Filipino sa Piling Larang_Pagsulat ng Abstrak.pptx
JasonSebastian11
0 views
8 slides
Oct 14, 2025
Slide 1 of 8
1
2
3
4
5
6
7
8
About This Presentation
Pagsulat ng Akademikong Papel
Size: 146.24 KB
Language: none
Added: Oct 14, 2025
Slides: 8 pages
Slide Content
MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT!
ABSTRAK PAGSULAT NG ABSTRAK SA PILING LARANG
Ang abstrak ay isang maikling buod na naglalaman ng mahahalagang impormasyon mula sa isang mas mahabang akademikong sulatin o pag-aaral. Ito ay nagbibigay ng pangkalahatang ideya tungkol sa layunin ng pag-aaral, ang mga metodolohiyang ginamit, ang mga natuklasan, at ang mga konklusyon na nakuha mula sa pananaliksik.
Uri ng Abstrak Deskriptibo: Nagbibigay ito ng buod ng pangunahing tema ng pag-aaral. Karaniwang hindi ito naglalaman ng mga detalye ng resulta o konklusyon, kundi naglalarawan lamang ng layunin ng pag-aaral.
Uri ng Abstrak Impormatibo: Mas detalyado at nagbibigay ng buong konteksto, kasama ang pangunahing ideya, mga layunin, metodolohiya, resulta, at konklusyon. Nakatutulong ito sa mambabasa na maunawaan ang kabuuan ng pag-aaral nang hindi kinakailangang basahin ito nang buo.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak Dapat itong maging maikli, karaniwang umaabot sa 150-250 salita, ngunit dapat kumpleto ang impormasyon. Ang pagsulat ay dapat walang sanggunian o pagbanggit ng ibang mga tao, upang hindi makagambala sa pangunahing mensahe. Mahalaga ang paggamit ng tiyak na salita at wastong gramatika upang madaling maunawaan ng mga mambabasa ang nilalaman.
Mga Bahagi ng Abstrak Introduksyon -Maikling pagpapakilala ng paksa, kabilang ang kahalagahan at konteksto ng pag-aaral. Layunin ng Pag-aaral -Inilalahad ang pangunahing layunin o mga tanong na sinasagot ng pananaliksik.
Mga Bahagi ng Abstrak Metodolohiya -Maikling paglalarawan ng mga pamamaraan o proseso na ginamit sa pananaliksik. Resulta -Pangkalahatang buod ng mga natuklasan o pangunahing resulta ng pag-aaral. Kongklusyon - Buod ng mga implikasyon ng resulta at mga rekomendasyon, kung mayroon.