FOOD PRESERVATION Ang pagpapanatili ng pagkain ay proseso ng paghahanda ng pagkain para sa hinaharap na pagkonsumo sa pamamagitan ng pagpigil sa pagkasira nito. Ito ang solusyon sa kakulangan ng suplay ng pagkain at sa pangangailangan ng masustansya at masarap na pagkain para sa pamilya.
Layunin ng pagpapanatili ng pagkain ang pag-iwas sa pagkasira . Ang pagkaantala sa paggamit ng sariwang pagkain ay nakakaapekto sa pagiging bago, lasa, at sustansya nito. Kapag nasira ang pagkain, hindi na ito ligtas kainin. Sa pamamagitan ng tamang pamamaraan ng pagpapanatili, maiiwasan ang pagkasira at mapapanatili ang sustansya, natural na kulay, at tekstura ng pagkain, pati na rin ang kalinisan nito.
Ano ang mga pagkaing maaaring i-preserve? Prutas (mangga, saging, kamatis) Gulay (karot, sitaw, repolyo) Karne (baboy, baka, manok) Isda at pagkaing-dagat (bangus, tilapia, hipon) Produktong gatas (keso, mantikilya) Butil (bigas, mais) Paliwanag: Madaling masira ang mga pagkaing ito kapag hindi na-preserve. Ang pagpapanatili ay nagpapahaba ng buhay ng pagkain, pinapanatili ang lasa, at nakakaiwas sa pag-aaksaya.
Ano ang iba’t ibang paraan ng pagpapanatili ng pagkain na alam mo?
Mga paraan ng pagpapanatili ng pagkain
Ang pagpapatuyo ay madaling paraan ng pagpapanatili ng pagkain na hindi nangangailangan ng pagpapalamig. Pinapahaba nito ang shelf life ng pagkain at nananatili ang nutrisyon maliban sa nawalang halumigmig. PAGTUTUYO
Ang pag-aasin ay lumang paraan ng pag-preserve ng pagkain gamit ang asin upang alisin ang tubig at pigilan ang bakterya. Karaniwang ginagamit ito sa karne, isda, hipon, prutas, at itlog. PAG-AASIN
Ang pagyeyelo ay mabilis na paraan ng pag-preserve ng pagkain sa mababang temperatura upang pigilan ang mikrobyo at pagkasira. Karaniwan ito sa karne, manok, at isda. PAGYEYELO/Freezing
Ang pagpapalamig ay nagpapanatili ng pagiging bago ng pagkain sa mababang temperatura, karaniwang ginagamit para sa itlog, gatas, prutas, gulay, at dairy products. PAGPAPALAMIG/ Refrigeration
Ang pag- uusok ay paraan ng pag-preserve at pagdagdag ng lasa sa pagkain gamit ang usok, karaniwan sa isda at karne tulad ng tinapa, tapa, at longganisa. PAGPAPAUSOK/Smoking
Ang curing ay pag-preserve ng karne o isda gamit ang asin, asukal, at kemikal tulad ng nitrate para mapahaba ang shelf life at magdagdag ng lasa. Halimbawa: longganisa, tocino. CURING
Ang pickling ay pagbabad ng pagkain sa asin at/o suka upang mapatagal ang shelf life nito. Ginagamit ito sa prutas, gulay, karne, isda, at itlog. PAG_AATSARA / PICKLING
Ang canning ay paglalagay ng pagkain sa lalagyan at pag-init nito upang patayin ang mikrobyo at bumuo ng vacuum seal na pumipigil sa kontaminasyon. Halimbawa: sardinas, tomato sauce, pineapple juice. PAGLATA / CANNING
Ang sugar preservation ay pagpapanatili ng pagkain gamit ang asukal upang mapahaba ang shelf life, gamit ang pino/hilaw na asukal o likidong matamis tulad ng pulot at syrup. Halimbawa: jam at jelly. PAGPAPATAMIS/ SWEETENING
Ang sterilization ay paggamit ng init para patayin ang mikrobyo, na nagpapahaba ng shelf life ng pagkain ng ilang taon. STERILISING
Ipagtugma ang kahulugan sa Hanay A sa tamang proseso/paraan ng pagpapanatili ng pagkain sa Hanay B. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel. Hanay A Isang paraan kung saan ang naprosesong pagkain ay inilalagay at isinasara sa lata na walang hangin. Paraang ginagawa sa pamamagitan ng pagbabad o pagtuturok ng mga pampreserba gaya ng suka, asukal, at solusyon ng asin sa karne. Paraang kung saan ang pagkain gaya ng isda o tinuyong karne ay inilalantad sa usok, hindi lang para mapanatili kundi para magkaroon din ng kulay at lasa. Proseso ng pagpapanatili ng pagkain sa pamamagitan ng paglalagay ng asin. Pinakamabilis at pinakasimpleng paraan para mapreserba ang karne, manok, at isda, kung saan inilalagay ito sa freezer hanggang sa kainin. Paraan ng pagpapanatili ng pagkain sa pamamagitan ng pag-iimbak nito sa mababang temperatura upang mapahaba ang pagiging sariwa. Paraang gumagamit ng solusyon ng suka, asin, at asukal para mapreserba ang gulay. Paraan ng pagpapanatili ng pagkain gamit ang asukal upang mapanatili ang prutas tulad ng jelly at jam. Proseso na gumagamit ng init para patayin ang mikrobyo at bacteria. Pagkatapos nito, dapat maayos na maiimbak upang tumagal ng maraming taon. Pinakamadali at pinakakaraniwang paraan kung saan tinatanggal ang katas o tubig sa pagkain.
Hanay B A. Pagtutuyo B. Paglata (Canning) C. Pag-aasin D. Pagyeyelo (Freezing) E. Pagpapalamig (Refrigeration) F. Pag-atsara ng karne (Curing) G. Pagpapausok (Smoking) H. Pag-isterilisa (Sterilising) I. Pagpapatamis (Sweetening) J. Pag-aatsara (Pickling)
Sagot: 1 – B (Paglata / Canning) 2 – F (Pag-atsara ng karne / Curing) 3 – G (Pagpapausok / Smoking) 4 – C (Pag-aasin / Salting) 5 – D (Pagyeyelo / Freezing) 6 – E (Pagpapalamig / Refrigeration) 7 – J (Pag-aatsara / Pickling) 8 – I (Pagpapatamis / Sweetening) 9 – H (Pag-isterilisa / Sterilising) 10 – A (Pagtutuyo / Drying)