Ikalawang Markahan-Modyul 1: Mitolohiya: Pagsusuri at Paghahambing
DinalynCapistrano2
1 views
34 slides
Oct 08, 2025
Slide 1 of 34
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
About This Presentation
Elemento ng kultura:
Ang sumusunod ay ang pito (7) sa pangunahing elemento ng kultura.
1. Kaugalian (Norms)
Ito ay ang mga asal, gawi o kilos na nagiging pamantayan ng isang
indibiduwal kung paano siya gagalaw sa lipunan.
Apat uri ng norms:
Folkways
Ito ay ang pangkalahatang batayan ng no...
Elemento ng kultura:
Ang sumusunod ay ang pito (7) sa pangunahing elemento ng kultura.
1. Kaugalian (Norms)
Ito ay ang mga asal, gawi o kilos na nagiging pamantayan ng isang
indibiduwal kung paano siya gagalaw sa lipunan.
Apat uri ng norms:
Folkways
Ito ay ang pangkalahatang batayan ng normal na pagkilos ng mga
tao sa isang lipunan. Halimbawa, sa Pilipinas, pangkaraniwan na sa
mga bisita na iwanan sa labas ng bahay ang kanilang mga tsinelas.
Mores
Ito ay mas mahigpit na batayan ng kilos, kung saan natutukoy ang
moralidad ng isang tao sa lipunang kaniyang ginagalawan.
Halimbawa, dapat magsuot ng maayos na damit sa tuwing
nagsisimba.
Taboos
Ang taboos naman ay ang paglabag sa mga mores, kung saan ang
moralidad ng isang tao ay hindi angkop sa dapat na kilos.
Halimbawa, pagsuot ng maikling shorts kapag magsisimba.
Batas
Ito naman ang batayan ng kilos na ipinatupad ng kinauukulan para
sundin ng mga mamamayan. Ito ay kalimitang pormal at nakasulat
sa konstitusyon.
2. Pagpapahalaga (Values)
Tumutukoy naman ito sa pamantayan ng lipunan kung ano ang mga
gawaing katanggap-tanggap at ano ang mga kilos na hindi kanais-nais. Basehan
din ito sa kung ano ang tama at mali, at kung anong mga kilos ang mabuti at
nararapat. Halimbawa, ang pagmamano ng mga bata sa nakakatanda.
3. Paniniwala (Beliefs)
Ito ay ang mga pananaw, ideya o kaisipan na tinatanggap sa lipunan
bilang totoo. Halimbawa, ang pananalig at paniniwala ng ibang tao sa mga
Albularyo.
4. Simbolo (Symbols)
Ang simbolo ay maaring mga materyal na bagay na nagbibigay ng
kahulugan. Maari din itong paggamit ng di-berbal na komunikasyon. Sa
pamamagitan ng mga simbolo, nabibigyan ng kahulugan ang isang bagay kahit
hindi ito gamitan ng wika. Halimbawa ng bagay na nagbibigay ng kahulugan ay
ang Krus. Para sa iba, ito ay tanda ng pagsasakripisyo ni Kristo upang tubusin
tayo sa ating mga kasalanan; Ang magandang halimbawa naman ng simbolo na
gumagamit ng hindi berbal na kumunikasyon ay sign language at pagkumpas
(gestures). 5. Wika (Language)
Ang wika ang pinakamabisang paraan ng komunikasyon. Ang wika ay
maaring nasa anyo ng sulat o bigkas. Mahalaga ang wika sa lipunan sapagkat
sa pamamagitan nito, mas nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang bawat
indibiduwal.
6. Sining at Panitikan (Arts and Literature)
Ang sining at panitikan ay ang produkto ng imahinasyon ng mga tao. Sa
pamamagitan ng dalawang ito, mas naipapahayag ng bawat tao ang kanilang
emosyon at nararamdaman sa mas masining na paraan. Mahalaga ang sining at
panitikan sa kultura sapagkat sa pamamagitan nito, naipapakita at naipapasa
ng mga naunang henerasyon ang ganda na nakaraan.
