GROUP 1 KASAYSAYAN NG BALAGTASAN AT BATUTIAN. DULAAN SA PANAHON NG HAPON.pdf
villaminedcel016
0 views
41 slides
Oct 21, 2025
Slide 1 of 41
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
About This Presentation
KASAYSAYAN NG BALAGTASAN
Size: 37.43 MB
Language: none
Added: Oct 21, 2025
Slides: 41 pages
Slide Content
United School of Science and Technology
P. Burgos Street, San Isidro, Tarlac City
Ipinasa Nina:
Edcel Villamin
Ipinasa Kay:
G. Jan Dimarucut
Kasaysayan ng Balagtasan at Batutian
Dula noong Panahon ng Hapon
Rea Mea Sarzaba
Lei Jansen Villanueva
Wendy Lyn Bautista
•Isang pagtatalong patula
Kasaysayan ng Balagtasan at Batutian
•Nagbuhat sa pangalan ng dakilang Sisne ng Panginay na si Francisco
"Balagtas" Baltazar.
•Ang kauna-unahang balagtasan ay ginanap sa bulwagan ng Institutio de
Mujeres noong 1924.
•Ang mga makatang nagtagisan ng talino ay sina Jose Corazon de Jesus at
Florentino Collantes.
Ang paksang pinagtalunan ay BULAKLAK NG KALINISAN na sinulat ni Jose
Corazon de Jesus Buong ningning na binigkas ito ni Batute (Jose Corazon
de Jesus) at Kuntil Butil (Florentino Collantes)
•Kasama sa pagtatalong ito sina Sonia Enriquez bilang kampupot, Lope
K. Santos sa papel na Lakandiwa, Rosa Sevilla de Alvero bilang Lakan-
Ilaw, at Inigo Ed Regalado.
Jose N. Sevilla - nilikha niya
ang katawagang
BALAGTASAN - Isa sa
tatlong kagawad ng Lupong
Pamunuan ng Kapulungang
Balagtas
Batute - Itinanghal na unang
hari ng balagtasan - Samantala
itinanghal namang ikalawang
hari si Kuntil Butil pagyao ni
Batute
ANO NGA BA ANG
PAGKAKAIBA NG BALAGTASAN
AT BATUTIAN?
Balagtasan: Mas seryoso, mayroong masusing
argumento, at nakatuon sa pagtatalo ng mga
opinyon ukol sa mga isyung panlipunan, kultura, at
politika.
Batutian: Mas magaan at komediko, layuning magpatawa
habang tinatalakay ang isang paksa. Ginagamit ito upang
magbigay-komento sa mga isyung may halong
pagpapatawa.
Pareho silang nagmula sa tradisyong
pampanitikan ng mga Pilipino at nagsilbing
plataporma para sa pagpapahayag ng damdamin,
opinyon, at talino ng mga makata sa anyong
patula.
Mga Katangian ng Balagtasan
1. May dalawang panig na nagtatalo, isa ang
nagsasabi ng "panig na sang-ayon" at ang isa
naman ay "panig na tumututol."
2. May lakandiwa o tagapamagitan na
nagpapakilala sa mga makata at nagbubukas
ng paksa ng talakayan.
3. Sukat at Tugma – Ang mga tula sa
Balagtasan ay sinusunod ang tradisyonal na
sukat at tugma ng mga tula.
4. Pagsulat ng Tula sa Debate – Dito nagiging
masining ang paraan ng pagtatalo dahil sa
paggamit ng mga makukulay na salita at
tayutay.
Mga Katangian ng Batutian
1. Pagtatalo na may halong pagpapatawa – Di
tulad ng seryosong tono ng Balagtasan, ang
Batutian ay mas maluwag at puno ng komedya.
2. Pagiging satirikal – Tinatalakay ang mga isyu
sa lipunan gamit ang mga biro at parikala upang
maging mas mabisa ang paghahatid ng mensahe.
3. May tagahatol – Tulad ng
Balagtasan, may isang
tagapamagitan na nagdedesisyon
kung sino ang nanalo.
HALIMBAWA NG BALAGTASAN NA
NAKA SULAT SA KASAYSAYAN
Isa sa pinakasikat na halimbawa ng Balagtasan ay ang
"Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan" ni José Corazón de Jesús
at Florentino T. Collantes. Ito ay isang debate na isinagawa
noong 1924, na ang pangunahing paksa ay ang kagandahan
ng isang babae. Si José Corazón de Jesús ay pumapanig sa
paniniwala na ang tunay na kagandahan ng isang babae ay
nagmumula sa kanyang likas na ugali at kalinisan ng loob.
Samantalang si Florentino Collantes naman ay naniniwala na
ang kagandahan ay nasusukat sa panlabas na anyo.
HALIMBAWA NG
BATUTIAN NA NAKASULAT
SA KASAYSAYAN
Ang Batutian naman ay isang uri ng
tulang patnigan na may layuning
magpatawa habang nagpapatalastas ng
mahahalagang aral.
Isa sa mga kilalang halimbawa ay ang mga
gawa ni Huseng Batute o José Corazón de
Jesús. Ang isa sa mga sikat na pyesa ay "Ang
Huling Paalam" ni José Corazón de Jesús,
kung saan ginamit niya ang pangalan ni
Huseng Batute upang magpahayag ng mga
patutsada at pagbibiro sa iba't ibang aspeto
ng buhay.
Bagama't mas sikat ang Balagtasan bilang
isang uri ng tulang patnigan, ang Batutian
ay naging mahalaga rin sa pagpapalawak
ng panitikang Pilipino sa pamamagitan ng
paggamit ng pagpapatawa at satire
Ang parehong Balagtasan at Batutian ay
mahahalagang bahagi ng kulturang
pampanitikan ng Pilipinas at nagsilbing mga
plataporma para sa pagpapahayag ng mga
opinyon at ideya sa masining na paraan.
