Ancient wisdom flows through every page,
Stories of struggle, strength, and sage.
Infinite voices, rich and profound,
Artful truths in silence found.
Narratives born of land and sea,
Legacies shaped by history.
Images painted with graceful prose,
Tales where myth and meaning rose.
Echoes of dynasti...
Ancient wisdom flows through every page,
Stories of struggle, strength, and sage.
Infinite voices, rich and profound,
Artful truths in silence found.
Narratives born of land and sea,
Legacies shaped by history.
Images painted with graceful prose,
Tales where myth and meaning rose.
Echoes of dynasties, dreams, and flame,
Rooted deeply in culture and name.
Across the world, they light the mind,
Through every line, new truths we find.
Unity found in diverse expressions,
Reading them deepens our reflections.
Evermore, let their voices be heard—every verse, every word.
Edited
Palasyo sa rebelasyon ng mga Discaya: 'Ayaw ni PBBM mag-name drop nang walang basehan!'
Nagkomento ang Malacañang sa mga rebelasyong isinawalat ng mga Discaya sa pagdinig ng Senado sa isyu ng flood control projects nitong Lunes, Setyembre 8, 2025.
Sa panayam ng media kay Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Claire Castro nitong Lunes, nilinaw niyang hindi raw nanaisin ng Pangulo na magbanggit ng mga pangalang isasangkot sa isyu ng flood control projects kahit na walang basehan.
"Ang nais ng Pangulo ay malawakang pag-iimbestiga at malaman talaga natin ang katotohanan. Ang ayaw lang ng Pangulo ay yung magne-name drop nang walang ebidensya," ani Castro.
Matatandaang kabilang sa mga pinangalanan ni Curlee Discaya na pumuporsyento umano sa budget ng kanilang kontrata sa flood control projects ay si House Speaker Martin Romualdez na pinsan ni PBBM at Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co.
“Karamihan sa mga kawani ng DPWH na nabanggit sa itaas ay paulit-ulit na binabanggit ang delivery ng pera ay para kay Zaldy Co, na dapat ay at least 25%,” ani Curlee.
Saad pa niya, “Si Cong. Marvin Rillo naman ay ilang beses binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kaniyang malalapit na kaibigan.”
Saad pa ni Castro, hindi rin umano nangangahulugan na ang lahat ng mga pangalanang nabanggit ay totoong sangkot sa nasabing isyu.
"Sabi nga natin, mahirap na basta-basta mag-name drop. Kailangan kumpleto ang ebidensya nila at ang mga nabanggit na pangalan ay ma-iimbestiga. Hindi naman ibig sabihin na ang lahat ng nabanggit ay talagang guilty na at pwede nang akusahan ninoman," anang PCO Undersecretary.
Kailangan din daw ng sapat na ebidensya para sa nasabing mga pahayag.
"Kailangan talaga mabigyan ang mga witnesses na may kinalaman sa mga facts o data about this, kailangan nila ng protection. Hindi naman 'yan ipagkakait ng pamahalaan," saad ni Castro.
Dagdag pa niya, "Ang mga binanggit ng mga Discaya ay makakatulong. Ang mas gusto natin ay kumpleto. Para sinuman ang involved ay maisama."
Size: 16.34 MB
Language: none
Added: Sep 08, 2025
Slides: 16 pages
Slide Content
MGA TIPO NG MANILEÑO Iprinisenta ni : Yvy Grace B. Ojeñar
MGA TAUHAN Simoun Padre Salvi Tadeo Camaroncocido Tio Quiko Makaraig, Pecson, Sandoval, at Isagani,
MGA TAUHAN Simoun Isang mayamang alahero na may lihim na balak at bahagi ng isang plano na nagaganap sa likod ng palabas. Siya ay may mahalagang papel sa mga kaganapan at kumausap sa mga taong kahina-hinala. Padre Salvi Isang pari na tutol sa pagtatanghal ng operetang Pranses dahil itinuturing niya itong labag sa moralidad at malaswa.
MGA TAUHAN Tadeo Isang mapagpanggap na estudyante na nagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa kanyang pagkakakilala sa mga kilalang tao. Isa siya sa mga nasa labas ng teatro na nagbibigay-aliw sa kanyang kasama sa pamamagitan ng kanyang mga kwento. Dahil wala sila Basilio, sa kanya ibinigay ang sobrang tiket ng mga mag-aaral para makanood sa teatro. Camaronconcido Isang Kastilang pulubi na namumuhay nang walang pakialam sa paligid. Kilala siya sa kanyang kakaibang hitsura at pamumuhay, at lagi siyang naroroon sa mga kaganapan sa Maynila.
MGA TAUHAN Tiyo Quicko Isang maliit na Pilipinong naglalako ng mga anunsyo ng mga palabas at kaibigan ni Camaroncocido. Siya ay kilala sa kanyang masiglang personalidad at kakaibang anyo. Makaraig, Pecson, Sandoval, at Isagani Mga kabataang estudyante na dumating sa teatro na may sobrang tiket. Inimbitahan nila si Tadeo na sumama sa kanila sa loob.
