LAYUNIN: 1. Naipapaliwanag ang mga pangunahing suliranin sa paggawa sa Pilipinas 2. Naipapakita ang pagpapahalaga sa dignidad ng paggawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng personal na pananaw at respeto sa karanasan ng iba. 3. Nakikilahok nang aktibo sa talakayan at pangkatang gawain gamit ang angkop na pag-uulat at presentasyon.
Paalala Bago Magsimula ang Klase Ihanda ang inyong mga gamit at isipan para sa ating aralin. MAGING HANDA 1 Iwasan ang maingay na usapan at tumutok sa paksa. DISIPLINA 2 Makinig at igalang ang opinyon ng bawat isa. PAGGALANG 3 Maging handa sa pagtatanong at pagsagot. PARTISIPASYON 4 Ang ating talakayan ay magiging makabuluhan kung lahat ay makikilahok. BUKAS NA ISIPAN 5 Ang layunin natin ay matuto, magbahagi, at magkaisa bilang isang klase. TANDAAN 6
Balik-Tanaw “Ano ang kahulugan ng Paggawa at ano ang kahalagahan nito sa Ekonomiya?”
SANG-AYON O HINDI SANG-AYON
1.Madaling makahanap ng trabaho sa Pilipinas kung ikaw ay may diploma.
2.Ang child labor ay ipinagbabawal dahil ito ay hadlang sa karapatan ng mga bata na makapag-aral.
3. Ang diskriminasyon batay sa edad, kasarian, o pisikal na anyo ay hindi sakop ng isyu sa paggawa.
4. Ang labor strike o welga ay ginagawa ng mga manggagawa upang ipaglaban ang kanilang karapatan.
5. Ang mga overseas Filipino workers (OFWs) ay lumalabas ng bansa dahil walang oportunidad at sapat na trabaho sa loob ng bansa.
1.Ano ang ibig sabihin ng unemployment rate at underemployment rate?
2.Ano ang posibleng dahilan ng unemployment rate at underemployment rate?
3. Kung ikaw ay bahagi ng lokal na pamahalaan, anong programa ang maimumungkahi mo upang mabawasan ang unemployment sa bansa?
3. Kung ikaw ay bahagi ng lokal na pamahalaan, anong programa ang maimumungkahi mo upang mabawasan ang unemployment sa bansa?
MGA PANGUNAHING ISYU SA PAGGAWA
MGA PANGUNAHING ISYU SA PAGGAWA 02 Underemployment (Kulang sa Trabaho o Kita) 01 Unemployment (Kawalan ng Trabaho 04 Brain Drain (Pag-alis ng mga Manggagawang may Kasanayan) 03 Contractualization (Endo o “End of Contract”)
1. Unemployment (Kawalan ng Trabaho Kahulugan: Tumutukoy sa sitwasyong maraming mamamayan ang handa at may kakayahang magtrabaho ngunit walang makuhang trabaho. Sanhi: Kakulangan ng oportunidad sa trabaho, mismatch ng kasanayan, mabagal na paglago ng industriya. Epekto: Tumataas ang antas ng kahirapan, bumababa ang produksyon ng bansa, at lumalala ang kriminalidad.
2. Underemployment (Kulang sa Trabaho o Kita) Kahulugan: Nangyayari kapag ang manggagawa ay may trabaho ngunit hindi sapat ang oras o kinikita para sa kanyang pangangailangan. Sanhi: Limitadong oportunidad para sa full-time na trabaho, mababang pasahod, at kakulangan ng oportunidad para sa mas mataas na posisyon. Epekto: Nahihirapan ang mga manggagawa na makaahon sa kahirapan, lumalala ang inequality, at bumababa ang motibasyon ng mga empleyado.
3.Contractualization (Endo o “End of Contract”) Kahulugan: Isang sistema ng paggawa kung saan ang manggagawa ay inuupahan lamang sa maikling panahon (karaniwan ay 5 buwan) upang hindi sila maging regular. Sanhi: Pag-iwas ng mga kumpanya sa pagbibigay ng benepisyo at dagdag na gastos. Epekto: Kawalan ng seguridad sa trabaho, mababang morale ng manggagawa, at hindi pantay na distribusyon ng yaman.
4. Brain Drain (Pag-alis ng mga Manggagawang may Kasanayan) Kahulugan: Ang pag-alis ng mga propesyonal at skilled workers sa bansa upang magtrabaho sa ibang bansa kung saan mas mataas ang sahod at mas maganda ang oportunidad. Sanhi: Mababa ang pasahod sa bansa, kakulangan sa career growth, at hindi magandang kondisyon sa trabaho. Epekto: Nawawalan ang bansa ng mga eksperto at mahuhusay na propesyonal, bumabagal ang pag-unlad ng lokal na industriya, at lumalakas ang pag-asa sa remittances ng OFWs.
“Bakit mahalagang maresolba ang mga suliranin sa paggawa?”
Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat depende sa talento na taglay nila Pangkat 1- may talento sa pag awit Pangkat 2 - may talento sa pagsulat Pangkat 3 - may talento sa pagguhit Pangkat 4 - hindi pa nadidiskubre ang talento
Magbibigay ang bawat pangkat ng mga mungkahing solusyon kung paano mareresolba ang mga pangunahing suliranin sa paggawa. Isasagawa nila ito sa pamamagitan ng: Pangkat 1 - linya ng awitin Pangkat 2 - maikling tula Pangkat 3 - simbolismo Pangkat 4 - tableau
Pamantayan sa Pagmamarka Nilalaman – Naitama at malinaw na naipakita ang suliranin at solusyon (10 pts) Pagkamalikhain – Malikhain at makabuluhan ang tableau (10 pts) Teamwork/Partisipasyon – Lahat ng miyembro ay may ginampanang papel. (10 pts) Kabuuan 30 puntos
PRESENTASYON NG PANGKAT
“Kung ikaw ay magiging bahagi ng paggawa sa hinaharap, ano ang maiaambag mo upang maging produktibo at makatao ang paggawa sa Pilipinas?”
Ipaliwanag “Ang suliranin sa paggawa ay may malaking epekto sa kaunlaran ng bansa at sa buhay ng bawat mamamayan. Kaya’t mahalagang matugunan ito sa pamamagitan ng tamang patakaran at kolektibong aksyon.”
PAGTATAYA Isulat kung Tama o Mali. 1. Ang unemployment ay tumutukoy sa kawalan ng trabaho kahit nais at handa ang isang tao na magtrabaho. 2. Ang underemployment ay nangangahulugang sapat ang kita ng manggagawa para matugunan ang lahat ng kanyang pangangailangan. 3.Ang contractualization ay isang isyu kung saan ang mga manggagawa ay hindi nagkakaroon ng pangmatagalang trabaho. 4.Ang brain drain ay ang pagkawala ng mahuhusay na manggagawa o propesyonal dahil sa pagtatrabaho nila sa ibang bansa. 5.Isa sa mga epekto ng unemployment ay ang pagbaba ng kita ng pamilya at pagtaas ng antas ng kahirapan.
Piliin ang letra ng tamang sagot. 6.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng underemployment? a. Walang trabaho ang isang bagong graduate b. Isang guro ang nagtatrabaho bilang tindero dahil walang bakanteng teaching position c. Nagtatrabaho sa ibang bansa ang isang nurse d. Pansamantalang kontrata lamang ang hawak ng manggagawa sa pabrika
Piliin ang letra ng tamang sagot. 7.Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nangyayari ang brain drain? a. Mataas na sahod sa sariling bansa b. Mas maraming oportunidad sa ibang bansa c. Kakulangan ng manggagawa sa Pilipinas d. Pag-alis ng mga dayuhan sa bansa
Piliin ang letra ng tamang sagot. 8.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangunahing isyu sa paggawa? a. Unemployment b. Underemployment c. Contractualization d. Urbanization
Piliin ang letra ng tamang sagot. 9.Kung ikaw ay manggagawa na palaging may kontrata lamang na 5 buwan at hindi na reregular, anong isyu sa paggawa ang nararanasan mo? a. Unemployment b. Underemployment c. Contractualization d. Brain Drain
Piliin ang letra ng tamang sagot. 10.Ano ang maaaring maging epekto ng contractualization? a. Kawalan ng seguridad sa trabaho b. Pagtaas ng sahod c. Pagbalik ng mga OFW d. Pag-unlad ng lokal na industriya
Takdang Aralin Mag-interview ng isang miyembro ng pamilya o komunidad tungkol sa kanilang karanasan sa paggawa. Isulat sa journal ang kanilang pananaw at ihanda para sa pagbabahagi sa klase.
Data Gathering (flexible) Pwedeng mag-interview ng miyembro ng pamilya o kapitbahay (face-to-face or tawag lang). Kung may access sa net, pwedeng gumamit ng Google Forms o Messenger poll. Pwedeng gumamit ng reflective journaling o larawan bilang datos (Photo Elicitation).
Output Format (Inclusive): Modular learners: Maaaring isulat sa papel o ipasa sa printed form. Online learners: Pwedeng gumawa ng infographic, audio recording ng ulat, or video journal. Pwede ring ipasa gamit ang cellphone lang (text format or handwritten photo).
Presentation (Optional): Mag-record ng maikling presentasyon (2–3 mins) kung may kakayahan.