GMRC 8 Ano ang naramdaman ninyo habang pinapanood ito ? Naranasan mo na bang tumulong sa iba ? Ang matulungan ng iba ?
GMRC 8 Nagiging Higit Akong MAPAGMALASAKIT Sa Pamamagitan ng PAKIKIPAGKAPUWA-TAO
GMRC 8 LAYUNIN Nakapagsasanay sa pagiging mapagmalasakit sa pamamagitan ng pagiging sensitibo at wastong pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa Nailalarawan ang mga paraan ng pakikipagkapuwa bilang isang kabataan Naipaliliwanag na ang pakikipagkapuwa-tao ay nakaugat sa kalikasan ng tao bilang panlipunang nilalang at naglilinang ng kaniyang kaganapan bilang tao sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa na indikasyon ng pagmamahal Nailalapat ang mga paraan ng pakikipagkapuwa bilang isang kabataan
GMRC 8 NO MAN IS AN ISLAND.
GMRC 8 NO MAN IS AN ISLAND. Likas na panlipunang nilalang ang tao. May ugnayan ang bawat isa sa atin. Pakikipagkapuwa at malasakit ang susi .
KAPUWA Pagkakaisa ng sarili at iba Shared identity Puso ng pagpapahalagang Pilipino GMRC 8
PAKIKIPAGKAPUWA Pagtrato sa iba bilang “ kapuwa ” Pagtawid mula sa ibang tao tungo sa hindi ibang tao Isang paninindigan GMRC 8
GMRC 8 Ano ang nais iparating ng awiting napakinggan ?
Kahalagahan ng Pakikipagkapuwa -Tao sa Ating Buhay Mahalagang sanayin ang kakayahan , kasanayan , at taglay na talento sa pakikipagkapuwa-tao upang lumago at maabot ang ating lubos na potensiyal bilang tao . GMRC 8
GMRC 8 at PAKIKIPAGKAPUWA-TAO MALASAKIT
GMRC 8 PAKIKIPAGKAPUWA-TAO MALASAKIT Ang pakikipag-ugnayan o pakikitungo sa ibang tao bilang kapuwa , may paggalang , pagkilala at pagtanggap na sila ay may dignidad tulad natin. Mas malalim na antas ng pakikipagkapuwa , kung saan may damdamin ng pag-aalala , pakikiramay , at aktibong pagtulong sa kapwa .
GMRC 8 Gawain: Ano ang magagawa mo kapag nakatagpo ka ng mga taong inilalarawan sa ibaba ? Bumuo ng tatlong grupo upang magsadula ng isang mahabaging tugon . TAHANAN PAARALAN KOMUNIDAD 1. Isang pagod na magulang 1. Isang bagong kaklase 1. Isang matandang walang tirahan 2. Isang may sakit na kasambahay 2. Isang matandang dyanitor na naglilinis ng malaking gym 2. Isang batang may kapansanan na pinagtatawanan 3. Isang nakababatang kapatid na nahihirapan sa pag-aaral 3. Isang buntis na guro 3. Isang marumi at bakanteng lote na pag-aari ng isang matandang may sakit
GMRC 8 Journal: “Paano ko maisasabuhay ang pakikipagkapuwa-tao at malasakit sa aking pamilya , paaralan , at komunidad ?”
GMRC 8 COMMUNITY BUILDER SERVANT LEADER TRUTH-SEEKER GOD-CENTERED PAKIKIPAGKAPUWA-TAO at PAGMAMALASAKIT GRADUATE ATTRIBUTES 4
GMRC 8 Takdang Aralin: Gumuhit o gumawa ng isang poster na nagpapakita ng isang paraan pakikipagkapuwa-tao .
GMRC 8 REPLEKSYON: Paano ko maipakikita ang tunay na pakikipagkapuwa-tao at malasakit sa aking pamilya , paaralan , at komunidad , tulad ng halimbawa ni Mo. Francisca del Espiritu Santo de Fuentes?