Naipakikita ang pagiging matiyaga sa pamamagitan ng palagiang pagtatabi ng mga naipong pera sa alkansiya o mga gamit sa lagayan : a. Natutukoy ang mga Paraan sa Pag- iimpok GRADE 1 QUARTER 1 WEEK 3 – DAY 1
Panimulang Gawain: Panuto : Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba . Ano ang ipinapakita sa larawan ?
alkansiya
bangko
Magaling !
Itanong : Saan natin ginagamit ang alkansiya ? Ano ang itinatabi natin sa mga bangko ?
Magaling !
OBJECTIVES: Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahan na natutukoy ang mga paraan sa pag-iimpok .
MGA PARAAN SA PAG-IIMPOK
Bilang isang bata, mahalaga na alam mo ang paraan sa pag-iimpok .
1. Pag- iimpok sa alkansiya o mga gamit sa lagayan . 2 Paraan ng Pag- iimpok
Bilang bata, maaari kang gumamit ng alkansiya o iba pang lalagyan kung magsisimula sa pa g-iimpok .
2. Pag- iimpok sa mga bangko . 2 Paraan ng Pag- iimpok
Kung lumago na ang iyong ipon sa malaking halaga , maaari mo itong itabi o itago sa iba’t ibang mga bangko .
Mahalaga na kahit bata pa lamang na tulad mo ay matuto na sa paraan ng pag-iimpok .
Tandaan : Ang pag-iimpok ay mahalaga sapagkat natututo kang maging responsableng tao .
Panuto : G umuhit ng masayang mukha kung ang larawan ay nagpapakita ng paraan ng pag-iimpok at malungkot na mukha kung hindi .
___1. ___4. ___2. ___5. ___3.
Takdang Aralin : Panuto : Gamit ang recycled materials tulad ng lata , bote , at iba pa. Gumawa ng iyong sariling alkansiya . Lagyan ito ng dekorasyon .
Naipakikita ang pagiging matiyaga sa pamamagitan ng palagiang pagtatabi ng mga naipong pera sa alkansiya o mga gamit sa lagayan : a. Natutukoy ang mga Paraan sa Pag- iipon sa Sariling Kakayahan GRADE 1 QUARTER 1 WEEK 3 – DAY 2
Manuod Tayo! Handa na ba kayo? Panimulang Gawain:
Itanong : 1. Tungkol saan ang ating napanuod na video? 2. Mahalaga na matutunan ang wastong pag-iipon ?
Magaling !
OBJECTIVES: Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahan na natutukoy ang mga paraan ng pagtitipid sa sariling kakayanan .
Paraan ng Pagtitipid sa Sariling Kakayahan
1. Itabi kung may sobrang baon .
2. Unahing bilhin ang kailangan hindi ang kagustuhan .
3. Huwag gumastos ng sobra sobra .
Panuto : Tulungan si Lisa na bilugan ang mga bagay na nararapat paglaan ng kaniyang salapi at ekisan (x) kung hindi .
Magaling !
Mahalaga na kahit bata pa lamang na tulad mo ay matuto na sa paraan ng pagtitipid .
Tandaan : Ang matalinong bata ay marunong magtipid .
Panuto : Binigyan ng kanilang magulang ng 50 pesos bawat isa ang magkakapatid na Nico, Nene, Niño, Nini at Nilo . Kulayan kung saan nila mas dapat ilaan ang kanilang baon .
Nico Nene Niño Nini Nilo
Takdang Aralin : Panuto : Itala ang iyong sariling paraan sa pagtitipid . Isulat ang iyong sagot sa inyong kwaderno .
Naipakikita ang pagiging matiyaga sa pamamagitan ng palagiang pagtatabi ng mga naipong pera sa alkansiya o mga gamit sa lagayan : b. Naisasaalang-alang ang sariling paraan ng pag-iimpok at pagtitipid na makatutulong upang matugunan ang kaniyang pangangailangan GRADE 1 QUARTER 1 WEEK 3 – DAY 3
Panimulang Gawain: Panuto : Pagmasdan ang larawan .
