GMRC Reviewer-GMRC Reviewer-GMRC Reviewer.pptx

PrincessCruz39 6 views 10 slides Nov 02, 2025
Slide 1
Slide 1 of 10
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10

About This Presentation

GMRC 4 Reviewer


Slide Content

1. Ano ang ibig sabihin ng pagiging mabuting katiwala ng tubig ? A. Paggamit ng tubig ayon sa pangangailangan at hindi pag-aaksaya B. Pag- iiwan ng bukas na gripo C. Pagtatapon ng basura sa ilog D. Pagpapatuloy ng pag-aaksaya

2. Alin sa mga sumusunod ang mabuting gawain sa bahay tungkol sa tubig ? A. Maghugas ng kamay habang tuloy-tuloy ang agos ng tubig B. Gumamit ng tabo sa paliligo C. Magbukas ng hose nang buong araw D. Magtapon ng hugasan sa ilog

3. Ano ang epekto ng pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig ? A. Nagiging malinis ang kapaligiran B. Nagdudulot ng pagbaha at polusyon C. Nagiging masarap ang inumin D. Nagpapababa ng halaga ng tubig

4. Ano ang dapat gawin sa sirang gripo ? A. Ipaayos agad B. Hayaan na lamang ito C. Takpan ng tela D. Iwanang tumutulo

5. Bilang mag- aaral , paano ka makakatulong sa konserbasyon ng tubig ? A. Paggamit ng tubig nang walang limitasyon B. Pagsasara ng gripo matapos gumamit C. Pag-iwan ng hose na bukas D. Pagtapon ng tubig kahit malinis pa

6. Ano ang kahalagahan ng malinis na tubig sa pamilya ? A. Para dumami ang basura B. Para maiwasan ang sakit at magkaroon ng kalusugan C. Para dumumi ang kapaligiran D. Para magastos

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting gawain ? A. Pagtitipid ng tubig B. Pagtapon ng basura sa kanal C. Pagsasara ng gripo D. Pagdidilig gamit ang tabo

8. Ano ang dapat isaalang-alang ng pamayanan para sa kalinisan ng tubig ? A. Pagtutulungan ng lahat B. Pagpabaya sa tungkulin C. Pag- iwas sa proyekto D. Pag- aaksaya ng tubig

9. Bakit dapat magtulungan ang pamilya at pamayanan sa pangangalaga ng tubig ? A. Dahil lahat ay umaasa sa malinis na tubig para mabuhay B. Dahil ito ay walang halaga C. Dahil libre lamang ang tubig D. Dahil wala itong gamit

10. Ano ang isang halimbawa ng proyekto ng paaralan para sa konserbasyon ng tubig ? A. Pagtatanim ng puno B. Pagtapon ng basura sa likod ng paaralan C. Pagpapatuloy ng aksaya sa tubig D. Pagpabayaan ang gripo