Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 Q2 Module 1.

ssuser864250 228 views 49 slides Sep 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 49
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49

About This Presentation

Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos


Slide Content

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 1: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Subukin A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong kuwaderno.

1. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa hindi pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan nang hindi maganda ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang kaniyang paslit na apo. A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan. B. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila. C. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber. Pagsasabihan ko sila na tumigil na. D. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.

2. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na hindi maikakailang may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na. A. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay siya ng malulugaran. B. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga ka-eskwela. C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan. D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan.

3. Bunga ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. A. Makataong kilos B. Kahihinatnan C. Sirkumstansya D. Paninindigan 4. Ang kilos ay nagpakita ng pagkukusang kilos. A. Voluntary Act B. Paninindigan C. Imputable D. Kilos ng Tao

5. Mga kilos na nagaganap sa tao, likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. A. Makataong kilos B. Kilos ng tao C. Voluntary Act D. Kahihinatnan 6. Bakit kailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa sa ating pagkilos? A. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya. B. Sa pagbibigay sa kapwa, tumatanggap din tayo. C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo. D. Lahat ng nabanggit.

7. Hindi maaaring sabihin sa isang taong nagugutom na ipagdasal niya ang kanyang pagdurusa. Kailangan ay … A. Manalangin ka rin upang maibsan ang kanyang gutom. B. Makiramay ka sa kanyang gutom na nadarama. C. May gawin ka upang maibsan ang kanyang gutom. D. Tumawag ng ibang taong maaaring tumulong sa kanyang pagdurusa.

8. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao? A. Upang siya ay hindi maligaw. B. Upang matanaw niya ang hinaharap. C.Upang mayroon siyang gabay. D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan.

9. “Nag-iiwan tayo ng marka sa bawat kilos ng kabutihang ating ginagawa.” Ano ang ibig sabihin nito? A. Iginuguhit sa palad ng tao ang kanyang mga ginagawa. B. Nakikilala ang ginawang kabutihang ginagawa natin sa ating kapwa. C. Nararamdaman ng tao ang iyong kabutihan. D. Ang gawang mabuti ay nakaguhit sa ating buhay.

10. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag-kainan. A. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan. B. Kukuhanan ko ng video ang pangyayari at ia-upload sa YouTube. C. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan ang pusa. D. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang pusa.

Balikan Narinig mo na ba ang pahayag na: “Matuto ka namang magkusa dahil hindi ka na bata!” Ano ang iyong iisipin at gagawin sa iyong narinig?

Sa nakaraang aralin natutuhan mo, na ang kalayaan ang nagbibigay sa tao ng kakayahang pumili at maging mapanagutan sa piniling pasiya. Ngunit may mga pagkakataon na ganitong mga kataga ang naririnig mo “Matuto ka namang magkusa dahil hindi ka na bata!” Bakit gayon na lamang ang laki ng inaasahan sa tao lalo na sa mga gawaing humahamon sa kaniyang kakayahan na tumugon dito? Sa modyul na ito, sagutin mo ang mahalagang tanong.

Panuto: Basahin at suriin ang bawat sitwasyon. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot. (10 puntos bawat bilang) Tuklasin Sitwasyon 1. Humanga ang iyong mga kaklase dahil sa pambihirang galing na ipinakita mo sa isang paligsahan. Hindi mo akalain na may kaklase ka na siniraan ka dahil sa inggit sa iyo. Ngunit mas minabuti mong manahimik at ipagsabalikat na lamang bagaman nakaramdam ka ng pagkapahiya.

Sitwasyon 1. Tanong: Dapat ka bang magpakita ng galit dahil sa iyong pagkapahiya? Bakit?

Sitwasyon 2 . Nasaksihan mo ang pananakit ng isang bully sa iyong kaklase sa loob ng klasrum. Dahil sa takot na baka madamay ka, hindi mo ito sinumbong sa kinauukulan. Tanong: Mapapanagot ka ba sa iyong pananahimik? Bakit?

Sitwasyon 3 . Nagbilin ang inyong guro na sabihan ang pangulo ng inyong klase na magpulong para sa paghahanda sa darating na Foundation Day ng paaralan. Nakalimutan mong ipagbigay-alam ang bilin sa iyo. Tanong: May pananagutan ka ba sa maaaring kahinatnan dahil hindi mo nasabi ang ipinagbilin sa iyo? Bakit?

Suriin May dalawang uri ng kilos ang tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (human act). Ayon kay Agapay, ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili. Sa puntong ito sa tulong ng babasahing ito, mahalagang lakbayin mo ang pag-unawa sa kilos mo bilang tao at pananagutan mo kaugnay nito.

