Quarter 1 Week 7, Day 3 Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa iba’t ibang sitwasyon F6WG-Ie-g-3
Paggamit ng Panghalip sa Iba’t Ibang Sitwasyon
Balik -Aral!
Piliin ang panghalip sa bawat pangungusap . Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel . 1. Nangako siyang umuwi nang maaga. 2. Doon nakita ang nawawalang aso. 3. Ang ilan sa mag-aaral ay aawit. 4. Akin ang lapis na iyon. 5. Malapit na ba ang sa inyo?
Tuklasin Mo!
Ako (2x) Ako’y isang pamayanan Ako (2x) Ako’y isang pamayanan Ako (2x) Ako’y isang pamayanan Ako’y isang pamayanan Lalala Sumayaw sayaw ka’t Umindak indak Sumayaw sayaw ka katulad ng dagat Sumayaw sayaw ka katulad ng dagat ( Palitan ang ako ng ikaw , tayo ) Awitin :
Ano ang panghalip ? Ano-ano ang mga panghalip na ginamit sa awit (tula) na ginamit.
Balikan natin ang kuwento . Basahing muli ito upang makilala ang panghalip na ginamit sa bawat pangungusap . Humanga _____ sa kanyang ipinakitang katatagan ng loob sa halos limang oras na operasyon upang palitan ang _____ bato na may misteryosong depekto . Umaasa rin si Bordi na paggaling _____ ay makalaro ang kanyang paboritong actor na si Vandolph . Malaki ang _____ paniniwala na pagkatapos ng dalawang Linggong obserbasyon , ang bagong bato sa katawan ni Bordi ay sasang-ayon sa kanyang katawan . Bakit sisisihin mo ang paglabas sa _____ pinagtataguan ? Ano kaya ang mabuti _____ gawin upang makaiwas tayo sa bagyong _____ . Natatangay ang mga pakpak _____ .
Alamin Mo!
Ang mga panghalip na ako , kanyang , niya , aming , iyong , nating ay mga panghalip na panao . Ito ay ginagamit na panghalili sa ngalan ng tao at ginagamit na paksa ng pangungusap . Alam mo ba na ang mga ginamit mong panghalip ay panghalip na panao , panghalip na pamatlig at panghalip paari ? Ang panghalip na ko ay panghalip na paari na ginagamit sa pagpapakita o pagpapahayag ng pagmamay-ari . Ang panghalip na ito ay panghalip na pamatlig na ginagamit sa pagtuturo ng lugar , tao , pook , gawa , at pangyayari . .
Gawin Ninyo !
Ipakuwentong muli sa mga mag-aaral ang buhay ni Bordi gamit ang panghalip
Gawin Mo!
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagtanong kay Bordi , ano-ano ito ? Gamitin ang panghalip sa pagtatanong .
Isaisip Mo!
Panghalip ang tawag sa bahagi ng pananalitang humahalili sa pangngalan . Tandaan ! Panghalip na panao ay tawag sa mga panghalip na inihahalili sa ngalan ng tao . Panghalip na pamatlig ang tawag sa mga salitang gamit sa pagtuturo ng tao , bagay , pook , gawain na malapit o malayo sa nagsasalita o kausap . Panghalip na paari ang tawag sa mga salitang gamit sa pagpapahayag ng pagmamay-ari
Pagtataya !
Gamitan ng iba’t ibang uri ng panghalip ang sumusunod na salaysay . Naranasan _____ na bang lumangoy sa dagat ? _____ ay may nakatutuwa ngunit nakakatakot na karanasan sa dagat . Namasyal _____ roon sa dinarayong Boracay beach, _____ ang una kong nakitang malinaw at kulay berdeng tubig na dalampasigan . Malinis at malamig ang tubig . (1) (2) (3) (4)
____ at ang _____ mga kapatid ay masayang nagtatampisaw sa pampang nang isang malaking alon ng dumating at pagbalik sa dagat , _____ ay natangay sa kalaliman . Gayon na lamang ang takot _____ . Mabuti na lamang at isa _____ pinsan ang nakakita sa akin at pahilang dinala patungo sa pampang . _____ ang kasama kong di ko malilimutan . (5) (6) (7) (8) (9) (10)
Iwasto ang iyong sagot . mo 6. aking 2. ako 7. kami 3. ako 8. naming 4. ito 9. naming 5. siya 10. siya
Takda :
Gumuhit o gumupit ng isang larawan. Ipakilala ito sa kamag-aral gamit ang panghalip. Takda :