Faith Group Bible Study Lesson for teenagers

TinCabanayan 20 views 60 slides Sep 07, 2025
Slide 1
Slide 1 of 60
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60

About This Presentation

Bible Study Lesson


Slide Content

SDC FaithGroup

MAHALAGA KA!

Maganda na sana, kaya lang…

Paano pumasok ang kasalanan sa kasaysayan ng tao ? Ano ang mga naging bunga ng kasalanan ?

Genesis 2:16-17 16 At sinabi niya sa tao , “ Makakakain ka ng kahit anong bunga ng punongkahoy sa halamanan , 17 maliban lang sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman kung ano ang mabuti at masama . Sapagkat sa oras na kainin mo ito , tiyak na mamamatay ka.”

Genesis 3:6 Nang pinagmasdan ng babae ang puno , napakaganda nitong tingnan at ang bunga ay parang masarap kainin , at dahil sa pagnanais niyang maging marunong , pumitas siya ng bunga at kumain nito . Binigyan din niya ang kanyang asawa na kasama niya , at kinain din ito .

Genesis 3:14-21 Pinarusahan sila ng Dios 14 Kaya sinabi ng Panginoong Dios sa ahas , “Dahil sa ginawa mong ito , parurusahan kita . Sa lahat ng hayop , ikaw lang ang makakaranas ng sumpang ito : Sa buong buhay moʼy gagapang ka sa pamamagitan ng iyong tiyan at ang bibig mo ay palaging makakakain ng alikabok . 15 Ikaw at ang babae ay mag- aaway . Ang lahi mo at ang lahi niya [a] ay mag- aaway din. Dudurugin niya ang ulo mo at tutuklawin mo ang sakong niya .”

Genesis 3:14-21 16 Sinabi rin niya sa babae , “Dahil sa ginawa mo , dadagdagan ko ang paghihirap mo sa pagbubuntis at mararamdaman mo ang sobrang sakit sa iyong panganganak . Pero sa kabila niyan , hahangarin mo pa rin ang iyong asawa at maghahari siya sa iyo .”[b] 17 Sinabi rin niya sa lalaki , “Dahil naniwala ka sa asawa mo at kumain ng bunga ng punongkahoy na ipinagbawal ko sa inyo , susumpain ko ang lupa ! Kaya sa buong buhay mo ay magpapakahirap ka nang husto para makakain . 18 Tutubo sa lupa ang mga damo at halamang may tinik . Ang kakainin moʼy manggagaling sa mga pananim sa bukid . 19 Kinakailangang magpakahirap ka nang husto para makakain , hanggang sa bumalik ka sa lupa na iyong pinagmulan . Dahil sa lupa ka nagmula , sa lupa ka rin babalik .”

Genesis 3:14-21 20 Pinangalanan ni Adan[c] ang asawa niya na “Eva”[d] dahil siya ang magiging ina ng lahat ng tao . 21 Pagkatapos , gumawa ang Panginoong Dios ng damit mula sa balat ng hayop para kay Adan at sa asawa nito .

Roma 6:23 Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan , ngunit ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon .

SDC FaithGroup

Nagkasala!

Roma 5:12 Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao , at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan . Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala .

Roma 3:23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala , at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos .

Roma 3:10-12 10 Ayon sa nasusulat , “Walang matuwid , wala kahit isa. 11 Walang nakakaunawa , walang naghahanap sa Diyos . 12 Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama . Walang gumagawa ng mabuti , wala kahit isa.”

1 Corinto 6:9-10 9 Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos ? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili ! Ang mga nakikiapid , sumasamba sa diyus-diyosan , nangangalunya , nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae , 10 nagnanakaw , sakim , naglalasing , nanlalait ng kapwa , o nandaraya , ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos .

Isaias 59:2 Ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos . Nagkasala kayo kaya hindi ninyo siya makita , at hindi niya kayo marinig .

Roma 6:23 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan , ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon .

Juan 3:18 Hindi hinahatulan ng parusa ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya , sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa -isang Anak ng Diyos .

Roma 1:18-32 Galit ang Dios sa lahat ng kalapastanganan ng mga tao

Pag- isipan : Ano kaya ang mangyayari kung ikaw ay bibigyan ng kakayahang malaman ang mga kasalanan ng iyong kapwa at kapangyarihang hatulan ang mga nagkasala ?