Ang tagpuan ng kabanata ay sa Teatro de Variendades kung saan ginaganap ang pagtatanghal ng mga Pranses . TAGPUAN
Talasalitaan sa El Filibusterismo Kabanata 21 Opereta – Isang uri ng dula na may kantahan at sayawan na karaniwang may temang komedya o romantiko . Teatro de Variedades – Isang tanyag na lugar ng aliwan sa Maynila kung saan ginanap ang pagtatanghal ng mga opereta at iba pang mga palabas na dinadaluhan ng iba’t ibang uri ng tao . Amerikana – Isang uri ng kasuotan , karaniwang pang- opisina o pormal na pangyayari . Hudyat – Senyas o palatandaan na nagpapahiwatig ng isang aksyon o pangyayari . TALASALITAAN
Sa gabi ng pagtatanghal sa Teatro de Variedades , punong- puno ang lugar at agad na naubos ang mga tiket . Nasa paligid si Camaroncocido , isang Kastilang pulubi na namumuhay na tila walang pakialam , at si Tiyo Kiko, isang maliit na Pilipinong naglalako ng mga anunsyo ng mga palabas . Sinabi ni Camaroncocido kay Tiyo Kiko na ang malaking kita mula sa palabas ay mapupunta rin sa mga pari dahil sa kanilang impluwensya . BUOD
Hati ang opinyon ng mga taga -Maynila tungkol sa palabas . Ang mga pari , tulad nina Padre Salvi, ay tutol dito dahil itinuturing nila itong masagwa at labag sa moralidad . Samantala , may mga taong nagtanggol sa palabas , kabilang na ang mga opisyal ng hukbo at mga taong nais magpakita ng kanilang kaalaman sa wikang Pranses . Dahil sa usaping ito , naging tampulan ng atensyon ang mga pangalan nina Kapitan Heneral , Simoun , Quiroga, at mga artista . BUOD
Habang nagmamasid si Camaroncocido , napansin niya ang mga taong tila hindi sanay sa kanilang mga kasuotan at mukhang nagmamatyag . Sa isang pagkakataon , nakita niyang lumapit ang mga ito sa isang karwahe kung saan lulan si Simoun , at narinig niya ang usapang may kaugnayan sa isang hudyat na “ isang putok ,” na nagpapahiwatig ng isang maselang balak na nagaganap sa likod ng palabas.Narinig din ni Camaroncocido ang usapan ng dalawang tao na nagsabing ang mga pari ay mas makapangyarihan kaysa sa Heneral , at tila ang kanilang mga galaw ay may kinalaman sa isang mas malalim na plano. Bagaman naaawa si Camaroncocido sa nangyayari sa bayan, pinili niyang huwag makialam at mananatiling walang paki . BUOD
Samantala , sa labas ng dulaan , nagkakalat ng kasinungalingan si Tadeo sa isang baguhang kasama , ipinapakitang kilala niya ang mga kilalang tao sa paligid at pinagmamalaking kaibigan niya ang mga ito . Dumating din sina Doña Victorina, Paulita Gomez, Juanito Pelaez, at iba pang kilalang personalidad tulad nina Padre Irene at Don Custodio. Nang dumating sina Makaraig , Pecson, Sandoval, at Isagani, inalok nila si Tadeo at ang kanyang kasama na sumama sa kanila dahil may sobra silang tiket . Agad na sumama si Tadeo, ngunit ang kanyang kasama ay nag- alinlangan at nagpaiwan dahil sa takot na makaistorbo . BUOD
Nagkaroon ng marangyang pagtatanghal ng “Les Cloches de Corneville” sa Teatro de Variedades na pinuntahan ng maraming tao, at agad na naubos ang mga tiket, na nagpakita ng mataas na interes ng mga taga-Maynila sa palabas. MAHAHALAGANG PANGYAYARI Si Camaroncocido, isang Kastilang pulubi na namumuhay nang walang pakialam, ay nagmasid sa paligid kasama si Tiyo Kiko. Nalaman nila na ang kita mula sa palabas ay mapupunta sa mga pari dahil sa impluwensya ng mga ito.
Hati ang opinyon ng mga tao tungkol sa palabas. Ang mga pari, tulad nina Padre Salvi, ay tutol dito at itinuturing na laban sa moralidad, samantalang may mga sumusuporta naman dito, tulad ng mga opisyal ng hukbo at mga taong nais magpakitang-gilas sa wikang Pranses. MAHAHALAGANG PANGYAYARI Habang nagmamasid, napansin ni Camaroncocido ang mga kahina-hinalang tao na tila may balak na masama. Narinig niya ang usapan tungkol sa hudyat na “isang putok,” na nagbigay ng indikasyon na may nakaambang plano sa likod ng pagtatanghal.
Sa labas ng teatro, si Tadeo ay nagpapanggap at nagkakalat ng kasinungalingan sa kanyang kasama tungkol sa mga kilalang tao sa paligid, nagpapakita ng kanyang ugali na mapagpasikat. Nang dumating sina Makaraig at ang mga kasama nito, inimbitahan nila si Tadeo na sumama sa kanila sa loob dahil may sobra silang tiket. MAHAHALAGANG PANGYAYARI
MENSAHE AT ARAL Ang kabanata ay nagpapakita ng malaking impluwensya ng mga prayle sa lipunan, na kahit sa mga aliwan tulad ng teatro ay nagagawa nilang kontrolin ang opinyon ng publiko, nagpapahiwatig na ang kapangyarihan ng simbahan ay laganap sa lahat ng aspeto ng buhay ng mga tao. Ipinapakita rin ng kabanata ang pagkakawatak-watak ng lipunan ng Maynila; may mga taong sumusunod sa dikta ng mga prayle at may mga sumasalungat dahil gusto nilang ipakita ang kanilang kalayaan, na sumasalamin sa mas malawak na isyu ng pagnanais ng mga Pilipino na makalaya mula sa impluwensya ng kolonyal na pamahalaan. Ang kawalang pakialam ni Camaroncocido sa kabila ng kanyang kaalaman sa mga nangyayari ay nagsisilbing paalala na ang kawalan ng aksyon at interes sa mga isyung panlipunan ay maaaring magpahintulot sa patuloy na pang-aabuso at kawalan ng hustisya sa lipunan.