7. Relihiyon (Religion)
Ang relihiyon ay ang paniniwala at pananalig ng mga tao sa mga
ispiritwal na bagay, tao, o pangyayari, partikular na sa mga Diyos. Sa ibang
lugar, ito ang nagiging sentro ng kultura sapagkat dito nakabase ang kanilang
kaugalian, pagpapahalaga at mga paniniwala. Ang halimbawa ng relihiyon ay
Hudaism
Size: 26.68 MB
Language: none
Added: Oct 08, 2025
Slides: 34 pages
Slide Content
Maglaro Tayo!
Panuto : Hulaan ang wastong salita batay sa mga larawan MITOLOHIYA
Panuto : Hulaan ang wastong salita batay sa mga larawan MUNDO
Panuto : Hulaan ang wastong salita batay sa mga larawan BATHALA
Panuto : Hulaan ang wastong salita batay sa mga larawan DAIGDIG
Panuto : Hulaan ang wastong salita batay sa mga larawan DYOSA
Mitolohiya : Pagsusuri at Paghahambing Ikalawang Markahan - Modyul 1
Mga Layunin nailalahad at naipaliliwanag ang pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan a naisasama ang isang salita sa iba pang salita upang makabuo ng iba pang kahulugan ; b nakabubuo ng sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood /nabasa; at c naihahambing ang napanood / nabasang mitolohiyang Pilipino sa mitolohiyang Kanluranin d
Balikan Natin! 3 1 _________1. Naglalaman ng sinaunang mga kuwento / pantasya . ________2. Mga Diyos at Diyosa at mga kakaibang nilalang . _________3. Nagbibigay-kaalaman ito ng tunay na kaganapan sa paligid . _________4. Gumagamit ng iba’t ibang elemento tulad ng tauhan , banghay at iba pa sa pagbuo ng istorya . _________5. Ginagamit ang iba’t ibang pandama upang tumulong sa paglalarawan ng tauhan at tagpuan .
Share Mo ‘Yan!
Basahin Natin! 3 Noong una ay wala pa ang ating daigdig pati ang ating mga ninuno at kalikasan . Pawang kadiliman lamang at wala ni isa mang nilalang . May isang nabubuhay lamang at iyon ay tinatawag na Bathala . Malungkot si Bathala sa kaniyang pag-iisa . ARAW AT GABI
“ Napakalungkot ng nag- iisa . Kailangang lumalang ako ng isang daigdig na paglalagyan ko ng aking mga nilalang ,” ang sabi sa sarili ni Bathala . Dito na nagsimulang umusad ng paglalang si Bathala . Pinagdaop niya ang kaniyang mga palad at saka ito hinipan . Sa kaniyang pag-ihip ay nagsimulang humubog ang isang napakalaking bilog
Ito ang daigdig . Nilalang din niya ang isang buwan bilang tanglaw sa daigdig . Nilalang din niya ang maraming mga hayop na ikinalat sa buong daigdig . Pagkatapos ay lumalang din siya ng mga tao at inilagay sa gawing kanluran sa isang maliit na bahagi ng daigdig .
Masaya na ang Bathala sapagkat nakikita na niya ang daigdig at ang kanyang mga nilalang . Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng ito , napaidlip siya . Nang magising , nakita niya ang mga nilalang na lamig na lamig dahil puro yelo na ang paligid . Buwan lamang kasi ang tuma - tanglaw at walang init itong naibibigay sa mga nilalang
“A.! Kailangang lumalang ako ng bagay na makapagbibigay-init .” Muling pinagdaop ni Bathala ang mga palad at saka hinipan . Mula sa kaniyang pag-ihip , lumitaw ang isang bolang apoy . Inilagay niya ito sa itaas , sa tapat ng mundo . Sumigla ang mga tao sampu ng mga hayop at halaman sapagkat lumiwanag na nang napaka - liwanag , higit sa taglay na liwanag ng buwan .
Natulog na muli ang Bathala . Habang siya ay natutulog , muling nabalisa ang kaniyang mga nilalang . Ang mga halaman at ang mga puno ay nangatuyot at ang mga tao ay init na init. Lagi na lamang ang araw ang kanilang nararamdaman . Nang magising si Bathala , nakita niya ang nangyari . “ Kailangang gawan ko ito ng paraan ,” ang sabi sa sarili ng Bathala .
