Iba't ibang konseptong pangwika_Komunikasyon at Pananaliksik.pptx
MaamMeshil1
0 views
109 slides
Oct 15, 2025
Slide 1 of 109
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
About This Presentation
Konseptong Pangwika
Size: 3.96 MB
Language: none
Added: Oct 15, 2025
Slides: 109 pages
Slide Content
Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Filipino FILIPINO 11
WIKA YUNIT I- MGA KONSEPTONG PANGWIKA
WikaTrivia
WIKA Kahulugan ng Wika Katangian ng Wika Pinagmulan ng Wika Teorya ng Wika Varayti at Varyasyon ng Wika Tungkulin at Gampanin ng Wika Antas ng Wika
KAHULUGAN NG WIKA WIKA - Tumutukoy sa sistematikong instrumento ng pagpapahayag ng kaalaman , paniniwala , opinyon, damdamin at iba pa, ng isang grupo ng tao. - Ang wika ay gamit sa komunikasyong binubuo ng mga letra , simbolo o pananda at panuntunan sa balarila - Daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi , lipi , at lipunan.
“Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga tao kabilang sa isang kultura.” Henry Gleason KAHULUGAN NG WIKA
“Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng kaisipan , damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kilusang loob na kaparaanan sa lumikha ng tunog .” Sapiro KAHULUGAN NG WIKA
Weiten 2007 “ Ang wika ay binubuo ng kahulugan . Binubuo rin ito ng mga patakaran at pinagsasama-samang mga simbolo na makabubuo nang walang katapusan at iba't ibang mensahe “
Ang Wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan . Mangahis et. al. 2005
“ Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di- berbal .” KAHULUGAN NG WIKA Bernales, et. al. 2002
Daluyan ng Pagpapakahulugan TUNOG SIMBOLO KODIPIKADONG PAGSULAT GALAW KILOS
tunog simbolo mula sa paligid , kalikasan , at mula sa tunog na binigkas ng tao . biswal na larawan , guhit , o hugis na kumakatawan sa isa o maraming kahulugan .
Kodipikadong pagsulat sistema ng pagsulat . Hal. Cuneiform o Tableta (Sumerian) Papyrus (Egyptian) heiroglyp ( Sinaunang Ehipto , Griyego at romano ) baybayin (Tagalog) buhid (Mindoro)
galaw kilos ekpresyon ng mukha , kumpas ng galaw at galaw ng katawan na nagpapahiwatig ng mensahe o kahulugan . Kung ano ang ipinahihiwatig ng isang ganap na kilos ng tao .
Katangian ng Wika
Ang wika ay masistemang balangkas Lahat ng wika ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas . Ang sistemang ito ay nahahati sa tatlo : ang palatunugan o ponolohiya , ang palabuuan o morpolohiya at ang palaugnayan o sintaksis . KATANGIAN NG WIKA KATANGIAN NG WIKA
Ang wika ay sinasalitang tunog . Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Bawat wika ay may kanya-kanyang set ng mga makahulugang tunog o ponema . KATANGIAN NG WIKA
Ang wika ay arbitraryo . Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. BAHAY Balay Ilokano Casa Chavacano Bay Tausog House Ingles Harong Bikol KATANGIAN NG WIKA
Ang wika ay ginagamit. Wika ang pinakaimportanteng kasangkapan sa komunikasyon. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Bawat wika ay may naiibang katangian na hindi matatagpuan sa iba sapagkat may mga bagay na bahagi ng isang kultura. KATANGIAN NG WIKA
Leksikon ng Wikang Filipino sa Terminong Agrikultural Rice (Ingles) Palay (unhusked rice) Bigas (uncooked rice) Kanin (cooked/steamed rice) Malagkit (glutinous rice) Pinawa (brown rice) Sinangag (fried rice) Bahaw ( kaning lamig ) Tutong (overcooked) Lugaw (rice porridge) Tsamporado (rice porridge with cocoa) Suman (cooked glutinous rice with coconut milk wrapped in leaves) KATANGIAN NG WIKA
Ang wika ay dinamiko o nagbabago . Alinmang wika sa mundo ay tunay na nagbabago , napapalitan , lumalago o nadaragdagan . Ang pagbabagong ito ay inaayon sa hinihingi ng pagbabago ng panahon. KATANGIAN NG WIKA
Lahat ng wika ay pantay-pantay Masasabing walang wikang superior o nakatataas sa iba pang wika sa bansa sapagkat lahat ng wika sa daigdig ay pantay-pantay at sinasabing nakabatay sa kultura at kalinangan bilang pag-unlad. KATANGIAN NG WIKA
PAGSUSULIT!
