Elemento ng Kuwento_Filipino_Baitang 7.pptx

JemmarEspinosa2 0 views 14 slides Oct 08, 2025
Slide 1
Slide 1 of 14
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14

About This Presentation

Tumatalakay sa mga elemento ng kuwento, at mga bahagi ng banghay,


Slide Content

ELEMENTO NG KUWENTO

KAHULUGAN Elemento ang tawag sa mga sangkap na kailangan sa paglikha ng kuwento at ang mga bahagi na siyang naglilista ng mga pangyayari dito

TAUHAN Mga Karakter sa kuwento Ang mga tagaganap sa kuwento Ang mga Bida o Kontra bida

TAGPUAN Kung saan nangyari ang eksena sa maikling kuwento

SULIRANIN O TUNGGALIAN Ito ay ang labanan sa pagitan ng dalawang magkasalungat na puwersa . 1. Tao laban sa kalikasan 2. Tao laban sa lipunan 3. Tao laban sa kapwa 4. Tao laban sa sarili

MAIKLING KUWENTO I sang anyo ng tuluyang panitikan na may banghay na kinasasangkutan ng ilang mga tauhan at kadalasang umiikot sa isang suliranin .

BANGHAY NG MAIKLING KUWENTO 1. Simula - paglalahad o paglalarawan sa tauhan , tagpuan o maaaring mailahad agad ang suliranin .

2. Suliranin - ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento . Ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa istorya . Problema .

3. Papataas na Aksiyon - dito nagaganap ang paglalahad sa suliranin . Isinasaad ang mga nagiging reaksiyon o hakbang ng mga tauhan sa inilahad na suliranin

4. Kasukdulan - pinakamataas na bahagi ng kuwento . Masasabing dito sa bahaging ito ang pinakakapana-panabik na bahagi ng kuwento . Intense, madrama .

5. Pababang Aksiyon - Dito makikita ang kakalasan . Sa kakalasan , sa mga kumbensyunal o tradisyonal na kuwento , madalas maglagay ng ganito ang mga manunulat . Dito binibigyang kasagutan ang suliraning inilahad sa kuwento . Maaaring masagot sa bahaging ito ang lahat ng tanong na nasa isip ng mga mambabasa .

6. Wakas - Maaaring ang wakas ay masaya , malungkot , o nagbubukas sa iba pang idea o tinatawag na open-ended .

TEMA Pangkalahatang kaisipan na nagpaparating ng partikular na mensahe ng may akda tungkol sa inilalahad niyang paksa