Kaligirang_Pangkasaysayan_Tanka_Haiku.pptx

JennyAnnBorot 0 views 27 slides Sep 08, 2025
Slide 1
Slide 1 of 27
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27

About This Presentation

TULA


Slide Content

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku

Ano ang Tanka at Haiku? - Mga uri ng tulang mula sa bansang Hapon - Gumagamit ng tiyak na bilang ng pantig

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka - Nagsimula noong ika-8 siglo ( Panahong Manyoshu ) - Tanka: nangangahulugang ' maikling awit ' - Paboritong gamitin ng mga aristokrata sa paglalakbay , pag-ibig , at kalikasan - Karaniwang binubuo ng 31 pantig (5-7-5-7-7)

Mga Katangian ng Tanka - Pinapahayag ang emosyon at damdamin - Madalas tungkol sa pag-ibig , kalikasan , at pagbabago ng panahon - Mas malaya kaysa haiku

Kaligirang Pangkasaysayan ng Haiku - Umusbong noong ika-15–16 na siglo - Nanggaling sa Hokku, panimulang linya ng mas mahabang tula ( Renga ) - Pinangunahan ng makatang si Matsuo Basho - Binubuo ng 17 pantig (5-7-5)

Mga Katangian ng Haiku - Tumutok sa kalikasan , panahon , at kasalukuyang sandali - Gumagamit ng kigo ( salitang nagsasaad ng panahon ) - Maikli ngunit malalim

Paghahambing : Tanka vs. Haiku | Aspekto |Tanka | Haiku | | Pantig | 31 (5-7-5-7-7) | 17 (5-7-5) | | Tema | Emosyon , pag-ibig , kalikasan | Kalikasan , panahon , sandali | | Panahon | Ika-8 siglo | Ika-15–16 siglo |

Konklusyon - Ang Tanka at Haiku ay nagpapakita ng kultura at pagpapahalaga ng mga Hapon - Hanggang ngayon , ginagamit pa rin upang ipahayag ang damdamin at pagmamasid sa kalikasan

1. Kailan nagsimula ang Tanka sa kasaysayan ng panitikan ng Hapon? a. Ika-5 siglo b. Ika-8 siglo c. Ika-15 siglo d. Ika-16 siglo

2. Ano ang ibig sabihin ng salitang Tanka ? a. Maikling awit b. Maikling kuwento c. Maikling pagninilay d. Maikling aral

3. Ilang pantig ang bumubuo sa Tanka? a. 14 pantig b. 17 pantig c. 31 pantig d. 21 pantig

4. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing tema ng Haiku? a. Pag- ibig at damdamin b. Kalikasan at panahon c. Karunungan at kabayanihan d. Politika at lipunan

5. Sino ang itinuturing na pangunahing makata ng Haiku? a. Sei Shonagon b. Matsuo Basho c. Yosa Buson d. Ki no Tsurayuki

Answer Key I. Multiple Choice b. Ika-8 siglo a. Maikling awit c. 31 pantig b. Kalikasan at panahon b. Matsuo Basho

Sanggunian - Mga aklat sa Panitikan - Mga online na sanggunian

Pabula

Ang pabula ay isang uri ng kuwentong may aral na kadalasang mga hayop , bagay , o puwersa ng kalikasan ang mga tauhan . 

Kung ang tawag sa manunulat ng  maikling kwento  ay ‘ Kwentista ’, ang tawag naman sa manunulat ng pabula ay ‘ Pabulista ’.

Sinasabing nagsimula ang mga pabula sa sinaunang Griyego , kung saan si   Aesop  ang tinaguriang "Ama ng mga Pabula ," at ginagamit ito upang magbigay ng mga magagandang aral sa buhay . 

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan , buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak . Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito . “Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad ?” buong kayabangan ni Agila. Kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon .

“ Sige ! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?” Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya . “Aba, nasa sa iyon ‘ yan . Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila. Napatingin ang Maya sa kalawakan . Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan , natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan .

“ Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit anong bagay . Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak .” Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya , bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito . “O ano, Agila, payag ka ba?” untag ni Maya.

“Aba oo , payag na payag ako .” “ Sige doon tayo mag- uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa tuktok ng mataas na bundok na iyon ,” wika pa ni Maya. Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya subalit hindi siya nagpahalata . At sisimulan nga nila ang paligsahan . Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan . Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto . Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya .

Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito . Napabilis ang lipad ni Maya. Dahilan sa pangyayari , unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.

Aral Huwag maging mayabang . Huwag maliitin ang kakayahan ng iba . Maging mapagpakumbaba anuman ang ating ginagawa . Gamitin ang talino sa tamang paraan .