Isaliksik ang mga sumusunod: Pinagmulan ng wika Biblikal na batayan National evolution Theory 2. Teorya ng wika TAKDANG-ARALIN NO. 1
WikaTrivia WikaTrivia
Pinagmulan ng Wika
Biblikal na Batayan Ang wika ay bigay ng Panginoong lumikha . Ipinahayag sa Genesis 2:20 na binigyan ng Diyos si Adan ng tungkuling pangalanan ang lahat ng nilikha sa mundong ibabaw kabilang sa tungkuling ito na pangalagaan ang lahat ng nilalang sa daigdig . Ito ay nagpapatunay na may likas na kakayahan ang taong gumamit ng wika. PINAGMULAN NG WIKA
Biblikal na Batayan Genesis 11-1-9 – Tore ng Babel PINAGMULAN NG WIKA
National Evolution Theory Teoryang Makaagham o Ebolusyonaryo Ito ay isang makabagong pananaw na nakabatay sa teorya ng ebolusyon ni Charles Darwin. Ang wika ay bunga ng unti-unting pag-unlad ng kakayahang mag- isip at magsalita ng mga sinaunang tao . Nagsimula sa mga tunog (grunts, gestures, body language) hanggang sa pagbuo ng mga salita at estruktura ng wika PINAGMULAN NG WIKA
National Evolution Theory Naniniwala ang mga siyentipiko na habang lumalawak ang karanasan ng tao , lumalawak din ang kanyang bokabularyo at paggamit ng wika . Hindi ito biglang nabuo , kundi proseso ito ng pag-unlad sa loob ng libo-libong taon . PINAGMULAN NG WIKA
Mga Teorya ng Wika
1. Tore ng Babel Iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t alang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao . Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos , naging mapagmataas at nag- ambisyong maabot ang langit at nagtayo ng pagkataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao , subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang maka - pangyarihan kaya sa pamamagitan ng
ng kaniyang kapangyarihan , ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi na nagkaintindihan at naghiwahiwalay ayon sa wikang sinasalita . (Genesis 11:1-9)
2 . Teoryang Bow-wow Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay nagmula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan at hayop . Halimbawa : Tunog ng kulog Ihip ng hangin “ arf , arf !” “aw-aw!” MGA TEORYA NG WIKA
3 . Teoryang Pooh-pooh Ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sa bunga ng masidhing damdamin tulad ng sakit , tuwa , sarap , kalungkutan , takot , pagkabigla at iba pa. Halimbawa : Hu! Hu! Hu! Ouch! MGA TEORYA NG WIKA
4 . Teoryang Yo -he-ho Pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano sa kanyang piwersang pisikal . Pagsuntok hu-hu-hu Pangarate ya-ya-ya Pagbubuhat ng mabibigat o-o-o-p-s MGA TEORYA NG WIKA
5 . Teoryang Dingdong Ayon sa teoryang ito, may sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa kapaligiran ; mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana dambana , tunog ng tren , relos at iba pa. Halimbawa : Boom | Blag | Ring | Pak Pak MGA TEORYA NG WIKA
7 . Teoryang Ta-ta Ayon sa teoryang ito, ginagaya ng dila ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat sitwasyon ay ginagaya ng dila at nagging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y magsalita . Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga naming nagpapaalam ay kumakaway ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta . MGA TEORYA NG WIKA