Sagutin ang mga tanong : Ano sa tingin niyo ang ginagawa ng bata? Nag- iipon rin ba kayo? Bakit kayo nag- iipon ?
Magaling !
OBJECTIVES: Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahan na naisasaalang-alang ang sariling paraan ng pag-iimpok at pagtitipid na makatutulong upang matugunan ang kaniyang pangangailangan .
Paraan ng Pag- iim pok at Pagtitipid na Makatutulong sa Pangangailangan
Manuod Tayo! Handa na ba kayo?
Panuto : Sagutin ang mga tanong batay sa kwentong napakinggan . Bilugan ang tamang sagot .
1. Ano ang pamagat ng kwento ? Si Pagong at Si Matsing b. Si Langgam at Si Tipaklong
2 . Bakit nag iipon si Langgam ng pagkain ? bilang paghahanda sa taglamig b. dahil trip niya lang
3. Ano naman ang ginagawa ni Tipaklong habang si Langgam ay nagsisipag ? nag- iipon rin ng pagkain b. nagsasaya at nagpapahinga
4. Bakit kay Langgam humingi ng pagkain si Tipaklong ? bilang dahil may pinatabi siyang pagkain b. dahil wala na siyang mahanap na pagkain
5 . Tinulungan ba sya ni Langgam ? Bakit? Opo , dahil naawa ito sa kalagayan ni Langgam . b. Hindi po, dahil walang tao sa bahay ni Langgam .
Magaling !
Sagutin : Sa susunod na pangyayari , ano sa palagay mo ang gagawin ni Tipaklong bago dumating ang tag ulan?Bakit ?
Tandaan : Ang pag-iimpok ay nagpapaalala sa atin ng halaga ng pag-iipon para sa hinaharap na pangangailangan .
Panuto : Kulayan ng pula si Langgam kung ang pahayag ay nagpapakita ng kahalagan ng pag-iipon at kulay berde naman kay tipaklong kung hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa pag-iipon .
1. Masinop na iniipon ni Carla ang sobra niyang baon upang pambili ng bagong sapatos . 2. Nasira ang bag ni Perla sa eskwela ngunit agad siyang nakabili ng pamalit dahil ginamit niya ang laman ng kaniyang piggy bank.
3. Ibinili ni James ng laruang teks ang kaniyang sobra baon 4. May proyektong dapat bilhin si Andrew ngunit pinanlaro na niya sa computer games ang natira niyang baon .
5. Matapos ang pag-iipon ng isang taon , masayang nabili ni Kobe ang bago niyang bisikleta .
Takdang Aralin : Panuto : Itala ang iyong sariling paraan sa pagtitipid . Isulat ang iyong sagot sa inyong kwaderno .
Naipakikita ang pagiging matiyaga sa pamamagitan ng palagiang pagtatabi ng mga naipong pera sa alkansiya o mga gamit sa lagayan : c. Nailalapat ang mga paraan ng pag-iimpok at pagtitipid ( hal . pagtatabi ng pera o gamit sa paaralan ) GRADE 1 QUARTER 1 WEEK 3 – DAY 4
Panimulang Gawain: Saan nga ulit tayo maaaring magtabi o mag- ipon ng pera ?
Magaling !
Maaari tayong mag- ipon o magtabi ng ating pera o salapi sa mga bangko o sa alkansiya .
OBJECTIVES: Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahan na nailalapat ang mga paraan ng pag-iimpok at pagtitipid ( hal . pagtatabi ng pera ).
Kahalagahan ng Pagtatabi ng Pera
Manuod Tayo! Handa na ba kayo?
Bakit nga ba mahalaga ang pagtatabi ng pera o salapi ?
1. Nagagamit kapag nagkaroon ng mga emergency. Tulad ng… aksidente pagkakasakit
2. Nagagamit sa panghinaharap na pangailangan . Tulad ng pagbili ng…. bahay sasakyan
3. Nagagamit para sa pag-aaral o edukasyon .
Itanong : Nasunog ang bahay ninyo ngunit wala kayong pera o salapi na naitabi . Ano kaya ang mangyayari sa inyong pamilya ?
Itanong : Dapat ba na mayroon kang naitatabing pera sa lahat ng oras ? Bakit?