Ang kilos ng tao (act of man) ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos- loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama- kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Halimbawa nito ay ang mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, paghikab .

Ang makataong kilos (human act) naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagka’t isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsible, alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.

Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ang kilos ay pagkukusang kilos (voluntary act). Ang bigat (degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa. Ang mga ito (degree of willfulness o voluntariness) ay nasa lalim ng kaalaman at kalayaan na tinatamasa. Sa madaling salita, kung mas malawak ang kaalaman o kalayaan, mas mataas o mababang digri ang pagkukusa o pagkagusto.

Pagyamanin Panuto: Mula sa iyong mga pagkatuto sa babasahin, tapusin ang sinimulang pangungusap upang mabuo ang Batayang Konsepto.

1. Ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao, _________________________ 2. Matapos mong pagnilayan kung naging mapanagutan ka o hindi, ano ang nararamdaman mo ukol dito?

Napag - alaman ko na … Napagtanto ko na … Ang aking gagawin ay … Isaisip

Panuto: Ang mga sumusunod ay mga sitwasyon sa buhay. Ibigay ang iyong tugon o mapanagutang kilos sa sumusunod na sitwasyon. Isagawa Rubrik/ Pamantayan sa P agmamarka Nilalaman o kaangkupan ng sagot 10 % Presentasyon ng ideya 10 % Kabuuan 20 %

1. Sa isang pangkatang gawain, hinati kayo ng guro sa tig- aapat sa bawat pangkat. Ngunit may isa kayong kaibigan na nais makisama sa inyong pangkat. 2. May napulot kang cellphone sa tricycle na sinakyan mo. 3. May mali sa panuto ng guro at maaaring mamali kayo sa pagsagot. 4. Nalaman mo na may kasintahan na ang nakababata mong kapatid.

Tayahin A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang Oo kung ang pahayag ay wasto at Hindi kung mali sa iyong k u waderno.

1. Ang pagiging dalaga o binata ay minsan lang dumarating sa babae o lalaki, kaya ang puri ay pinahahalagahan. 2. Magpaalam sa magulang tungkol sa panahon kung kailan maaaring manligaw o ligawan. 3. Ang panonood ng x-rated na pelikula ay natural lang sa mga tinedyer. 4. Magkaroon ng limitasyon sa mga lugar na papasyalan kung may kasama na nasa katapat na kasarian. 5. Ang disco ay para sa lahat ng nais magsayaw kaya maaari kang makisayaw sa kahit na sino na nasa sayawan.

6. Karaniwan na sa mga tinedyer na tumakas sa bahay kung hindi sila pinayagang sumama sa kanilang kabarkada. 7. Ang pagsasabi ng totoo sa kapwa ay maaaring ikagalit niya subalit dapat pa rin itong gawin. 8. Ang pag-aasawa ay nasa takdang panahon kaya kung tinedyer ka at nabuntis ay maaaring masira ang iyong kinabukasan. 9. Marami ang gumagawa ng mali sa ating paligid kaya kung gumawa ka man ng hindi tama ngayon, hindi na ito mapapansin. 10. Kung kulang ang iyong pamasahe at nakasakay mo ang iyong boss, huwag mahiyang humiram ng pera sa iyong boss.

1. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang __ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama. A. Isip B. Kalayaan C. Kilos-loob D. Dignidad B. Basahing mabuti ang pahayag at piliin ang titik na may tamang sagot.

2 . Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kanyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro? A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot. B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot. C. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral. D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.

3. Ang tao ay inaasahan na dapat palaging gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon? A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat. B. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito. D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga.

4. Kung ikaw ay naguguluhan sa iyong pagpapasya dahil sa nagtutunggaling katwiran sa iyong isipan, maaaring: A . h uwag ka nang gumawa ng pasya B. k onsultahin ang iyong magulang,kapatid,guro o pari/pastor/ministro C. gayahin ang pasya ng iba D. Ituloy pa rin ang pasya at bahala na ang resulta at epekto nito

5. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao? A. Upang magsilbing gabay sa buhay. B. Upang magsilbing paalala sa mga gawain. C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin. D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

A. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan. B. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito. C. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa. D. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang. C. Alin sa sumusunod ang hindi nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos? Ipaliwanag. ( 10 puntos)

Karagdagang Gawain Gamit ang talahanayan, tukuyin ang kilos sa unang kolum na nagpapakita ng presensiya ng isip, kilos-loob, at kung ito ay mapanagutang kilos. Lagyan ng tsek ( ) kung ang kilos ay ginagamitan ng isip, kilos-loob at mapanagutan, at ekis ( ) naman kung hindi.

Agyaman !
Tags