SDC FaithGroup

Hulog ng Langit

Colosas 1:15-17 15 Siya ang larawan ng Diyos na di- nakikita , ang pangunahin sa lahat ng mga nilikha ; 16 sapagkat sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay na nasa langit at nasa lupa , ang mga bagay na nakikita at ang mga hindi nakikita , maging ang mga trono o mga pamamahala , o mga pamunuan o mga may kapangyarihan —lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan niya at para sa kanya. 17 Siya mismo ay una sa lahat, at ang lahat ng mga bagay ay nananatiling sama-sama sa pamamagitan niya .

Juan 1:1, 14 1 Noong simula pa lamang ay naroon na ang Salita , at ang Salita ay kasama ng Diyos , at ang Salita ay Diyos . 14 Naging tao ang Salita , at nanirahan sa piling natin na puspos ng kagandahang-loob at katotohanan ; nasaksihan namin ang kanyang kaluwalhatian , isang kaluwalhatian na tulad ng sa kaisa -isang anak na nagmula sa Ama.

Filipos 2:5-11 5 Taglayin ninyo ang pag-iisip na tulad ng kay Cristo Jesus; 6 kahit siya'y nasa kalikasan ng Diyos , ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos , 7 sa halip ay itinuring niyang walang halaga ang sarili , kinuha ang kalikasan ng alipin , at naging katulad ng mga tao . At nang natagpuan sa kaanyuan ng tao ,

Filipos 2:5-11 8 ibinaba niya ang kanyang sarili , at naging masunurin hanggang sa kamatayan , maging kamatayan sa krus . 9 Kaya naman siya'y lubusang itinaas ng Diyos , at ginawaran ng pangalang higit na mataas kaysa lahat ng pangalan ; 10 upang sa pangalan ni Jesus ang bawat tuhod ay lumuhod , ang mga nasa langit , nasa lupa , at nasa ilalim ng lupa,11 at ipahayag ng bawat bibig na si Jesu-Cristo ay Panginoon , sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.

Juan 1:14 Naging tao ang Salita , at nanirahan sa piling natin na puspos ng kagandahang-loob at katotohanan ; nasaksihan namin ang kanyang kaluwalhatian , isang kaluwalhatian na tulad ng sa kaisa -isang anak na nagmula sa Ama.

SDC FaithGroup

Biyernes Santo

Juan 1:9   Ito ang tunay na ilaw : dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao .

Exodo 12:1-3 Sinabi  ni Yahweh kina Moises at Aaron sa Egipto ,  2  “Mula ngayon, ang buwang ito ang siyang magiging unang buwan ng taon para sa inyo .  3  At sabihin ninyo sa buong sambayanan ng Israel na sa ikasampung araw ng buwang ito , bawat pamilya ay pipili ng isang tupa o batang kambing para sa kanila. 

Exodo 12:5, 7 5  Kailangang lalaki ang tupa o ang kambing , isang taóng gulang , walang kapintasan .  7  Kukuha sila ng dugo nito at ipapahid sa magkabilang poste at itaas ng pintuan ng bahay na kakainan ng kinatay na hayop .

Exodo 12:12-13 12  “Sa gabing iyon, lilibutin ko ang buong Egipto at papatayin ang lahat ng panganay na lalaki , maging tao man o hayop . At paparusahan ko ang lahat ng diyus-diyosan sa Egipto . Ako si Yahweh.  13  Dugo ang magsisilbing palatandaan ng mga bahay na inyong tinitirhan . Lahat ng bahay na makita kong may pahid ng dugo ay lalampasan ko, at walang pinsalang mangyayari sa inyo habang pinaparusahan ko ang buong Egipto . 

1 Corinto 5:7 Alisin  ninyo ang lumang pampaalsa , ang kasalanan , upang kayo'y maging malinis . Sa gayon , matutulad kayo sa isang bagong masa na walang pampaalsa , at talaga namang ganyan kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskwa na walang iba kundi si Cristo.

Mateo 27:45-46 45  Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain .  46  Nang mag- aalas tres na ng hapon, sumigaw si Jesus, “ Eli, Eli, lema sabachthani ? ” na ang ibig sabihi'y “ Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan ?”

Isaias 53:8 Nang siya'y hulihin at hatulan upang mamatay ,      wala man lamang nagtanggol sa kanyang kalagayan . Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan .

Mateo 27:51-52 51  Biglang   nahati ang tabing ng Templo, mula sa itaas hanggang sa ibaba . Nayanig ang lupa at nabiyak ang mga bato .  52  Nabuksan ang mga libingan at muling nabuhay ang maraming banal na namatay .  53  Lumabas sila ng libingan , at pagkatapos na muling mabuhay si Jesus, sila'y pumasok sa banal na lungsod at doo'y marami ang nakakita sa kanila.

