Name of Teacher MARJORIE B. BAUTISTA Section RIZAL
Leaning Area GMRC V Time 7:50 – 8:30 AM
Quarter & Week Quarter 1- Week 5 Date August 27, 2024, Monday
I. OBJECTIVES
A.Pamantayang
Pangnilalaman
Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip sa pagpapahayag
at pagganap ng anumang Gawain na may kinalaman sa sarili at pamilyang kinabibilangan
B. Pamantayang
Pagganap
Naisasabuhay ang pagkakaaroon ng tamang pag-uugali sa pagpapahayag at pagganap ng anumang
gawain
C .Mga Kasanayan
sa Pagkatuto
Isulat ang code ng
bawat kasanayan
Nakahihikayat ng iba na maging matapat sa lahat ng uri ng
paggawa. EsP5KPK-Ie-31
Tiyak na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matuto
sa mga sumusunod:
A. Kaalaman: Naipapakita ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip at pagiging matapat sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa kwento
B. Kasanayan: Nakapagbibigay ng mga sitwasyon na naghihikayat sa pagiging matapat
C. Kaasalan: Nakapagbahagi ng sariling karanasan sa paghikayat ng mga kamag-aral sa
pagiging matapat
II. NILALAMAN Pagiging Matapat
III.KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
at Iba Pang
Kagamitang Panturo
Activity sheets, TG ESP 5 Q1
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa
nakaraang aralin at/
o pagsisimula sa
bagong aralin
1. Pagbati:
Magandang umaga mga bata…
2. Pagdadasal:
Bago tayo mag- aral ng ating bagong aralin, tayo ay tumayo at manalangin.
3. Balik- Aral/Pagsisimula ng bagong aralin:
Paano mo maipapakita ang positibong saloobin sa pag-aaral?
B. Paghahabi sa
layunin ng aralin
1. Pagganyak:
Magbibigay ng mga paper strips ang guro na may nakasulat na ibat-ibang sitwasyon at
tutukuyin ng mga mag-aaral kung ito ba ay nagpapakita ng pagiging matapat o hindi. Ididikit sa
board ayon sa sagot.
C. Pag-uugnay ng
mga halimbawa sa
layunin ng bagong
aralin
Ipabasa sa mga bata ang kuwento na nasa activity sheets.
Nagsabi ng Totoo
Linggo, Pagkatapos magsimba ay gumayak na ang mag-anak na Ramirez upang pumunta sa
isang kilalang Hot Springs sa Laguna.
Bago umalis ay pumunta sa garahe si Nick. Hinanap niya ang ekstrang shuttle coc. Naisip
niya na mabuti na ang may ekstra para siguradong hindi matitigil ang laro nilang badminton.
Madilim sa dulo ng garahe kung saan nakalagay ang mga gamit nilang panlaro. Kaya, nagsindi
siya ng kandila. Nang Makita niya ang hinahanap ay nagmamadali nang lumabas at humabol sa
pamilya na naghihintay na sa sasakyan. Nakalimutan niyang patayin ang kandila. Malayo na sila
nang maalaala ni Nick na nakalimutan niyang patayin ang kandila. Natatakot siyang magsabi
dahil baka makagalitan siya. Pero naisip niyang baka magkasunog. Natatakot man ay sinabi pa
rin niya ang totoo sa mga magulang. Nagalit nga ang tatay niya, pero ibinalik din ang sasakyan.
Pagbukas ng garahe ay maliwanag na sa bandang dulo. Natumba nap ala ang kandila at
nasunog na ang binagsakan nitong basahan. Mataas na rin ang apoy at dinidilaan na nito ang
lumang kurtina. Punong usok ang garahe.
Mabilis na binuksan ng amang si Mang Emil ang gripo na may nakakabit na hose na
pandilig ng halaman.Agad namang namatay ang apoy. Sa mahinahong pahayag ay sinabi ni
Tatay Emil na mabuti at nagsabi ng totoo si Nick. Kung hindi, malamang na sunog at abo na ang
bahay nila pag-uwi at baka may nadamay pang kapitbahay.
D. Pagtalakay ng Unawaing mabuti ang mga tanong at sagutin ayon sa binasa:
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan
#1
1. Saan pupunta ang mag-anak na Ramirez?
2. Ano ang hinanap ni Nick sa garahe?
3. Ano ang ginawa niya upang mapabilis ang paghahanap?
4. Ano ang nakalimutan niyang gawin matapos makuha ang hinahanap?
5. Kailan niya naalala ang nakalimutang gawin?
6. Bakit natakot siyang magsabi sa papa at mama niya?
7. Ano ang nakita nila pagbalik sa bahay?
8. Ano ang dalawang aral na natutuhan ni Nick dahil sa pangyayari?
9. Tama ba si Nick na sinabi ang totoo kahit maaabala pa sila sa lakad nila?
10. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Nick, ano ang gagawin mo?
E. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan
#2
Pagbibigay ng iba pang sitwasyon
F. Paglinang sa
Kabihasaan
(Tungo sa Formative
Test)
Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagbahagi ng kanilang karanasan na sila ay
nakahikayat ng mga kaklase na gumawa nang tapat sa mga iniaatas sa kanila kahit walang
sumusubaybay.Itanong kung ano ang naging epekto ng kanilang panghihikayat na ginawa.
G. Paglalapat ng
aralin sa pang-araw-
araw na buhay
Itatak sa isipan ng mga bata sa pamamagitan ng matiyagang pagpapaliwanag ng guro at
pagbibigay ng halimbawa ng kabutihang maidudulot ng paggawa nang may katapatan
H. Paglalahat ng
Aralin
Paano mo mahihikayat ang iba na maging matapat?
I. Pagtataya ng
Aralin
Pag-aralan ang mga sitwasyon . Sagutin ang mga tanong:
1.Isang araw ay nagtaka ang mama ng batang si Sofia nang makitang may pasa ito sa
braso. Medyo nag-aalangang magsabi ng totoo si Chay na pinsan nito.Hindi niya
sinasadyang tamaan ang bata ng dulo ng raketa na kinuha niya sa itaas ng mesa na
katabi ng kuna. Per lakas-loob siyang nagsabi ng totoo. Bahala nang makagalitan. Iyon
nga ang kanyang ginawa. Sinabi niya kay Tita Maui niya na siya ang may kasalanan pero
hindi niya sinasadya. Hindi naman ito nagalit. Sinabi pa nga sa kanya na dapat mag-ingat
siya para hindi makasakit. Kung ikaw si Chay, ano ang gagawin mo?
2.Narinig ni Abbe na nag-uusap ang dalawang kaklaseng sina Kevin at Mar. Medyo may
kalayuan siya, kaya hindi niya masyadong narinig ang buong pag-uusap. Ang narinig
lang niya ay hindi sasama si Tonton sa fieldtrip. Nagkataong absent pa ito nang araw na
iyon,. Kaya nang magtanong ang titser kung sino ang hindi sasama at kung sino ang
sasama, ay sinabi ni Abbe na hindi sasama si Tonton. Nagulat ang magkaibigang Mar at
Kevin. Ang alam kasi nila ay hindi pa sigurado na hindi sasama si Tonton. Pero naisip nila
na baka iyon na nga ang bagong balita. Kaya hindi na sila kumibo. Gumawa na nga sila
ng listahan ng bus assignment. Sinabi ng titser na ang hindi makasasama sa listahan ay
pwede pang humabol pero sa ibang bus na. Kinabukasan, napag-alamang sasama pala
si Tonton. Nalungkot siya na hindi niya makakasama ang mga kaibigan. Tinanong kung
bakit ganoon ang nangyari. Inamin naman ni Abbe na akala niya ay iyon ang narinig niya
kaya humingi siya ng sorry. Kung ikaw si Abbe, gagawin mo ba ang ginawa niya? Bakit?
Kung nasabi mo ang hindi pala totoo, ano ang gagawin mo?
3. Isang araw, hindi sinasadyang natabig ni Marielle ang flower vase na regalo ni Lola
Pepang sa mommy niya. Matagal nang iniingatan ng pamilya ang lumang flowervase
dahil regalo pa ni lolo Danoy kay Lola Pepang. Kaya ingat na ingat ang lahat. Pero sa
pagwawalis ni Marielle ay hindi nga sinasadyang natabig niya ang flower vase. Walang
nakakakitakay Marielle kaya pwede niyang iwanan at magkunwaring wala siyang alam
kung sino ang nakabasag. Ngunit pinili ni Marielle ang magsabi ng katotohanan. Kaya
nang dumating ang Mommy niya ay sinabi niya ang totoo. Hindi naman nnagalit ang
Mommy niya. Pinuri rin siya nito sa pagsasabi ng katotohanan at pinagsabihang uli-uli
ay mag-ingat na siya sa kanyang mga kilos. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Marielle,
ano ang gagawin mo?
J. Karagdagang
gawain para sa
takdang-aralin at
remediation
Sumulat ng tatlong pangungusap ng paghihikayat ng katapatan
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY