filipino 10 q1 sesyon 8 - ang parabula.pptx

annabellecastaneda1 7 views 19 slides Oct 18, 2025
Slide 1
Slide 1 of 19
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19

About This Presentation

filipino 10 q1 sesyon 8 - ang parabula


Slide Content

10 Yunit 1 – Panitikang Mediterranean Modyul 2: Talinghaga tungkol sa Lingkod na ‘Di Marunong Magpatawad Panitikan: Parabula

Ano ang tinalakay natin nung nakaraang pagkikita ? Pag-alala Ano ang tumatak sa inyong puso at isipan mula sa ating tinalakay na paksa ? Magbigay ng isang parabula na nabasa mo na.

Maisa-isa ang mga elemento ng parabula ; Matukoy ang mensahe ng parabulang binasa ; at Maunawaan ang mensahe ng parabula . Inaasahang Pagkatuto

Panimula Alam mo ba ? Sa Iyong palagay …. Ang Israel ay bansang makikita sa Kanlurang Asya . Tinagurian itong Banal na Lupain o Holy Land. Ang mga tagpuan ng mga parabulang ginamit ni Hesus ay dito makikita . Ano ang kahalagahan ng parabula sating pang araw-araw na pamumuhay ? Pinagkuhaan : http://new-pakistan.com/wp-content/uploads/2014/07/Israel_map.png

isang maikling salaysay na nagtuturo kalimitang matatagpuan sa Bibliya partikular na sa bagong tipan halimbawa ng parabulang naging tanyag sa buong mundo Parabula ng Alibughang Anak, Mabuting Samaritano , Talingahaga ng Ubasan , at Parabula ng Nawawalang Tupa . PARABULA

Ang parabula ay mula sa salitang Griyego na parabole na nangangahulugang “ pagtabihin .” kalimitang nagsasalaysay ng mga kuwentong-buhay na nangyayari sa karaniwang pagkakataon . Kaya mahalagang masuri ito batay sa elemento at nilalaman upang tiyak na makuha ang aral na nais nitong palutangin , nang sa gayon ay maiugnay ito sa totoong karanasan ng mambabasa . PARABULA

Ang parabula ay... ● Kuwentong hango sa banal na kasulatan ng iba’t ibang relihiyon . ● Kapupulutan ng maraming aral na nasasalamin sa buhay ng karaniwang tao . ● Nagsisilbing gabay sa mga nararapat na gawin ng tao . ● Isang tekstong nagsasalaysay ng mga payak na pangyayari sa buhay . ● Gaya ng iba pang akdang pampanitikan ay binubuo rin ng iba’t ibang elemento : tauhan , tagpuan , at banghay Katangian ng Parabula

Ito ang mga karakter na nagbibigay-buhay sa parabula. nagtataglay rin ng iba’t ibang emosyon ang mga tauhang ito na siyang nagiging representasyon ng damdaming umiiral sa kuwento . Karaniwang ipinakikilala lamang ng isang tagapagsalaysay ang katangian ng mga tauhan sa kuwento . Gayundin , ang tagapagsalaysay ay maituturing na kabilang sa mga tauhan sa kuwento . May dalawang paraan sa pagpapahayag ng tauhan para sa tagapagsalaysay : Elemento ng Parabula - Tauhan

a. Tuwirang pagpapahayag – Ito ang pagbanggit ng tagapagsalaysay sa mga natatanging katangian ng bawat tauhan sa kuwento . b. Madulang pagpapahayag – Ito ay pagpapakilala ng tagapagsalaysay sa isang tauhan sa pamamagitan ng mga pahiwatig o pag-iiwan ng palaisipan Elemento ng Parabula - Tauhan

Ito ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng kuwento . Dahil kalimitang mula ang mga kuwentong ito sa Bibliya , hango rin sa sinaunang pamumuhay ang paglalarawan ng mga tagpuan nito . Ipinakikita rin ng pisikal na katangian ng tagpuan ang mga salik na maaaring makaapekto sa damdamin at kilos ng mga tauhan dito . Elemento ng Parabula - Tagpuan

