinggan , gustung -gusto ng lahat na pag-uusapan . 9 Ang taong batugan ay sinsama ng taong mapanira . 10 Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan , kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan .
Awit 95:6 (MBBTAG) “ Halikayo at tayo'y magsisamba at magpatirapa , lumuhod tayo sa harapan ng Panginoon na ating Maylalang .”
Pol Pot “When wisdom is silenced, a nation falls into darkness.”
Pol Pot – Leader of the Khmer Rouge in Cambodia (1975–1979) Why he's considered one of the worst: Pol Pot led a brutal communist regime in Cambodia. His goal was to create a “pure” agrarian society. He believed educated people were a threat to his vision. Doctors, teachers, professionals, even people who wore glasses (seen as a sign of intelligence) were imprisoned, tortured, or killed . Around 1.7 to 2 million people died during his regime — nearly a quarter of the Cambodian population at the time. This genocide is one of the darkest chapters in modern history and a warning of what happens when leadership is driven by paranoia, pride, and ideology without compassion or wisdom.
1. Collapse of Education and Knowledge Schools were closed , books destroyed, and teachers executed. A whole generation grew up without formal education . Intellectuals and skilled workers were eliminated, leaving a huge gap in leadership and expertise . 2. Forced Labor and Famine Cities were emptied. People were forced into the countryside to work on collective farms. Families were separated; even children were taken away and trained as soldiers. Hard labor, poor nutrition, and overwork led to widespread death from starvation and disease . 3. Loss of Trust and Community People were encouraged to spy on each other , even family members. Paranoia ruled. Anyone suspected of disloyalty was tortured or killed. This destroyed trust in families, friendships, and communities . 4. Moral and Spiritual Breakdown Religious practices were banned . Temples were destroyed, monks were killed or defrocked. Moral values were twisted. Killing became common, and life was treated as disposable. 5. Long-Term National Damage After the Khmer Rouge fell, Cambodia was left with: Very few educated leaders A broken economy ,Widespread trauma Millions of widows, orphans, and disabled citizens Recovery took decades , and the emotional scars remain to this day .
Pol Pot 1975–1979 When wisdom is silenced, a nation falls into darkness. Pol Pot’s genocide shows what happens when leaders destroy the very people who could help their country grow. Cambodia lost not only lives but its future — and it's still rebuilding from the damage. Death Before Trial (1998) In April 1998 , Pol Pot died of a heart attack (some say possibly poisoned or suicide) while under house arrest. He never faced an international court for the genocide he caused.
10. Ang pangalan ni Yahweh ay matibay na tanggulan , kanlungan ng matuwid mula sa kapahamakan . 11 Ang ari-arian ng isang mayaman ay kanyang kanlungan , akala niya'y maililigtas siya nito sa oras ng kapahamakan . 12 Ang pagmamataas ay nagbubunga ng kapahamakan , ngunit ang pagpapakumbaba , ay karangalan . 13 Nakakahiya at isang mangmang ang isang taong sumasagot sa tanong na hindi naman niya nalalaman . 14 Ang matatag na kalooban ay mabuti sa tao , ngunit kung mahina ang loob , anong mangyayari rito ? 15 Ang matalino ay nagdaragdag ng kaalaman , ang may unawa'y namumulot pa ng karunungan .
Proverbs 18:15-20 Ang matalino ay nagdaragdag ng kaalaman , ang may unawa'y namumulot pa ng karunungan . 16 Kung nais mapalapit sa maykapangyarihan , magdala ng regalo, sa kanya ay ibigay . 17 Ang unang pahayag ay inaakalang tama , hangga't hindi naririnig , tanong ng kabila . 18 Ang sigalot ay maaaring malutas sa palabunutan , at mapagkasundo ang mahigpit na magkaaway . 19 Ang kaibigang nasaktan ay higit pa sa lunsod na napapaderan , ang di pagkakaunawaan ay mas matibay pa kaysa isang tarangkahan . 20 Anumang sabihin ng tao ay kanyang pananagutan,ayon sa kanyang salita siya'y gagantimpalaan . . .
Proverbs 18:20-25 Anumang sabihin ng tao ay kanyang pananagutan , ayon sa kanyang salita siya'y gagantimpalaan . 21 Ang buhay at kamatayan ay sa dila nakasalalay , makikinabang ng bunga nito ang dito ay nagmamahal . 22 Ang mabuting maybahay ay isang kayamanan ; siya'y pagpapala na si Yahweh lang ang may bigay . 23 Ang mahirap ay lumalapit sa diwa ng pakiusap , ngunit ang sagot ng mayama'y salitang mararahas . 24 May pagkakaibigang madaling lumamig , ngunit may kaibigang higit pa sa kapatid .
