FILIPINO Wastong Paggamit Pamatlig Sept. 19,2025.pptx

mindabandong2 6 views 52 slides Oct 22, 2025
Slide 1
Slide 1 of 52
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52

About This Presentation

paggamit ng pamatlig


Slide Content

Wastong Paggamit Panghalip Pamatlig Ang ng FILIPINO 4 2nd QUARTER

Natutukoy ang panghalip pamatlig at ang tamang paggamit nito batay sa layo ng bagay, tao , o hayop sa nagsasalita at kausap . Nagagamit nang wasto ang panghalip pamatlig sa pang- araw - araw na pakikipagtalastasan . LAYUNIN

( Tukuyin kung tama o mali ang bawat pahayag . I-click o I TAP ang T kung tama at M kung mali .)

1. Ang talambuhay ay isang uri ng tekstong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa buhay ng isang tao . TAMA MALI

2. May dalawang uri ng talambuhay : talambuhay na isinulat ng ibang tao at talambuhay na isinulat ng mismong tao . TAMA MALI

3. Ang talambuhay ay palaging tungkol lamang sa mga magagandang karanasan ng isang tao . MALI TAMA

4. Ang mga detalye ng buhay ng isang tao sa talambuhay ay hindi kailangang maging totoo o makatotohanan . MALI TAMA

5. Sa talambuhay , mahalagang isama ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao tulad ng edukasyon , trabaho , at mga tagumpay . TAMA MALI

Ngayong araw , pag-aaralan natin ang tamang paggamit ng panghalip pamatlig tulad ng ito , iyan , at iyon . Mahalaga ang mga ito sa ating pang- araw - araw na pakikipag-usap upang mas malinaw nating maiparating ang ating mga nais sabihin .

1. Ipakita ang mga larawan na nagpapakita ng iba't ibang uri ng panghalip pamatlig .

Iyan ba ang bago mong lapis?

Ito ay lapis.

Tingnan ninyo ang mga halimbawa sa mga larawan . Bakit kaya mahalaga na alam natin ang tamang paggamit ng mga panghalip pamatlig ?

Si Primo at ang Kaniyang Kapatid

Ako si Primo at ito ang aming tahanan. Kasama ko rito ang aking mga magulang at nakababatang kapatid na si Theo.

Abala ang aking mga magulang dahil araw ng Binyag ngayon ni Theo. Doon sa simbahang malapit sa aming bahay gagawin ang seremonya.

Matapos iyon, didiretso kami doon sa napiling restaurant para sa salusalo.

1. Ano ang mga salitang nakasalungguhit sa teksto ? 2. Anong uri ng panghalip ang mga ito ? 3. Ano ang gamit ng mga ito sa pangungusap ?

Paano mo ituturo ang isang bagay kung ito’y malapit sa iyo? Sa kausap? At kung malayo sa inyong dalawa?"

Ngayong araw , pag-aaralan natin ang tamang paggamit ng panghalip pamatlig tulad ng ito , iyan , at iyon . Mahalaga ang mga ito sa ating pang- araw - araw na pakikipag-usap upang mas malinaw nating maiparating ang ating mga nais sabihin .

Ngayong araw , pag-aaralan natin ang tamang paggamit ng panghalip pamatlig tulad ng ito , iyan , at iyon . Mahalaga ang mga ito sa ating pang- araw - araw na pakikipag-usap upang mas malinaw nating maiparating ang ating mga nais sabihin .

Paano mo ituturo ang isang bagay kung ito’y malapit sa iyo ? Sa kausap ? At kung malayo sa inyong dalawa ?"

Pag- unawa sa Sitwasyon Bilang 1: Magkasama sina Lito at Rick sa kantina ng paaralan , bago lamang ang bag ni Lito . Gamit ang panghalip pamatlig maaaring ituro ni Lito ang bag kung ito’y malapit sa kaniya , malapit kay Rick o kapuwa malayo sa kanilang dalawa . Tingnan ang tatlong pangungusap at ilagay ang angkop na pangungusap sa talahanayan sa ibaba .