Isaias 53:10a; 11b; 12b 10a Sinabi ni Yahweh, “Ang kanyang paghihirap ay kalooban ko; ang kanyang kamatayan ay handog para sa kapatawaran ng kasalanan . 11 b Ang tapat kong lingkod na lubos kong kinalulugdan ang siyang tatanggap sa parusa ng marami , at alang-alang sa kanya sila'y aking patatawarin . 12b at nakibahagi sa parusa ng masasama . Inako niya ang mga makasalanan at idinalanging sila'y patawarin .”

Roma 5:8 Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.

ISANG BAGONG SIMULA

Juan 3:1-7 Si Jesus at si Nicodemo 3 May isang taong nagngangalang Nicodemo , isang Fariseo at pinuno ng mga Judio . 2 Kinagabiha'y pumunta kay Jesus ang taong ito at sinabi sa kanya, “Rabbi, alam po naming ikaw ay isang gurong mula sa Diyos , sapagkat walang sinumang makagagawa ng mga himalang ginagawa mo malibang sumasakanya ang Diyos .” 3 Sinabi ni Jesus sa kanya, “ Katotohanang sinasabi ko sa iyo , malibang ang tao'y ipanganak mula sa itaas ,[a] hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos .”

Juan 3:1-7 4 Sinabi ni Nicodemo sa kanya, “ Paanong maipanganganak ang isang tao kung siya'y matanda na ? Maaari ba siyang pumasok muli sa sinapupunan ng kanyang ina upang maipanganak ?” 5 Sumagot si Jesus, “ Katotohanang sinasabi ko sa iyo , malibang ang isang tao ay ipanganak sa tubig at sa Espiritu, hindi siya makapapasok sa kaharian ng Diyos . 6 Ang isinilang sa laman ay laman at ang isinilang sa Espiritu ay espiritu . 7 Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo , ‘ kailangang kayo'y ipanganak mula sa itaas [b].’

Juan 1:12,13 12 Subalit sa lahat ng tumanggap sa kanya, sa mga sumampalataya sa pangalan niya , sila'y binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos ; 13 na hindi ipinanganak ayon sa dugo , ni ayon sa laman o kalooban ng tao , kundi ayon sa Diyos .

Roma 5:12 Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanlibutan , at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan . Dahil dito'y naranasan ng lahat ng tao ang kamatayan , sapagkat ang lahat ay nagkasala .

1 Corinto 2:14 Ngunit ang taong di- espirituwal ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Diyos , sapagkat kahangalan ang mga iyon sa kanya at hindi niya iyon nauunawaan , yamang ang mga iyon ay hinahatulan sa espirituwal na paraan .

Mga TUKSO

Santiago 1:2-11 Mga Pagsubok at mga Tukso 2  Mga kapatid ko, ituring ninyong buong kagalakan kapag dumaranas kayo ng iba’t ibang uri ng pagsubok . 3  Nalalaman ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng pagtitiis .  4  Ngunit hayaan ninyong ang pagtitiis ay magkaroon ng kaniyang ganap na gawa upang kayo ay maging ganap at buo . Sa gayon , kayo ay maging ganap at lubos na walang anumang kakulangan .  5  Kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan , humingi siya sa Diyos at iyon ay ibibigay sa kaniya . Ang Diyos ay nagbibigay nang masagana sa lahat at hindi nagagalit .  6  Ngunit kapag siya ay humingi , humingi siyang may pananampalataya at walang pag-aalin­langan sapagkat ang taong nag- aalinlangan ay katulad ng isang alon sa dagat na tinatangay at ipinapadpad ng hangin . 

Santiago 1:2-11 7  Ang taong nag- aalinlangan ay hindi dapat mag- isip na siyaay tatanggap ng anuman mula sa Panginoon .  8  Ang taong nagdadalawang-isip ay hindi matatag sa lahat ng kaniyang mga lakad . 9  Magmapuri ang kapatid na may mababang kalagayan dahil sa kaniyang pagkakataas .  10  Magmapuri din naman ang mayaman dahil sa kaniyang pagkakababa sapagkat tulad ng bulaklak ng damo , siya ay lilipas .  11  Ito ay sapagkat ang araw ay sumisikat na may matinding init at tinutuyo ang damo . Ang bulaklak ng damo ay nalalagas at sinisira ng araw ang kaakit-akit na anyo nito . Gayundin naman ang mayaman , siya ay lumilipas sa kaniyang mga lakad .