Mga Elemento at Anyo ng Tula Inihanda ni : Shaira Jane S. Casaria
Tula Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay , hinango sa guniguni , pinararating sa ating damdamin at ipinapahayag sa pananalitang may angking aliw .
Mga Elemento ng Tula Sukat Saknong Kariktan Tugma Talinhaga
Sukat Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong . Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa . Halimbawa : isda - is da- ito ay may dalawang pantig . is da ko sa Ma ri ve les - walong pantig .
Mga Uri ng Sukat Wawaluhin Halimbawa : Na sa lo ob ang ka lis kis 2. Lalabindalawahin Halimbawa : Ang la ki sa la yaw ka ra ni wa’y hu bad 3. Lalabing-animin Halimbawa : Ang na ro on sa lo o bang may ba kod pa sa pa li gid 4. Lalabingwaluhin Halimbawa : Tu mu tu bong m ga pa lay, gu lay at ma ra ming m ga ba gay
Ang mga tulang may lalabingdalawa at lalabingwalo ay may sesura o hati na nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig . Halimbawa : Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga panaginip
Saknong Ang mga saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya ( taludtod ). 2 linya - couplet 6 linya - sestet 3 linya - tercet 7 linya - septet 4 linya - quatrain 8 linya - octave 5 linya - quintet Ang couplets, tercets , at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula .
Tugma Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan . Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasintunog . Lubha itong nakakaganda sa pagbigkas ng tula . Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog .
Mga Uri ng Tugma Tugma sa Patinig ( Ganap ) Hal. Mahirap sumaya Ang taong may sala Hal . Kapagka ang tao sa saya’y nagawi Minsa’y nalilimot ang wastong ugali
Para masabing may tugma sa patinig , dapat pare- pareho ang patinig sa loob ng isang saknong o dalawang magkasunod na salita . Hal. a a a a a b a b a a b b
2. Tugma sa Katinig (Di- g anap ) Unang lipon - b,k,d,g,p,s,t Hal. Malungkot balikan ang taong lumipas Nang siya sa sinta ay kinapos-palad b. Ikalawang lipon - l,m,n,ng,r,w,y Hal. Sapupo ang noo ng kaliwang kamay Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
Kariktan Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan . Halimbawa : maganda - marikit mahirap - dukha o maralita
Talinhaga Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit . Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula . Halimbawa : nag- aagaw buhay nagbabanat ng buto
Anyo ng Tula 1. MALAYANG TALUDTURAN 2. tRADISYUNAL 3. May sukat na walang tugma 4. May tugma na walang sukat
Walang sinusunod na sukat , tugma o anyo . 1. MALAYANG TALUDTURAN
May sukat , tugma at mga matatalinhagang salita katulad ng mga tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal. 2. tRADISYUNAL
Tulang may tiyak na bilang ang pantig ngunit hindi magkasingtunog o hindi magkatugma ang huling pantig . Halimbawa : “ Ang Aking Ina”, ni Jose Corazon De Jesus “ Sa Kabila ng Lahat ”, ni Amado V. Hernandez 3. May sukat na walang tugma
Walang tiyak na bilang ang mga pantig sa bawat taludtod ngunit magkasingtunog o magkatugma ang huling pantig . Halimbawa : “ Ang Huling Paalam ”, ni Dr. Jose Rizal 4. May tugma na walang sukat