FILIPINO3-PAGTUKOY SA PAKSA, PANGUNAHING IDEYA AT SUMUSUPORTANG DETALYE ULAT-PANAHON W7Q1 day 2.pptx

RomalynFernandineGal1 4 views 41 slides Sep 09, 2025
Slide 1
Slide 1 of 41
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41

About This Presentation

PAGTUKOY SA PAKSA, PANGUNAHING IDEYA AT SUMUSUPORTANG DETALYE ULAT-PANAHON


Slide Content

LINGGO 7 IKALAWANG ARAW Pagtukoy sa paksa , pangunahing ideya at sumusuportang detalye Ulat-panahon / pangyayaring pangkalikasan sa bansa ;

Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahang : Nauunawaan ang pinakinggan o binasang tekstong impormatibo ( patalastas , babala , balita , ulat-panahon / pangyayaring pangkalikasan sa bansa ) e. Naibibigay ang mahahalagang impormasyon ( paksa , pangunahing ideya , sumusuportang detalye

Panimulang Gawain

Pinag- aralan natin kahapon ang pagbibigay ng nais ipabatid ng awtor . Maaari ba ninyong ibahagi ang ilan sa inyong mga natatandaan?

Paglalahad ng Layunin

Pagkatapos ng aralin na ito ay inaasahang : naibibigay ang mahahalagang impormasyon tulad ng paksa , pangunahing ideya , sumusuportang detalye ng ulatpanahon / pangyayaring pangkalikasan sa bansa ;

nakabubuo ng maikling talata sa pagpapahayag ng reaksiyon sa paksa , pangunahing ideya at sumusuportang detalye sa teksto

Mga Susing -Salita

Magbigay ng tatlong salitang may kaugnayan sa bawat salita . kalamidad bagyo polusyon

Talakayan

Basahin ang Ulat-panahon / pangyayaring pangkalikasan sa bansa )

Isang malakas na bagyo ang inaasahang tatama sa kalupaan ng Visayas, ngayong Nobyembre 24, araw ng Lunes. Walang pasok sa lahat ng antas sa bayan ng Gandara sa Samar dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan .

Inaasahan din ang pagbahang dala ng shear line. (Ang shear line ay tumutukoy sa isang hangganan o linya kung saan nagkakaroon ng pagbabago sa bilis o direksyon ng hangin , na nagdudulot ng pagkakaiba sa presyon sa atmospera )

Pinapayuhan ang lahat na mag- ingat at manatinling nakatutok sa pinakabagong balita dulot ng bagyo .

Mga tanong : 1. Tungkol saan ang ulat-panahon ?/ Ano ang paksa ng ulatpanahon ? 2. Ano- ano ang mangyayari dahil sa pagdating nang malakas na bagyo ? 3. Ano ang dapat gawin sa pagdating ng bagyo ?

4. Ano- ano ang maaring mangyari sa pagdating ng malakas na bagyo ? 5. Kung ang bagyo ay inaasahang darating pagkatapos ng 15 oras , anong oras ito darating kung ngayon ay ika -lima ng umaga ?

Ang pangunahing ideya ay ang paksa sa isang teksto at ang suportang detalye ay ang mga pangungusap na umaayon o sumusuporta sa paksa o pangunahing ideya .

Paglinang

Basahin ang mga ulat-panahon at sagutin ang mga tanong .

Ulat -Panahon 1 Simula na ng tag- araw . Sobrang init at alinsangan ang nararamdaman ng lahat. Inaasahan din ang pagkalat ng sakit na may kaugnayan sa sobrang init gaya ng sore eyes, nose bleeding, pagsusuka at pagtatae . Pinapayuhan ng Kagawaran ng Kalusugan ang publiko na umiwas sa heat stress at uminom ng sapat na tubig .

1. Tungkol saan ang balita ? 2. Ano daw ang mararamdaman ng lahat sa pagsisimula ng tag- araw . 3. Ano naman ang inaasahan dahil sa sobrang init ng panahon ? 4. Anong payo ang nabanggit upang maiwasan ang epekto nang sobrang init ng panahon ?

Ano ang paksa o pangunahing ideya ng ulat panahon ? 2. Ano- anong pangungusap ang sumusuporta sa paksa o sa pangunahing ideya ?

Paglalapat

Pangkatang Gawain

Basahin at suriin ang teksto sa ibaba . Tukuyin ang pangunahing ideya sa teksto at ang mga suportang ideya nito .

Ang Pilipinas Sagana ang Pilipinas sa likas na yaman at malaki ang pakinabang na nakukuha ng ating bansa mula rito . Maraming Pilipino ang kumikita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman tulad ng pagtatanim at pangingisda . Ito rin ang

pinagmumulan ng mga hilaw na materyales na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto sa iba’t ibang pagawaan o pabrika .

Pangkat 1: Paawit ninyong ibahagi ang sagot sa kaklase . Pangkat 2: Patula ninyong ibahagi ang sagot sa kaklase Pangkat 3: Ibahagi ang inyong sagot habang sumasayaw .

Paglalahat

Ano ang iba pang tawag sa pangunahing ideya ? Ano ang iba pang tawag sa suportang detalye ?

Pagtataya

Tukuyin ang paksa o pangunahing ideya sa teksto at ang suportang pangungusap o detalye nito .

1. Maraming masamang epekto hindi lang sa kapaligiran kundi pati na rin sa mga tao ang climate change. Isang palataandaan nito ng global warming o pag-init ng temperatura ng mundo . Nagdudulot ito ng sakuna kagaya ng heatwave, baha , malalakas na bagyo , at tagtuyot .

Nagdudulot din ito ng pagkakasakit at pagpakamatay ng mga tao , hayop at mga halaman . Ilan sa mga sakit na maaring lumaganap ay mga sakit dala ng tubig o pagkain gaya ng cholera. Ang iba pang sakit na dulot nito ay pagtatae , at mga sakit na dala ng mga insekto ( lamok ) tulad

ng malaria at dengue at sakit na dala ng daga gaya ng leptospirosis.

Ano ang paksa o pangunahing ideya ng teksto ? 2. Ano ang mga suportang detalye sa paksa ? Isulat ang iyong sagot sa titik a, b, c, d, at e.

Nagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa bansa dahil sa iba’t ibang dahilan . Marami ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura . Marami ang nagtatapon ng basura mula sa tahanan kung saan-saan . Tone- toneladang basura ang itinatapon sa mga ilog , estero, kalsada , at

bakanteng lote na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit .

1. Ano ang paksa o pangunahing ideya ng baita ? 2. Ano- anong pangungusap sumusuporta sa paksa o sa pangunahing ideya ? a. b. c.

Karagdagang Gawain

Owner of Powerpoint : Leany Lalunio https://www.facebook.com/LEANYCCARUBIO/