Filipino sa Piling Larang_Pagsulat ng Talumpati.pptx

JasonSebastian11 1 views 10 slides Oct 14, 2025
Slide 1
Slide 1 of 10
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10

About This Presentation

Pagsulat ng Akademikong Papel


Slide Content

Magandang Umaga sa Inyong Lahat!

TALUMPATI

Kahulugan Isang sining ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatwiran o tumatalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay, at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng kanyang paninindigan.

Kahulugan Karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati, batay sa paghahanda sa mga ito (Mangahis, Nuncio, Javillo, 2008). Ang isang mahusay na talumpati ay dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo at nakahihikayat ng mga konsepto at paninindigan sa mga manonood at tagapakinig.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Talumpati 1.Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya-aya sa mga tagapakinig. 2.Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumpati. 3.Iayon ang mga salita, tayutay, kasabihan, o salawikaing gagamitin sa pagpapahayag ng mga ideya sa talumpati.

Iba’t ibang Uri ng Talumpati Ayon sa Paghahanda 1.Impromptu Ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda (Mangahis, Nuncio, Javillo 2008). Karaniwang makikita ang mga ganitong uri ng pananalumpati sa mga job interview, ilang okasyon ng question and answer, at pagkakataon ng pagpapakilala.

Iba’t ibang Uri ng Talumpati Ayon sa Paghahanda 2.Extempore Sa uring ito masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng mga angkop na salita sa loob ng sandaling panahon bago ang pagbigkas. Ang mga isyu, konsepto o usapang paglalaanan ng talumpati ay nasa kaalaman na ng mananalumpati kaya maaari pa siyang maghanda ng kaunting marka o palatandaan upang hindi magpaligoy-ligoy ang kaniyang pagbigkas.

Iba’t ibang Uri ng Talumpati Ayon sa Paghahanda 3.Isinaulong Talumpati Ito ang uri ng talumpati na isinusulat muna pagkatapos ay isinasaulo ng mananalumpati (Mangahis, Nuncio, Juvilla, 2008). Masusukat dito ang husay ng pagbabalangkas ng manunulat, kaniyang pagpapaliwanag at tibay ng kaniyang mga argumento bukod pa sa husay niyang bumigkas.

Iba’t ibang Uri ng Talumpati Ayon sa Paghahanda 4.Pagbasa ng Papel sa Komperensiya Higit na mas kaunti ang alalahanin ng mananalumpati sa uring ito dahil lubusang nabigyan ng oras ang paghahanda sa balangkas ng talumpati, ganap na naisulat nang mahusay ang mga argumento, at inaasahang naensayo na ang pagbigkas.

Maraming salamat sa pakikinig!