8 . Teoryang Ta-ra- ra - bom -de-ay Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag- uugat sa kanilang nililikha sa mga ritwal , kung saan ang pakikidigma , pagluluto , paglalaba , paglilinis ng bahay ay sinasabayan ng awit , sayaw , bulong o incarnations at pagsigaw . Paghele ng bata habang nagluluto Paglinis ng bahay habang kumakanta Paglalaba habang kumakanta MGA TEORYA NG WIKA
Magsanay tayo ! Paghele Ta-ra- ra -boom-de-ay Taginting ng barya Ding-dong Pag- aray Pooh-pooh Lagapak ng sampal Yo -he-ho Tikatik ng ulan Bow-wow MGA TEORYA NG WIKA
Magsanay tayo ! Ihip ng hangin Bow-wow Ritwal Ta-ra- ra -boom-de-ay Lagapak ng sampal , Yo -he-ho Pagsuntok Yo -he-ho Aray – Pooh-pOOH MGA TEORYA NG WIKA
Isaliksik ang sumusunod ang kahulugan ng sumusunod: TAKDANG-ARALIN NO. 2 Dayalek Sosyolek Idyolek Etnolek Ekolek Jargon Pidgin Creole Jargon Creole
Tumutukoy sa pagbabago ng isang wika dulot ng heograpikal , sosyal at personal na aspeto ng taong gumagamit nito . VARAYTI NG WIKA 1 Baryasyon
Tumutukoy sa wika na resulta ng pagbabagong naganap sa isang wika . Ito ay sangay ng isang wika na may ibang paraan ng paggamit , bigkas , bokabularyo atbp . VARAYTI NG WIKA 1 Barayti
Dahil ang wika ay ginagamit sa Lipunan ng tao , natural lamang na ito ay lumikha ng baryasyon bunga nito ay nagkakaroon ng barayti o iba’t ibang uri ng wika . Lahat ng wika sa daigdig ay may barayti dahil sa pagkakaiba-iba ng gumagamit hanggang sa pook na pinag-ugatan nito . Samakatuwid , walang wikang magkatulad . VARAYTI NG WIKA 1
Ito ay ginagamit sa isang partikular na rehiyon , lalawigan o pook , malaki man o maliit . ( Dimensyong Heograpiko ) VARAYTI NG WIKA 1 Dayalekto
Halimbawa : VARAYTI NG WIKA 1 Pakiurong nga po ang plato . Bulacan – hugasan Pakiurong nga po ang plato . Maynila - iusog Dayalekto
Halimbawa : VARAYTI NG WIKA 1 Tagalog - Anong pangalan mo ? Kapampangan - Nanong lagyu mo ? Ilokano - Anya ti nagan mo ? Bisaya - Unsa imu ngalan ? Tausog - Unu ing ngan mo ? Bikolano - Ano ang ngaran mo ? Dayalekto
DAYALEKTO: Barayti ng wika na nalilikha ng dimensyong heograpiko . Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon , lalawigan o pook . Halimbawa : Naga – Mahigoson ka talaga , Andres! Sorsogon – Maparangahon ka nagad , Andres! Naga – Magayonon ka, Marita! Iriga – Naggayon na ka, Marita!
Barayti ng isang wika sa pagkakaiba-iba ng grupo o pangkat sa lipunan. (Social Group/Dialect) VARAYTI NG WIKA 2 SOSYOLEK Wika ng mga estudyante Wika ng matatanda Wika ng mga preso Wika ng mga bekimon / Gay Lingo
SOSYOLEK: Barayti ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan . Halimbawa nito ay wika ng mga estudyante , wika ng matatanda , wika ng mga kababaihan , wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat . Halimbawa : 1. Mag- malling muna kaya tayo gurl bago mag-edit ng video presentation. 2. Wow pare, ang tindi ng tingin mo sa chick! 3. Repapips , etneb na lang ang pera ko .
VARAYTI NG WIKA 2 SOSYOLEK Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day! Kosa pupuga na tayo mamaya . Wow pare, ang tindi ng tama ko ! Heaven! Mare, punta tayo mamaya sa Mega . Me jamming dun, e.