1. Ito ang aking bag. 2. Iyan ang aking bag. 3. Iyon ang aking bag.

Pag-unawa sa Sitwasyon Bilang 2: Magkasamang namasayal sa kanilang bayan sina Lea at ang kaniyang pinsang si May na isang balik-bayan. Nakasakay sila sa bisikleta at napadaan sila sa tapat ng paaralan nina Lea.

Magkasamang namasayal sa kanilang bayan sina Lea at ang kaniyang pinsang si May na isang balik-bayan. Nakasakay sila sa bisikleta at napadaan sila sa tapat ng paaralan nina Lea. Pag-unawa sa Sitwasyon Bilang 2:

Ano kaya ang angkop na pangungusap na maaaring sabihin ni Lea kung ituturo niya ang kaniyang paaralang pinapasukan sa kaniyang pinsan, kung malapit siya sa paaralan, kung malapit naman si May sa paaralan, o kung kapwa malayo sa kanilang dalawa. Pag-unawa sa Sitwasyon Bilang 2:

Subukang ihanay sa kahon sa ibaba ang iyong tugon. 1. Dito ang aming paaralan 2. Diyan ang aming paaralan. 3. Doon ang aming paaralan. Pag-unawa sa Sitwasyon Bilang 2:

Subukang ihanay sa kahon sa ibaba ang iyong tugon. 1. Dito ang aming paaralan 2. Diyan ang aming paaralan. 3. Doon ang aming paaralan.

1. Pinatnubayang Pagsasanay Ilagay sa angkop na hanay sa loob ng talahanayan ang pangungusap batay sa gamit nito ayon sa lapit ng nagsasalita, lapit ng kausap at layo o lapit kapuwa sa nagsasalita at kausap. Gawing gabay ang mga may salungguhit na panghalip upang matukoy ang lapit at layo ng nagsasalita at nag-uusap.

1.Doon ang aming bahay. 2.Dito kami kumakain araw-araw. 3.Bibili ako ng katulad niyan. 4.Ganito ang gusto kong sapatos. 5.Doon sa parke kami naglaro.

Ganoon ang bolang gusto ko.

Pag-unawa sa Sitwasyon Bilang 2: PANGKATANG GAWAIN

Group 1:

Flashcards (For Numerically Gifted Learners): Group 1: Panuto: Piliin ang tamang panghalip pamatlig para sa mga ipinapakitang larawan .

Group 2: Panuto: Gumamit ng tamang panghalip pamatlig sa isang usapan .

Poster Making (For Visually Inclined Learners): Group 3:

Community-Based Solutions (For Learners in Difficult Circumstances): Group 4:

Balikan natin ang ating natutunan. Ano ang tamang panghalip pamatlig kung malapit sa nagsasalita ang bagay? Kung malapit sa kausap? Kung parehong malayo sa kanila?

Napakahalaga na alam natin ang tamang paggamit ng mga panghalip pamatlig dahil ito ay makatutulong sa atin sa malinaw at wasto na pakikipag-usap.

Tukuyin mula sa pangungusap na pinalooban ng mga panghalip pamatlig ang layo – lapit ng nagsasalita at kausap nito. Isulat ang tamang titik sa sagutang papel.

1. Doon ako pupunta sa pamilihang bayan mamayang hapon. a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap

2. Iyan ang aking sombrerong gagamitin papuntang bukid. a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap

3. Ito ang bagong biling bisikleta ni Tony. a. malapit sa nagsasalita b.malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap

4. Diyan nakalagay ang susi ng sasakyan ni Kuya Ruben. a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap

5. Dito tayo bibili ng tinapay na babaunin sa pagpunta sa ilog. a. malapit sa nagsasalita b. malapit sa kausap c. kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap

• Para sa mga mag-aaral na may likas na talino: Gumawa ng infographic na nagpapakita ng tamang gamit ng mga panghalip pamatlig. • Para sa mga mag-aaral na nasa mahirap na kalagayan: Magsulat ng maikling talata na gumagamit ng tamang panghalip pamatlig. Takdang aralin:

THANK YOU
Tags