EKONOMIKS -ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag – aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman
Oikos – bahay o sambahayan nomos- pamamahala
maykroekonomiks - ay nakatuon sa galaw at desisyon ng bawat sambahayan at bahay - kalakal . Ito ay tumitingin sa bawat indibidwal na yunit – sambahayan , bahay-kalakal at industriya .
makroekonomiks Ang makroekonomiks naman ay nakatuon naman sa pangkabuuang ekonomiya ng isang bansa . Sinusuri nito ang pambansang produksyon pati na ang pangkahalatang antas ng presyo , pambansang kita at ang epekto nito .
Mahalagang Konsepto ng Ekonomiks
Trade off Ito ay tumutukoy sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
Opportunity cost – ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon .
incentives - maiilarawan ito sa kung magbibigay ng karagdagang allowance ang mga magulang kapalit ng mas mataas na marka na pagsisikapang makamit ng mag- aaral .
Marginal thinking Pagsusuri ng isang indibidwal sa karagdagang halaga maging ito man ay gastos o pakinabang na maaaring makuha sa paggawa ng desisyon
3 Pananaw sa Konsepto ng Ekonomiks Agham ng paglikha ng yaman at paggamit nito . (ALOKASYON) 2. Mula sa depinisyon ng Ekonomiks ito ay isang AGHAM PANLIPUNAN na nag- aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman . 3. Tamang pagpili at matalinong pagdedesisyon . Ang lahat ng mga konseptong nabanggit ay umiikot sa alokasyon at yaman na mayroon ang isang lipunan at bansa .
Aralin 2 KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS (Pang- araw araw na Pamumuhay ng bawat Pamilya at ng Lipunan.)
Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat lubos itong makatutulong sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon . Higit ang maitutulong nito sa iyo bilang mag- aaral at kasapi ng pamilya at Lipunan.
Bilang bahagi ng lipunan , magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa . Maaari mo ring maunawaan ang mga batas at programang ipinatutupad ng pamahalaan na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya .
Alam mo bang pwede mo ring gamitin ang kaalaman mo sa ekonomiks sa pagiisip sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan . Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon ng iyong pamilya .
Bilang isang mag- aaral ay maaaring maging higit na matalino , mapanuri , at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran . Maaari din itong humubog sa iyong pag-unawa , ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan at paghahanapbuhay sa hinaharap .
Bakit mahalaga ang Yaman ng Bansa ?
1. Ito ang nagpapatakbo ng lipunan
2. Daan tungo sa pag-unlad ng bansa .
3. Upang matugunan ang pansariling kagustuhan .
Konsepto ng yaman
TUWIRAN Mga bagay na ating kinokonsumo . Kadalasang binibili at ginagamit sa araw-araw
DI-TUWIRAN Mga bagay na ginagamit sa proseso ng produksyon . ( hilaw na materyales )
Ang kakapusan o “scarcity” ay umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao . Ang kakapusan ay maaaring umiral sa matagal na panahon
Ano nga ba ang dahilan ng kakapusan ?
1. Walang limitasyon sa pagkuha ng likas na yaman .
2. Dahil sa ang ilang pinagkukunan ng yaman natin ay hindi napapalitan o inaabot ng maraming taon bago mapalitan .
3. Ang hindi pagsunod ng mga tao upang limitahan ang pagkuha at paggamit sa mga likas na yaman
KAKULANGAN
Ang kakulangan o “shortage” ay nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produkto .
ANO NGA BA ANG DAHILAN NG KAKULANGAN?
• Limitadong suplay ng mga rekurso katulad ng pagkain tubig at iba pa. • limitadong mga kakayahan ng teknolohiya o kakayahan ng tao . • mahinang pagpaplano at pagpapatupad • kawalan ng balance sa pagitan ng mga nais at pangangailangan .
EPEKTO NG KAKAPUSAN
• Magiging dahilan ito ng malawakang kahirapan at pagkakasakit ng mga mamamayan . • Maaari din itong magdulot ng sigalot , pag - aaway -away, at kompetisyon .
SOLUSYON SA KAKULANGAN
Upang mapamahalaan ang kakapusan , kailangan ang matalinong pagdedesisyon at pagtutulungan habang isinasakatuparan ang magkakaibang layunin sa ngalan ng katahimikan at kasaganaan sa buhay
Matalinong Pagdedesisyon ANO? PAANO? PARA KANINO? GAANO KARAMI?