IDYOLEK Ito ay natatangi at espisipikong paraan ng pagsasalita ng isang tao . Personal na dayalek ito ng isang tao na nagiging marka o pagkakakilanlan niya . Halimbawa : Paraan ng pananalita nina Kim Atienza, Noli de Castro, Kris Aquino, at Gus Abelgas
Barayti ng wika batay sa mga pangkat etnolingguwistiko . (Ethnic Dialect) VARAYTI NG WIKA 4 ETNOLEK MGA PANGKAT ETNIKO SA PILIPINAS: IFUGAO 4. IRANUN 7. BADJAO IBALOY 5. MARANAO 8. SUBUNEN IVATAN 6. T’BOLI
MGA HALIMBAWA NG ETNOLEK NA SALITA: 1. Bagnet - sitsarong gawa sa Iloko 2. Vakuul - pantakip sa ulo ng mga taga -Batanes o Ivatan 3. Batok - tradisyonal na paraan ng pagta -tattoo mula sa Kalinga 4. Kadai Herayo - Sayaw sa kasal
Barayti ng wika na nalilikha sa tahanan . (Ecological Dialect) Tumutukoy sa mga salita , kataga o mga pararirala na ginagamit ng bawat miyembro ng pamilya sa loob ng bahay . VARAYTI NG WIKA 5 EKOLEK
Ang jargon ay mga tanging bokabularyo ng isang particular na pangkat ng Gawain o trabaho . Halimbawa : Antidepressant (medical) Tenure (batas) Balance, revenue, net income (accountancy) VARAYTI NG WIKA 7 Jargon
Ang pidgin ay tinatawag sa Ingles na nobody’s native language. Nagkakaroon nito kapag ang dalawang tao na tagapagsalita ng dalawang magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng kumbersasyong makeshift . VARAYTI NG WIKA 7 Pidgin
Madalas ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang estruktura naman ay mula sa isa pang wika. Pansinin ang pananagalog ng Instik sa Binondo . VARAYTI NG WIKA 7 Pidgin Suki, ikaw bili tinda mura. Ako wara masamang barak … (Japanese na nagtatagalog ) Ako lugi na wag ka na tawad …
Ang creole naman ay isang wikang unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized). Nagkaroon nito sapagkat may komunidad ng mga tagapagsalita ang nag- aangkin dito bilang unang wika. VARAYTI NG WIKA 8 Creole
Ito ang mga barayti ng wika na nadebelop o nabuo dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal , mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay nagging pangunahing wika ng particular na lugar . Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano ). VARAYTI NG WIKA 8 Mi nombre – Ang pangalan ko Di donde lugar to? - Taga saan ka?
Panuto : I. Basahin ang mga sumusunod na halimbawa at tukuyin kung anong barayti ng wika ang mga sumusunod . PAGSUSULIT 8
1. Pakiurong nga po ang plato . 2. Suki, ikaw bili tinda mura. 3. Bagnet 4. Mag- malling muna kaya tayo gurl bago mag-edit ng video presentation. 5. “Ang buhay ay weather weather lang.” PAGSUSULIT 8
Panuto : II. Ibigay ang hinihinging sagot sa bawat pahayag . PAGSUSULIT 8
6. Tumutukoy sa pagbabago ng isang wika dulot ng heograpikal , sosyal at personal na aspeto ng taong gumagamit nito . 7. Tumutukoy sa wika na resulta ng pagbabagong naganap sa isang wika . 8. Mga tanging bokabularyo ng isang particular na pangkat ng Gawain o trabaho . PAGSUSULIT 8
9. Ang creole naman ay isang wikang unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika (nativized). 10. Madalas ang leksikon ng kanilang usapan ay hango sa isang wika at ang estruktura naman ay mula sa isa pang wika . PAGSUSULIT 8
III. Sanaysay 11-15. Ipaliwanag kung bakit nagkakaroon ng Iba’t ibang Barayti ang Wika, PAGSUSULIT 8
Antas ng Wika
PORMAL Pambansa Pampanitikan DI-PORMAL Lalawiganin Kolokyal Balbal ANTAS NG WIKA
Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala , tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral sa wika. PORMAL ANTAS NG WIKA
