ESP6-Q1-Mod2-TAMANG PAGPAPASYA, MAY KABUTIHANG DULOT.pptx

DominadorDeLeon1 0 views 19 slides Oct 21, 2025
Slide 1
Slide 1 of 19
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19

About This Presentation

ESP QUARTER 2


Slide Content

MODYUL 2-IKALAWANG LINGGO TAMANG PAGPAPASYA, MAY KABUTIHANG DULOT

LAYUNIN SA PAGKATUTO Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman Natutukoy ang: Kahulugan ng pasya Mga tamang hakbang bago makagawa ng isang pagpapasya para sa ikabubuti ng lahat. Napatunayan na ang pagbibigay ng tamang pagpapasya para sa ikabubuti ng lahat. Nahihinuha ang batayang konsepto ng aralin, Naisasagawa ang tamang pagpapasya para sa ikabubuti ng nakararami.

“ Pag-isipan mo munang mabuti bago ka gumawa ng anumang pagpapasya!”

GAWAIN 1 Pag-aralan ang bawat larawan. Piliin ang titik sa loob ng kahon para sa sagot na iyong napili.

Ang Tamang Desisyon GAWAIN 2 Pagbasa ng maikling kwento

Ang Tamang Desisyon Masayang-masaya ang mga mag-aaral sa Agham ni Bb. Simacon. Mangyari, pumayag ang punong-guro na magsagawa sila ng isang pang- edukasyong paglalakbay batay sa pinag-aaralan nilang leksyon tungkol sa mga hitsura at ugali ng iba’t-ibang hayop na matatagpuan sa Pilipinas. Sa Manila Zoo and Wildlife Sanctuary sa Metro Manila nila balak pumunta. “Ano mga bata payag ba kayo sa lugar na napili natin?” mahinahong tanong ng guro. “Opo,” malakas ding tugon ng ibang bata. “Hindi po,” malakas ding tugon ng ibang bata. “Hintay muna. Mukhang mayroon kayong mga kamag-aral na hindi sang-ayon sa binabalak natin. Maaari bang malaman ko ang inyong dahilan?”maunawaing tanong ni Bb. Simacon.

Tumayo si Boy at nagwika, “Eh kasi Ma’am ayaw po namin dito sa Metro Manila. Masyadong malapit at hindi eksayting Lagi po kasi namin nakikita ang lugar na ito.” Tumayo ang isa pa rin, “Opo nga! sabi nito. “Ibig po namin ay sa Los Baños o kaya ay sa Lipa o Tagaytay. Masarap daw po roon at magaganda ang mga tanawin.” “Totoo ang sinasabi ninyo mga bata”, sabi ng guro.”Subalit dapat ninyong isipin kung ano ang layunin ng ating paglalakbay. Ito ay hindi pagliliwaliw lamang. Ito ay pag-aaral. At hindi natin matatagpuan sa mga sinasabi ninyong lugar ang mga bagay na dapat nating pag-aralan,” patuloy na pagpapaliwanag ng guro.

Saglit na tumahimik ang klase. Nag-isip mabuti si Boy at mga kasama niya sa sinabi ng guro. Maya-maya nagkaroon ng magandang reaksyon ang mga bata sa kanilang pinag-uusapan. “Ano ang masasabi mo ngayon Boy”? tanong na muli ng guro sa mga mag-aaral. “Pumapayag na ba kayo ng mga kaibigan mo sa pupuntahan nating lugar”? patuloy na tanong ni Bb. Simacon. “Napag-usapan po namin na tama kayo, kaya pumapayag na po kami,” parang nahimasmasang tugon ni Boy. “Ipagpaumanhin na po ninyo ang di namin pagsang-ayon kaagad,” paghingi ng dispensa ni Boy.

Ngumiti lamang ang guro at nagwika, “Kung ganoon sasama kayong lahat sa pang-edukasyong paglalakbay na ito, ano?” pagpapatibay ng guro. “Opo,” halos sabay-sabay na pagsang-ayon ng mga magkakamag- aral “Kung ganon ngayon pa lamang ay bibigyan ko na kayo ng sulat na lalagdaan ng inyong magulang bilang pagpapatunay na kayo ay pinapayagang sumama sa paglalakbay na ito. Ibigay ninyo ito sa akin sa Lunes,” tagubilin ni Bb. Simacon.

SAGUTIN ANG MGA TANONG A no ang gagawin ng mga mag-aaral sa Agham ni Bb. Simacon? Saan sila maglalakbay? Nagkakaisa ba sila sa pupuntahang lugar? Paano sila nakumbinsi ng guro na sumang-ayon sa pasya ng nakararami? Tama ba ang ginawa nilang desisyon?

PAGPAPASYA: Kahulugan, Proseso at Mga Tamang Hakbang

Pangkaisipang nangangailangan ng pagsusuri at pagpili sa isang bagay, pangyayari o sitwasyon. PASYA A ng pagsang-ayon sa nakararami ay nagpapakita ng pakikiisa at pakikipagtulungan sa layunin ng pangkat. Mahalagang isipin ang magiging sanhi at bunga ng pasya dahil ang maling pasya ay magdudulot ng kapahamakan. Maaring manghingi ng payo sa iba bilang batayan ng mabubuong pasya.

LIMANG HAKBANG SA PAGPAPASYA Alamin ang suliranin . 1 Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon. I saalang-alang ang maaring ibunga ng bawat solusyon. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang pagpapahalaga. Pag-aralan ang kinabukasan. 2 3 4 5

TANDAAN Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay- bagay. Mahalaga ang prosesong ito sa ating pagpili. Para ang isang tao ay makapagbigay ng tamang pagpapasya para sa ikabubuti ng nakararami ay hindi dapat magpadalos-dalos sa gagawing pasya, kailangan maging mapanuri at magkaroon ng malikhaing pasya bago gumawa ng aksyon.

MGA GAWAIN Isagawa ang mga sumusunod na gawain sa kuwaderno. Gawain 3 Gawain 4 Gawain 5

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

SALAMAT PO! GNG. JANICE D. REYES
Tags