Pangangailangan at kagustohan
Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya nito sa kaniyang pang- araw - araw na gawain .
Tinatawag na kagustuhan ang paghahangad na ito ng tao . Ang pagkakaroon ng bahay sa isang sikat na pamayanan , pagkakaroon ng masasarap na pagkain araw-araw , at pagsusuot ng mamahaling damit ay mga halimbawa ng kagustuhan
Aralin 4 Sistemang Pang- ekonomiya
Ano ang alokasyon ? • Ito ang pagtatakda ng dami ng pinagkukunang yaman ( halaga ) para matugunan ang mga kagustuhan at pangangailangan ng tao
Ano ang budget? • Ang halagang inilalaan upang tugunan ang isang pangangailangan o kagustuhan
Apat na katanungang pang- ekonomiya
Ano- anong produkto at serbisyo ang gagawin ? Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo ? ➢ Kabilang dito kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay sa pangangailangan ng tao .
2 . Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo ? ➢ Kabilang dito ang mga paraan na gagamitin , teknolohiya at presyo ng mga bagay na kailangan sa paglikha nito .
3 . Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo ? ➢ Kabilang dito kung sino-sino ang makikinabang sa m ga malilikhang kalakal at serbisyo at kung paano maisasagawa ang maayos na distribusyon nito .
4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo ? ➢ Kabilang dito ang laki ng pangangailangan upang makapagdesisyon kung kung gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo .
Ano ang Sistemang Pang- ekonomiya ?
Ito ang paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit upang makatugon sa suliranin pangkabuhayan ng isang lipunan .
• Layunin nito na maiwasan ang labis na paglikha ng mga kalakal at serbisyo at maiwasan ang kakulangan ng mga ito .
• Ang pagkakaiba ng sistemang pang- ekonomiya ay nakabatay sa kung sino sino ang gumagawa ng pagpapasya at sa pamamaraan ng pagpapasyang ginagawa .
Uri ng Sistemang Pang- ekonomiya
Traditional Economy • Ito ay nakabatay sa tradisyon , kultura at paniniwala ng lipunan . • Umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain , damit at tirahan .
Market Economy • Ang produksyon ng kalakal at serbisyo ay nagaganap sa malayang pamilihan . • Hindi nakikialam ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng ekonomiya . • Ang bawat kalahok ( mamimili at nagtitinda ) ay kumikilos ayon kanyang sa pansariling interes kung ito ay naaayon sa batas. • Pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari . • Hango sa prinsipyo ng Kapitalismo ni Adam Smith .
Command Economy • Ang ekonomiya ay nasa kontrol at regulasyon ng pamahalaan . • Ang pamahalaan ay may kapangyarihan na gamitin nang husto ang lupa , paggawa at kapital upang makamit ang layuning pang- ekonomiya . • Nagtataguyod sa sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa paggawa at pamamahagi ng kagamitan . • Ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas na pamamaraan ng pasahod . • Hango sa prinsipyo ng Sosyalismo ni Karl Marx.
Mixed Economy • Pinaghalong sistema ng market at command economy. • Hinahayaan ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan sa presyo at kaligtasan ng mamimili . • May aktibong pakikialam ang pamahalaan sa ekonomiya sa pamamagitan ng patakarang piskal (fiscal policy) at patakaran ng pananalapi (monetary policy). • Hango sa prinsipyo ng Macroeconomics ni John Maynard Keynes.
Aralin 5 Produksyon
MGA SALIK NG PRODUKSYON
Nagaganap ang produksyon sa pamamagitan ng pagsasama sama ng mga salik tulad ng lupa , paggawa , kapital at entrepreneurship. Pag- aralan ang kahalagahan ng mga naturang salik at ang dulot nito sa pang araw-araw na pamumuhay natin.
Lupa Bilang Salik ng Produksyon Ang lupa ang pinanggagalingan ng mga hilaw na materyales na ginagamit sa pagbuo ng produkto.Ito din ang pinagtatayuan ng mga planta,gusali,pabrika at iba pang imprastraktura na kinakailangn sa produksyon.Renta o upa ang kabayaran sa paggamit ng lupa .