Magaling !
Tandaan : Ang pag-iimpok ay nagpapaalala sa atin ng halaga ng pag-iipon para sa hinaharap na pangangailangan .
Panuto : Kulayan ang piggy bank kung ang larawan ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagtatabi ng pera o salapi .
1. Madalas na pamimili o pagshopping sa iba’t ibang lugar . 2 . Paglista at pagbili ng mga pinakakailangan gamit at pagkain sa bahay .
3. Pagdedeposito ng pera o salapi sa bangko . 4 . Palagiang pag-alis ng bansa kasama ang mga kaibigan .
5. Paggastos ng naayon sa pera o salapi .
Takdang Aralin : Panuto : Bumuo ng akrostik gamit ang salitang TIPID. Isulat sa bawat titik kung paano mo pinapahalagahan ang pagtatabi ng iyong pera o salapi .
Naipakikita ang pagiging matiyaga sa pamamagitan ng palagiang pagtatabi ng mga naipong pera sa alkansiya o mga gamit sa lagayan : c. Nailalapat ang mga paraan ng pag-iimpok at pagtitipid ( hal . pagtatabi ng pera o gamit sa paaralan ) GRADE 1 QUARTER 1 WEEK 3 – DAY 5
Panimulang Gawain: Panuto : Pagmasdan ang larawan . Ano ang ipinapakita sa larawan ?
Magaling !
Bukod sa pagtitipid ng salapi o pera , maaari rin nating tipirin ang iba pang mga bagay.
OBJECTIVES: Pagkatapos ng aralin , ang mga mag- aaral ay inaasahan na nailalapat ang mga paraan ng pag-iimpok at pagtitipid ( hal . gamit sa paaralan ).
Mga Paraan ng Pag- iimpok at Pagtitipid ng mga Gamit sa Paaralan
Magbasa Tayo! Handa na ba kayo?
Ang Batang si Lea
Nais kong ipakilala sa inyo ang aking matalik na kaibigan na si Lea. Magandang Buhay ! Ako nga pala si Lea. Ako ay katulad mo rin na nasa unang baitang .
Si Lea ay isang batang matipid . Kaya naman siya ay kinagigiliwan ng kaniyang mga guro at kapwa kamag-aral .
Sinisiguro niya na nakasara ang ilaw sa silid-aralan .
Sinisiguro niya rin na nakasara ang gripo sa palikuran .
Gayundin ang pagtanggal ng mga saksakan sa silid .
Lagi niya isinasaisip ang pagtitipid ng tubig at kuryente . Kaya naman natutuwa kay Lea ang kaniyang mga magulang .
Nagustuhan ba ninyo ang kwento mga bata?
Sagutin ang mga tanong : Sino ang bata sa kwento ? Bakit siya kinagigiliwan ng kaniyang guro at kapwa mag- aaral ?
3. Ano ano ang kaniyang sinisiguro bago umalis sa silid-aralan ? 4. Ginagawa niyo rin ba ang ginagawa ni Lea?
Magaling !
Bilang isang mag- aaral , dapat ay mayroon kang pakialam o pagkalinga sa iyong paaralan . Tipirin ang mga gamit sa paaralan at panatalihin itong maayos at malinis .
Tandaan : Bukod sa pagtitipid ng salapi o pera , maaari rin nating tipirin ang iba pang mga bagay tulad ng tubig , kuryente at iba pang mga gamit .
Panuto : Kulayan ang kahon ng pula kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga o pagtitipid ng mga gamit sa paaralan .
1. Isasara ko ang ilaw ng silid aralan pagkatapos ng klase . 2 . Tinatabi ko ang mga lumang lapis na maaari pang gamitin .
3. Pinagsasama sama ko ang mga lumang papel sa notebook na walang sulat upang gawing bagong notebook. 4 . Pinaglalaruan ko ang tubig sa gripo .
5. Iniiwan kong nakasaksak lahat ng bentilador sa klase .
Takdang Aralin : Gumuhit o gumupit ng tatlong larawan na nagpapakita ng pagpapahalaga o pagtitipid sa mga gamit sa paaralan .