Proverbs 19:1-5 Mas mabuti ang mahirap na marangal ang pamumuhay , kaysa taong masalita ngunit walang nalalaman . 2 Masugid man kung mangmang , walang mapapakinabang ; ang kawalan ng tiyaga'y magbubulid sa kaguluhan . 3 Ipinapahamak ng mangmang ang kanyang sarili , pagkatapos si Yahweh ang kanyang sinisisi . 4 Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan , ngunit ang mahirap ay tinatalikuran ng dating kasamahan . 5 Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan , at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan .
Proverbs 19:6-10 Marami ang lumalapit sa taong mabait , at sa taong bukas-palad , lahat ay malapit . 7 Kung ang mahirap ay tinatalikuran ng mismong kapatid , wala na itong magiging kaibigan , kaninuman lumapit . 8 Ang nagsisikap matuto , sa sarili ay nagmamahal , ang nagpapahalaga sa karunungan ay magtatagumpay . 9 Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan , at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan . 10 Ang masaganang pamumuhay ay di angkop sa isang mangmang ; gayon din ang alipin , di dapat mamuno sa mga dugong bughaw .
Proverbs 19:11-15 Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan , ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan . 12 Ang poot ng hari ay parang leong umuungal , ngunit ang kanyang paglingap ay parang hamog sa halaman . 13 Ang anak na hangal ay kasawiang-palad ng kanyang ama,at tila ulang walang tigil ang bibig ng madaldal na asawa . 14 Namamana sa magulang ang bahay at kayamanan , ngunit si Yahweh lang ang nagbibigay ng mabuting maybahay . 15 Ang taong tamad ay laging nakatihaya ; kaya't siya'y magugutom , walang panlagay sa sikmura .
Mga Kawikaan 19:16-20 16 Ang tumutupad sa kautusan ay nag- iingat ng kanyang buhay , at ang nagwawalang-bahala sa utos ay tiyak na mamamatay . 17 Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap , at pagdating ng panahon , si Yahweh ang magbabayad . 18 Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa, kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya . 19 Di dapat pansinin ang taong mainit ang ulo, mapayuhan mo mang minsan , patuloy ding manggugulo . 20 Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo , at pagdating ng araw , pakikinabangan mo.
P roverbs 19:21-25 Ang isang tao'y maraming iniisip , maraming binabalak , ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig . 22 Kaibig-ibig sa isang tao ang kanyang katapatan , higit na mainam ang mahirap kaysa isang bulaan . 23 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay , ang gumawa nito'y makakaranas ng kapayapaan , at ligtas sa kapahamakan . 24 Ang kamay ng batugan ay nadidikit sa pinggan , hindi halos makasubo dahil sa katamaran . 25 Parusahan mo ang mapanuya , matututo pati mangmang , pagsabihan mo ang may unawa , lalawak ang kanyang kaalaman .
Mga Kawikaan 19:26-29 Magandang Balita Biblia 26 Ang anak na suwail sa magulang ay anak na masama at walang kahihiyan . 27 Ang anak na ayaw makinig sa pangaral ay tumatalikod sa turo ng kaalaman . 28 Ang saksing sinungaling ay sumisira sa takbo ng katarungan , ang bibig ng liko ay nagbubunga ng kasamaan . 29 May hatol na nakalaan para sa mga mapanuya , at sa mga mangmang ay may hagupit na nakahanda .
Mga Kawikaan 1:1-10 Magandang Balita Biblia Ang Kahalagahan ng mga Kawikaan 1 Ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel. 2 Sa pamamagitan nito , ang tao'y magtatamo ng karunungan at pang- unawa sa mga salitang puno ng aral sa buhay . 3 Itinuturo nito ang matuwid na paraan ng pamumuhay , katuwiran , katarungan , at katapatan . 4 Mabibigyan nito ng talino ang mga walang karanasan , at ang mga kabataa'y matuturuang magpasya nang tama . 5 Sa pamamagitan nito , lalong tatalino ang matalino at magiging dalubhasa ang kakaunti ang kaalaman . 6 Sa gayon , lubos nilang mauunawaan ang mga kawikaan , gayon din ang palaisipan ng mga marurunong . Payo sa mga Kabataan 7 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan , ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway . 8 Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama, at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina ; 9 sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo, parang kuwintas na may dalang karangalan . 10 Aking anak , sakali mang akitin ka ng mga makasalanan
Mga Kawikaan 1:11-15 Kung sabihin nilang , “ Halika't tayo ay mag- abang , bilang katuwaa'y daluhungin ang mga walang malay . 12 Sila'y ating dudumugi't walang awang papatayin , at sila ay matutulad sa patay na ililibing . 13 Ating sasamsamin ang lahat nilang kagamitan , bahay nati'y mapupuno ng malaking kayamanan . 14 Halika at sa amin ikaw nga ay sumama , lahat ng masasamsam , bibigyan ang bawat isa.” 15 Aking anak , sa kanila ay iwasan mong makisama , umiba ka ng landas mo , papalayo sa kanila .