gmrc grade 4- quater 2- week 2-ppt-.pptx

ericaalejandro616 10 views 45 slides Sep 16, 2025
Slide 1
Slide 1 of 45
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45

About This Presentation

gmrc 4


Slide Content

GMRC Pagtupad sa mga Gawain sa Pamilya nang may Kahusayan QUARTER 2 WEEK 2 DAY 1

Panoorin : https://www.youtube.com/watch?v=_ib83HnbEpQ Ano ano ang mga gawain o aktibidad sa pamilya na kailangang gawin nang may kalidad ?

Ang ilang halimbawa ng mga gawain sa pamilya na kailangang gawin nang may kalidad ay ang mga sumusunod : 1. Pagtutulungan sa mga gawain sa bahay Ang mga miyembro ng pamilya ay may responsibilidad sa mga gawain sa bahay . Mahalagang gawin nang may kalidad ang pagluluto o paghahanda ng pagkain at paglilinis ng bahay upang maiwasan ang pagkakasakit . Ang matiyagang pagtutulungan sa mga gawaing ito ay nagpapalakas din ng samahan at pagkakaisa sa pamilya .

2. Pagsasama-sama sa mga pagdiriwang at aktibidad Ang pagsasama-sama sa mga pampamilyang pagdiriwang tulad ng Bagong Taon , birthdays, at iba pang okasyon ay nagpapatibay ng ugnayan at pagkakaisa sa pamilya . Mahalaga rin ang aktibong paglahok sa mga aktibidad tulad ng family bonding, outing, at iba pang mga pagsasama-sama na nagpapalakas ng samahan sa pamilya . Ang mga ito ay halimbawa ng “spending quality time with family.”

Gawain 1 Suriin nang mabuti ang bawat larawan at alamin ang mga mensahe o kahulugan na maaaring nakapaloob sa mga ito . Isulat sa patlang kung ano ang mga nakita sa bawat larawan . Ibahagi sa klase ang iyong nakitang mensahe o kaisipan .

1. Ano-ano ang mga mensahe ng larawan? Gawain 1

2. Alin sa mga nasa larawan ang ginagawa din ng iyong pamilya? Ibahagi. 3. Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing nagagawa ito ng iyong pamilya? Bakit? Gawain 1

Humanap ng larawan ng inyong pamilya. Idikit ito sa loob ng kahon. Gawin ito sa isang bond paper. Gawain 2

Paglalahat Ano ang kahalagahan ng pagtupad ng tungkulin sa pamilya ? Ipaliwanag ang sagot .

Lagyan ng tsek (/) ang mga larawan ng gawaing pamilya na may kalidad at ekis (x) ang hindi . Pagtataya

Pagtataya Lagyan ng tsek (/) ang mga larawan ng gawaing pamilya na may kalidad at ekis (x) ang hindi .

GMRC 4 Pagtupad sa mga Gawain sa Pamilya nang may Kahusayan QUARTER 2 WEEK 2 DAY 2

Panoorin ang kuwento. https://www.youtube.com/watch?v=_ib83HnbEpQ Ano ang tungkol sa kwento? Paano nagpakita ng kahusayan at pagtutulungan ang pamilya?

Ang ilang halimbawa ng mga gawain sa pamilya na kailangang gawin nang may kalidad ay ang mga sumusunod : Pag- aalaga sa kalusugan at kapakanan ng bawat miyembro Mahalaga ang pangangalaga sa kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya . Ito ay magagawa nang may kalidad sa pamamagitan ng paghahanda ng healthy foods at pagkakaroon ng regular na ehersisyo at check-up sa mga doktor . Paglalahad

Mahalaga rin ang matiyagang pag-aalaga at pagbibigay ng suporta sa mga miyembro ng pamilya na may mga espesyal na pangangailangan Paglalahad

Gumawa ng talaan ng mga gawain o tungkulin ng bawat miyembro ng iyong pamilya. Tukuyin kung sila ba ay tatay, nanay, kuya, ate, o iba pang kasapi ng pamilya. Isulat ito sa kahon kasama ang kani-kanilang tungkulin o gawain sa inyong tahanan. Gawain 1

1. Ano ang napansin mo sa mga gawain o tungkulin ng iyong pamilya? 2. Masaya ka ba sa mga gawain o tungkulin na isinasagawa mo sa iyong pamilya? Bakit oo? Bakit hindi? 3. Ano ang epekto kung nagagawa ng bawat isa ang kanilang mga tungkulin sa pamilya? Gawain 1

4. Ano naman ang epekto kung hindi nagagawa ng bawat isa ang kanilang mga tungkulin ? 5. Ano- ano ang mga paraan na maaaring isagawa sa pamilya upang matiyak na nagagawa ng bawat isa nang mahusay ang kanilang mga tungkulin ? Gawain 1

Gamit ang akrostik , bigyan ng pagpapakahulugan ang salitang PAMILYA sa kahalagahan nito sa paghubog ng positibong impluwensiya sa bawat kasapi . Isulat ang sagot sa sagutang papel . Gawain 2

Ano ang kahalagahan ng pagtupad ng tungkulin sa pamilya ? Ipaliwanag ang sagot . Paglalahat

Basahin at unawain ang mga aytem at piliin ang titik nf tamang sagot. 1. Sinasabi na ang pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito? A. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao. B. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba. C. Sa pamilya unang natutunana ang kagandahang asal at maayos na pakikitungo sa kapwa. D. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata. Pagtataya

. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos na pamilya? A. Pinagsama ng kasal ang magulang B. Pagkakaroon ng mga anak C. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang Karapatan D. Mga patakaran sa pamilya Pagtataya

3. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan? A. Buo at matatag B. May disiplina ang bawat isa C. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos D. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman Pagtataya

4. Bilang isang tao saan sa mga sumusunod ang may pinakamalaking impluwensiya sa katangian mo ngayon? A. Mga barkada B. Mga guro C. Pamilya D. Paaralan Pagtataya

5. Ang ating Lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa Lipunan ang itinuturing ba pinakamaliit at pangunahing yunit ng Lipunan? A. paaralan B. pamilya C. pamahalaan D. barangay Pagtataya

GMRC 4 Pagtupad sa mga Gawain sa Pamilya nang may Kahusayan QUARTER 2 WEEK 2 DAY 3

Panoorin ang kuwento. https://www.youtube.com/watch?v=vWsBuJ_gFkY Ilarawan ang pamilya ni Riza?