PORMAL 1 PAMBANSA Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/ pambalarila sa lahat ng mga paaralan. ANTAS NG WIKA
simbahan ina pamahalaan silid-aklatan tagapayo mapagmahal magulang palatuntunan ANTAS NG WIKA
PORMAL 2 PAMPANITIKAN o PANRETORIKA Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan . Ito ang mga salitang karaniwang matatayog , malalalim,makulay at masining . ANTAS NG WIKA
Magkadaupang-palad Matatayog na gusali Pagninilay-nilay Ilaw ng tahanan Haligi ng tahanan ANTAS NG WIKA
Ito ang salitang karaniwan , palasak , pang- araw - araw na madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan . DI-PORMAL ANTAS NG WIKA
DI-PORMAL 1 LALAWIGANIN Ito ang mga bokabularyong dayalektal . ANTAS NG WIKA Salita Rehiyon Kahulugan Inday Bisaya Magandang dalaga Magayon Bikol Maganda
DI-PORMAL 2 KOLOKYAL Ito ang pang- araw - araw na salita o pina- ikling salita na ginagamit sa pagkakataong impormal . ANTAS NG WIKA Meron Naron Pa’no Sa’yo Antay Kelan
DI-PORMAL 3 BALBAL Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Ito rin ang pinakamababang antas ng wika na madalas marinig sa mga usapang kalye . ANTAS NG WIKA
Sa isinagawang pag-aaral ni Smith, Uses of Language (1977) binanggit niya ang sumusunod na puna : Frank Smith GAMPANIN NG WIKA
2 GAMPANIN NG WIKA Higit na napag-aaralan ang wika sa mga tunay na karanasan sa komunikasyon. 1 Ang kasanayan sa isang tungkuling pangwika ay nangangahulugan ng kasanayan sa iba pa. 3 Hindi lamang isang tungkulin /gamit pangwika ang nagagamit sa isang pagkakataon . Maari ring dalawa o higit pa.
5 GAMPANIN NG WIKA Kailangang nagsasalita ang tagapakinig at kailangang nagsusulat ang mambabasa. 4 Isa lamang alternatibo ang wika (pasalita at pasulat ). Kinakailangang gamitin ang kombinasyon ng wika at iba pang alternatibo tulad ng pagkilos , pagkumpas , pagsasalarawan , at ekspresyon ng mukha .
Tungkulin ng Wika
TUNGKULIN NG WIKA Interaksyonal Regulatori Instrumental Personal Imahinatibo Heuristik Impormatib
Sa Explorations in the Functions of Language in M.A.K Halliday (1973), binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay. Ang pitong tungkulin ng wikang tinutukoy ni Halliday ay binigyan ng mga halimbawang madalas na gamitin sa pasalita at pasulat na paraan . M.A.K Halliday TUNGKULIN NG WIKA
Nakapagpapanatili / Nakapagpapatatag ng relasyong sosyal . 1 INTERAKSYONAL PASALITA Pagbati Pagpapaalam Panunudyo PASULAT Liham-Pangkaibigan Paghihiwalay Pagtanggap TUNGKULIN NG WIKA
Tumutugon sa pangangailangan. 2 INSTRUMENTAL PASALITA Pakiki-usap Pag- uutos PASULAT Liham-Pangangalakal Pagsulat ng liham aplikasyon TUNGKULIN NG WIKA
Kumokontrol o gumagabay sa kilos/ asal ng iba . 3 REGULATORI PASALITA Pag- ayon Pagtutol Pagbibigay ng direksyon PASULAT Panuto Paalala o babala TUNGKULIN NG WIKA
Nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. 4 PERSONAL PASALITA Pormal /Di- pormal na talakayan PASULAT Liham sa Patnugot TUNGKULIN NG WIKA
Nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan . 5 IMAHINATIBO PASALITA Pagsasalaysay Paglalarawan PASULAT Pagguhit ng larawan hango sa mensahe ng isang teksto TUNGKULIN NG WIKA
Naghahanap ng impormasyon / datos . 6 HEURISTIK PASALITA Pagtatanong Pakikipanayam PASULAT Sarbey Pananaliksik TUNGKULIN NG WIKA
Nagbibigay impormasyon / datos . 7 IMPORMATIB PASALITA Pag- uulat Pagtuturo PASULAT Ulat Pamanahong -papel TUNGKULIN NG WIKA