PANAHON NG
HAPON
Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang
panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang
1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung
kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na
dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng
Estados Unidos. Habang nagaganap ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga
sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8,
1941.
Kasaysayan
Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang
Pearl Harbor, Hawaii, at Estados Unidos, Pagkaraan ng ilang mga
linggo, umatras sina Heneral Douglas MacArthur na kasama ang
pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang
Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong
Enero 2 1942
Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942.
Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang
tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng
konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.
Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa
Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga puwersa ni
Douglas MacArthur sa Tangway ng Leyte. Naproklaman bilang
bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmeña nang mamatay si
Manuel Quezon.
Malakas na nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos ang
Maynila noong Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano ang mga
puwersang militar ni Heneral Homma sa Lalawigang Bulubundukin
(Mountain Province), na napilitang sumuko noong mabigo ang mga
ito sa tinatangka nilang pagtakas
➤ Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya't sinakop ng
Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang manunulat na Pilipino,
isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito.
➤ Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil
ipinagbawal ng
namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang
pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.
Kaligiran
➤
Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang
masigurong hindi
mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang
nililikha
➤ Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang
tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na
malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng
panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa
mga ito.
➤ Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino
sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa
mga makintal na maka- feministang maikling-kwento.
• Ang isang manunulat ay likas na manunulat.
• Nabigyang sigla ang Wikang Pambansa.
• Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P.
Laurel upang mangulo sa bayan sa kanilang "pamatnubay."
• Natutong gagarin ng mga manunulat ang
* Matitimpi ang pagpapahayag ng paksa.
* Nag sasalaysay ng madulang pangyayari.
* Walang balangkas ang kwento.
Ang paksa ay nauukol sa iba't-ibang karanasan sa buhay ng tao.
* Gumagamit ng mga payak na pangungusap kaya madaling maunawaan.
Mga Katangian ng mga akda sa panahon ng hapon
* Sumisentro sa buhay sa lalawigan o pagsasaka o pangingisda.
* Ugali ng mga hapon na pagiging tapat sa kanilang bansa at
pagkakaroon ng dangal sa sarili at bansa.
Tema ng panitikan sa panahon ng hapon
3 URI NG TULA
1. Tulang may malayang taluturan na kinagigiliwan ng mga hapones.
2. May labing pitong pantig
1st (tatultod): limang pantig 2nd(tatultod): Pitong pantig 3rd (tatultod):
limang pantig
3. Karaniwang maiikli ngunit nagtataglay ng matatalingbagang
kahulugan.
Tutubi Hila mo'y tabak... Ang
bulaklak, nanginig! Sa
paglapit mo
Ulilang damo Sa tahimik na
ilog...
Halika, sinta.
TUTUBI ANYAYA
TANAGA
• May sukat at tugma
• Bawat taludtod ay may pitong pantig
• Nagtataglay ng isang tugmaan A-A-A-A, ngunit ang mga
bagong tanaga ngayon ay kakikitaan narin ng mga tugma
na inipita-A-B-B-A, salitan A-B-A-B, at sunran A-A-B-B.
Palay
Palay siyang matino Nang Humangi'y yumuko,
Kabibi
Kabibi, ano kaba?
May perlas, maganda ka
Kung diit sa tainga
Tag-init
Alipatong lumapag Sa lupa- nagkabitak Sa kahoy- nalugayak sa Puro naglagablab!
PALAY
Payak at simple at walang sukat at tugma.
May apat na taludtod sa isang saknong.
KARANIWANG TULA
Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi ito
makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan
minsan ay may impit na hikbi.
Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang
siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang
batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw
Uhaw, ng na lupa tigang
Palagi niyang niyang namamalas namamalas a ang pagsasalita ng ama habang
nagmamakinilya, ang pagbabasa nito, pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng
sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang
labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga
mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik
Isang gabi'y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang dibdib at
ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi
ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.
Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang
pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi
ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay "Sapagkat
ako'y nakalimot".
Si Liwayway A. Arceo (mangangatha,
nobelista, mananaysay, tagasalin-wika,
editor), ayon sa isang kritikong
gumawa ng pag-aaral noong 1979 sa
kanyang mga katha ng dekada 40, ay
feminista na bago pa "nauso" ang
katagang iyon.
Liwayway A. Arced
.Sa mga aklat ni Liwayway A. Arceo na nasa ika-3 limbag na, namumukod ang sosyo-
ekonomikong nobela, ang Canal de le Reina (1985) na isinalin sa Japanese (1990) at
dinaluhan ng awtor ang paglulunsad sa Tokyo. Samantala, patuloy na muli't muling
inilalathala ang kanyang premyadong maikling katha, ang klasiko nang "Uhaw ang
Tigang na Lupa" (1943), na itinuturing na panulukang-bato ng makabagong maikling
kuwentong Tagalog.
Ang dedikasyon ni Liwayway A. Arceo sa Panulatan ay nagsanga sa Panitikang
relihiyoso at espiritwal nitong huling 13 taon, na nagbunga sa kanyang Catholic
Author's Award (1990) mula sa Asian Catholic Publishers. Kabilang pa rin sa kanyang
mga gawad ang Life Achievement Award sa Panitikan (1994) mula sa Komisyon ng
Wika, ang Gawad CCP sa Literatura (1993), at ang Doktorado sa Humane Letters,
honoris causa (1991) mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.