Pagiging Responsable sa Kapwa : Pakikipagtulungan at Kooperasyon Q2 ARALIN 1.5
Suriin ang mga larawan :
Tanong : 1.Ano ang napansin ninyo sa mga langgam sa larawan ? 2.Ano kaya ang mangyayari kung isa lang ang magdadala ng pagkain ? 3.Bakit kaya mas mabilis nilang natatapos ang gawain kung nagtutulungan sila ?
Ano ba ang kahulugan ng: Pakikipagtulungan – ang pagkilos nang sama-sama upang matapos ang isang gawain . Kooperasyon – ang pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa kabutihang panlahat . Halimbawa : pagtutulungan sa gawaing bahay o kaya naman sa mga gawain sa paaralan
GAME: Pass the message Mga Hakbang : 1. Hatiin ang klase sa 2 na grupo . 2. Ang bawat grupo ay pupuwesto nang magkakasunod ( parang linya ). 3. Magbibigay ang guro ng isang mensahe ( kaugnay sa pakikipagtulungan ) na ibubulong sa unang miyembro ng linya . 4. Ang unang miyembro ay ibubulong ito sa ikalawa , hanggang makarating sa huling miyembro .
5. Ang huling miyembro ang magsasabi ng narinig niya nang malakas sa klase . 6. Ang grupong may pinakamalapit sa orihinal na mensahe ang mananalo . a . “ Ang pagtutulungan ay nagpapagaan ng lahat ng gawain .” b . “ Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang .” c . “ Ang kooperasyon ay susi sa pagkakaisa at kaunlaran .” d . “Mas mabilis matapos ang gawain kapag may pagtutulungan .”
Tandaan : “ Ang pakikipagtulungan at kooperasyon ay nagpapagaan ng gawain , nagpapalakas ng samahan , at nagdudulot ng kaunlaran sa pamilya , paaralan , at komunidad .”
Gawain 1 Panuto : Basahin at unawain ang bawat tanong . Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik nito . 1. Ano ang tawag sa sama-samang pagkilos upang matapos ang isang gawain ? a) Katapatan b) Pakikipagtulungan c) Paggalang d) Pananagutan
Gawain 1 2. Ano ang mangyayari kung walang kooperasyon sa isang grupo ? a) Mabilis matapos ang gawain b) Mahirap matapos ang gawain c) Mas masaya ang lahat d) Mas nagiging magaan ang gawain
Gawain 1 3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pakikipagtulungan ? a) Nanood lang habang nagtatrabaho ang iba b) Sama-samang naglinis ng silid-aralan c) Nagtuturo ng mali sa kaklase d) Nag- aaway sa laro
Gawain 1 4. Ano ang kahalagahan ng kooperasyon ? a) Nagiging magaan at mabilis ang gawain b) Nagdudulot ng kalituhan c) Nagiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan d) Nagpapabagal ng trabahod ) Kalungkutan at pangamba
Gawain 1 5 . Anong kasabihan ang naaangkop dito : a) “Kung ano ang itinanim , siya ang aanihin .” b) “ Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan .” c) “ Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang .” d) “ Pag may tiyaga , may nilaga .”
Kasunduan Sa isang buong papel , isulat ang iyong reyalisasyon tungkol sa pagiging responsableng tao .