Paggawa Bilang Salik ng Produksyon .Ang Paggawa (labor) ang isa sa mahalagang salik ng produksyon.Lubos na napapakinabangan ang ibang salik sa tulong ng paggawa .
White Collar Job – mga manggawang gumagamit ng mental na kapasidad at kaisipan sa kanilang mga gawain o trabaho . Ang mga halimbawa dito ay ang mga abogado, guro , doktor , inhinyero at iba pang mga propesyunal . Blue Collar Job – tumutukoy sa mga manggagawang mas higit na ginagamit ang kanilang pisikal na lakas sa paglikha ng produkto o serbisyo . Halimbawa sa mga gawain dito ay para sa mga drayber , welder, magsasaka , weyter , mangingisda , factory workers at iba pa.
Kapital Bilang Salik ng Produksyon Sinasabing napakahalaga ng kapital sa ekonomiya ng isang bansa . Ang kapital ay tumutukoy sa mga bagay na ginagamit upang makabuo ng iba pang bagay.
Entrepreneurship Bilang Salik ng Produksyon Ang ikaapat na salik ng produksyon ay ang entrepreneurship.Ito ang kakayahan ng isang tao na bumuo o mag- umpisa ng isang negosyo
Aralin 6 & 7 Pagkonsumo
MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKONSUMO
Pagbabago ng Presyo Sa batas ng demand, habang ang presyo ay bumababa tumataas ang demand sa isang produkto .
Kita Kapag ang isang tao ay kumikita ng malaki , malaki din ang paggasta o kanyang pagkonsumo , samantalang kapag mababa ang kita ay mababa din ang pagkonsumo .
Mga Inaasahan Mga panahon na nakakaranas ng kalamidad , bagyo o panahon ng kapaskuhan , valentines na aasahan ng mga tao na tataas ang presyo ng mga produktong may kaugnayan dito kaya naapektuhan ang pagkonsumo .
Demonstration Effect Ang social media tulad ng FB, Instagram, telebisyon o radio ay madaling makaimpluwensya sa mga tao sa kanilang pagkonsumo .
Ang Matalinong Mamimili Lahat ng tao ay gusting bumili , hindi lamang ito pangangailangan kundi dahil na rin sa mga kagustuhan bahagi ito ng buhay bilang isang konsyumer .
Aralin 8 Karapatan at Tungkulin ng Mamimili
Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan May karapatan sa sapat na pagkain , pananamit , masisilungan , pangangalagang pangkalusugan , edukasyon at kalinisan upang mabuhay
Karapatan sa Kaligtasan May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapapangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makakasama o mapanganib sa iyong kalusugan . Karapatan sa Patalastasan
Karapatang Pumili May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo.
Karapatang Dinggin May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimli ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan .
Karapatang Bayaran at Tumbasan sa ano mang Kapinsalaan May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa produktong binili mo.
LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI
1. Mapanuring Kamalayan – ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit , halaga , at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit .
2. Pagkilos – ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungan pakikitungo
3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamayan , lalong-lalo na ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan , maging ito ay sa local, pambansa , o pandaigdig na komunidad .
4. Kamalayan sa Kapaligiran – ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pgkonsumo . Kailangan pangalagaan natin ang ating likas na yaman para sa ating kinabukasan .
5. Pagkakaisa – ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan .
Consumer Protection Agencies
Bureau of Food and Drugs (BFAD) – hinggil sa hinaluan / pinagbabawal / maling etiketa ng gamut, pagkain , pabango , at make-up. City/Provincial/Municipal Treasures – hinggil sa timbang at sukat , madayang (tampered) timbangan at mapanlinlang na pagsukat . Department of Trade and Industry (DTI) – hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya , maling etiketa ng mga produkto , madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal . Energy Regulatory Commission (ERC) – reklamo laban sa pagbebenta ng di wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas
5. Enviromental Management Bureau (DENR-EMB) - namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran ( polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig ). 6. Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) – hinggil sa hinaluan / pinagbabawal / maling etiketa ng pamatay-insekto at pamatay salot . 7. Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB) - nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon . 8. Insurance Commission – hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro .
9 . Philippine Overseas Employment Administration (POEA) – reklamo laban sa illegal recruitment activities . 10. Professional Regulatory Commission (PRC) – hinggil sa hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer, atbp . 11. Securities & Exchange Commission (SEC) – hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng mga pyramiding na Gawain.