charellehoneydumyaas
0 views
22 slides
Oct 15, 2025
Slide 1 of 22
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
About This Presentation
KAHALAGAHAN NG PAGGAWA SA BUHAY MGA TAO.
Size: 988.73 KB
Language: none
Added: Oct 15, 2025
Slides: 22 pages
Slide Content
Modyul 3: Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao ( Ikalima )
Mga Layunin : Naipapaliwanag ang kahulugan at layunin ng paggawa . Napapahalagahan ang paggawa at sakripisyong ginagawa ng kanilang mga magulang sa kanilang pamilya . Nasusuri ang paggawang nagtataguyod ng dignidad ng tao . Nakabubuo ng sintises tungkol sa kabutihang naidudulot ng paggawa gamit ang panayam o pagsasaliksik .
Subukin ( PaunangPagtataya ) Panuto : Basahing mabuti ang bawat pangungusap at isulat ang Tama kung ito ay totoo at Mali kung hindi . Ilagay ang sagot sa kahit anong pirasong papel . _________1. Gumagawa ang tao upang mabigyan ng kabuluhan ang kanyang pag-iral . _________2. Kailangang ituon lamang ng tao ang kanyang sarili sa Pagtatrabaho upang kumita ng pera para sa kanyang pangangailangan . _________3. Ang paggawa ay may panlipunang aspektong unit maaaring ihiwalay ng tao ang kanyang personal na mga hangarin dito . _________4. Ang paggawa ay isang obligasyon . _________5. May mga tao na ang paggawa na lamang ang saysay ng kanilang pag-iral . _________6. Mahalagang parang iisang taong kumikilos ang lahat. _________7. Ang pakikipagkapwa ang tunay na panlipunang layunin ng paggawa . _________8. Ang paggawa ay para sa sariling kapakinabangan . _________9. Ang gawain ng tao ay likas na nakaugnay sa kapwa . _________10. Hindi magbubunga ang pagsisikap ng tao kung wala ang kanyang kapwa .
“ Napaglilingkuran ko ang ating bayan.” Ito ang sagot ng isang sundalo sa isang pastor sa tanong nito kung bakit pinili niyang maging sundalo sakabila ng panganib ng ganitong trabaho . Iilan kaya sa mga kabataang tulad mo ang may ganitong motibasyon sa pagpili ng trabaho sa hinaharap ? Sa anumang gawaing naitakda mong gawin , isinaalang-alang moba ang kabutihang maidudulot nito sa iba - sa pamilya , paaralan , o pamayanan ?
Bakit nga ba mahalaga ang paggawa sa tao ? Ano ang mabuting maidulot nito sa ating pagkatao ?
Ang paggawa ay pinakamahalagang bahagi sa buhay ng tao . Ang halaga ng paggawa at ang batayan para sa dignidad ng paggawa ay nakasalalay sa tao mismo . Ito ay nagbibigay halaga at karangalan sa kanya sa kanyang paggawa . Ang tao ay nakakakuha o nakakaranas ng kaligayahan at nakakaramdam ng kagalingan mula sa kanyang ginagawa . Si Saint John Paul II ay may naisulat tungkol dito sa kanyang encyclical labor emexercens noong 1981.
1. Bakit kailangang maghanapbuhay ng tao ? Para kumita Para mapagyaman ang talento Para maabot ang pangarap
Paggawa ay tinukoy bilang isang " aktibidad o gawain kung saan ang isang tao ay nagsisikap o gumagamit ng lakas at faculties na gawin o upang maisagawa ang isang bagay “ (Merriam-Webster) Maaari itong mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay . Maaari rin itong sa larangan ng ideya , katulad ng pag-iisip ng patalastas o anunsiyo ng produkto at komersiyal o pagsusulat ng aklat . Maaaring may sahod , katulad ng pagtatrabaho sa isang kompanya o establishment. Maaaring walang bayad , katulad ng pagsagawa ng mga gawaing bahay .
Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa . Kung tayo ay gumagawa , hindi tayo gumagalaw o kumikilos lamang tulad ng hayop o makina . Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa .
Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (institute for development education, 1991)
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng talento , pagsisikap , oras at material na bagay at ang produkto nito ay magbubunga ng pagbabago sa anumang bagay . Halimbawa : Ang isang karpintero na gumawa ng isang mesa ay nakapagbigay ng ibang saysay sa kahoy na kaniyang ginamit upang maging kapaki-pakinabang para sa tao . Kung wala ang mga ito , ang kilos ay hindi matatawag na “ paggaw ”
Panuto : Pumili ng isang gawain sa buong lingo at gumawa ng malikhaing dokumentaryo gamit ang tsart sa ibaba . Maaaring lakipan ng sariling larawan at palagdaan sa iyong mga magulang /guardian. Gawin ito sa short bond paper Larawan ng pagsagawa/ Tala ng Gawain Naramdaman sa paggawa ng gawain Naramdaman pagkatapos gawin Kinalabasan ng gawain Lunes : Naghugas ng pinggan Sa totoo lang ayaw ko sanang gawin ito dahil medyo marami akong dapat gawin na mga Gawain sa paaralan . Natuwa ako pagkatapos kong maghugas at makita ko na malinis na ang mga plato namin . Nakatulong ako na mabawasan ang gawain ng aking mga magulang at natuwa pa sila dahil sa dami ng aking mga gawain nagawa ko pa rin ng aking obligasyons aaraw-araw . JUAN T. TAMAD ASHER L. LEAGOSO Pangalan Magulang /Guardian
Ang Mga Layunin ng Paggawa 1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan . 2. Upang makibahagi sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya . 3. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan .
Ang Mga Layunin ng Paggawa 4. Upangtulungan ang mganangangailangan . 5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (meaning) ang pag-iral ng tao .
Panuto : Gumawa ng liham pasasalamat sa mga magulang sa lahat ng kanilang nagawa at ginagawa sa inyong pamilya . Isulat sa short bond paper o construction paper. Lagyan ng desinyo at pairalin ang pagkamalikhain sa pagsagawa nito . Bilang pagpapatunay na nabasa ng iyong ama o ina ang ginawang liham ipatala ang kanilang lagda sa ibaba ng liham .
Ang Obheto at Subheto ng Paggawa ( Ikaanim na Linggo )
Obheto: ay ang kalipunan ng mga gawain , resources, instruments, at Teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto . Ito ay tumutukoy sa panlabas na aspeto ng paggawa na kung saan ay ang mga paraan at ang produkto o kinalabasan ng paggawa . Ang mga ito ay inurisa : Ang mga produktong gawa – produkto , makina , kagamitan , programa at teknolohiya Ang mga serbisyong ibinigay – pagtatanim at pag-aani , pagtuturo , pagluluto , serbisyong pampaganda , doctor na nanggagamot ng pasyente , janitors na naglilinis ng mgasilid .
Subheto : sa pang- subhetibong kahulugan , ang paggawa ay ang aktibidad ng tao bilang isang aktibong nilalang na may kakayahang magsagawa ng iba't ibang mga paraan na bahagi ng proseso ng paggawa . Ang gumagawa ang pinakamahalagang bahagi ng paggawa kasama dito ang kanyang pakikisangkot sa kasalukuyang gawain . Ang halaga sa gawain ng tao ay hindi nakasalalay sa output o produkto ( obheto ) kundi sa ahente o sa gumagawa nito ( subheto ). Ang tao na malikhain , matalino , masipag , gumagawa na may layunin , nagbibigay ng dignidad sa kaniyang paggawa . Tao ang nagbibigay halaga sa paggawa . Tayo ay gumagawa para sa ating sarili at para sa kumunidad na ating kinabibilangan .