Ito ang sunod-sunod na pangyayari at daloy ng salaysay sa parabula. Kadalasang simple lamang na paglalahad . Nagsisimula ito sa pagpapakilala ng tauhan at ang paglalahad ng mga katangian nito . Hanggang sa pataas na pataas na aksyon . Sa huli , nagbibigay ito ng wakas na nagbibigay ng mensaheng nais ipabatid ng parabula. Narito ang ilan sa mahahalagang pangyayari na bumubuo sa banghay : Elemento ng Parabula - Banghay

Suliranin - tumutukoy ito sa problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan . Kasukdulan - ito ang pinakamataas o pinakakapana-panabik na bahagi . Wakas - katapusan o kinahinatnan ng kuwento . Aral o kaisipan - ito ang matututuhan ng isang tao matapos mabasa ang isang kwento . Maraming mapupulot na aral sa parabula dahil ito’y mga kuwentong mula sa Bibliya . Elemento ng Parabula - Banghay

Higit na mapahahalagahan ang isang akdang pampanitikan kung nalalaman natin ang posibleng epekto nito para sa mga mambabasa . Naririto ang ilan sa mga kakanyahan omaaaring epekto ng pagbabasa ng parabula. Kakanyahan ng Parabula

Ito ay humuhubog sa pagkatao ng isang mambabasa . Tumitimo sa isipan ng mambabasa ang mga aral na pinalulutang ng isang parabula. Ito ay tumutulong sa pagbibigay ng tamang desisyon . Nagiging gabay ang mga aral na mapupulot sa parabula tungo sa pagtimbang sa tama at maling desisyon . Ito ay naglalahad ng mga proseso o hakbangin sa tamang pagdedesisyon . Kakanyahan ng Parabula

Ito ay nagbibigay-payo . Nag- iiwan ng palaisipan ang mga parabula na ang layunin ay makapag-isip ang mambabasa sa kung ano ba talaga ang mas angkop na gawin sa isang desisyon . Ito ay naglalahad ng mga tama at maling gawain . Kalimitang naguguluhan ang mga tao sa kung ano nga ba ang tama at mali , at ang dapat sa hindi dapat . Malaki ang gampanin dito ng parabula sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawang sitwasyon mula sa kuwento . Kakanyahan ng Parabula

Ano- ano ang mga elemento ng parabula ? Ano ang kahalagahan ng pagbabasa at pag-aaral ng mga kuwentong patungkol sa paniniwala at pagkatao , gaya ng isang parabula ?

Mayroon na ba kayong di napagkasunduan ng iyong kaibigan o kapatid ? Talinghaga tungkol sa Lingkod na “Ang Alibughang Anak” Paano ninyo ito binigyang-solusyon ? Basahin ang teksto sa TekTeach LMS. (Lukas 15:11-3) mula sa Bibliya

Pagsasanay Ang Alibughang Anak Pangunahing paksa Tauhan Tagpuan Mahahalagang pangyayari sa akda Aral

Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong Anong bahagi ng parabula na “Ang Alibuhang Anak” ang maituturing mong hawig sa iyong naranasan bilang isang anak ? Ang pagiging mapagbigay ba ng isang ama sa kagustuhan ng anak ay nagbibigay ng magandang resulta sa mga anak ? Paano nakatulong sa iyo ang pagbabasa ng isang parabula upang maging mabuting tao ? Paano mo ilalarawan ang iyong relasyon sa iyong mga magulang ? Kung ikaw ang anak na humiling ng kanyang mana sa ama, ano ang gagawin mo sa manang ibinigay sa iyo ng iyong ama? Gaano kahalaga na maunawaan ang mga aral na nakapaloob sa isang parabula ?
Tags