Pagtulong at pag-aalaga sa mga nakatatanda Mahalaga ang matiyagang pagbibigay ng respeto , pagmamahal , at pag-aalaga sa mga nakatatanda sa pamilya . Ito ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang mga pangangailangan , pakikipag-usap at pakikinig sa kanilang mga kwento at karanasan , at pag-aalaga sa kanilang kalusugan at kapakanan . Paglalahad

Isulat sa kahon ang mga aktibidad na maaari mong gawin sa pamilya nang may kalidad o kahusayan .

Gawain 1 Isulat sa kahon ang mga aktibidad na maaari mong gawin sa pamilya nang may kalidad o kahusayan .

Gumawa ng talaan o journal ng mga kahalagahan na natutuhan mo. Ito ay magbibigay-daan sa iyo na balikan ang mga repleksiyon mo sa hinaharap. Maaaring gamitin ang mga tanong na ito bilang gabay ng pagsusulat ng journal. Maaaring ibahagi ito sa klase. a. Ano ang iyong natutuhan ukol sa iyong mga tungkulin sa pamilya? b. Ano ang iyong nararamdaman tuwing nagagampanan mo ang mga ito? Ano ang iyong gagawin upang mapaunlad mo ang iyong pagiging responsableng kasapi ng pamilya? Gawain 2

Bakit kinakailangang gampanan ang mga tungkulin o gawain sa bahay nang may kalidad o kahusayan ? Paglalahat

Tama o Mali. 1. Nagiging masaya at tahimik ang bawat pamilya kung may pagbibigayan ang bawat kasapi. 2. Ang pamilyang nagbibigayan at nagtutulungan sa mga Gawain at may unawaan ay dapat na kainggitan. 3. Ang pamilyang nagbibigayan at may mabuting ugnayan sa isa’t isa ay may unawaan. Pagtataya

4. Ikinahihiya ni Nena ang kanilang pamilya dahil sila ay mahirap lamang. 5. Ang alituntunin ay ang mabubuting gawi o ugali na ipinatutupad ng iyong mga magulang sa inyong pamilya. Pagtataya

GMRC 4 Pagtupad sa mga Gawain sa Pamilya nang may Kahusayan QUARTER 2 WEEK 2 DAY 4

Panoorin : https://www.youtube.com/watch?v=_ib83HnbEpQ&t=48s Ano ano ang mga gawain na sama-samang ginagawa ng iyong pamilya ?

Mga Pamamaraan ng Pagpapahalaga sa Mabubuting Kaugaliang Pilipino   Ang pagsasabuhay ng mga kaugaliang Pilipino ay may malaking epekto sa pagpapalago at pag-unlad ng indibidwal . Ito ay naglalagay ng halaga sa ugnayan , pagkakaisa , at pagkamapagkumbaba , na nagbubunga ng masiglang komunidad at pagkakaisa sa lipunan . Paglalahad

Mahalaga ang pagkakaroon ng malasakit at pag-unawa sa bawat isa sa pamilya. Dapat magkaroon ng regular na pag-uusap at pakikipagtalastasan upang malaman ang mga kaganapan sa buhay ng bawat miyembro ng pamilya. Ang mga gawaing ito, kung gagawin nang may kalidad at pagtitiyaga, ay magbubunga ng matibay na samahan at pagkakaisa sa pamilya. Makatutulong ang mga ito sa pagbuo ng maayos at maligayang pamilyang nagtataguyod ng mabubuting kaugalian at nagpapalakas sa bawat miyembro upang umunlad at maging mabuting indibidwal. Paglalahad

Sa pamamagitan ng mapa ng konsepto, tukuyin ang sanhi o dahilan at epekto (resulta o bunga) kung bakit dapat ipatupad ang mga tungkulin ng pamilya nang may kahusayan o kalidad. Gawain 1

Gawain 2 Gumawa ng sariling talaan ng mga gawain mula Lunes hanggang Linggo . Hilingin ang magulang na magbigay ng kanilang mga puna o komento at pirmahan ito .

Gawain 2

Bakit kinakailangang gampanan ang mga tungkulin o gawain sa bahay nang may kalidad o kahusayan? Paglalahat

Pagtataya Basahin ang bawat sitwasyon at ipaliwanang kung ano ang ang gagawin mo. 1. Nais mong makipaglaro sa iyong kaibigan. Ano ang dapat mong gawin? 2. Ano ang dapat gawin sa mga alituntunin sa tahanan at pamilya? Bakit?

Pagtataya 3. Nadatnan mong nagpapahinga at natutulog ang iyong tatay dahil pagod siya galing sa trabaho. Ano ang gagawin mo? 4. Araw ng Sabado. Walang pasok sa eskwela, ano ang gagawin mou pang makatupad sa alituntunin ng pamilya?

5. Ang buong pamilya ay nagsisimba lagi tuwing Linggo ngunit ang kapatid mo ay ayaw sumama, ano ang gagawin mo? Pagtataya
Tags