Hinawakan niya ang daigdig at iniikot nang dahan-dahan . Ang kalahati na lamang ang iniharap niya sa araw habang iniikot niya ito . Nahati ang init at ang lamig . Kapag ito ay nasa sikat ng araw , ang mga nilalang ay masasayang nagsisigawa ng kanilang nais na gawin . Mula noon ay naging matiwasay ang takbo ng daigdig at naging panatag na rin si Bathala
Pag- usapan Natin! Sino ang pangunahing tauhan ? 2. Bakit siya lumalang ng iba’t ibang bagay? 3. Anong suliranin ang kinaharap ng mga nilalang niya ?
Pag- usapan Natin! 4. Paano ito nasolusyunan ? 5. Kanino mo maihahalintulad si Bathala sa kasalukuyang panahon ? Bakit? 6. Ano ang maipapayo mo sa mga taong katulad ni Bathala na may mga nasasakupang dumaranas ng mga problema ? Ipaliwanag
Takdang-Aralin Basahin ang SURIIN sa pahina 7 ng modyul 1 at sagutin ang mga tanong na : 1. Ano ang mitolohiya ? 2. Bakit mahalaga ang mitolohiya ? 3. Ano-ano ang elemento ng mitolohiya ? 4. Basahin at unawaing mabuti ang isang halimbawa ng mitong mula naman sa Kanlurang bahagi ng mundo (west) na pinamagatang “Paano Nagkaanyo ang Mundo?” sa pahina 6 ng modyul 1.
Panuto : Isulat ang BUONG PANGALAN ni Ma’am Dayna kung TAMA ang pahayag at isulat naman ang BUONG PANGALAN ng iyong kaaway kung ito ay MALI. Ang mitolohiya ay isang tradisyonal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong pasulat . Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na mythos na ang ibig sabihin ay kuwento . Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang Latin na mythos na ang ibig sabihin ay kuwento . Ang banghay ay kabilang sa mga elemento ng mito . Wala pang naitalang anumang kwentong mito sa Pilipinas .
Talakayin Natin! Ang mitolohiya ay isang tradisyonal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong oral. Mitolohiya = Mythos Kwento = natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.
Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakakatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon , apoy , kidlat , pagkagutom , pagbaha at kamatayan
Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari . Sa mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon . Nagtuturo rin ito ng aral at nagpapaliwanag ng kasaysayan . Mahalaga rin ito upang maipahayag ang takot at pag-asa ng sangkatauhan Bakit Mahalaga ang Mitolohiya ?
Elemento ng Mitolohiya 27 TAUHAN TAGPUAN BANGHAY TEMA
28
0 Puntos Sa iyong kwaderno , itala ang hinahanap ng bawat bilang : 1. Kahulugan ng mito . 2. Kahulugan ng mitolohiya . 3. Dalawang mito na ating pinag-aralan at/o binasa . 4. Bakit mahalaga ang mitolohiya ? 5. Ano ang apat (4) na elemento ng mitolohiya ? Paghahati ng Gawain
1-3 Puntos Paghahati ng Gawain Panuto : Lagyan ng tsek ang bawat kahon kung ang mga ito ay naipapakita sa mitolohiyang binasa at sagutin ang mga ss. na katanungan : Ano ang mga katangiang iba sa mitolohiyang kanluranin ? 2. Isulat ang mga katangiang parehong taglay ng mitolohiyang Pilipino at mitolohiyang kanluranin . 3. Ano ang masasabi mo batay sa ginawang paghahambing ? May nabuo bang konklusyon sa isipan ? ipaliwanag .
Paghahati ng Gawain
Magsulat Tayo! Sa isang buong papel , sumulat ng isang tula (4 na saknong pataas ) na naglalahad ng pagsusuri sa mga mitong ating tinalakay . Gawing gabay ang mga sumusunod na katanungan upang mabuo ang pagsusuri . Taglay ba ng tauhan ang pagiging diyos at diyosa na nag may kakaibang kapangyarihan ? 2. Saan at kalian naganap ang mga pangyayari ? ilarawan . 3. Tukuyin ang tuon o pokus ng mga pangyayari o banghay ilahad o isalaysay ang pagkakasunod-sunod 4. Ano ang tema o paksa ang tinatalakay sa mitolohiya ? 33